CHAPTER 1:Strangers
Lyra's POV;
"Hey Lyra!" Lumingon ako kay Crane ng tawagin nya ako.
Crane Vasquez my gay bestfriend,
"Hmm?Need something?" Tanong ko at binalik ang atensyon sa pag aayos ng gamit para sa school.
"Aattend kaba talaga sa Graduation natin ngayon?" Sabi nya at lumapit sakin para tulungan akong bitbitin ang toga ko.
"Yeah.I will attend." Sagot ko at naunang naglakad sa kanya.
Narinig kong napabuntong hininga sya at pinulupot ang kamay nya sa braso ko.Sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko habang naglalakad kami.
"Sure ka?Makikita mo ang gagong yun don." Mahinang aniya,
"Wala na kaming pakealam sa isat isa Crane.I dont care about him anymore." Saad ko kahit hindi ako siguradong wala na nga ba akong pakealam sa kanya.
Pero kahit na nasaktan ako hindi ko hahayaang maging hadlang yun para hindi gumraduate.That's my dream ang makatapos sa kursong gusto ko.Kapag nakatapos ako at makahanap ng trabaho mabibigyan ko ng magandang buhay ang anak ko ng hindi nagmamakaawa sa gago nyang tatay.
Nang makalabas kami sa building ng condo namin ay inalalayan nya ako papasok sa kotse nya pagkatapos ay sumakay na rin sya driver seat para pumunta sa University.
Napatingin ako kay Crane habang nag d-drive sya.Gwapo sya oo,pero lalaki din ang hanap nya.Sayang..
"Dont look at me like that sis.Parang pinagpapantasyahan mo na ako isip mo ha." Nandidiring sambit nito kaya binaling ko na lang labas ng bintana ang paningin at mahinang natatawa.
He's a type of bestfriend na sasamahan ka sa katarantaduhan mo but the same time sasamahan ka rin sa mga problemang kinakaharap mo.That's why Im very blessed to have Crane in my life,he never leave me unlike that moron.
Huminto na ang sasakyan,nandito na kami sa parking lot ng university.Naunang bumaba ang bakla at inalalayan parin ako.Sya na rin ang nagbitbit ng toga ko,hindi na ako umangal dahil minsan lang maging gentlegay yan.
Dumiretso kami sa hall kung saan gaganapin ang graduation ceremony.Maraming mga students ang nandito kasama ang mga magulang nila.
"LYRAAA BABY!!" Grabe ang lakas ng boses ng nanay ko.
Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit,"Wahh!I miss you my daughter!And advance congratulations!!" Masayang aniya at niyakap ulit ako kaya niyakap ko rin sya pabalik at ngumiti kay Dada.
"Baka maipit mo ang apo natin Honey.." Paalala ni Dad at tumawa kaya nakangusong lumayo sakin si Mommy,ang cute naman ng mother earth ko.
"Hi tito,Hi tita." Si Crane at nakipag beso kay Mom,
"Hi there Crane.Maupo na kayo,ilang minuto na lang ay maguumpisa na ang seremonya." Sabi ni Dada,tumango kami sa kanya at sinuot na ang toga namin.
Umupo kami kung nasaan ang section namin,nakangiti silang lahat sa amin ni Crane.Nakiupo ako sa tabi ni Yza,isa sa mga kaibigan ko.
"Ga-graduate na tayo ngayon Ly,walang team captain ang volleyball team ng FU." Malungkot na sambit nya at hinilig ang ulo sa balikat ko.
Feeling ko tuloy unan ako dahil ang hilig nilang humilig sa akin haha.
"Dont worry Yza,meron pa naman yan.May next batch pa naman eh." Nakangiting ani ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong hall,teka,bat ko nga ba ginagawa to.Wala akong dapat hanapin.Wala.
"Tss,walang pake ha." Pang aasar ni Crane na nasa tabi ko.Nakangisi ito at nang aasar talaga.
Ilang saglit pa ay nagsalita na ang MC at kasunod non ay ang pagsimula ng ceremony.
"OMYGOSH!!!CONGRATS BABY LYRA KO!!" Masayang tili ni Mommy at niyakap ako,
Sa wakas,nakatapos na ako sa course na Medicine.Gusto kong maging Doctor dahil simula bata palang ako ay yun ang dream proffesion ko at matutupad ko na yun.
"Salamat sa inyo ni Dada,Mom.Hindi kayo nagsawa sa akin." Sabi ko at niyakap silang dalawa.
They hug me back,"We will never get tired of supporting you Lyra.We love you so much." My dad whispered.
Humiwalay ako ng yakap sa kanila at hinubad na ang toga ko.Napahinto ako ng makatagpo ang pares ng asul na matang nakatingin sa akin.
He is looking at me with his emotionless ocean eyes.Suddenly,a beautiful girl walk towards him and give a peck on his lips.Ahh,his new toy.
Nakatingin pa rin sa akin ang gagong Xian pero iniwas ko na ang paningin ko.Ayaw ko ng makipag titigan sa manloloko.
"See you tommorow Ly!" Pag papaalam ni Crane at sumakay na sa kotse nya kasama sina Tito Rin at Tita Caye;ang parents nya.
"Bye!Drive safely!" Sabi ko at kumaway.
"Uuwi na tayo Lyra,your brother made a surprise for you." Si Mom.
Ngumiti ako at tumango,ang sweet ng kapatid ko.May kailangan ata.
"Mag CCR muna ako Mom,hintayin nyo na lang ako dito." Pagpapaalam ko,tumango sila sa akin.
Naglakad na ako papuntang CR at pumasok sa isang cubicle.Nang matapos ay tumingin ako sa salamin habang naghuhugas ng kamay,I'm wearing a light make up made by Crane.He was the one who did this make up on me.Medyo pula pa ang palibot ng mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.
"Babe,wait me here ha." Rinig kong sambit ng isang babae sa labas,maya maya pa ay pumasok ang isang babaeng parang dyosa.
She looks innocent yet gorgeous.Hindi nakakapagtakang sya ang napiling paglaruan ngayon ni Xian.Sya yung humalik sa kanya kanina.
Hindi ko na pinansin ang babaeng yun at lumabas na ng CR pero napahinto rin ng makita doon ang lalaking kinaiinisan ko.Malamig ito kung makatingin sa akin.I look at him,directly in his eyes.Para ipakita sa kanyang hindi na ako maghahabol pa sa isang gagong katulad nya.
He's worthless.He's an asshole.
Nilagpasan ko sya pero ramdam ko parin ang titig nya habang nakatalikod ako.I will never beg at you na panagutan mo ako.Im a graduated student now,I can raise my child alone without begging on you.
We came back again as Strangers.
~
Hi everyone!Keep safe senyo and dont forget to wear your mask everyday!Wag pagala gala,baka mahuli kayo ng tanod.Swerte nyo na lang pag gwapong tanod nakahuli sa inyo haha😙