webnovel

BEAUTIFUL SCANDAL

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Ashley_Grace_Puno · 现代言情
分數不夠
56 Chs

Chapter 22

Mabilis ang pagbaba ng oras. Kasing-bilis ng pagsungaw ng buwan mula sa maulap na langit nang yakapin ng dilim ang kalikasan at pansamantalang ikinulong roon gaya ng katotohanan na pilit niyang iningatan at ngayon ay hinayaang makalaya.

Ang katotohanan ay nagpapalaya pero hindi lahat ng kalayaan ay nakakamit ng walang kabayaran. Minsan sa bigat ng naging kapalit ay mas nanaisin mo na lamang na manatiling nakakulong sa sarili mong reyalidad kaysa maghangad ng kalayaan sa mundong hindi batas kundi puso ang tanging makapagbibigay ng patas na timbang.

Matapos ang mahabang deliberasyon ng mga guro at ng parents association, ipinatawag ulit sina Oshema, Joul at Vanessa. Hati ang opinyon ng mga guro gayundin ang mga magulang. May mga nagsasabing expulsion ang nararapat na parusa para kina Joul at Vanessa. Termination of contract naman para kay Oshema.

Nagbigay sa kanya ng sobrang pangamba ang malaking posibilidad na mapatalsik ang binata sa eskwelahan. Lalo na at nalaman niyang hindi tiyak kung tatanggapin ito ng ibang school kungsakali mang lumipat ito dala na rin sa naging delinquent history nito nang dumating sa Martirez.

Kapag sumang-ayon ang majority ng mga guro at magulang sa expulsion, papaano na ang pag-aaral ni Joul? Paano ang kinabukasan nito? Masisira iyon dahil sa kapabayaan niya. Dahil nagpadalos-dalos siya at hindi ito hinayaang ayusin ang problema kay Vanessa sa sarili nitong paraan.

Gusto ng tumulo ng luha niya dahil sa sobrang sama ng loob sa sarili. Panakaw niyang sinulyapan si Joul na kalmadong nakaupo sa tabi ni Vanessa sa kabilang dako. Pilit itong kinakausap ng dalaga. Pero tahimik lang ito habang nakatuon ang atensiyon sa hawak na cellphone.

Hinagod niya ito ng masuyong titig. He's wearing his school uniform again differently. With the necktie out, three first buttons are open and sleeves rolled up just below his elbows, uncaring the proper dress code a typical student should follow. He loosen up himself on the seat and tossed a quick glance in her direction. Nakaupo siya sa hanay ng mga kapwa niya teachers.

She pursed her lips when their eyes met. Then his lips cast a shadow of smile making her heart leapt. Nahihipnotismo na naman siya rito.Ang luhang nagbabantang sumungaw sa kanyang mga mata ay umurong pabalik. At rumagasa ang alaala ng ginawa nila kahapon sa opisina ng school president.

That was like a continuation of their storm tryst but more intense and ecstatic. They've even pulled an all-nighter that she lost count of how many times they repeatedly did it. Yet, every time he had her, he did something new she hadn't thought could be possible. And she kept learning. Overwhelmed by his expertise and frustrated at the same time wondering who and where did he learned all that prowess. Although, nakokonsola naman niya ang sarili sa paniniwalang baka sadyang magaling lang talaga ito sa lahat ng ginagawa nito. That includes the area of pleasuring his girl. One look at him and you will know he is lethally good at that. Tingin pa lang nito ay may kakayahang ilipad ang kaluluwa niya sa langit.

"Shem, are you okay?" Siniko siya ni Miriam na katabi niya ng upuan.

Tarantang binawi niya ang mga mata at ibinaling sa kaibigan. " I-I'm okay." Tumuwid siya ng upo.

"I know he is awfully hot and good looking pero nakakahiya naman kung pati dito maglalaway ka sa kakatitig sa kanya." Tonong nanunukso ito na may bahid ng kunting katotohanan.

Tumikhim siya. Nag-apoy ang mukha sa kahihiyan. "Hindi ako naglalaway." Bahaw na depensa niya. At least that one is factual. Hindi siya naglalaway. Hindi pa.

Miriam giggled. Napatingin tuloy sa kanila ang iba pa nilang mga kasamahan. Napapikit na lang siya dahil alam niyang pati ang parents officers ay nakatingin din sa kanila, lalo na sa kanya. Those eyes full of malice and prejudice, hammering on her.

Parang bubuyog na umuukit sa kanyang tainga ang bulungan ng ibang mga guro at mga magulang. Bakit kasi ang mga iyon ang naisip niya sa gitna ng sitwasyong kinasasadlakan nila? Mabuti na lang nakatago ang utak niya kundi sasaluhin niya lahat ng kahihiyan sa araw na iyon.

Nang tumingin siyang muli kay Joul ay nakangisi na ito na waring nanunukso. Sinamaan niya ito ng tingin. Tila mas lalo pa itong naaliw. Binalingan nito ang phone at nagtext. Di naglipat-sandali nagvibrate ang cellphone niya.

Him : Stop fantasizing me, you're so obvious...

His text. Plus emoticon na kumikindat.

Kinagat niya ang labi. Natutuksong sagutin ang text kahit alam niyang tinutukso lamang siya nito para di siya mag-alala ng husto. Di niya mapigil ang pagsilay ng ngiti.

That jerk...

"Kinikilig siya, oh..." Pabulong na pukaw ni Miriam.

Mabilis niyang ibinaba ang cellphone at inirapan ang kaibigan.

Natahimik ang buong silid nang pumasok ang administrator. Nagtungo kaagad ito sa upuan na nasa kabisera at ibinaba ang cellphone sa harap nito bago naupo at pinasadahan silang lahat ng tingin.

" What's done has been done." Nagsalita ito na sinundan ng buntong-hininga. " We cannot overturn it. Even passing a decisive measure can't change anything. So then, i recommend for Yzack Joul Gascon and Vanessa Olivia Torres, no expulsion but a one week suspension will be impose. As for Ms. Oshema Yzabella Salcedo, she will be transferred to other department starting tomorrow. Although her coaching duty in basketball team will be retained." Pahayag nito na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Joul.

May mga magulang at guro na gustong tumutol samantalang ang iba ay patuloy na naninimbang pa rin. Ang dean ay sumang-ayon. Bagay na hindi inaasahan ni Oshema. Pero lihim niyang ikinatuwa.

Samu't saring komento ang narinig niya habang naglalakad sa pasilyo pagkalabas niya ng conference room kasama sina Miriam at ang ibang mga guro na masasabi niyang naniniwala pa rin sa kanya sa kabila ng lahat. Hindi man hayagang ipinapakita ng mga ito ang pagkampi sa kanyang panig. Maraming negatibong pasaring mula sa mga tumututol pero hindi na niya pinansin. Sapat na para sa kanya ang desisyon ng school management. If she has to rate, it was more than what she could hope for.

" Salamat, Yam, Chelle." Niyakap niya ang dalawang kaibigan pagsapit nila ng faculty room. Sila ang nauna roon dahil ang iba ay nagtungo muna sa kani-kanilang mga klase para i-check ang mga estudyante.

"Tigilan mo nga yang pagsesenti mo, Shem. Magkaibigan tayo. We will always support you when it comes to your happiness." Sabi ni Michelle na nanunubig ang mga mata.

"We will miss you here, girl." Ungot naman ni Miriam na pinipisil ang kamay niya. "Bisitahin mo kami rito madalas ha? Wag 'yong puro si Joul lang ang aatupagin mo pag pumupunta ka rito. Magtatampo kami niyan." Bahagya itong sumimangot para ipakitang seryoso ito sa sinasabi.

Natawa na lang siya. Pati si Michelle ay nakangisi na habang pinupunasan ang sulok ng mga mata dahil sa luhang naudlot sa pagtulo.

Siguro makakapunta siya rito pero palilipasin muna niya ang galit at sama ng loob ng mga taong nasaktan niya. The atmosphere of the whole department is telling her she's not welcome here anymore once she's out.

OUT. Halos iyon ang nababasa niya sa mga mata ng mga guro at mga magulang kanina. She should be out. Shouldn't be here. Shouldn't come in the first place. Or should never be existed after all.

Kung tutuusin, hindi pa ito ang pinakamalala. The worst case scenario is up ahead. That would be between her and Vanessa, her family and Rune's family. Iyon ang kailangan niyang paghandaan.

She cleaned her cubicle and prepared some documents and outputs of her classes that she is going to turn-over to Mrs. Gonzales who will be replacing her for the time being. She will take it slow from here on. One step at a time. Confront what is necessary. Held her ground. And fight. Fight for him. For her beautiful scandal.

"Are we good?" Tanong sa kanya ni Joul pagkalampas nila ng faculty office. Sinundo siya nito para sa tanghalian.

Tumango siya at ngumiti ng matamis. They've become the center of attraction on the hallways, in the lobby and school grounds where students spent their vacant after having lunch. Some are whispering, others are just quiet watching and observing them. Napatingin siya kay Joul nang hawakan nito ang kanyang kamay habang tinutungo nila ang parking area. The air around him is posing something scary that it's almost ruthless. Kaya pala wala siyang narinig na negatibong komento mula sa mga estudyante. Natatakot sa aura nito.

"I'm sorry, I don't want to show off but I want everyone to know that hurting your feelings means hell." Lumambot ang mukha nito at pumungay ang mga mata nang tumingin sa kanya.

"Alam ko, thank you. But you don't have to scare them, Joul. I am prepared for the pain if it means being with you." Pinisil niya ang kamay nito. Causing his muscles to flex and harden." I choose this. I choose you. I'm ready for everything that would come between us."

Hinatak siya nito at niyakap. "Mahal na mahal kita, Oshema."

Ang kumukulo niyang sikmura ang sumagot rito. Kumalas sila sa isa't isa at nagkatawanan. Inakay siya nito patungo sa naka-park na motorbike. Sa pinakamalapit na restaurant sa labas ng university sila nagpunta.

" You don't have classes this afternoon?" He inquired habang hinihintay nila ang kanilang order. Nasa second floor sila at tanaw mula roon ang view sa ibabang likod at gilid ng restaurant. Basically, it's not a literal view to consider. Just a few customized landscapes of some famous spots. Hugis hagdan-hagdang palayan, may maliliit na chocolate hills at waterfalls. Para di mainip ang mga kakain habang naghihintay.

" Wala, pero marami pa akong kailangang gawin. At may pag-uusapan pa kami ni Mrs. Gonzales. She will be your new homeroom teacher."

"Really?" Napangiwi ito. "Wonderful. Can't wait." He taunted. Nanatili sa mukha ang pagkadismaya.

Mrs. Gonzales is known to be a terror instructor. Nakakatuwang isipin na pati pala ang tulad ni Joul ay natatakot dito.

"Gumala muna tayo, mamaya ka na bumalik doon." Pangguguyo nito sa kanya. "I have ample time to kill now that I'm suspended." Dagdag pa nito. Sinulyapan ang dalawang waiter na naghahatid ng mga pagkain nila.

Walang gaanong tao doon sa second floor. Bukod sa kanila ay isang mag-asawang parehas na may edad na at mag-ina lang ang naroon at kumakain. Nakadama siya ng kaginhawaan kahit papaano. Mula pa kasi kaninang umaga doon sa eskwelahan ay mistulang mga kutsilyong sabay-sabay kung tumusok sa kanya ang mga mata ng mga guro at mga magulang.

"Masaya ka ba na suspendedo ka sa klase?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Malapit na ang exams. Kaysa magbulakbol ka, mag-advance study ka doon sa library." She peeked a good view of his lazy boyish smile.

"I'm gonna miss you during classes." He vented and freed a subtle breath which she almost failed to notice.

Nagpasalamat siya sa dalawang waiter matapos ihain ng mga ito ang mga pagkain sa nakagayak na table sa harap nila. Pagkaalis ng dalawa ay nagsimula na silang kumain.

"You will miss sleeping in my class, you mean?" She teased him after swallowing a spoonful of vegan red lentil hot and sour soup.

"I will miss fantasizing how smooth and steamy you are in my dreams." He spatted back, smiling cunningly, daring her.

Natatawang inirapan niya ito at itinuloy ang pagkain. Ang mga hirit talaga ng lalaking ito, parang posporo na gusto siyang silaban. Nag-flash back na naman sa utak niya kung gaano ito kagaling. Gusto niyang kutusan ang sarili. Kumakain siya tapos ang utak niya naglalakbay na naman sa kamunduhan. Padaskol niyang tinusok ng tinidor ang isang piraso ng grilled chicken at dinala sa kanyang plato. Di niya na-realize na sobrang laki pala niyon. Buong hita ng manok. Napanganga siya.

She heard his controlled but erotic laugh. Her face heated more. She avoided his eyes and took a big bite. Pero hindi niya malunok ng maayos ang kinakain. Naglalaban sa lalamunan niya ang pagkain at ang ungol na gusto niyang pakawalan. Bakit ganoon? Nagmumukha na siyang ingot.

"Come on, babe. Did i make you feel uneasy?" Nagawa nitong mabihag ang mga mata niya. Nabasa niya roon ang magkahalong amusement at concern.

"You always make fun of me." Angal niyang sisinghot-singhot na kunyari gusto niyang umiyak.

Effective. His eyes panicked. "No, babe, i'm not. I just need diversion, because when i'm with you even like this, all i can think of is make out and made love."

Kinagat niya ang labi para mapigil ang nakaambang pagngiti. Malalagot siya pag natanto nitong nagloloko lang siya. Uminom siya ng tubig at itinuon na muli ang atensiyon sa pagkain.Napansin niyang bigla itong nanamlay habang tahimik na kumakain. Nagbibiro lang naman siya. Pero kung aaminin niya iyon baka kung anong gawin nito kahit may mga nakatingin. He could be very reckless sometimes. But it's suffocating watching him losing his vigor.

"Joul, you know that i love you, right? Not that i care if you make fun of me. I just love you and how your brain works." Tumusok siya ng isang pirasong chili-spiced salmon at isinubo rito.

Natigil ito sa pagnguya at matagal na tumitig sa kanya. Unti-unting nagbalik ang kislap sa mga mata nito. Binuka ang bibig at kinain ang salmon.