webnovel

INTERLUDE

Interlude

JEALOUSY

"SARAH! WHAT have you done again?!"galit na singhal ng isang ama sa kanyang anak na si Sarah, Sarah Ville.

"'wag mo namang sigawan ang anak mo,"saad ng kanyang ina habang pinipigilan ang asawa na saktan ang kanyang anak.

Isa na namang kasalanan ang ginawa ng batang si Sarah. Kung noon ay nagawa nitong mandaya ay mas kakaiba na ito ngayon. Dahil sa lumalagong inggit, na panget na katangian, ay hindi lang magagandang gamit ang ninakaw ni Sarah kun' 'di mga mamamahalin din.

Labis na pagkahiya ang naramdaman ng mga magulang ni Sarah nang malaman na inaakusahan na ng buong paaralan ang anak nila bilang isang magnanakaw na masakit pakinggang sa kahit na sinong magulang na tawagin ang kanilang anak ng hindi maganda ngunit totoo iyon.

"Why don't you be like the young Gabriel? Bakit hindi ka na lang naging kagaya ni Grace?! She was nice! She's academically good! She's not cheating and she's not doing robber—"bago pa man matuloy ng ama ni Sarah ang pagsermon nito ay isang malakas na sigaw na ang pinakawalan ng bata.

"WHY ARE YOU ALWAYS COMPARING ME TO GRACE?! SHE'S A BITCH! SHE'S NOT ACADEMICALLY GOOD! IN POOR PEOPLE'S TERM, SIPSIP SYA! SIPSIP!"hindi napigilan ng ama ni Sarah na sampalin ang anak na labis na ikinagulat ni Sarah. Tumakbo ito at paakyat sa kanyang kwarto ng umiiyak.

Bata pa lamang si Sarah ay napuno na ang kanyang puso ng inggit at ngayon ay hindi na maganda ang naidudulot nito sa kanya. Naiinggit sya sa mga bagay na wala sya habang nagpapainggit sya ng mga bagay na meron sya na wala sa iba.

Sarah is a brat? Yeah she is. Not that spoiled brat but a brat with no good descriptions.

Grace Gabriel. Anak ng kaibigan ng ina nya na naging kaibigan nya noon. Matalik talaga na magkaibigan ang dalawa hanggang sa sinimulang ipagkumpara ng kanyang ama ang batang si Sarah sa kaibigan nito na si Grace.

Laging sinasabi ng ama nya na matalino si Grace, magalang si Grace, mahusay si Grace, talentado si Grace, at kung ano-anong pang magagandang salita na kabaligtaran ng kanyang mga naririnig mula sa ama.

Hindi tulad ni Grace ay hindi matalino si Sarah. Mabagal itong makaintindi. Hindi rin naging magalang si Sarah dahil bata pa lang ay malayo na ang kanyang relasyon sa kanyang ama at ina. Walang bagay na mahusay si Sarah kun' 'di ang pasakitin ang ulo ng kanyang mga magulang ag ipahiya sila. Hindi rin talentado si Sarah at t*rantado pa nga ang tawag sa kanya ng kanyang ama.

Mag-isang umiiyak sa sariling kwarto si Sarah. Dahil sa poot at inggit ay nakaisip sya ng plano. Bata pa lamang ay nais na nyang burahin sa mundo ang dating kaibigan at sinimulan nya uling makipagkaibigan kay Grace.

"Totoo ba 'yan Sarah? Hindi ka na galit? Bati na tayo?"nakangiting tanong ni Grace at isang ngiti at tango ang isinagot ni Sarah na isang peke lang at arte.

Nagyakapan sila at simula noon ay nagbalik sa dating ang kanilang mga ginagawa. Sabay sila sa lahat ng gawain at naging pareho ang kanilang mga hilig.

Nang mga panahon ding iyon ay ilang beses na tinangka ni Sarah na patayin si Grace ngunit palpak ito lagi.

Sinubukan na nyang magpanggap na natulak si Grace sa rooftop ngunit nakahawak ito sa railings at nailigtas ng isang guro. Nasubukan na din ni Sarah na magmaskara at iuntog ang ulo ni Grace sa cr hanggang sa magdugo ito kaya lang ay isang guro rin ang nakakita noon at muntik na syang mahuli noon. Nasubukan na din nyang lagyan ng bubog ang mga pagkain ni Grace ngunit iba ang napahamak ng gawin nya iyon at nagsisi sya at natakot kung kaya't isinantabi nya muna ang pagpatay kay Grace at inisip kung paano tatatag ang kanilang pagkakaibigan.

Kasabay ng pagtagal ng panahon ay ang pagtanda ng magkasama ng dalawang bata na ngayon ay magaganda ng mga dalaga. Nawala na ang komparasyon sa kanila nang mag-excel si Sarah sa mga bagay na dahil sa tulong ni Grace ngunit hindi nya pa rin nalilimutan na burahin sa mundo si Grace.

Sa paglaki nila ay maraming nalaman si Sarah kay Grace. Marami syang nalaman na nakatulong sa kanya sa pagkitil kay Grace.

Sa gabing malagim ay iilan na lang ang natitirang buhay sa isla ng mga Manolo at hindi pa din kilala ang killer.

Natatakot man si Sarah na mapatay ng mamamatay-tao na pumatay sa iba nilang kaibigan ay kinuha nya pa rin itong iprotunidad upang makaganti kay Grace.

"G-guys, nauuhaw ako..."saad ni Grace kaya napahinto ang lahat ng natitirang buhay. Aalma sana si Archi dahil hindi sila maaaring mahiwalay ngunit nagpumilit pa si Grace." Please... Saglit lang ako,"dagdag nito.

Si Win naman sana ang tututol ngunit naisip ni Sarah na pagkakataon na nya na masolo si Grace at mapatay kaya nakisali sya sa usapan.

"Ako din please... Sasamahan ko sya. 'pag nakita namin ang killer ay sisigaw kami. Please na..."saad ni Sarah. Nasa isip lang nito na mapatay si Grace kaya ginagawa nya ang lahat upang mangyari iyon.

"Sasama din ako. Sisigaw ako ng malakas kung sakaling may killer. Hindi rin ako nauuhaw at magiging look out ako,"presinta ni Helen dahilan para mainis si Sarah. Akmang magsasalita pa sana si Sarah ngunit pumayag na ang lahat na magsama-sama sila kung kaya't napaisip si Sarah kung paano nya magagawang hindi malaman ni Helen ang gagawin nyang pagpatay kay Grace.

Naiwan na silang tatlo at umakyat ang ang iba sa attic para sa mga sandata na kailangan nila upang maprotektahan ang sarili.

Nang makarating sila sa kusina ay nagpresinta si Sarah na sya ang magtitimpla ng juice ni Grace. Hindi umalma si Grace at naupo lang. Si Helen naman ay nagmamasid sa paligid upang masiguro na ligtas sila. Dahil sa abala si Helen at Grace sa pagbabantay ay hindi nila nakita ang ginawang masama ni Sarah.

Nilabas ni Sarah mula sa bulsa ng kanyang jacket ang isang maliit na bote na naglalaman ng kulay dilaw na likido na kasingkulay ng mango juice.

Isinalin nya iyon sa baso at nilagyan ng kaunting tubig at itinimpla pa rin ang powdered juice doon. Hinalo nya ito ng maigi bago iniabot kay Grace.

Nakakita naman ng paraan si Grace para kay Helen kung kaya't kinuha nya ang malaking lata at lumakad sa likod ni Helen.

"Helen!"humarap si Helen nang sumigaw si Sarah at saktong pagharap nya ay syang malakas na paghampas ng de lata sa ulo ni Helen

Natumba si Helen na duguan ang ulo.

"Sarah, anong ginawa mo?"takang tanong ni Grace. Hindi pa nito naiinom ang laman ng baso at hinahalo-halo pa ito.

"Hindi mo ba napansin, nagpresinta sya na sumama sa atin para sa isang dahilan Grace,"palusot ni Sarah. Lumapit ito at niyakap si Grace.

"At ano naman ang dahilan nya Sarah?"tanong uli ni Grace. Wala itong alam sa nangyayari maliban lang sa alam nyang duguan ang ulo ni Helen.

"Helen is the killer. Sumama sua sa atin dahil dadalawa lang tayo at para mapatay nya tayo,"pagsisinungaling ni Sarah at naniwala naman ang walang kaalam-alam at inosente sa mga pangyayari na si Grace." Sige na, inumin mo na ang juice mo. Kailangan na nating sabihan sila sa taas na ligtas na tayo,"tumango lang si Grace kahit na purong kasinungalingan ang lumabas sa bibig ni Sarah.

Hindi killer si Helen. Hindi pa rin sila ligtas. Wala pang ligtas sa ngayon.

Itinaas na ni Grace ang baso at dahan-dahang inilapit sa kanyang bibig. Masinsinang pinanood ni Sarah kung paano lagukin ng lalamunan ni Grace ang laman ng baso hanggang sa makalahati ito.

"Ang weird ng lasa Sarah,"reklamo ni Grace. Nanunuot pa rin ang lasa ng kanyang ininom sa kanyang dila.

"Gan'yan talaga 'yan Grace,"saad ni Sarah habang nakangiti. Hindi na lumipas ang minuto at segundo lang nang sumakit ang tyan ni Grace ng sobra.

Humingi ito ng tulong kay Sarah ngunit nagbingi-bingian ito. Namilipit si Grace sa sakit sa tyan at pinapanood lang sya ni Sarah.

Ang nakikita ni Sarah sa kanyang harapan ay kinokonsidera nyang kasiyahan. Kasiyahan dahil tagumpay na ang planong pagpatay kay Grace. Nagtagumpay na din sya. Nakangiti ito at 'di mapigilang 'di mapatawa.

Nag-iba na ang kulay ng muka ni Grace hanggang sa manginig ang katawan nito at nagsimulang bumula ang bibig.

Nakatuon lang ang tingin ni Sarah kay Grace na unti-unting namamatay, na unti-unting pinapatay ng lason na nabili nya lang sa kung saan.

Nagbula pa ng nagbula ang bibig nito hanggang sa tumigil ito at sumandal na lang sa upuan ang wala ng buhay at malamig na bangkay ni Grace.

"Sorry but we are not bffs nor friends,"saad ni Sarah at umalis sa kusina.

Iniwan nya ang bangkay ni Grace na nakaupo at pati ang nakahigang katawan ni Helen sa sahig. Wala syang paki kung malaman ito ng iba. Ang mahalaga sa kanya ay mawala ang nag-iisa at tangi nyang kaaway at kalaban na si Grace.

Ang babaeng lagi nyang pinagseselosan ngunit ngayon ay wala na. Wala na ang matalinong Grace, wala na ang magalang na Grace, wala na ang mahusay na si Grace, at wala na ang talentadong Grace dahil wala na si Grace at isa na lang bangkay na ang pinagmulan ay selos.

Jealousy is really dangerous. It can kill a person or make a person kill the person they are jealoused of.

[JEALOUSY]