Chapter 6
^Bridgette's Part^
Sinagip ko lang sa tanung ng aming teacher yung isang kumag na yun, dahil na din sa band-aid na binigay nya sakin kanina
hay ewan ko ba dun nakatanga na naman yata kasi, ang ewan nya talaga. Buti nalang nakikinig ako sa klase kung hindi
walang makakasagot ng tanung ni ma'am halata din naman sa mga classmates ko na hindi din sila nakikinig eh. Puro
lang din naman kasi pahangin at tsismisan ang mga alam eh, wala kasi yatang geek samin ngayon sa room kundi ako lang
eh waha.
Uwian time papalabas na ko ng room ng bigla kong nabungo yung nasa harap ko pano ba naman biglang umupo para ayusin
yung sintas nya kaya naman ako, sa tuloy tuloy kong paglalakad nun bigla ako sakanya nadapa. Isipin nyo nalang ang nangyari
shocks! Sumubsub ako sakanya.
Nahulog yung hawak kong portpolio sa ulo nya ako naman napabagsak sa ulo nya tsk! Napakawalang hiya talaga sino ba
tong baliw na bigla bigla nalang uupo eh alam nya may kasunod pa syang lumalabas sa pinto.
Bumagsak kami at sya naman nauntog pa ng chin ko kaya bumagsak ako sa may likod nya habang nakaupo sya dun. Sakit sa
baba aruy ><
"hahaha look si Bridgette nagswiming wala naman dagat dyan hahaha" sabi ng isang babae na nasa harap namin na tumatawa
at nakitawa na din yung iba naming kaklase kasama na ang ibang mga boys what the F! so awkward.
"aray" sabi nung lalaking nabagsakan ko ng makita ko ang muka nya nagulat ako, sya? SYA?!
Talaga nga naman oh o!
grgrgrrr walking disaster din to eh nu. Ano ba yan!
"hahahahaha" tawanan ng mga classmates naming mga mukang aswang.
"ikaw!"
"ako?" na nakatingin sya sakin na nakaturo yung hintuturo nya sa kanya ng may pagtataka sa itsura nya.
"loser ka talaga! Titingin ka nga minsan sa likod mo gassh!" tumayo ako at inayos yung itsura ko at pinulot ko naman
yung mga gamit kong nagsipag laglagan.
"sorry di ko kasi alam" oo di mo nga alam pati nga yung sa tanong ni ma'am di mo alam eh hay naku.
Then tinilungan nya na ako sa pagpulot ng mga gamit ko kahit di ko naman sakanya sinabing tulungan ako.
Nang madampot ko na yung mga gamit ko at inaabot nya sakin yung mga pinulot na gamit ko tinignan ko sya ng masama.
"you're so clumsy babanatan na kita hmp!" at bigla nalang napagisip-isip ko yung invitation na binigay ko sakanya kanina,
ewan ko lang bakit ko nga ba sakanya binigay yun at sya yung inaya ko makasama dun, hindi naman talaga date ang ituturing ko
sa bagitong ito eh, basta sinabi ko lang yun sabi nya kasi magbabayad sya ng utang nya so yun ang naisip ko na sya ang
isama para makabayad sya sakin ng utang nya. Pero siguro dala na din yung ng frustration ko kasi wala naman kasi ako
pwedeng makasama na lalaki, wala din namana akong kaibigan takte pagtyagaan nalang tong mokong na to hu!
"sorry talaga"
"naku ewan sayo, nga pala akin na number mo I need to text you about dun sa binigay ko sayo kanina"
Tapos inabot ko sakanya yung cellphone ko at ipapatype ko nalang sakanya yung number nya.
Wala na din naman yung mga classmates namin nun, nagsi-alisan na kaya walang mang-aasar saming dalawa o sa pagkuha ko ng
number nitong isang to.
"ah about dun eh--" di na sya nakapagsalita pa kasi pinutol ko na yung sasabihin nya.
"ilagay mo nalang!" ng sigawan ko sya agad nya naman yun tinaype sa Cp ko at may tumawag na sakanya.
"dude halika na uwi na tayo" si Nicolas yung tumawag oo bagay sila mag-sama ni nico parehas silang loser talaga eh!
"sige Bridgette bye ingat ka pauwi" sabi nya sakin pag-kaabot ng cp nya teka tinawag nya yung pangalan ko parang nagstop
yung paligid ko ng isang sigundo.
Pumunta na sya kay nico at nagsimula ng umalis.
"sandal--" salitang nabangit ko ng mahina sa hangin tatawagin ko pa sana sya kaso nawala na sya sa paningin ko.
Ibinaling ko yung mata ko sa cp ko at nandun yung number nya, tumingin muli ako sa may pintuan at tumingin uli sa cp ko.
At may malaking tanong na gumulo sa utak ko.
Waaaaaaaahhhhh!!!!
Hindi ko alam anong pangalan nya, anong name ang isasave ko dito?
Ano ba yan, takte may pa 'be my date loser' pa kong nalalaman tapos sinave ko pa sya sa guro namin kanina tapos hindi ko
naman pala alam pangalan man lang nya ano ngayon ang isasave ko?.
'Ninoy Aquino nga kaya ang totoo nyang pangalan?'
Kaya ang ginawa ko nalang ay sinave yun at nilagay ko ang pangalan nya …..
Ninoy
Oppps joke syempre alam ko naman hindi nya yan pangalan nu.
Eto oh.
'L.c'
Bakit L.c?
Kasi loser na clumsy pa hahaha :)
*Home bound*
Here sa bahay nasa tapat ng computer ko habang kumakain ng Pizza roll na gawa ni nang Chaleng, habang natatawa sa
ginagawa kong kalokohan haha na iseshare ko sa pinsan ko na tanging kaibigan ko lang na pinaglalabasan ko ng sama ng loob
at higit sa lahat ng sayad ng loob ^__^
Uploading video lang naman ang ginagawa ko ngayon hehe, ang video ng isang reporter habang iniiterview ang isang girl super
hero na si (ExPhLy) 'executioner phantom lady'. Nyahahaha saya saya syempre sakanya ko lang yun ipapanuod mahirap na nu
baka kumalat pa patay ako sa mga zombies in the lawn.
'Zombie lady in the lawn' yung sinabi kong title kung sakaling iupload ko man haha ayos ba tapos yung ExPhLy na nabasa nyo kanina yan lang naman din
yung screen name ko sa aking fb acount.
Tapos nagchat na kami ni insan ko at ipinanuod ko yun sakanya tapos tawa sya ng tawa sa pinanuod nya habang magkachat kami.
Chat.
Nicole: HAHAHAHA :P SUPER LOL AKO DITO INSAN, SUMASAKIT YUNG TYAN KO YOUR SO RUDE TALAGA!
ExPhLy: ayos ba ginawa ko mga talunan yang mga yan eh..
Nicole: sayang insan wala ako di san dalawa tayong bumugbug sakanila
ExPhLy:eh kelan ka ba kasi uuwe dito insan miss na kita eh ;\
Nicole: ISANG BIG SECRET HEHE =)
Yan yung iba sa mga sample ng mga napag-usapan namin ni insan tagal nya umuwi sa Pinas miss ko na sya mas miss ko pa nga sya
kesa sa ate ko eh dahil mas close kami ni Nicole matagal na din syang hindi nauwe, 1 year na sya dun sa England. Dun na
kasi sya pinag-aral eh hay miss ko na sya.
Naglog-out na ko dahil sabi ko sa pinsan ko gagawa pa ko ng asignment ko kako, pumayag naman sya hmm hirap pag ganitong
may asignment wala akong mapagtanungan wala si papa wala si mama wala dito si ate alangan sa mga kasang bahay ako magtanung
ng mga ganito eh pag tinanung ko naman kay Nicole eh wala din naman alam yun naku buti nalang talaga nandyan si…..
Mr. Google & Mr. Wikepedia
^Reyjin's Part^
*Dorm*
Nakahiga ako sa double deck na kama namin ni dude Nicolas, nasa baba ako sya sa taas nakahiga, siuro tulog na sya alas
onse na kasi eh at ako hindi pa din ako makatulog mukang umatake na naman yung insomia ko nito. Nakatingin lang ako sa
taas kahit wala naman akong tinitignan nagets mo? Ni wala din akong naiisip sa mga oras na ito, hindi ko pinipilit
makatulog hinahayaan ko nalang na makatulog nalang ako kesa makipaglaban pa ko sa pagtulog kung hindi naman ako makatulog
edi napraning lang ako kaya heto mulat ako na parang ang lalim ng nasa isip ko kahit ang babaw lang naman ng i.q ng brain ko.
Bumangon ako at nagpunta sa may table kung saan nandun yung bag ko, binuksan ko yun para ayusin yung mga gamit ko para
bukas, ganito kasi parati ang ginagawa ko kapag inaatake ng MAHIRAP MAKATULOG SYNDROME sa paraan na to may nagagawa na ko,
inilabas ko yung mga ballpens ko eraser tsaka lapis protractor at pantasa sa isang pocket ng bag ko, pinunasan ko yung
mga gamit ko gamit ang bagong panyo na hindi ko pa nagagamit nililinis ko lang sila wala ang o.a ba? Gusto ko kasi ng
kalinisan sa mga gamit ko kahit na ganito ako. (o sadyang sinasadya lang talaga ng author na paglinisin ako para may makita ako)
Ngayon naman inopen ko na yung lagayan ko ng mga notes kasi tapos ko na
ilagay ulit sa bag ko yung mga nilinis ko na bagay. Pag kakuha ko ng mga note book ko may bigla nalang nahulog na isang
bagay kaya naman ng nakita ko may nahulog banda sa kina-uupuan ko tinignan ko yun, yumuko ako para madampot at nakita ko
ang isang sobre at na-alala ko na ito yung binigay sakin ni ms.Bridgette na sobre sakin.
"be my date loser!"
Yang mga words ang biglang pumasok sa utak ko sanay naman na akong tawaging loser eh sya lang naman parati nagsasabi
nyan pati ako sa sarili ko, sa ibang tao naman ang tawag sakin eh 'talunan' o di ba magkaparehas lang pala ibig nun sabihin.
Inopen ko yung laman ng sobre isang invitation para sa isang party, 'GRAND BALL AT THE 9TH HOTEL FOR THE FUTURE TYCOONS'
Parang mukang pang mayaman yun ha halata naman kasi ang ganda din nga ng design ng sobre at invitation card eh.
Ano naman kaya ang susuotin ko duon nakakahiya naman yun. Wala akong damit para sa mga ganung party eh tsaka hindi din
ako mahilig magpupunta sa mga ganun ano namang alam ko dun di ba, masyado akong mahiyain pero what should I do?
Hindi ko naman pwede ibalik to sakanya syempre mapapahiya ko sya dahil sa pagbigay nya nito sakin at nahihiya din ako may
utang pa nga ako sakanya eh hay! Isang malalim na paghinga habang nakapalumbaba eto na naman ako eh kailangan ko yata ng
limang daan. At isa pa ayoko umuwi ng bahay!
Tinitigan ko lang yung invitation na yun ng ilang minuto tsaka ko uli nilagay at inipit sa isang notes ko na hindi ko
ginagamit para hindi mawala o malukot dito sa aking bag. Pagkatapos nun ay nahiga na ulit ako sa higaan and this time mga
ala una na pala hindi ko na namalayan yung oras siguro sa mga ginawa kong paglinis at pag-ayos ng gamit ko inabot na ako ng
2 oras mabagal talaga ako, pero salamat na din dahil dinalaw na ako ng antok at naisip na din ng mata kong matulog.
*At school*
Habang naglalakad kami natanaw ko ang isang dalada sa di kalayuan naglalakad sya sa daan at saking mga mata para syang
dumadaan na mayroong dalang pag-asa.
"dude"
"dude!"
"uy dude!!"
"oh bakit dude?" di ko napansin tinatawag pala ako ni Nicolas
"sino bang tinitignan mo dyan kanipa pa kita kinakausap parang wala ka na naman sa mundong ito eh nasaang planeta
ka na ba ha?"
"venus"
"ano?"
I mean yung kagandahan nung nakita ko kala ko sya si venus the godess of beauty.
Kaya ang ginawa ko nalang bahagya kong itinuro yung babae sa may harap na naglalakad.
"si Camillke yan ah!"
"oo sya nga"
"crush mo nu hehe nakanaks naman dude" habang sinisiko siko nya ako ng mahina.
Oo yata cush ko na sya kaso ano naman magagawa ko para mapansin ako nun ni ms.Mill masyado akong lampa at mahiyain ni walang
lakas ng loob.
Think!