Mabilis pumunta sa elevator si Lu Jinnian at pinindot ang boton ng elevator. Habang tumataas ang elevator mula sa first floor, lalo rin siyang na ba bahala. Tapos tumigil ito sa fourth floor. Galit na pinidot ito ni Lu Jinnian. Agad na umikot si Lu Jinnian at naglakad hagdan.
-
Nang matapos ni Qiao Anhao makipag-usap kay Lin Shiyi, kalmado siyang bumalik sa kasabay ng pagtatapos na binigay ng direktor na 10 minuto. Nagsimula na sila sa shooting sa pangalawang pagkakataon.
Maganda ang condition ni Song Xiangsi gaya ng unang eksena. Marahil si Qiao Anhao ay na labas na ang gusto niyang sabihin, kaya nasa mabuting siyang condition mas maganda ito sa una.
Tumango ang direktor sa pagganap nila at contento ito sa pag-arte nila. Sumenyas ito na pumasok si Lin Shiyi sa eksena.
Nang sumenyas ang direktor kay Lin Shiyi tila may iniisip ito, kaya hindi nito na pansin. Dahilan para magtaka ang direktor sumenyas ulit ito pero hindi pa rin gumalaw si Lin Shiyi. Bandang huli nababahalang pinuntahan siya ng manager niya at tinulak. Saka lang ito naglakad papunta sa set.
Tila hindi maganda ang condition ni Lin Shiyi pero hindi ito ka pansin-pansin. Nang mag kaharap na sila tatlo, gaya ng una, masama pa rin ang tingin ni Lin Shiyi kay Qiao Anhao.
"Cut cut cut!" Sigaw ng direktor, tinaas nito ang microphone. Sinigawan nito si Lin Shiyi, "Lin Shiyi, anong bang problema mo? Dalawang BESES mo ng inulit ang pagkakamali mo? Hindi ba sinabi ko sayo tignan mo si Song Xiangsi. Si Song Xiangsi ang karibal mo hindi si Qiao Anhao. Walang kang galit sa kanya!"
Simple lang ang eksena pero dalawang NGs na. Kaya hindi naka pagtataka kung bakit galit ang direktor.
Dahil sa Sinigawan si Lin Shiyi wala siyang magawa kung hindi humingi ng tawad. "Sorry, sorry, direk, sorry talaga."
Wala ng paki-alam ang direktor sa paghingi niya ng tawad. Sumenyas nalang ito na ayusin ulit ang props sa crew.
Hindi naman na sira ang make-up ng tatlo pero tinignan pa rin ito ng make up artist.
Maraming tao sa paligid ni Song Xiangsi. Hinayaan niyang ayusan siya nito. Dumating ang inaasahan niyang si Lu Jinnian.