webnovel

Behind the Devil's Mask

Paano kung isang araw, magising ka na lang na may umaangkin na sayo bilang asawa niya? Okay na sana kung isang "hottie guy" ang tumatawag sayong "Wife." Paano kung isa siyang kakaibang nilalang? "This can't be happening"hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra nang makaharap niya face-to-face ang shadow like figure na nagpakilalang asawa niya. "I want a normal life to begin with and maybe a married life. But not with him!" -Cassandra "The day I gave life to that girl, was the day I marked her as mine." -Gabriel

Aqua_Adam · 奇幻言情
分數不夠
32 Chs

I miss you Ben...

Matapos maihatid si Cassalea sa bahay nila ay sunod naman nilang hinatid si Kris sa pinagtatrabahuan nito.

Tulad ng napakasunduan nila ay sumama si Alexander kay Cassandra.

"We're here"ang sabi ni Cassandra nang nasa gate na sila ng Cussalea Fashion School. Nginitian niya ang mga guwardiyang sumalubong sa kanila. Matapos maipark ang kotse ay bumaba na sila.

"Ang laki naman ng school na ito, it feels like this place is where you spend most of your time and sweats"komento ni Alexander.

"You're right, this school was built as a buzzing hive for the most exciting minds, fashion designing is one of my dreams. This is also the fulfillment of my parents dream especially si Dad... he's the heart of this school"sandaling tumigil sa paglalakad si Cassandra. Naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin.

"Tara na? this day is going to be productive."

Naglalakad na sila papuntang elevator paakyat ng opisina ni Cassandra.

"Goodmorning Miss Anna"bati sa kanya ng bawat staff na kanilang makasalubong.

"I didn't know that my wife is kinda famous, I like that photo"may isang larawan ang nakaagaw sa atensiyon ni Alexander at yun ay ang larawan ni Cassandra na nakasuot ng itim na executive attire.

"You look hot and intelligent at the same time, how do you do that?"huminto sa paglalakad si Cassandra at nakapameywang na hinarap si Alexander.

"Namimikon ka?"tanong ni Cassandra.

"Hindi. I'm just amazed of how you can give so many vibes with just one photo"paliwanag ni Alexander.

"Whatever"at iniwan ni Cassandra ang lalaki. Sumunod naman si Alexander sa kanya.

"It's a compliment. Bakit parang napakamoody ng babaeng to ngayon???"ang nasa isip ni Alexander ng mga oras na iyon.

Pinindot ni Cassandra ang pangatlong button ng elevator at ilang sandali pa ay nagbukas na ito. Naunang pumasok si Cassandra at hinintay si Alexander na pumasok.

"Ano tatayo ka na lang ba diyan? We're going to be late"naiiritang tanong ni Cassandra. Nag aatubiling pumasok si Alexander kaya hinila na siya ni Cassandra papasok.

"Anyare sayo?You look like a scaredy cat"nagtatakang tiningnan ni Cassandra ang tahimik na kasama.

"I'm not scared. Hi-hindi lang ako sanay"nagmukhang ipinako sa kinatatayuan niya si Alexander. Kibit balikat na ibinalik ni Cassandra ang tingin sa harap. Dahan-dahang nagsara ang pintuan ng elevator.

"Sh*t!!!lumilindol ata"gulat na napakapit si Alexander kay Cassandra nang magsimulang gumalaw pataas ang elevator.

"Ano ba Alexander? Hindi naman lumilindol ah"gulat na napatingin si Cassandra kay Alexander na mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Hushh...didn't you feel that we're being shaken just now?"tumingala si Alexander at gamit ang kanyang mata ay ininspeksiyon ang loob ng elevator.

"You're funny...Look Alexander, nothing's gonna happen to us, okay?"sinubukang alisin ni Cassandra ang kamay ni Alexander na nakapulupot sa kanyang likod pero mas lalong hinigpitan ni Alexander ang pagyakap sa kanya.

"My God!! Alexander hindi ako makahinga, bumitaw ka na please?"napabuntong hininga na lang si Cassandra nang mabilis na umiling si Alexander. She didn't see this coming. This big guy is afraid of elevator.

"Bibitaw ka o hindi ka na makakasama dito?"hindi pa nakakasagot si Alexander ay nagbukas na ang elevator at gulat na napatingin ang tatlong babae sa kanila na para bang may ginagawa silang masama.

Gulat ding napalingon sa kanila si Cassandra.

"Oh Fudge!!!"ang agad na nasabi ni Cassandra sa sarili.

Dali dali niyang inalis ang kamay ni Alexander at inayos ang kanyang damit.

"Goodmorning Miss Anna"bati ng isa sa kanila at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kanila.

"Ahemm...Goodmorning" sagot niya sabay lakad palabas ng elevator. Sumunod naman si Alexander sa kanya.

"Goodmorning"bati nung isa kay Alexander na sinagot naman ni Alexander ng "Goodmorning."

"Ang gwapo naman niya!!!"kinikilig na sabi nung isang babae at nagtulakan pa ang mga ito.

"Sino kaya siya?"tanong naman nung isa.

"Magkaano-ano kaya sila ni Miss Anna?"tumindig ang tenga ni Cassandra sa mga narinig at bigla siyang nakaramdam ng pagkainis kay Alexander.

"Mukhang nag-eenjoy naman ang kumag dahil maraming babaeng nakatingin sa kanya"sa isip ni Cassandra ng mga oras na iyon.

"Goodmorning Miss Anna"salubong ni Kirsty, ang kanyang sekretarya. Bahagyang natigilan ang babae pagkakita sa lalaking kasama ni Cassandra.

"Ahemm...Goodmorning , now give me my schedule"agaw pansin ni Cassandra sa kanyang sekretarya.

"Ah yes...you have an appointment with the Marketing Representative of WhatsTrend Fashion, 10 o clock and..."ibinigay ni Kirsty ang schedule ni Cassandra para sa araw na yon. Matapos iyon, lumabas na si Kirsty at naiwan silang dalawa.

"I have a meeting by 10 o clock, makakapaghintay ka ba? kung hindi, umuwi ka na lang"baling ni Cassandra kay Alexander na ngayon ay abala sa pagbabasa ng libro. May mini library ang office ni Cassandra kung saan nakalagay ang mga paboritong babasahin ni Cassandra. Ibinaba ni Alexander ang libro at tiningnan si Cassandra.

"You're acting strange wife, are you mad?"mabilis na nag-iwas ng tingin si Cassandra at itinuon ang pansin sa kanyang laptop.

"Hey, are you mad? Is there's something wrong?"tumayo si Alexander at lumapit kay Cassandra. Tahimik lang si Cassandra at nagpanggap na hindi niya narinig si Alexander.

"Are you okay?"hinawakan ni Alexander ang noo ni Cassandra at dinama ang body temperature ng babae.

"I'm fine, okay?"sabay iwas niya sa kanyang mukha.

"Okay. But can I come with you?"

"No you can't, isang oras lang naman ang meeting"sagot ni Cassandra. Lihim siyang nagpasalamat nang hindi na ipinush ni Alexander ang pagtatanong.

"Okay, then I'll wait for you here"bumalik na ito sa pagbabasa. Tumayo na si Cassandra at nagpaalam na kay Alexander.

Naiwan si Alexander sa office. Itinuon na lamang niya ang pansin sa librong binabasa.

"I didn't know my wife likes fairytale this much"itiniklop niya ang libro at namili na naman ng sunod na babasahin.

"Ano to? Effective Marketing strategy?sounds good but I'm not interested"ibabalik na niya sana ang libro nang may nahulog na maliit na envelope mula dito. Pinulot niya ito at matamang pinagmasdan. Ibabalik na sana niya ito kung hindi lang kumatok ang kyuryusidad sa kanya. Natagpuan niya ang sarili na binubuksan ang envelope at tumambad sa kanya ang larawan ni Cassandra nung bata pa siya kasama ang mama at papa niya.

"They're beautiful... she's beautiful"fond na fond siya habang pinagmamasdan ang larawan ng magpamilya. Ang sumunod na larawan ang kumuha ng atensiyon niya. Hindi siya nagkakamali. Larawan ng isang lalaking may edad na kasama ang batang Cassandra.

Flashback...

Ito ang unang araw ko dito sa mundo ng mga tao at kakaibang kakaiba nga ito kumpara sa aming mundo. Maraming mga bagay na hindi ko maintindihan at bago sa aking mata. May gumagalaw na bagay tapos may tao sa loob. Mukha silang nakakulong doon.

Nagsimula akong lumapit sa gumagalaw na bagay pero mabilis itong nakalayo. Ilang sandali pa ay may nakita na naman akong paparating na kulungan tulad nung isa pero ang isang ito ay kulay itim. Mabilis akong pumagitna sa dadaanan nito at buong lakas kong pinigilan ang pagtakbo nito.

"Hoy!!!Umalis ka diyan!!!"sigaw nung lalaki na nasa loob pero dahil mas nanaig ang kagustuhan kong mapalaya ang tao sa loob ay buong pwersa kong pinigilan ang paparating na bagay.

Boogshhh!!!

"Ahhh!!! Demonyo!!!"sigaw nung babae na nakakita sa pangyayari at mabilis niyang kinuha ang kamay ng anak at tumakbo silang palayo.

Tinungo ko ang lalaki na nasa harapan at mukhang nawalan ito ng malay dahil sa lakas ng pwersa mula sa pagkakabangga ng bagay sa akin. Inalalayan ko siya palabas at mukhang nanghihina siya kaya naman dahan dahan ko siyang pinaupo sa gilid.

"Ligtas ka na"ang sabi ko na ikinabigla niya.

"Anong ligtas?! Malapit mo na akong mapatay, teka wala ka bang galos?"nag-aalalang tanong ng lalaki at tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala.

"Wala kang galos, anong klase kang tao?"nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Isa akong erlking at nandito ako sa mundo niyo para hanapin ang aking kapatid, sa tingin ko ay dito siya nagpunta"nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ilang sandali pa ay tumawa ito.

"Gusto sana kitang ipapulis pero mukhang may sayad ka sa utak kaya wag na lang, magpagaling ka na lang. Saang hospital ka ba galing???"natatawang tanong niya sa akin.

"Hospital?"sandali akong napaisip dahil sa salitang bago sa aking pandinig. Tumango naman ang lalaki.

"Anong hospital? Galing ako sa malayo at hindi sa hospital"sagot ko sa kanya.

"Hahahaha...hahahah"tumawa ng malakas ang lalaki.

"Gusto kita!!!Nakakatawa ka!!!"tawang tawa pa rin ito.

"Ganon ba? pero ipagpaumanhin mo Ginoo, hindi ko masusuklian ang iyong pag-ibig"seryoso kong sabi sa kanya na mas nagpalakas sa kanyang pagtawa.

"Di bale na, nasaan ba ang kapatid mo??tutulungan kita"ang sagot ng lalaki na ikinatuwa ko.

"Ganon ba? Maraming salamat. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero sigurado akong dito siya nagpunta..."

"Ano bang mukha ng kapatid mo?"sagot naman nung lalaki.

"Wala akong dalang litrato niya pero magkamukha kami."

"Gwapo naman kung ganon ang kapatid mo, may sayad din ba ang kapatid mo? Hahaha... teka wala ka bang magulang? Saan ka ba nakatira at ihahatid na lang kita baka mapa'no ka pa dito"nag-aalalang ekspresyon ang rumehistro sa mukha ng lalaki.

"Patay na ang magulang ko at malayo dito ang aking bahay"magaan ang pakiramdam ni Gabriel sa lalaki.

"Ganon ba? Kawawa ka naman kung ganon...Ako si Ben, ikaw anong pangalan mo?"pagpapakilala niya. Bigla akong napaisip, wala pa akong pangalan dito sa mundo nila at hindi ko pwedeng ibigay ang tunay kong pangalan.

"Wala akong pangalan, bigyan mo ako"nakitang kong bahagya siyang nagulat pero naghintay pa rin ako sa kanyang isasagot.

"Kung ganon, ikaw si Alexander mula ngayon. Paborito ko ang pangalang iyan...hmmm mukhang bagay naman sayo ang pangalan"nakangiting sagot ng lalaki. Bigla akong nakaramdam ng pagkagutom at tumunog ang tiyan ko dahil doon.

"Tara, tulungan mo akong tumayo. Kakain tayo at mukhang gutom ka na" Nagtungo kami sa isang magandang lugar. Nakakatakam ang lahat na nakahain sa aming harapan ngayon.

"Kaarawan ko ngayon Alexander kaya naman libre ko na ito sayo"aniya at napansin kong may lungkot sa kanyang mata.

"Maligayang kaarawan kung ganon, Ben"nginitian ko siya. Ngumiti din ito pero yung ngiting hindi umaabot sa kanyang mata.

"Nasaan na ang iyong pamilya?Wala ka bang asawa't anak?"sa huli ay naitanong ko sa kanya.

"Iniwan ako ng asawa ko at may isa kaming anak...babae at may asawa na ito. Minsan na lang din kami kung magkita ni Claire"pagtatapat ni Ben.

"Bakit sobra naman atang lungkot ng buhay ng napakabuting tao na tulad ni Ben?"sa isip ay naitanong ni Gabriel.

"Anong tawag dito?"tanong ko sa kanya.

"Maltesers Tiramisu ang tawag diyan, paboritong kainin ng anak ko iyan"sagot naman ni Ben.

Simula nun ay palagi ko ng binibisita si Ben. Tinuruan niya ako ng mga bagay-bagay sa mundo ng mga tao. Naging matalik kaming magkaibigan pero isang araw nalaman ko na lang na naaksidente ang sasakyang minamaneho niya. Agad ko siyang pinuntahan at nakita ko ang wasak na wasak na harapan ng sasakyan niya. Lumapit ako sa kanya at akmang bubuhatin nang pinigilan niya ako.

"Iligtas mo siya, matanda na ako. Mas kailangan ka niya, balikan mo na lang ako pagkatapos nila"tukoy niya sa mag-amang nasa likod ng kanyang kotse. Walang nagawa si Alexander kundi ang sundin ang utos ni Ben.

"She's dead"ang sabi ni Alexander nang wala siyang naramdamang pulso.

"If this is the case, I don't have a choice"may kinuha siyang kulay asul na parang apoy mula sa kanyang dibdib at ipinasok sa dibdib ng babae.

"From now on, your mine...my wife"muli ay dinamdam niya ang pulso ng babae. Gumalaw ang talukap ng mata ng babae. Ligtas na ito!!! Nilingon niya ang kasama nitong lalaki na hinang-hina na dahil sa dami ng dugong nawala mula sa kanya. May sinasabi ito kay Alexander kaya lumapit siya dito.

"Thank you for saving her, please...ta--take care of her...and...and tell her mom I love them so much"ang huling nasabi ng lalaki bago niya pinakawalan ang huling hininga niya sa mundo. Binalikan ni Alexander si Ben pero huli na ang lahat. Hindi na niya kayang ibalik ang buhay ng kaibigan. Isang buhay lang ang kaya niyang dugtungan at yun ay nagamit na niya sa babaeng walang malay.

Dinala sa ospital ang katawan ng tatlo. Hindi na siya nagpakita sa babae pero nag-iwan siya ng sulat sa silid na tinutuluyan ng babae.

The day I gave life to that girl, was the day when I marked her as mine...

End of Flashback~

"I miss you Ben"at ibinalik na niya ang mga larawan sa envelope at gamit ang kanyang teleportation ay lumabas na muna siya para hamigin ang sarili. Napunta siya sa malawak na field ng school.

Pagbalik ni Cassandra ay wala na doon si Alexander.

"Nasaan na kaya yon? Don't tell me umuwi talaga siya?"inayos ni Cassandra ang gamit sa lamesa at lumabas sa kanyang office.

"It's already time for lunch, nasaan na yon?"bumaba siya at dumiretso sa parking lot.

Pinaandar na niya ang kotse at nagdrive hanggang sa mapadaan siya field at natanaw ang isang pamilyar na figure at mukhang may kasama ito.

"Alexander?"tawag niya nang masigurong ang lalaki nga ang nasa bench ng field. Bumaba siya ng kotse at nilapitan ito.

"Marunong kang maglaro ng soccer?"tanong ng isang estudyante kay Alexander.

"Hindi. Bakit?"sagot ni Alexander sa lalaki.

"Sayang kulang kasi kami ng isang manlalaro, gusto sana kitang isama sa grupo namin"sabi ng lalaki. Umakbay naman ang kararating lang na lalaki at tinignan si Alexander pagkatapos ay nagsmirk.

"Mukhang lampa"bulong ng lalaki sa kasama at hindi 'yon nakalampas sa pandinig ni Alexander.

"Sige payag na ako pero gusto ko magkalaban kami ng bansot na yan"sabay turo sa lalaking kararating lang.

"Anong bansot?!!"reklamo ng lalaki na agad inawat nung isa.

"Ganon ba? Sige-sige walang problema. Narinig mo yun Clinton, kompleto na kami so ano pang hinihintay natin? Ako nga pala si Sam, ikaw anong pangalan mo?"lingon ni Sam kay Alexander.

"Alexander"tipid niyang sagot.

"Alexander? Anong nangyayari dito?"tanong ni Cassandra sabay tingin sa dalawang estudyante.

"Miss Ana?! Go-goodmorning po"bati ni Sam.

"Goodmorning Miss Anna"segunda naman ni Clinton.

"Why are you still outside? Don't you have classes?"tanong ni Cassandra sa mga estudyante.

"Mamayang one pa po yung next class namin Miss"paliwanag ni Sam.

"Ikaw? Bakit ka nandito? I thought you already went home"baling niya kay Alexander.

"Nagpahangin lang ako"sagot ni Alexander.

"Natapos na ang meeting, let's grab a lunch outside"yaya ni Cassandra.

"Next time na lang boys, babawi ako Sam" tumango naman si Sam at kumaway pa kay Alexander habang papalayo ang mga ito.

"What are you doing back there?"tanong ni Cassandra nang nasa kotse na sila.

"Unwinding... I'm clearing my thoughts"sagot ni Alexander sa kalmadong boses nito.

"Clearing from what? is something bothering you?"nanatiling nakatingin sa harap si Cassandra. Siya ang nagmaneho. Magmula nang nangyari ang insidenteng may humahabol sa kanila ay minabuti na niyang wag muna ipahawak kay Alexander ang manibela. He needs to undergo driving lesson.

"May namimiss lang ako"pagtatapat ni Alexander. Sinulyapan siya ni Cassandra sa salamin.

"Talaga? Gusto mo bisitahin natin?"

"Wag na. Patay na siya, gutom na ako wife...saan ba tayo kakain?"pag-iiba niya sa topic.

"Malapit na tayo." Gusto sanang magtanong ni Cassandra kung sino ang taong tinutukoy ni Alexander pero nanahimik na lang siya dahil mukhang ayaw itong pag-usapan ni Alexander.

Mag aalas siete na ng gabi at pauwi na sila. Natapos ang araw na tulad nga ng sabi ni Cassandra, naging productive nga ang araw na iyon. Tumawag si Cassandra kay Cassalea para kumustahin ito.

"Mom katatapos lang po namin at pauwi na po kami, may gusto po ba kayong pasalubong?"

(Wait lang...cookies na lang siguro anak, wala na akong maisip eh...paresan mo na lang din ng paborito kong kape)

"Sige po."

(Mag-iingat kayo ha? Oh siya bye na muna)

"Opo, bye."

"Bibili muna tayo ng cookies ni Mom"pinuntahan nila ang isang bakeshop at bumili na rin sila ng black coffee para kay Cassalea.

Pagdating sa bahay ay masaya nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ni Cassalea.

"Dito ba kayo matutulog?" tanong ni Cassalea sa dalawa.

"Pwede?"tanong naman ni Cassandra kay Alexander.

"Pasensiya na po Ma'am pero hindi po kami dito matutulog ni Cassandra"sagot ni Alexander. Tumango naman si Cassalea.

"Kung sabagay naman, mag-asawa na kayo so dapat lang na maging independent ka na sa akin magsimula ngayon, anak... Alexander...ikaw ng bahala sa anak ko"naiiyak na sabi ni Cassalea.

"Mom naman! Wag kang magsalita ng ganyan! para kang mamamaalam na eh"saway ni Cassandra sa tono ng pananalita ng kanyang ina.

"Hahaha...ikaw talaga baby! ang ibig ko lang naman sabihin eh, mag-asawa na kayo ni Alexander kaya naman dapat lang na simula ngayon ay tumira ka na sa bahay niyo talaga... don't worry about Mommy, kaya ko naman ang sarili ko"nakangiting hinawakan ni Cassalea ang kamay ni Alexander at Cassandra.

"Please take care of each other...love and respect one another and don't forget about trust! mahalaga yan sa isang relasyon. I'm praying for the protection of you guys. It's about time to live the life of married couple"mahabang litanya ni Cassalea. Pilit niyang pinigil ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata.

"Salamat po Mom...I will take care of your daughter"sagot ni Alexander at tinitigan si Cassandra na nakayuko at mukhang naiiyak na rin.

Nang gabi ding iyon ay umuwi sila sa bahay ni Alexander dala ang iilang kagamitan ni Cassandra. Nalulungkot man pero naisip din ni Cassandra na tama din naman ang kanyang ina. Kailangan lang niyang tapusin ang kontrata then malaya na siya!!!

"Goodnight"matamlay na paalam ni Cassandra. Umakyat na ito papunta sa kanyang kwarto.

"Anong nangyari sa Binibini?"tanong ni Sunny kay Berry.

"Ewan ko, tara na at baka mapagalitan pa tayo ni Master"hinila ni Berry ang mga kasama papasok sa kusina.

Samantala, pagkadating ni Cassandra sa kanyang kwarto ay agad niyang inalis ang suot na damit at nagbihis ng bago. Matapos niyang linisin ang mukha ay pabagsak siyang dumapa sa malambot na kama.

"This is so good"aniya nang maramdaman ang malambot na kama. Mayamaya pa ay nakaramdam siya ng pananakit ng ulo.

"I really need to rest"naisip ni Cassandra at ipinikit na niya ang mata.