webnovel

Ang Karma niya (10)

編輯: LiberReverieGroup

Ang pagkakasabi ng direktor ay tila get-out-of-hell-free card. Naka hinga ng maluwag si Lin Shiyi at sumandal siya lamesa sa likod ng café.

Ito na ang pinaka-bangungot ng acting career niya.

Nang akala ni Lin Shiyi tapos na ang bangungot niya, bigla may nagsalita nula sa malayo. "Sun Zheng, kailan pa bumaba ang standards mo?"

Sun Zheng ang pangalan ng direktor.

Naka tuon ang pansin ng direktor sa filming na hindi niya na pansin na dumating si Lu Jinnian sa set. Matapos marinig ang mga salita ni Lu Jinnian agad lumingon ang direktor. Nakita ng direktor ang masamang ekspresyon nito kasabay ng pagtingin sa tatlong babae na nasa set. Pumunta siya kung na saan ang monitor.

Hindi rin napansin ni Qiao Anhao si Lu Jinnian. Agad siyang natigilan ng marinig ang boses nito. Sumulyap siya bago yumuko, tumayo lang siya at hindi gumalaw.

Kabaligtaran ito kay Song Xiangsi, tila natutuwa pa ito makita ang ganitong drama. Kita ang tuwa sa kanyang mata at pinipigilan matawa kay Lu Jinnian.

Naka hinga na ng maluwag si Lin Shiyi matapos ang eksena pero agad din itong marahas na sinita.

Ang lahat ay tuktok kay Lu Jinnian.

Nang lumapit si Lu Jinnian at siyang tinawag ng direktor, "Mr. Lu."

Walang sinayang na oras si Lu Jinnian at tinignan ang eksena. Lalomg sumama ang kanyang ekspresyon. Agad niyang tinuro ang screen.

Agad niya sinabi sa direktor, "Hindi maganda ang pag-arte ni Lin Shiyi, Bakit hindi mo ito sinabi dati? Hindi ako naglagay ng maraming pera sa TV series na ito para lokohin ang manonood. Iniinsulto niya ang talino ng manonood! Kahit sino mas magaling pang umarte sa kanya!"

Hindi nagpapigil sa masasakit at direktang salita si Lu Jinnian. Hindi malakas ang boses niya pero rinig ito ng lahat.

Namutla ang agad ang mukha ni Lin Shiyi.

Maging ang mga taong naroon ay pigil hinga.

Masyadong marahas ang mga sinabi niya... Kahit ano pa ang screen, maraming taon na din naging artista si Lin Shiyi, para sabihan na walang kwenta ni Lu Jinnian.

Pinagpawisan ang direktor at bahagyang tumawa ng kaunti kay Lu Jinnian, "Paano kaya kung ganito Mr. Lu, ituloy natin ang TV series at hayaan natin ayusin mo muna ni Lin Shiyi ang sarili niya bago ng re-shoot.