webnovel

BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED

Mr. Valdez the Immortal Vampire -Bite Me More- Propesiya na nakatakda para sa dalawang tao na magtatagpo. Pag-iisahin dahil sa parehong nararamdaman. Isang Immortal Vampire at Isang Tao. Isang kagat na pagmumulan ng misteryo. Pakakagat na kaya sila? -------- R-18 | Vampire | Romance | Immortal | Action | Mature content | -----------------------------------------------------------------------------

BMBlackKath25 · 奇幻言情
分數不夠
19 Chs

CHAPTER 17

Hello po sa lahat ng nag-aabang na matapos ito. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat dahil matiyagang kayong naghintay. ☺🙂

-----------------

"Bakit hindi mo siya kinandena? Paano kung magwala siya ulit at mapatay niya tayong lahat!?"

Naririnig ko na usapan habang nakapikit ang mga mata niya, unti-unti niyang minulat ang mga mata. Nakita niya si Duken at Timothy na halatang may pinagtatalunan sila.

"B-Bonita, kamusta pakiramdam mo?"

Biglang lumapit sa kanya si Timothy at parang nag-aalangan na hawakan siya. Bigla akong bumangon mula sa sopa at yumakap sa kanya habang umiiyak.

"Natatakot na ako bakit nangyayari ito sa akin? Ayoko ng ganito, a-ayoko na Timothy."

Umiiyak ako habang nakayakap sa bewang niya, naramdaman ko naman ang kamay nito at hinimas ang balikat ko.

"Huwag kong mag-aalala hahanap tayo ng paraan kung paano mawawala iyang demonyon sa katawan mo."

"Mawawala lamang iyan kapag naipanganak na ni Bonita ang anak nila, hindi natin alam kung kailan ito mangyayari."

Natigilan ako at umalis sa pagkakayakap kay Timothy at nilingon itong nagsalita. Si Tandang Gani pala.

"Si Rius ay malapit ng magising at sa paggising niya ay hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Nakarating na rin sa ating mga kataas-taasang mga punong bantay nang mga bampira ang pagbabago ni, Bonita. At maaaring sa mga oras na ito ay baka nagsasagawa na sila ng plano upang mapatay si, Bonita."

Biglang nanlaki ang mata niya dahil sa narinig. A-Ako? Papatayin? H-Hindi! Hindi! Ayoko paano ang anak namin ni, Rius. Gumising ka na Rius parang awa mo na natatakot na ako tulungan mo ako.

"Ito na ang pinakamalaki nating problema ang makialam na ang iba't-ibang pinuno ng mga bawat pangkat. Lahat tayo mapapatay dito."

Naiiling na wika ni Duken at biglang tumayo at lumabas.

"Tandang Gani, wala bang ba kayong propesiya na nakikita. Ikaw Sergio, wala ka bang bagong balita?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila na pawang gulong-gulo na rin sa pangyayari.

"Ang nakikita ko lang ay mabubuhay ang batang nasa sinapupunan ni, Bonita."

Laking tuwa naman niya na marinig na mabubuhay ang kanyang anak kaya tumakbo siya sa itaas at nagpunta sa silid ni, Rius.

"Rius, narinig mo ba sinabi ni Sergio? Mabubuhay daw ang anak natin. At alam ko tulad mo ay gwapo ito at malakas. Alam kong lalaki ang anak natin at ramdam ko ito."

Mahinang bulong niya dito at kinuha niya ang kamay nito at dinala sa pisngi niya. Mainit ang palad at kay sarap idampi sa balat niya, napapikit ako at nakalanghap ako ng mabungong dugo. Biglang dumilat ang mata ko napatingin sa pulso nito na may bakat ng ugat.

Para siyang nahihipnotismo at unti-unting lumapit ang bibig ko dito. Naramdaman niya ang pagtubo ng matutulis niyang pangil at lumapat na ito sa balat. Nong una ay mababaw ko lang itong sinisip-sip hanggang sa hindi ako makuntento ay mas nilaliman ko pa ito at parang gusto kong saarin ang lahat ng dugo.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong parang lumulubog ang mukha ni Rius. Tama na! Tama na! Sigaw ng isip niya kunin ayaw bumitaw ng kamay at bibig niya dito.

"Bonita! Huwag mamatay si Rius!"

Kahit narinig niya si Timothy mula sa likod ay wala siyang kakayahan na bumitaw. Hanggang sa bigla na lang siyang tumalsik kung saan at masisira ang ilang pader. Pero parang walang ano ay bigla siyang bumangon at mabilis na nakabalik sa kuwarto, nakita niyang nakatayo si Rius.

"B-Bonita, patawarin mo ko kung nasaktan kita."

Kaya pala siya tumalsik dahil dito mga nakatingin naman ang iba at hindi alam ang gagawin. Muli siyang napatingin sa unti-unting naghihilom na kagat niya.

"Rius, lumayo kay kay Bonita. Nagising na ang demonyo sa propesiya at siya ito!"

Sigaw ni Duken at masamang tiningnan niya at mabilis na nakarating sa kinatatayuan nito. Walang ano-ano'y ay binali niya ang leeg nito at kinagat ito at hindi niya ito tinigilan hangga't may dugo pa sa katawan nito.

"Bonita! Tumigil ka!"

Narinig niyang sigaw ni Rius ngunit wala siyang pakialam at pinagpatuloy ito, nakita pa niya sa gilid ng mata niya ang tulalang si Timothy at Sergio.

Biglang may yumakap sa bewang niya at walang iba kung hindi si Rius. Napakahigpit ng pagkakayakap nito sa akin at hindi ako makakawala. Ginamit ko ang lakas ko at tinulak ko at nakarating kami sa labas ng palasyo.

Nagsunuran naman ang iba sa kanila sa labas, parehong subsob kami sa lupa. Tumayo ako at muling sinugod si Rius, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas. Muli niya akong nahawakan at mas mahigpit ang hawak niya ngayon.

"Timothy! Kunin mo ang sagradong kadena! Bilisan mo!"

Mas lalo naman akong nagwawala dahil sa sinabi ni, Rius. Dahil alam ko na ang balak niya.

----------

"Ito ba ang pagmamahal mo sa akin, Rius! Bakit mo ako ginapos dito!?"

Puno ng lakas ngunit hindi siya makaalis sa pagkakadena dahil mukhang napakatibay nitong ginamit sa kanya.

"Patawarin mo ako pero ito lang ang paraan upang mapigilan ka, maniwala ka wala akong ibang gusto. Ayokong saktan kita, minsan na rin akong nilagay sa kinatatayuan mo. Kapag hinayaan kita marami ka pang mapapatay."

Tila naman nagbalik ang isip niya at naging normal ito, biglang tumulo ang mga luha niya.

"Rius, tulungan mo ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam, ayoko ng dumami pa ang mapatay ko."

"Rius, wala na si Duken. Naubos ang lahat ng dugo sa buong katawan niya at pati ang kaluluwa niya ay nawala at hindi ko na naramdaman."

Napaangat ang mukha niya dahil sa narinig at siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ito.

"Patawarin niyo ako, hindi ko ito ginusto at..."

"Bonita, huwag mo na isipin yon. Wala na tayong magagawa, sikapin mo magtiis mo na diyan hanggang sa mailabas mo ang anak natin."

Paliwanag nito at hinagkan siya sa noo.

"Sergio, bantayan mo na si Bonita may gagawin mo na ako."

Paalam nito at tiningnan siya tumango lamang siya dito at tahimik na nakatingin sa langit.

"Sergio, ano na ang mangyayari sa akin?"

Nanghihinang tanong ko dito na nakaupo paharap sa kanya habang nakakadena ang dalawang kamay at paa dito sa higaan kung saan nahiga si, Rius.

"Hindi ko pa iyan masasagot at sanay maging ok ang lahat, magtiwala ka lang sa amin."

Sagot nito na nakangiti at tumango ako sa kanya, nakaramdam ako ng pagod at kusang pumikit ang kanyang mga mata. At sa pagdilat ng mata ko napansin ko ang kadiliman at tanging liwanag mula sa bilog na buwan na tumatama dito sa bahagyang nakabukas na bintana.

Naramdaman niya ang pagpasok ng malamig na hangin, napabangon siya dahil biglang nagtayuan ang balahibo sa buong katawan. Pero nagulat siya dahil sa parang ang bigat ng kanyang dinala sa harapan.

Namilog ang mga mata niya pagkakita sa bilog na bilog niyang tiyan na biglang lumaki. Bigla siyang nagsisigaw dahil nakita niyang gumagalaw ito.

"Rius! Rius! Rius!"

Paulit-ulit na sigaw niya dahil sa takot na nararamdaman, hanggang sa makaramdam siya ng sobrang sakit at pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga.

Kumalat naman ang liwanag sa kabuan ng kuwarto at mga gulat na gulat sila pagkakita sa akin.

"Rius, anong nangyayari sa akin? Bakit biglang lumaki ang tiyan ko?"

Hintatakot na tanong niya sa hindi makapaniwalang si Rius.

"Kakaiba man ang biglang paglaki niya tiyan niya agad. Mukhang ngayon gabi lalabas ang sanggol."

Wika ni Tandang Gani na lumapit ng bahagya sa kanya.

"Lumabas mo na kayo at maiwan kami ni Rius."

Wika nito at lumabas si Sergio at Timothy. Naiwan silang tatlo sa loob, lumapit sa kanya si Rius at hinawakan ang kamay niya at hinagkan siya noo.

"Rius, hindi ko na kaya. Ang sakit sobrang sakit."

Nakita niya ulit ang mabilis na pagglaw at pabilis ito ng pabilis at parang kinakain ang lamang loob niya.

"Rius. Pumuwesto ka dito sa bukana niya at abangan mo ang paglabas ng sanggol at sikapin mong hindi maririnig ng ibang mga angkan ang palahaw ng bata. Dahil kung hindi mamatay ang anak ko oras na marinig nila ang paglabas ng sanggol."

Hindi na niya maintindihan kung ano ang nangyayari dahil nararamdaman niya ang pagbuka sa pagkababae niya. Sobrang sakit halos maligo na siya sa pawis at hindi na niya naririnig ang usapa nila. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng Rius sa kanya, hanggang sa sumubra na ang sakit napasigaw siya at siyang labas ng kung ano sa kanyang kaloob-looban.

"Bonita, narito na ang anak natin ang at lusog niya."

Napapangiti na makita at masilayan niya kahit nanlalabo ang kanyang paningin at mawalan na siya ng malay.

-----------