webnovel

4 | That Guy at the Gym

"Robin, ano ba itong sinasabi ni Aliyah na ayaw mo na raw bumalik sa condo?"

Napabuga na lamang si Robin saka nilapag ang binabasang libro saka bumangon at hinarap ang mama niyang nakatayo sa doorway. As expected, nakakunot ito ng noo at nakapamaywang. "Two weeks ko naman na siyang sinasamahan, Ma. Di ba, sabi n'yo, two weeks ko lang sasamahan?"

"Ano ba naman, Robin? Hindi mo ba naiisip na delikado ang kapatid mo? 5:30 ng hapon ang labas at thirty minutes ang biyahe niya UST. Di mo ba naiisip na delikadong gabihin yan lalo pa at babae."

Napakamot siya ng ulo. "Kaya nga sabi ko sa inyo, mag-dorm na lang siya na malapit sa UST. Mas safe iyon, kesa babayahe siya nang ganyan katagal tapos gabi pa makakauwi."

"Hay nako, magtigil ka nga!" Pinandilatan siya nito. "Mas safe kung sa condo siya nakatira. At least, kasama niya si Tita Lani mo."

Napakamot na lamang siya ng ulo saka muling humiga. Alam niyang walang patutunguhan ang usap na ito dahil hindi rin naman makikinig sa kanya ang mama niya. Lagi namang ganon.

Binilinan siya na mag-empake na.

"Oo, maya-maya. Tapusin ko lang itong binabasa ko." Action-fantasy fiction iyon, at naroon na siya sa exciting na part kaya hindi niya mabitawan ang libro.

"Bilisan mo, ha? Luluwas kayo after lunch."

Hindi na siya sumagot nang sa gayon ay iwan na rin siya nito.

Linggo sila ng umaga bumiyahe ni Aliyah pabalik sa bahay nila sa Mariveles, Bataan. Tapos, ang luwas nila ay tanghali ng lunes. Tuwing Martes hanggang Sabado kasi ang klase nito, tapos wala pang pasok ng Miyerkules.

Maya-maya, naramdaman ni Robin na may umupo sa tabi niya. Si Aliyah iyon.

"Hoy, hindi ka pa ba mag-eempake?"

"Mamaya na. Tapusin ko lang ito."

"Hay nako. Mamaya na nga iyan. Baka ma-late na tayo ng luwas. Ayoko pa namang ginagabi sa daan."

Bumuntonghininga siya saka bumangon. "Bat ba kasi di ka na lang nag-dorm?" inis niyang tanong dito.

"Aba! Sisihin mo si Mama."

Napatalak na lang siya. "UST pa kasi ang pinasukan mo, e. Dami-dami namang school dito sa Bataan."

"E di sabihin mo kay Mudra. Jusko naman, Kuya. Ako na naman sinisisi mo."

Umismid siya. Kung sino pa ang babae, siya pa ang pinayagang mag-Manila. Samantalang ako, dito lang sa Bataan nag-aral.

Actually, pinayagan naman siyang mag-entrance exam sa mga top four university sa Metro Manila, namely UP, UST, Ateneo, at DLSU. Sa Ateneo lang siya hindi pumasa.

Ang problema lang, hindi gusto ng parents niya ang kinuha niyang kurso. He picked either Creative Writing or Journalism as his first choice, second lang ang gustong ipakuha sa kanya na Accountancy. Lahat ng test, doon siya pumasa.

And his parents did not like it. Actually, hindi nila suportado ang pangarap niyang kurso. They never wanted him to take it, lalo pa wala naman daw titulo. He even got nasty remarks like "Wala kang pangarap sa buhay!" and "Kursong pang-tamad lang ang gusto mong kuhanin!". Sa huli, ipinasok siya sa Bataan campus ng Letran, at pinagtapos ng Accountancy.

'Stop, Robin. Wag mo nang alalahanin.' Bumuntonghininga siya saka inipit ang resibong nagsilbing bookmark sa binabasa niya. Tapos, bumangon siya.

"Ito na talaga ang last week na sasamahan kita, ha?" Pinandilatan niya ang kapatid. "Matuto ka nang umuwi mag-isa this week."

"Ayaw ko nga." Dumila pa ito.

"Aba itong…! Sakalin kaya kita dyan."

"Sus, Kuya! Kunwari ka pang ayaw mong bumalik!" Ngumisi ito.

"At bakit naman gugustuhin kong tumira sa Manila, aber? Kita mo naman, ang usok doon. I'm surprised nga na hindi pa ako inaatake ng hika ko, e." Nakapa niya ang noo. May tumubong tigyawat doon at napansin lang niya nang magising kahapon. Suspetsa niya ay dahil iyon sa polusyon.

"Talaga ba, Kuya? Ayaw mo nang makita ulit si Kuya Aldous?"

Napanguso siya nang marinig ang pangalan nito. "Puro ka Aldous, Aliyah. Ikaw lang naman ang patay na patay doon."

"Ows? Kaya pala nagba-blush ka kapag nakikita--"

"I'm not!" Hindi niya namalayang napalakas ang boses niya. Napatakip tuloy siya ng bibig saka tumikhim. "Bahala ka sa buhay mo dyan. Mag-eempake na ako."

"Ayie, may tumatakas!"

Di na lang niya ito pinansin.

Kinuha niya ang bag na nakapatong sa upuan sa harap ng study table niya at binuklat iyon para tingnan kung ano ang mga wala.

Habang abala sa pag-eempake, naisip niya si Aldous. He never heard of Aldous again after that incident. Kahit daw si Aliyah, wala pa ring balita.

That thought made him sad. Sa totoo lang, umaasa siyang kokontakin man lang siya nito para humingi man lang ng paumanhin sa nangyari. Then, who knows what would happen after that. Baka yayain siya nitong tumambay sa cafe nito so that they could continue what they missed.

Tapos, baka umamin din si Aldous na interesado ito sa kanya at gusto pang kilalanin.

That thought made him smile, pero mabilis niyang pinalitan iyon ng pagkunot ng noo.

'Stop it, Robin! Hindi ka magugustuhan no'n! Ang pangit mo masyado para sa kanya. He's too good to be true.'

And yet at the back of his mind, he was hoping that would actually happen. Hindi rin naman masamang humiling, di ba?

-

But four days after that incident, Robin really never heard anything from Aldous again. Kahit si Aliyah, hindi rin nito kinontak.

So ever since that day, Robin finally decided that his fantasy with Aldous must be stopped. Wala naman talaga iyong patutunguan. Sabi nga niya sa sarili, masyadong malayo si Aldous para sa kanya. Hindi niya ito maaabot.

Did it hurt? Of course. But not that much. Hinanda na rin naman niya ang sarili sa disappointment.

-

Wednesday ng hapon.

Walang pasok si Aliyah noon. Syempre, naglinis sila. Sa takot ba naman nilang mapagalitan na naman ng tiyahin nila? General cleaning pa nga ang ginawa nila.

By three o'clock, tapos na sila. Kulang na nga lang ay kuminang ang sahig sa sobrang linis ng bahay.

"Jusko, Kuya! Napagod ako do'n, ha? reklamo sa kanya ng kapatid habang nakatapat sa electric fan.

"Hayaan mo na nga. Baka i-warshock na naman tayo ni Tita, e."

"Sabagay. Para pa namang dragon iyon kapag nagagalit. Lumalaki kasi butas ng ilong. Akala mo, may lalabas nang usok, e."

Sabay silang natawa saka nag-apir.

Tapos, pumirmi na sila sa isang tabi para magpahinga.

By four o'clock, kinuha ni Robin ang running shoes sa shoe rack at sinuot.

"Saan ka pupunta?" natatakang tanong ng kapatid.

"Maggi-gym lang."

Napatayo ito. "Ay sama!"

"Heh! Wag ka na. Walang maiiwan dito sa bahay. Baka bigla pang dumating si Tita at warlahin na naman tayo."

Napanguso naman si Aliyah saka muling umupo.

Matapos ipunin ang mga gym essential niya, naghanda na siyang lumabas. He reminded Aliyah to lock the door before going out.

Nasa sixth floor ang gym. Libre iyon para sa lahat ng tenants.

Nag-log in muna siya sa logbook bago siya nag-stretch. Habang ginagawa niya iyon, he took the opportunity to check who was there. Dalawa lang pala -- isang chubby girl in pink blouse na nasa thread mill, at isang tan, buff guy na nasa may cable machine. Nagpu-pull-up ang huli.

Pamilyar sa kanya ang lalaki. Ilang beses na niya itong nakasabay. The guy's brow even wiggled when he looked to his direction and caught him staring. Tapos, bumitaw na ito at naghabol ng hininga.

Nang matapos siya sa pags-stretch, kumuha siya ng bar at nilagay iyon sa may bench. Tapos, naglagay siya ng tig-20lbs sa magkabilang tabi saka siya nagsimula.

Once he was done with the first set, he reracked the bar. Tapos, bumangon siya saka nag-inat. Kahit magaan ang weight, nangawit pa rin siya.

Tapos, noon lang niya napansing nakatingin pala sa kanya ang lalaki. Muling gumalaw ang kilay nito nang magsalubong na naman ang tingin nila.

He just smiled meekly before looking down. He felt uncomfortable when someone was looking at him. Kahit sino pa iyan. Pakiramdam niya'y lalo siyang pumapangit.

Kaso lumapit sa kanya ang lalaki. "P're, anong program mo?"

Sinalubong niya angg tingin nito. "Ha? Program? Ah…" Umiling siya. "Sinusundan ko lang ang turo ni Jordan sa Instagram."

"Jordan Yeoh?"

Tumango siya.

"Oh, that's nice. Mabuti, tama ang sinusundan mo. Alam kasi niya ang ginagawa niya."

Tango na lamang ang tugon niya.

"Matagal ka na bang nagbubuhat?"

Umiling siya. "Noong summer lang talaga ako nag-start. But I stopped after two weeks. Daming bully sa gym, e. Pinagtatawwanan dahil magaan daw weight ko."

"Sus! Wag kang makinig sa mga iyon. Kapag ganyan, malamang wala silang alam na gym principle. Baka kapag tinanong mo sila kung ano ang progressive overload, hindi pa nila alam."

He heard of that. Step-by-step process iyon na magsisimula sa magaan na weight tapos unti-unting tataasan ang bigat. Natutunan din niya iyon sa pagre-research niya. Sinabi rin niya iyon sa lalaki.

"Oh, di ba? E di ang ending, ikaw pa ang may alam!" Nakipag-high five ito sa kanya. "Very good! Nagre-research!"

Napangiti tuloy siya. Truth be told, flattery might be embarrassing sometimes but he likes receiving it sometimes. Gusto niyang napupuri rin siya, kahit ba sa simpleng task man lang. Nakaka-boost kasi ng morale.

"Nga pala, Vincent na lang, p're." The guy initiated a handshake.

"Robin," tugon naman niya habang tinatanggap ang kamay nito.

'Anong unit ka?"

"33C."

"36M naman ako." Tapos, tinungga nito ang hawak na inumin.

Robin watched how the guy's adam's apple moved. He realized na ang sexy pala nitong lalaki. His shirt hugged his body like a second skin due to being drenched in sweat, kaya halos nakikita na rin niya ang kahubaran nito. Hindi naman ito kagwapuhan, but he has a very manly aura kaya head-turning din.

Natapos din itong uminom. "Sabi mo, wala ka pang program, no?"

Umiling siya.

"Gusto mo i-coach kita?"

"Nako, nakakahiya naman! Baka maabala pa kita."

"Hindi naman. Gusto ko rin kasing nagtuturo. Hindi man halata pero part-time instructor ako sa La Salle."

Napamulagat siya. "Talaga?"

Tumango ito saka natawa. "Hindi halata, ano?"

"If it will not offend you, but yes, I agree."

"Okay lang, wag ka mag-alala. Saka part-timer lang naman ako."

"So, ano talagang trabaho mo?"

"May sarili akong bar. Yung Blackjack."

Robin admitted he did not know where was that. "Hindi kasi ako nagba-bar talaga."

"Halata nga. Parang ang bait-bait mo kasing bata." Kinurot nito ang pisngi niya. "Noong una kaya kitang nakita, akala ko freshman ka sa UP-Manila. Dami kasing UP student dito." Walking distance lang kasi mula sa unit na iyon ang nasabing UP campus.

Pinandilatan niya ito saka inalis ang kamay nito. "Excuse me, 21 na ako. Sinasamahan ko lang ang kapatid ko kaya ako nandito." Sa totoo lang, nailang siya sa paghawak nito pero naagaw ng atensyon niya ang huli nitong sinabi.

"Balita ko nga rin. Tapos, hatid-sundo ka pa raw sa kapatid mo sa UST."

Natigilan siya. "Ha?"

Pero ngumiti lang ito saka nagpaalam na ipagpapatuloy angg paggwo-workout. Bumalik ito mula sa cable machine saka nag-pull-up.

While watching him, hindi maiwasan ni Robin ang mapaisip. Vincent just admitted na nabalitaan nito ang ganap niya, hindi ba? Knowing na magkaibang floor sila, how was that possible?

'Ang stalker, ha?' Napakunot pa siya ng noo.

And yet, there he was, hindi rin maiwasang mapangiti. Parang kinikilig siya sa sinabi nito. Call him assuming or whatever pero ramdam niyang interesado sa kanya ang lalaki. Hindi pa niya alam kung up to what extent, and that was for him to find out.

And then, he decided that maybe love would bloom after that.

Tingin ninyo, may gusto kaya si Vincent kay Robin?

zyronbenedictcreators' thoughts