webnovel

CHAPTER 1

Chapter One

FILTHY RICH CIRCLE OF FRIENDS

[WIN]

NAKADALAWANG LINGGO na rin ako dito sa Crest University. Dalawang beses na din akong nakaattend ng club meeting at pinag-uusapan pa rin ang huling proyekto at baka ngayong biyernes na nga sabihin kung ano ba talaga iyon.

About sa subject na nabagsak ko, naipasa ko na ito pero para tuluyang pumasa ay kailangan naming maisagawa ang huling proyekto ng bawat club. The last month of school year here at CU was the Club Month kung saan kailangang gumawa ng isang proyekto ng isang club para umani ng pera para gawing pondo sa mga ampunan. Isa pa, ang huling proyekto ay mahalaga din para pumasa.

Archi, the basketball MVP, was also a club member of Theater and Drama club at tulad ko din ay nasa Drama sya. Theater and Drama Club are both the same but still different. Theater Club members performed live while Drama Club performed using films that were shooted.

Wala akong masyadong nakakausap sa club dahil kahit si Archi ay may mga kausap din. May mga kaibigan sya na tingnan ko pa lang o sulyapan ay kinaiinisan ko na. Puno kasi sila ng yabang at ang ingay pa nila. May maipagyayabang nga naman sila dahil sa kanilang kagwapuhan o kagandahan at kanilang pera ngunit wala silang manners. Lagi nilang inaapi ang dalawang studyante na tulad ko ay transferee din.

'di ko kilala yung lalaking transferee pero yung babae ay nakilala ko dahil sya ang nagpresinta na mag-iisip ng kwento ng palabas. Ako, bilang extra sa magiging palabas ay isa ring tagahawak ng mikropono. Yes, palabas ang gagawin namin pero magtatagal ito ng isang oras o higit pa at hindi na ito tulad ng mga naunang proyekto na short films lang.

Yung nagpresintang magiging manunulat ng istorya ay si Rina. Isang nerd kaya laging inaapi ng mga kaibigan ni Archi. Pinipigilan naman ni Archi ang mga kaibigan nya pero ayaw nilang magpaawat sa panggulo sa panibagong mga studyante.

Paano ako naging ligtas? Pasalamat na lang at Sandoval ang apelyido ko. I'm untouchable yet marami akong naririnig na minanipula ang mga grado ko na sa totoo lang ay pinaghirapan ko naman talaga kaya mali ang kanilang mga akusasyon.

Napaikot ang mata ko nang tawagin ako ni Archi. 'di nya ba alam na ayaw ko sa mga kaibigan nya? Wala akong balak na kaibiganin kahit isa sa kanila except lang kay Archi at doon sa Helena ba 'yon o baka Helen lang? Basta! Sila lang ang nakikita kong matino sa circle of friends nila.

"Witwiw~"narinig kong sipol ng isang lalaki. Nagulat ako nang may maamoy akong kakaiba pero mabango. It smells sweet yet masyadong maputi ang usok kaya napalingon ako sa likod ko.

Napapaypay ako sa ilong ko. Geez! Magvape ba naman sa harap ko! Argh!

"Gino!"biglang saway ni Archi at hinila ako. Iniupo nya ako sa tabi nya habang inuutos-utusan nung mg kaibigan nya si Rina at yung isa pang transferee na lalaki.

"Sorry miss. Nakaharang ka kasi eh,"napataas ang kilay ko sa sinabi nyang word na 'nakaharang'. Cigars are on his uniform's pocket. Higit na ayaw ko sa lahat ng tao ay yung mga nagsisigarilyo!

"Anong gusto mo Sandoval? Dali! Ipapautos natin kay nerd at sa lalaking frog!"nakangiting sabi sa akin ng isang babae. Her makeup was so fancy na kahit na nasa school sya ay makulay ang muka nya. Nakakadiri.

"I'm fine. Ako na lang ang bibili,"tumayo ako at tumabi kay Rina. " May ipapasabay pa ba kayo? Ilahat nyo na para isang bilihan na lang."

Nagsisi ako sa tinanong ko. Nagpautos sila ng marami at bilang isang mabuting anak ng Panginoon ay sinunod ko kahit na napakawalang kwenta. Mas okay na ito kesa naman mahirapan sila Rina at Paulo, same as me, transferee lang sila at ayaw kong may nabubully.

"Dapat hinayaan mo na lang kaming utos-utusan,"Rina said while her head was looking down. Naglalakad na kami palapit sa tindera.

"Tsk. Those rich brats loved to play us. Swerte mo kasi Sandoval ka,"I don't know if this transferee guy was pissing me or not pero feeling ko inemphasise nya pa yung apelyido ko.

Napaharap ako sa kanya at nakita ang namepin nya. His name was Paulo Estrenal.

"Kahit Sandoval ang maging apelyido mo, you won't feel happy dahil sasamain ka pa rin sa madla dahil aakalain nilang minaninipula ng mga kamag-anak ko ang grade ko."

Umiwas sya ng tingin kaya nagsimula na uli akong maglakad. Nang marating namin ang tindera ay sinabi ko na ang mga bibilhin namin.

Halos walong supot yata iyon ng mga pagkain at mabigat ang bawat supot. Nakayuko ako at pinipilit na buhati ang tigdalawang supot sa magkabilang kamay. Nauna na sa akin si Paulo at Rina habang buhat nila ang apat na naunang supot.

"Win!"napaangat ang tingin ko nang tawagin ako ni Archi. Kasama nya na yung babaebg 'di ko sure kung Helena ba o Helen lang ang pangalan pero nakasiguro akong Helen 'yon nang makalapit ito at mabasa ang namepin nito.

Mabilis na kinuha ni Archi sa kamay ko ang dalawang supot at mabilis na naglakad sa mesa ng kanyang mga kaibigan sa dulo. Helen, on the other hand, get the other plastic bag from me.

Nagsimula na kaming maglakad at sabay kami ni Helen. I could feel that she wanted to say things pero may pumipigil sa kanya.

"S-sorry ha. P-pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan namin ni Archi,"napatingun ako nang magsalita sya. She said it!

Tumingin ako sa kanya at pareho na pala kaming nakatayo lang at 'di na naglalakad. Pilit akong ngumiti bago sumagot.

"'wag kang mag-alala. Okay lang naman. Naawa lang ako kay Rina at Paulo pero okay lang,"sagot ko at naglakad na. Tatatlong hakbang pa sana ako kaya lang hinigit nya ang kamay ko.

"H-hindi okay 'yun. Somehow, I know you felt angry too pero mas mabuting gano'n. I know this may sound silly pero gusto kong ibang tao ang magsumbong sa kanila sa Dean dahil sa masama nilang ginagawa. Naaawa rin ako sa mga binubully nila pero wala akong magawa. My and Dad and their Dads are business partners kaya wala akong karapatang awayin sila ir else ako ang malalagutan."

Nagulat ako sa mga sinabi nya. Napakurap pa ako ng ilang beses. A-ano ang sinabi nya?

Magsasalita sana ako para sumagot kaya lang tinawag na kami ni Archi kaya nagpatiuna ng lakad si Helen.

Is she saying that she wants me to told the Dean about how rude her squad was? Eh 'di ba magkaibigan sila? Napahinga na lang ako ng malalim at naglakad na. What she said was too risky for me too. Anong sasabihin ko? Nabully din nila ako at gamitin ang apelyido ko para mahatulan sila? Yes I can but no way! There's no way I'll use the power of my surname para lang sa request nya though I may think of it later.

Naaawa din ako kay Rina at Paulo. Last week, yung babaeng may makapal na makeup? She spilled her juice to Rina dapat but Paulo saved Rina at sinundan pa iyon ng pagtapon kay Paulo ng kung ano-ano especially sauce.

Sa aking lunchbreak ay nakasama ko ang kaibigan nila Archi at Helen. Katabi ko din si Rina at kaharap nya si Paulo. Kahit na gano'n ay pasalamat na lang at habang kumakain kami ay 'di nila ginawan ng kung ano-ano yung dalawa.

Si Helen ay minsan nahuhuli kong sumusulyap sa akin. I think she is still thinking if what she request to me is good for her or maybe she's thinking if I would accept it. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na wala akong gana dahil sa pinaggagagawa ng mga kaibigan ni Archi at Helen.

Nakilala ko sila isa-isa base sa mga ugali nila at mga kung ano-anong ginagawa nila. Base na din sa kilos nila kaya alam ko ang talagang partner in crimes at hindi.

Si Akashi Co o Akashi, kaibigan ni Archi, yung lalaking tumawag kay Archi noong una naming pagkikita. Akashi was Archi's basketball buddy. Akashi was one of the richest here yet hindi sya brats tulad ng iba nyang kaibigan. Ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng sikat na Co Entertainment sa Korea, isang entertainment agency.

Venice Santiago, the girl who had makeups in her face. Lagi syang nag-aapply ng kung ano-ano sa muka at labi bawat minuto. Maganda naman sya pero sobra-sobra na ang makeup sa muka nya kaya nakakadiri. Her family owned every Beauty Parlors in the whole country and they even launched beauty products kaya no doubt na maraming kung ano-ano ang nilalagay ni Venice sa muka nya.

Gino Dominguez, the guy who smoked a lot. Kahit na kumakain kami ay 'di sya matigil kakahithit ng either sigarilyo or vape nya. 'di ko sya totally kilala pero narinig kong may-ari ng pagawaan ng sigarilyo ang pamilya nya. Tsk. Nakakadiri din.

Sarah Ville and Grace Gabriel, sa mga babae, sila ang laging magkasama at sanggang-dikit pa nga daw, rinig ko lang dahil ang lakas ng kwentuhan nila or baka pinapakilala talaga nila ang isa't-isa dahil nagkukwentuhan sila kung gaano sila kayayaman. In case of Sarah and Grace, ang nanay nila ay magkaibigan din. Sarah's mom is the world's top model habang ang ina ni Grace ay isang mananahi na nagpauso ng kung ano-anong fashion trends.

Luis Aguirre, Rudolf Hernan, and Anica Villamor. Magkakasama sila lagi base sa kwentuhan nila. 'di nila namention ang business dahil kababuyan ang pinag-uusapan nila. All I know is that Anica was the mayor's daughter dahil kilala ko na sya kahit nasa probinsya pa ako dahil sa ama ngang sikat. Halata ring si Luis ang kanyang nobyo pero I doubt it dahil may times na parang inaakit nya si Rudolf.

Katherin Manalo, ang kilalang-kilala ko na sa kanila. Who wouldn't know her eh isa syang anak ng dating presidente. Among them, I think sya ang pinakamayaman.

Sa storya nila Helen at Archi. Helen's family owned some banks intenational at karamihan ng pagmamay-ari nilang bangko ay nandito sa Pinas. Archi's family owned some schools at isa na ang Crest University sa paaralang hawak nila.

See how rich their circle of friends are? Kung kaibigan ko lang sila ay baka nahiya na ako dahil sa average family lang ako lumaki. Same with Rina and Paulo, normal lang status ng mga pamilya namin.

Pero kahit na gano'n, as the day ends, I will never like any in theircircle of friends dahil sa yabang nila maliban kay Archi at Akashi. Helen? I think na kinakalaban nya lang ang mga kaibigan nya. Rina and Paulo are the two I prefer to befriend with.

[CHAPTER 1]