webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · 综合
分數不夠
32 Chs

Chapter 6

~**~

C H A P T E R S I X

Gusto kong mag-relax. Magdala ka ng maraming pagkain. Sinend ko na sa'yo yung list ng mga gusto ko. Gusto ko yung luto mo mismo. May pupuntahan tayo. Hihintayin kita sa labas ng building.

Yan ang text ni Lian. Kaya heto ako ngayon, imbes na uuwi ako sa Mama ko ngayong rest day eh nagluluto ako ng mga suggested foods ni Lian. Ako lang ang mag-isa sa dorm dahil nag-uwian sa kanya kanyang bahay ang apat, like what we normally do when it's Sunday. Free from school and work.

Matapos kong ihanda ang mga pagkain, nilagay ko na sa picnic basket. Spicy chicken, nachos, fries and grilled beef lang naman ang request ng amo. Yeah, lang.

Sa labas ng building, sa mismong tapat ng Exit, may itim na lamborghini ang nag-aabang. Nakababa ang bintana sa driver's seat kaya nakita ko agad si Lian na nakasuot ng sunglasses.

Ngumisi siya pagkakita sa akin.

Palihim kong pinuri ang itsura niya.

Dala dala ang may kalakihang basket, nagpunta ako sa kotse niya. Bago pa nga ako makalabas nag-offer ang isa sa mga guards na tulungan ako sa pagbitbit subalit tumanggi ako. Kayang kaya ko naman kahit na medyo may kabigatan.

"Mabuti pa yung guard ang gentleman, nag-offer ng tulong. Samantalang yung isa dyan, hay ewan ko ba," parinig ko habang pumapasok sa kotse ni Lian.

"Hoy, anong ginagawa mo dyan sa likod?" tanong niya habang nakatingin sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror. "Dumito ka sa tabi ko! Mamaya may makakita sabihin driver mo ako."

"And so?"

"Maraming maiinggit sa'yo. Biruin mo isang napakagwapong L ang driver mo? Saan ka nakakita ng driver na ganito kaganda ang katawan?" He then pulled up his black shirt, revealing his sexy abs. Nag-effort pa talaga siyang humarap para lang ipakita sa akin yun.

Tiningnan ko ang ibinabalandra niyang sexy abs pero hindi ko pinahalatang namangha ako rito.

"Yan na ba ang ipinagmamalaki mo?" pang-aasar ko sa kanya. And I can't help but to grin widely.

Akala ko ako ang makakapang-asar. Ngunit...

"Gusto mo ipakita ko sa'yo ang tunay na ipinagmamalaki ko?" Then he flashed his evil grin.

Naglaho ang nang-aasar na ngiting naka-plaster sa mukha ko. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko.

Sinubukan ko siyang suntukin sa mukha pero mabilis niyang nakuha ang kamay ko. Nabitawan niya tuloy ang damit kaya natakpan na naman ang sexy abs niya. See you next time, nice view!

***

Kahit nagsasapakan kami sa biyahe, salamat sa Poong Maykapal at ligtas kaming nakarating sa lugar na ito. Hindi ko alam kung nasaan kami exactly. Basta nasa somewhere in Tagaytay kami. At kami lang ang tao dito. Ang ganda nga ng paligid eh. Parang paraiso. May malinis na pond at sa gitna non ay may tulay, kung saan kami nakatambay ngayon. Pinalatag sa akin ni Lian ang dala niyang blanket at doon kami naupo.

"Nakaka-relax talaga dito!" nakangiting sabi ni Lian habang nag-i-stretching.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko habang nagtatali ng buhok. Mahangin kasi at napapagod na akong hawiin ng hawiin ang buhok ko.

Parang sikreto, o di kaya naman siguro mangilan ngilan lang ang nakakaalam sa napakagandang lugar na ito. O baka naman alam ng lahat, ayaw lang puntahan dahil katakot takot ang dadaanan mong gubat bago ka makarating dito.

Pero worth it na worth it ang struggle namin ni Lian kanina. Mabuti nalang nga hindi ako pala-heels kapag naggagala lang, eh. Hindi pa naman sinabi ni Lian na dadaan kami sa gubat.

"Secret," ang sinagot niya.

Hinayaan ko nalang. Masyadong maganda ang ambiance ng lugar para makipagtalo pa.

Trees, flowers and butterflies are everywhere. Ang ganda talaga! Tuwang tuwa ako kapag may dadapong paru-paro sa kamay ko. Aba, sobrang bihira ko lang makakita ng paru-paro sa city. Aside from those, presko ang hangin. Tapos relaxing din ang tunog ng paligid. The chirping birds... ah this place is awesome!

Pagtingin ko kay Lian, nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Inalis ko ang ngiti sa aking labi.

Umiling iling siya. "Wala naman."

And I wonder how long he's looking at me.

"Lian," tawag ko sa kanya at kumurap kurap.

"May kailangan ka. Ano yun?"

"Ang dami mong pinagawa sa akin. Ang dami mong pinaluto tapos pinaglakad mo ako ng malayo at sa mapuno."

"Tapos?"

"Pinaglatag mo pa ako ng blanket. Ginagawa mo talaga akong alila, ano?"

He almost rolled his eyes. "Ano ba kasing gusto mo?"

Hinawakan ko siya sa siko at hinila palapit sa akin. Sumandal ako sa balikat niya at halos pabulong na sinabing, "Patulog muna ako saglit, huh?"

Pumikit ako.

Kanina pa ako antok na antok sa biyahe. At ngayon di ko na talaga mapigilan.

Hinaplos niya ang buhok ko. Ayun ang huli kong natandaan bago ako tuluyang nakatulog.

Paggising ko, isang nakabukang palad ang una kong nakita. Sa pag-aakalang may ginagawang kalokohan si Lian, tinabig ko ang kamay niya. Bigla naman akong napapikt sabay napatakip sa mga mata ko dahil nasilaw ako sa sinag ng araw.

"Yan kasi," rinig kong sabi ni Lian.

"Akala ko kasi may kalokohan kang ginagawa." Nang idilat ko muli ang mga mata ko, hindi na palad ang nakaharang sa sinag ng araw. Kundi si Lian na mismo. Nakaluhod siya at nakahawak pa siya sa balikat ko na para bang inaalalayan ako.

I stared at him. In-imagine ko kung ano ang posisyon namin habang natutulog ako. Nakasandal ako sa balikat niya tapos ipinangharang niya ang palad niya sa tapat ng mga mata ko para di ako masilaw sa sinag ng araw. Aww, ang sweet naman pala ng unggoy.

Sinuot sa akin ni Lian ang cap niya tapos humiga siya at ginawang unan ang lap ko.

"Ayos ka din, ano?" asik ko matapos kong itaboy ang ulo niya.

"Ikaw nga nilawayan yung damit ko nagreklamo ba ako?" Bumalik na naman siya sa pagkakaunan sa lap ko.

Kinapa ko ang gilid ng bibig ko. "Wala namang basa ah."

"Malamang natuyo na. Amuyin mo balikat ko amoy laway mo."

"Leche."

"Subuan mo ko ng chicken, slave. Spicy ba 'yang niluto mo?"

"Oho, Kamahalan." Binuksan ko ang basket at kinuha ang tapperware na may lamang spicy chicken. Kumuha ako ng isa at sinamual sa bibig niya.

Nagreklamo ang unggoy. "Himayin mo naman!"

"Ano ka nakauto? Ginawa mo na ngang unan yang mga hita ko tapos paghihimayin mo ako ng chicken? Manigas ka!" Pinunas ko sa damit niya ang mantika sa kamay ko.

Bumangon siya at iritado akong sininghalan, "Kadugyutan mo, Xiana! Nilawayan mo na nga ako pinahiran mo pa ako ng mantika ng manok! Kapag ako nainis maghuhubad ako dito!"

Tumingin muna ako sa manok na hawak niya dahil natatawa ako sa reaksyon ng mukha niya. "Edi maghubad ka!"

"Tss. Wag na! Pagnanasahan mo na naman katawan ko." Humiga ulit siya at umunan sa mga hita ko. Inabot niya ulit sa akin ang chicken. "Di ka susunod? Ilang araw nalang official contract signing na. Sige ka. Ikaw din."

Padabog kong inagaw sa kanya ang manok at sinimulan ng himayin. Napatili ako dahil pinahid niya sa pisngi ko ang mantika sa mga daliri niya na nakuha niya sa paghawak sa pritong manok.

Isusungalngal ko sana sakanya ang manok kaso... "Di ko pipirmahan ang contract!"

"Ha-ha! Ang ganda ng panakot mo, eno?" sarkastik na sabi ko sa kanya.

Ngumanga siya kaya sinubo ko na sa kanya ang nahimay kong spicy chicken. Sarap ng buhay ng unggoy! May tagahimay na, may taga subo pa.

Habang pinapakain ko si Lian, di ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. At mapaisip.

"Bakit mo nga pala ako dinala dito?" tanong ko nang hindi na nakatiis.

Nilunok niya muna ang pagkain bago sumagot. Tinaas niya ang kamay niya. Akala ko papahiran na naman ako ng mantika sa mukha. Ayun pala, hinila niya pababa ang bill ng cap. And that helped. Hindi na ako totally nasisilaw sa sinag ng araw.

"This is my happy place," sabi niya. "Pero na-realize ko ang tahimik kapag ako lang ang nagpupunta dito. Hindi na happy. Kaya naisip kong ikaw ang isama ko dahil sigurado magiging maingay."

Natawa ako. Na-touch. Na-overwhelm. Biruin niyo, sa dami ng kaibigan niya ako ang naisip niya?

"Kaya simula ngayon masanay ka na. Once na magustuhan kong bumalik dito, bibitbitin kita." He smiled genuinely.