webnovel

Bloody Count

Patungo ang walong magkakaibigan sa bahay bakasyunan ng binatang si Louis upang ipagdiwang ang kaarawan nito. Nguni't sa kasamaang palad inabot sila ng malakas na bagyo kaya napagdisisyunan nilang maghanap muna ng matutuluyan. Nadiskubre nila ang bayan ng San Fidel pero hindi nila alam ang panganib na nagbabadyang mangyari sa kanila sa lugar na iyon. Kinabukasan, napansin nilang nawawala ang isa sa kanilang kaibigan. Pinilit nilang hanapin ito nguni't may nadiskubre silang itim na sikrero na naghatid sa kanila sa kapahamakan. By counting in reverse, Everyone should run.. Everyone should hide.. Because if not, They will suffer and die.

HyacinthFroster · 灵异恐怖
分數不夠
4 Chs

Chapter 3

Kadiliman ang bumalot sa paligid nang imulat ni Jonna ang kaniyang mga mata. Inikot niya ang kaniyang paningin at tanging ilaw lamang ng buwan mula sa bintana ang naaaninag niya. Hula niya ay nasa isang abandonadong silid siya ikinulong. Sinubukan niyang gumalaw nang biglang sumakit ang ulo niya. Hindi rin siya makakilos ng maayos dahil nakagapos ang kaniyang mga kamay at paa. Dahil sa takot, pinilit niyang sumigaw para humingi ng tulong nguni't may panyong nakasukbit sa kaniyang bibig. Sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari at labis na kaba ang naramdaman niya nang mapagtanto niya na nasa panganib ang buhay niya at ng kaniyang mga kaibigan. Sinubukan niya ring gumawa ng ingay sa pamamagitan ng pagtumba niya sa sarili sa kaniyang kinauupuan nguni't walang nakakarinig sa kaniya. Walang tao sa paligid. Sobrang tahimik. Tanging tunog lamang ng mga insekto sa labas ang kaniyang naririnig. Wala siyang magawa kundi umiyak. Hindi niya alam ang gagawin upang makatakas.

Ilang oras ang lumipas. Natahimik si Jonna nang may naaninag siyang pigura ng isang lalaki sa bintana. Unti-unti niyang naririnig ang pagbukas ng pinto at isang nakakasilaw na ilaw ang itinutok nito sa kaniya.

Una niyang naaninag ang mga paa nito na nakasuot ng isang puting sapatos na puro putik. Marahan niyang itinaas niya ang kaniyang tingin. Nakasuot ito ng isang maong na pantalon na butas-butas at itim na sando. Hanggang sa natigil siya sa itsura ng lalaki. Humahangos ang dalaga habang nagpupumiglas nang makita niya ang pulang maskara na suot-suot nito. Nakaukit sa maskara ang isang kakila-kilabot na ngiti habang umaagos sa parteng pisngi ang isang pulang likido na akala mo'y dugo. Nagmistulang umiiyak ng dugo ang itsura ng lalaki dahil sa maskara. May hawak-hawak na patalim ang lalaki at mabagal siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng dalaga. Kasabay ng mabibigat na yapak ang walang tigil at mabilis na pagtibok ng puso ni Jonna. Labis na nerbyos ang nararamdaman niya. Sa isip-isip ng dalaga ito na ang katapusan niya. Sa kabilang banda, iniisip niya kung ano ang pakay sa kaniya ng lalaki. Ano ang kasalanang nagawa niya upang ikulong siya nito.

Pilit sumisigaw ang dalaga ngunit walang pakielam ang lalaki. Lumapit ito sa kaniya at marahang hinaplos ang makikinis na binti nito. Doon lamang napansin ng dalaga ang kaniyang mga sugat at pasa na hindi niya alam kung saan nagmula. Marahil ay kagagawan ito ng lalaking kaharap niya ngayon.

"Ang bango ng buhok mo... Lalo na ang kutis mo. Napakakinis..." Isang malalim at malamig na tinig ang umalingangaw sa kaniyang tainga. "Ang sarap daplisan ng patalim at iukit ang aking pangalan sa bawat parte ng 'yong katawan." Dagdag pa nito na siyang dahilan ng pangingilabot ng dalaga.

Naramdaman niya ang isang matalim na bagay na naglakbay mula sa kaniyang mga braso hanggang sa kaniyang kamay. Unti-unti bumabaon sa kaniyang balat ang patalim hanggang sa maramdaman niya ang marahas na pagbaon nito sa kaniyang palad.

"Ahhhh!" Napasigaw siya sa sobrang sakit.

Tinanggal ng lalaki ang pagkakagapos sa kaniyang kamay. Dagli niyang tinignan ito dahil sa walang tigil na pag-agos ng dugo. Hindi niya mapigilang manginig at manlambot dahil sa sinapit niya. Sunod na tinanggal ng lalaki ang gapos ng kaniyang paa at ang nakasukbit na panyo sa kaniyang bibig pero bago ito ay bigla siya nagsalita.

"Kung binabalak mong sumigaw habang tumatakbo palayo, sinasabi ko sa'yo walang magagawa ang pagsigaw mo. Kaya pagkabilang ko dapat ng sampu ay nakatago na kayo! Hahaha," kumakantang sambit ng lalaki. Marahas na tinanggal nito ang panyong nakasukbit sa dalaga sabay sigaw. "Takbo! Takbo!"

"Fuck you!" galit na galit na bulalas ng dalaga. 

"Pagkabilang ko ng sampu! Mag tago kana. Hahahahaha! Ten.. nine.. eight... seven... six..." 

Hindi na nagdalawang isip pa ang dalaga at dali-dali itong tumakbo. Ito na ang pagkakataon niya para humingi ng tulong at hanapin ang mga kaibigan niya. Humahangos siya kasabay ng kaba at takot na nararamdaman niya. Hindi na rin niya inalintana ang dugong bumabalot sa kaniyang kamay. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa baliw na lalaking 'yon.

"Five... four.. three.. two... one... Takbo! Bilisan mo! Dahil pag naabutan kita... Mamamatay ka! Hahahahaha" nababaliw na sambit ng lalaki sabay hahalkhak na akala mo'y demoniyo.

Hindi na lumingon pa si Jonna at mabilis siyang lumayo sa kinaroroonan nito. Masyadong madilim ang paligid at wala siyang maaninag. Wala siyang suot na salamin at tanging liwanag lamang ng buwan ang gabay niya.

Patuloy lang siya sa pag takbo kahit hindi niya alam kung saan siya papunta. Matatayog na mga damo at halaman ang kaniyang dinaanan. Ramdam niya din ang malalapot na putik na kaniyang natatapakan. Nguni't wala siyang pakiealam Ang importante sa kaniya ngayon ay makatakas. 

Ilang minuto ang lumipas nang maramdaman niyang wala ng bakas ng pigura ng lalaki sa paligid. Sa isip-isip niya ay nakalayo na siya sa lalaking 'yon. Nakaaninag ang dalaga ng isang bahay na malapit sa kinatatayuan niya. Bukas ang ilaw nito sa labas, bakas na gising pa ang nakatira roon. Ilang metro lang ang layo nito kaya mabilis siyang kumilos nang may narinig siyang kaluskos sa paligid. Tumakbo siya papalapit sa bahay nang matanaw niya ang isang matandang lalaki sa labas na nagbabasa ng dyaryo.

"Tulong! Tulungan niyo ako! M-may humahabol s-sa akin! P-please! Tulong!" Agaw pansing sigaw niya.

Naningkit ang mata ng matanda nang tumingin ito sa kinaroroonan niya. Tumayo ito sa kaniyang upuan. Inilapag niya ang kaniyang dyaryo sa maliit na mesa at sinalubong ang dalaga.

"Jusko po! Panginoon! Ang dami mong dugo! Anong nangyari sa'yo iha!?" labis na pag-aalala ng matanda habang papalapit siya rito. Ilang pulgada na lamang ang kanilang distansiya nang biglang sumulpot ang lalaking humahabol sa kaniya sa likod ng matanda.

Nanlaki ang mata ng dalaga. "Noooo!" sigaw nito nang walang habas na tinaga ng lalaki ang ulo ng matanda gamit ang hawak-hawak nitong gulok. Nagsitalsikan ang dugo sa paligid at dahan-dahan lumumpasay ang katawan ng matanda sa sahig.

Hindi niya nasikmura ang pangyayari at kumaripas ito ng takbo upang makatakas nguni't masyadong mabilis ang kilos ng lalaking naka maskara.

"Lolo?" isang tinig ng batang babae ang narinig niya mula sa 'di kalayuan.

"Bata takbo! Tumakas kana! Bilisan mo!" sigaw niya. 

Kitang-kita niya ang walang muwang na bata na takot at umiiyak nang makita nito ang kaniyang lolo na wala ng buhay. Imbis na tumakas, tumakbo pa ito papalapit sa kinaroroonan ng kaniyang lolo.

"Lolo! G-gumising ka! L-lolo 'wag mo ko iwan!" umalingawngaw na sambit ng bata habang umiiyak.

"Tumakbo kana!" nguni't hindi pa rin siya pinakinggan nito.

Hindi niya napansin na papalapit na sa kaniya ang lalaki. Mabilis nitong hinila ang kaniyang buhok at kinaladkad papunta sa kinatatayuan ng bata.

"Bitawan mo ako! Ano bang kailangan mo! B-bitawan mo ko!" pagpupumiglas ng dalaga. Nakita niya ang bata na hindi pa rin tumatakbo kaya sumigaw siya ulit.

"Bata tumakbo kana! Iligtas mo ang sarili mo!"

Napansin niyang bumilis ang pagkaladkad sa kaniya hanggang sa dinala siya nito sa tabi ng bangkay ng matanda. Halos masuka siya nang makita niya ang nakalabas na utak ng matanda. Nasa harap niya rin ang batang babae na patuloy na niyuyugyog ang katawan ng kaniyang lolo.

"T-tulungan niyo po ako... y-yung lolo ko..." Pagmamakaawang sambit ng bata. Base sa itsura nito ay nasa apat o limang taong gulang pa lamang siya.

"Tumakbo kana! Makinig ka sa'kin Papatayin ka niya! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw ng dalaga nguni't hindi siya pinakinggan nito.

"Paano po ang lolo ko! K-kailangan kasama ko po ang lolo ko!" tugon ng inosenteng bata. Wala siyang kaalam-alam na ang taong nasa harap niya ang pumatay sa lolo niya.

"Gusto mo bang makasama ang lolo mo?" mahinahong tanong ng lalaking.

Pilit na nagpupumiglas ang dalaga at pilit pinapatakbo ang bata nguni't di siya nito pinapakinggan.

Tumango ang bata bilang sagot.

"Your wish is my command." Humahalkhak na tugon ng lalaki.

"Hindi! Hindi! Anong gagawin mo sa kaniya!?"

Itinaas ng lalaki ang kaniyang kamay at akmang tatagain ito. 

"Ahhhhhh!" 

Wala pang ilang segundo ay napapikit ang dalaga ng walang habas na pagsasak-sakin ang bata sa harap niya. Paulit-ulit niya itong tinaga na parang hayop. Saksi ang kaniyang tainga sa bawat paghangos ng bata hanggang sa malagutan na ito ng hininga.

Nadama ng dalaga ang bawat pagtalsik ng pulang likido sa kaniyang muka at katawan. Rinig niya ang walang humpay na tunog ng gulok habang tumatama ito sa iba't-ibang parte ng katawan ng bata. Hindi na niya masikmura ang mga nangyayari. Halos manlambot at masuka na rin siya sa malansang amoy ng mga dugo at lamang loob na nagkalat sa harap niya.

"AHHHHH! TAMA NA! PLEASE! TAMA NA!" sigaw ng dalaga.

Biglang natigil ang lalaki sa ginagawa niya.

"Masaya bang makakita ng dalawang inosenteng tao na namatay dahil sa'yo?" nakakakilabot na tanong ng lalaki sabay tawa.

"You're damn a psycho! Pakawalan mo na ako! Ano bang kailangan mo!? Sino ka ba! 'Wag kang duwag! Ipakita mo 'yang muka mo! Kung gusto mo akong patayin, gawin mo na!" matapang na tugon ng dalaga.

Sa kabilang banda, kilabot at takot ang nanaig sa kaniyang buong pagkatao dahil sa karumaldumal na pagpatay na nasaksihan niya mismo sa kaniyang harapan . Ayaw niya pang mamatay. Ayaw niyang matapos ang buhay niya sa karumaldumal na pamamaraan katulad ng sinapit ng maglolo.

"Gusto mong malaman kung sino ako? Matagal mo na akong kilala," napakunot ang noo ng dalaga. "Ako si kamatayan, at sinusundo kita! hahahahahaha" Nababaliw na wika nito.   

Nabigla siya ng marahas na hilain ng lalaki ang kaniyang buhok at ipinagpatuloy ang pagkaladkad sa kaniya papunta sa bahay ng matanda.