"Bakit sobrang tahimik?" Hindi mapakaling tanong ni Qiao Anxia kay Chen
Yang. Pero dahil ito ang una nilang pagkakataon na magwitness sa isang
nanganganak, umiling lang ito para sabihing wala rin itong ideya.
Nanatili lang si Lu Jinnian sa kanyang kinatatayuan, pero sa totoo lang, halos
hindi na siya makahinga sa sobrang kaba.
"Wala naman sigurong nangyaring masama, diba?" Nagaalalang tanong ni
Zhao Meng.
"Oo, wala naman siguro." Sagot ni Chen Yang.
Kagaya ng lahat, hindi rin mapalagay si Xu Jiamu kaya kinakabahan din itong
nagsalita, "Pero bakit sobrang tahimik nila sa loob?"
At sa pinaka hindi inaasahang pagkakataon, biglamg humirit ang assistant,
"May narinig akong balita na may isang doktor daw na sikretong tumakas ng
delivery room kasi aksidente niyang napatay yung magina…"
Kaya si Lu Jinnian, na kakakalma lang dahil sa walang tigil na pagbubunganga
ni Qiao Anxia, ay muling nanginig sa takot, at habang nasa kalagitnaan ang
lahat ng pagtatanong, bigla siyang tumakbo papunta sa pintuan ng delivery
room at muli itong pinagsisipa. Sa sobrang lakas, kitang kita ang panginginig
ng salamin, na kung magtutuloy-tuloy pa ay siguradong mababasag na.
Pero noong mabubuksan niya na ito, biglang umalingawngaw ang isang
malakas na "Waaaaah" galing sa loob.
Sobrang lakas at tining ng iyak, kaya lahat sila ay biglang natigilan.
"Buhay siya! Buhay ang baby!" Sa sobrang saya ni Qiao Anxia, bigla niyang
niyakap ang assistant ni Lu Jinnian, na nakatayo sa tabi, at nagtatatalon, kaya
nang makita ito ni Chen Yang, bigla siyang hinila nito at niyakap.
Maging ang assistant ay hindi na rin napansin kung anong nangyari at
masayang sinabi, "Mr. Lu, nanganak na si Miss Xiao Qiao…"
Hindi rin napigilan ni Zhao Meng na magsalita sa sobrang saya, "Sa wakas
nanganak na si Qiao Qiao!"
Si Jiamu naman, na sobra ring kinabahan, ay biglang nakahinga ng maluwag.
"Uncle na ako!"
Samantalang ang tatay, na si Lu Jinnian, ay parang biglang naging estatwa,
na hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito.
At noong bubuksan na nila ang pintuan, saktong may isang nurse na lumabas
na may yakap-yakap na malinis na sanggol. "Congratulations Mr. Lu, lalaki po
ang baby ninyo."
"Patingin ako, patingin ako!"
At noong sandaling yun, ang grupo ay sabay-sabay na kinuyog ang nurse.
"Ahhh, grabe ang cute niya!"
"Oo nga, ang lambot lambot niya…"
"Ahhh, nginitian niya ako!"
Sa wakas nahimasmasan na rin si Lu Jinnian, pero imbes na silipin muna si
Little Rice Cake, nagmamadali siyang pumasok sa delivery room at dumiretso
sa kama.
Tumambad sakanya ang Qiao Anhao na sobrang putla at halos maligo na sa
pawis. Nakapikit ito at base sa lalim at tagal ng pagitan ng paghinga ng
asawa, ramdam na ramdan niya ang pagod nito.
Kaya dali-dali niyang hinawakan ang kamay nito, "Qiao Qiao…"
Nang marinig ni Qiao Anhao ang boses ni Lu Jinnian, dahan-dahan siyang
dumilat, at noong nakita niya ang itsura nito na halatang sobrang nagaalala,
biglang nawala ang lahat ng takot na nararamdaman niya. Pinilit niyang
ngumiti at malambing na sinabi, "Sobrang sakit."
At dahil dito, lalong hinigpitan nbi Lu Jinnian ang pagkakahawak niya sa
kamay ni Qiao Anhao at paulit-ulit na tumungo. "Sorry." Pagkatapos, dahan-
dahan niyang nilapit ang kamay nito sa kanyang mga labi para halikan,
habang umiiyak. "Wag na tayong gumawa ng baby ulit."
Habang sinasabi ito ni Lu Jinnian, ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang
panginginig ng kamay nito, at kahit sandali palang silang magkahawak, halos
mapiga na ang kamay nito sa sobrang pawis….Ibig sabihin, mas kinabahan
pala si Lu Jinnian kaysa sakanya habang nanganganak siya...
Kaya ang sakit na naramdaman niya noong lumabas si Little Rice Cake ay
biglang nawala at napalitan ng saya….