Chapter Twenty
BATTLE FOR LIVES
(Last Choice Chapter)
[WIN]
NAKARAMDAM AKO ng mahinang tapik dahilan para imulat ko ang mata ko. Sa pagdilat ko ay nag-aalalang muka ni Archi ang nakita.
"Win..."bigla nya akong niyakap nang magising ako. Inilibot ko ang aking tingin at nakitang duguan kaming tatlo ni Tristan.
Lahat kami ay may sugat sa likod na gawa ng saksak ni Selene.
"S-si Paulo?"takang tanong ko dahil tatlo lang kaming nandito.
"F*ck!"napatingin ako kay Tristan dahil sa pagmumura nya. Nilapitan namin sya at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sugat sa aking likod.
Sinubukan naming sipain para bumaba ang hagdan ng attic ngunit para itong nakalock sa labas.
"Si Paulo, nilock tayo dito,"napatingin ako kay Archi. Si Paulo? Ilalock kami?
"Baka sya ang killer! T*ngina nya!"sigaw muli ni Tristan at napatango si Archi.
"Win, sya ang killer. Sa Paulo ang pumatay kela Rudolf, Anica, at Luis. Sya ang pumatay kay Venice at Gino at sa iba pa,"biglang napakunot ang noo ko sa sinabi ni Archi.
H-hindi iyon magagawa ni Paulo. Mabait si Paulo!
"Yung mga clues... Yung ballpen ang pinakaclue doon Win na sana simula pa lang ay naintindihan na natin,"dagdag pa din ni Archi. Y-yung ballpen?
"H-how come?"tanong ko. 'di ako makapaniwala. Magagawang patayin kami ni Paulo? Pero... Argh! Kung sya talaga ang killer ay nanganganib kami ngayon! As of now, maaaring hinahasa na nya ang kung anong patalim na meron sya o 'di kaya baka inihahanda na nya ang baril nya.
"He's the plot writer,"sagot ni Tristan sa sagot ko. Tama. So ang ibig sabihin ng ballpen ay ang role namin sa grupo at ang role ni Paulo sa grupo ay maging plot writer maliban sa pagiging direktor.
"K-kailangan na nating umalis!"tumayo ako kahit na masakit ang sugat ko sa likod. Ininda ko ang sakit dahil mas lalala ang mga susunod na mangyayari. Buhay na namin ang magiging kapalit kung mananatili pa kami dito.
Pumwesto kami para sipain ang pintuan ng attic para bumaba ito. Wala akong matandaan na nilalock ang attic pero sa 'di malamang dahilan ay hindi ito mabuksan.
"3... 2... 1... Go!"matapos magbilang ni Archi ay malakas na sipa ang aming pinakawalan. Bahagyang bumukas ang pinto pero 'di ito sapat para makaalis kami.
"Kailangan maalis ng shelf!"sigaw ni Tristan. Dahil sa malaking bookshelf ay nahaharangan nito ang pinto ng attic pababa.
Kanya-kanya kaming lusot ng kamay sa espasyo ng nakabukas na pinto. Sinimulan na naming itulak ang shelf at 'di nagtagal ay nagawa naman namin. Pasalamat na lang talaga at mukang madali itong itulak.
Tuluyang bumukas ang pinto at naunang tumalon pababa si Tristan. Nasira ang hagdan at 'di namin ang kung sinadya ito ni Paulo.
Nasa baba na si Tristan at nagmasid sa paligid. Nang masigurong wala si Paulo ay saka nya kami inutusang bumaba.
"Mauuna muna ako tapos tsaka ka sumunod. Okay?"napatango ako sa sinabi ni Archi. Tulad ng sinabi nya ay nauna syang tumalon pababa. Nang makababa sya ay saka nila ako sinenyasan na bumaba.
Tumalon din ako at nasalo na ako nila Tristan at Archi. Nagsimula kaming lumakad at naging maingat kami. Kung nasa mansyon pa si Paulo ay dapat handa kami.
Bumaba kami sa hagdan ng mansyon at 'di ko napigilang 'di mapasilip sa kusina. May bakas ng mga dugo duon pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si Grace na bumubula ang bibig. May baso ng orange juice sa kanyang tabi na bawas na.
"She was poisoned,"napaharap ako kay Archi nang magsalita sya. He is right. Mukang nalason nga si Grace at tulad ng iba ay wala na rin itong buhay dahil sa maputla na ito at ang mas nakakatakot ay ang mata nito na tumirik.
"Halina kayo! Wala si Paulo!"mahinang sigaw ni Tristan at tinungo namin ang pinto. Sa may hagdanan ay napahinto kami nang makita ang bangkay ni Katherin.
Lumandas ang luha mula sa aking mata pababa sa aking pisngi. Nagsisisi ako. Nagsisisi ako na pinagbintangan namin sya. Nagsisisi ako na inakala naming sya ang killer. Nagsisisi ako na bago sya namatay ay imbis na salita para matuwa sya ay salita na nagtuturo sa kanya dahil pinagsususpetyahan namin sya. I hate myself for saying hurtful words and now I can't take it back. 'di ko na mababawi iyon ngayong patay na si Katherin.
Napahikbi at lumuhod si Tristan. Kahit ako ay parang mapapaluhod dahil sa mga nangyari. Sa kanilang lahat, sa tingin ko ay kay Katherin ako dapat na humingi ng tawad.
"S-sorry Kath... Sorry..."bigkas ni Tristan. Napatingin din ako kay Archi. Tulad namin ay may luhang kumawala sa kanyang mata. Kanina pa sya umaaktong matatag pero alam kong mas higit sa akin ang sakit na nararamdaman nya lalo pa't tulad ko ay mga kaibigan din ang nawala sa kanya. Mga kaibigang kahit na may 'di magandang ugali ay masayang kasama.
Lumapit si Tristan sa bangkay ni Katherin at kanyang nilapat ang kanyang labi sa labi ni Katherin. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng mga simple nyang kilos. Hindi lamg basta kaibigan ang turing nya kay Katherin kun' 'di isang mahal na prinsesa. Maihahalintulad ang senaryo na ito kela Snowwhite at sa kanyang prinsipe dahil sa puti ng Katherin at ganda ngunit sa kasamaang palad ay hindi na maibabalik ng halik ang nahihimlay na si Katherin dahil patay na ito.
Tumayo si Tristan at pinahid ang luha sa kanyang pisngi." U-umalis na tayo,"napatango ako at nagsimula na kaming lumakad.
Dahil sa mga nangyari ay ngayon lang sumagi sa isip ko ang isang bagay. Bahagya kong hinila ang dulo ng damit ni Tristan upang huminto sya.
"P-paano tayo aalis? Wala na yung emergency boat,"tanong ko. Naalala ko nang tignan namin ni Helen sa kweba ang bangka ay wala na ito.
Humarap sa akin si Tristan. Madilim ang aura nito at walang ekspresyon ang kanyang muka. Ni walang kagana-gana.
"P-patayin ko si Paulo..."napahawak ako sa kanyang kamay nang sabihin nya iyon. Mapapahamak sya!
"Hindi pwede Tristan! Professional killer din sya tulad ni Selene baka mapatay ka!"singhal ko. Mali ang planong iniisip nya. Hindi sya mabubuhay sa naisip nyang plano. Hindi lang basta-basta mamamatay-tao ang kinakalaban namin kun' 'di isang bihasa at talentadong mamamatay-tao.
Hinarap ko si Archi para tulungan akong kumbinsihin si Tristan ngunit yumuko ito matapos magkasalubong ang tingin namin.
"W-wala tayong paraan kun' 'di ang patayin sya Win. Isang oras na lang at sisikat na ang araw. Sa pagsikat ng araw ay may mga mangingisda na sa dagat at maaari nila tayong tulungan. Kung mabubuhay pa si Paulo hanggang sa pagsikat ng araw ay baka kahit anino natin ay mapatay nya,"napahinto ako sa sinabi ni Archi. Kung gano'n ay ang planong pagpatay na lang kay Paulo ang natitirang paraan? 'yun lang? Hindi pwede!
Biglang pinisil ni Tristan ang aking kamay. Napaharap akong muli sa kanya at isang ngiti ang nakita ko. Ngiting alam king hindi totoo.
"Magtiwala ka sa akin Win. Makakaalis kayo..."ayoko ng umiyak pero sa mga sinabi ni Tristan ay parang balde na naman ng luha ang ilalabas ng mata ko. Ito na ba talaga ang natatanging paraan?
"Ako na ang bahala kay Paulo habang pilitin nyong umabot hanggang sa sumikat ang araw. Kung hindi man ako magtatagumpay ay sana pilitin nyo na lang na mabuhay at 'wag ng lumaban,"nagcrack ang boses ni Tristan. Hindi, hindi tama 'to! Ayoko! Tatlo na lang kaming natitira at parang may mababawas pa!
Hinawakan nito ang dalawa kong kamay." Pagnakaligtas kayo at nabuhay... Bigyan mo ng maayos na libing ang lahat lalo na kay Kath,"hiling nito at sinagot ko ng tango.
Pinahid ni Archi ang aking mga luha at nakatinginan kaming tatlo bago huminga ng malalim at tumango. Ito na lang talaga sigurk ang paraan.
***
Chapter Twenty
BATTLE FOR LIVES
(Tristan Versus Paulo Chapter)
[TRISTAN]
SA LAHAT ng nangyari, tatlo lang ang aking sinisisi dahil sa pagkamatay ni Kath. Sinisisi ko ang sarili ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil 'di ko man lang nasabi na mahal ko sya bago sya namatay. 'di ko man lang naipahayag ang aking damdamin bago sya nawala. At higit sa lahat, 'di ko man lang sya nailigtas.
Sinisisi ko si Sarah. Napakaselfish nya. Nagawa nyang itulak si Kath at naaasar ako na buhay pa sya. Isa sya sa kinamumuhian ko at kung buhay pa sya ay ako na ang papatay sa kanya. Pero naisip ko na maaaring patay na sya dahil inakala ni Selene na sya ang killer gayong si Paulo pala talaga ang totoong killer.
Ang huling at pinakasinisisi ko sa lahat. Bakit ba kasi dumating si Paulo sa Crest University?! Anong dahilan at kailangan nya kaming patayin isa-isa?! Kung hindi sya gumawa ng gulo ay baka masaya sana kami ni Kath at baka ngayon pa lang ay nasabi ko na ang gusto kong sabihin.
Nasa bungad na kami ng gubat at isang lalaki at babae ang naglalaban. Bahagya kaming umatras para 'di kami mapansin ako nakakita ako ng isang kahoy kung kaya't kinuha ko ito.
"Sa oras na kalabanin ko sya ay tumakbo kayo sa taas ng bangin dahil paniguradong makikita kayo ng mamgingisda sakaling sumikat ang araw,"utos ko. Wala kaming pagpipilian kun' 'di ang hayaang kalabanin si Paulo at ako na ang nagboluntaryo para doon.
Wala naman talagang kasiguraduhan na mapapatay ko si Paulo at hiling ko rin na mamatay na dahil wala na si Kath pero kailangang makaligtas nila Win at Archi. Kailangan nilang makahingi ng tulong. Kailangan nilang mabigyan ng hustisya ang mga namatay dito sa isla. Kung mamamatay man ako laban kay Paulo ay hindi ko din naman sya hahayaang hindi magantihan kaya mula sa likod ko ay isang kutsilyo ang nakatago. Tulad ko ay may nakatago ring kutsilyo sa likuran ni Archi.
Si Win? Wala syang sandata at alam kong ililigtas sya ni Archi. Wala akong ibang pinagkakatiwalaan maliban sa mahal kong si Kath at sa matalik kong kaibigan na si Amelia pero isa na rin si Win sa aking pagkakatiwalaan para makahingi ng tulong.
Mabalik kay Amelia, nagsisisi din ako na tulad ni Kath ay 'di ko sya nailigtas. Mabait si Amelia at sya ang katuwang ko sa lahat ng bagay at masakit sa akin na pati nag-iisang matalik kong kaibigan ay wala na.
Silang dalawa ni Kath ay maituturing ko na mga prinsesa. Mga prinsesa na bumuo sa akin at ngayong wala na sila ay hinihiling ko pa rin ang lahat ng makabubuti sa kanila.
Nagulat na kami nang pagsasaksakin na ni Paulo si Selene. May kung ano kay Paulo na nakakabahalabilang isang killer. Wala syang awa.
Nang patayin nya si Rina ay puro butas ang katawan nito at walang parte ang hindi nya yata sinaksak ng ballpen. Ang pagkamatay ni Akashi ang isa sa nakakadiri at nakakasuka, puno sya ng saksak kahit pa ang kanyang ulo. Sa kaso ng iba ay 'di ko na alam. Ang kay Manong Pete, ay marahas din dahil sa ipinulupot nya ang barbed wires sa leeg ng matanda. Kay James na unang namatay ay puno din ng saksak sa dibdib at binuklat pa ito.
Napakawalang awa. Dahan-dahan kami tumayo at itinaas ko ang kahoy na hawak ko. Sa oras na mahampas ko sya ay kailangan ng tumakas ni Win at Archi.
Dahan-dahan kaming lumapit kay Paulo. Akmang haharap ito sa akin nang bigla kong ihinampas ang kahoy sa muka nito. Pagkakataon nga naman, may pako ang tumama sa kanya at bumaon ito sa kanyang kanang mata.
"Arghhh!"sigaw ni Paulo habang nakahawak sa kanyang dumudugong mata.
"Go! Umalis na kayo! Iligtas nyo na ang mga sarili nyo!"sigaw ko at mabilis na tumakbo ang dalawa. Alam kong ayaw nila akong pabayaan pero ayaw kong sirain nila ang plano.
"Mag-iingat ka!"'yan ang mga salitang huli kong narinig kay Win bago sila nawala sa aking paningin.
"T*ngina mo!"napaluhod ako nang saksakin nya ng kutsilyo ang likod ng binti ko. Sobrang sakit no'n kaya naihampas kong muli ang kahoy sa kanya at tumama naman ang hampas ko sa kanyang tagiliran.
Napadaing sya sa sakit at bahagyang umatras. Tumayo sya at ako naman ay dahan-dahang tumayo.
"Papatayin kita!"sigaw ko at saka iwinasiwas ang kahoy na hawak ko. Tanging pag-iwas ang nagawa nya at dahil nasa panig ko ang Diyos ay tumilapon ang kanyang kutsilyo nang matamaan ko iyon.
Kita ko ang galit sa kanyang muka. Hanggang ngayon ay nagdudugo ang kanang mata nito pero parang wala lang ito sa kanga. Ano bang klaseng demonyo ang lumikha sa kanya?
[CHAPTER TWENTY]