Chapter Nineteen
KILLERS' BATTLE
WARNING!!! VIOLENT SCENES AHEAD!
—READ AT YOUR OWN RISK OR SKIP THIS CHAPTER—
[SELENE]
'DI KO alam kung paano magsasaya ngayong ako na ang uubos ng mga natira. Pasalamat ko din kay Hades 'no na pinatay nya na ang iba.
Sino ba si Hades? Sino ako?
Ako si Selene Astreja at isa akong professional killer. Astig 'di ba? Kasapi ako sa isang organisasyon kung saan tumatanggap kami ng mga request na patayin ang isang tao at binabayaran kami ng malaki. As of now, napagdesisyunan ng organisasyon na unahin muna ang malalaking tao na parte ng isang sindikato.
Bakit? Isa kasi silang banta sa akin, isa silang banta sa organisasyon. Ano bang pakay ko at sumama ako dito? Nalaman ko kasi na ipinadala ng organisasyon si Hades para kitilin ang mga dalaga't binatang nandito.
Si Hades ang isa sa sikat na killer sa organisasyon. Naasar ako sa kanya. Pabida sya! Sya ang laging nangunguna sa mga ranking habang ako ay pangalawa lang.
Hindi ko maaatim na maging pangalawa lang kaya gumawa ako ng paraan. Naghanap ako ng source sa kung ano o saan ang susunod na misyon ni Hades at kung sino ang kanyang susunod na mga papatayin at dito ako dinala ng mga nakalap ko.
Sobra din ang aking galak nang malamang nasa Crest University pala ang susunod nyang target kaya todo arte ako para lang mapunta ako dito.
Alam nyo kung ano pa ang mas nakakatuwa? Yung inakala ng lahat na mabait ako at 'di kayang pumatay ng tao.
Sa totoo lang, wala pa akong pinapatay sa squad nila pero... Nakita ko ang mga detalye kung paano sila namatay. Kaya lang, ang problema, hindi ko kaagad makilala kung sino sa amin ang sikat at kilalang killer na si Hades.
Bakit? Si Hades ay tinaguriang 'Silent Shadow Killer'. Mabilis syang kumikilos sa dilim ng walang ingay kaya kahit ilang beses ko syang sundan ay 'di ko alam kung saang lupalop ng impyerno sya nagbibihis at nagpapalit bago nya patayin ang mga kasama ko.
Nung una nga ay nahuli ko si Manong Pete na suotin ang costume pero alam kong hindi sya ang killer at dahil sa inis ng pananakot nya sa amin ay itinali ko sya sa basement ng ilang araw.
Kani-kanina lang ay para pa akong maamong tuta pero ngayon isa na akong mabagsik na aso. 'di ko alam na sobrang galing pala talaga ni Hades. Biruin nyo 'yon, napasabog nya ang ulo ni Gino at napabula nya naman ang bibig ni Venice.
Pagkababa ko ng attic ay tinahak ko ang hagdan pababa. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang nahihirapang pagtayo ni Sarah. Sya si Hades at panigurado na akong sya iyon.
Huli ako na nakaakyat ng attic bago ang pagdating ni Sarah. Bago ko habulin si Sarah ay napagdesisyunan ko na silipin muna ang likhang sining nya ng pagpatay. Nagtungo ako sa kusina at sinilip ang wala ng buhay na sina Helen at Grace.
Nakita ko ang pagbula ng bibig ni Grace habang may baso naman ng juice sa mesa na may bawas. Mukang nalason si Grace. Si Helen? Isang malaking sugat ang nasa ulo nya. Maaaring malaking bato pero napansin ko ang malaking de lata sa gilid na may dugo. Maaaring hinampas si Helen ng malakas.
Dahan-dahan ko ng tinungo ang labas ng mansyon. Nasalubong ko pa nga ang malamig na bangkay ni Katherin at ang pagkabasag ng bungo nito.
Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang pagtakbo ni Sarah sa loob ng gubat. Hindi man mabilis ang kanyang pagtakbo dahil mukang nabalian ito dahil sa nangyaring pagkalaglag.
Dahan-dahan at kalmado lang ako na lumakad. Wala akong pake kung makakatakas sya dahil hindi naman iyon mangyayari dahil sa kanyang sitwasyon.
Mula sa aking kamay ay pinasadahan ko ng tingin ang talim ng kutsilyo. Paniguradong kaya nito tapusin ang kawawang katawang lupa ni Sarah na nasa ilalim ng codename sa organisasyon, Hades.
Sya si Hades kaya kailangan ko syang kitilin at tapusin. Hindi ako makakapayag na pangalawa lang ako sa magagaling na mamamatay-tao. Ako dapat ang nangunguna! Ako lang! Ako lang at wala ng iba! Ako lang at nag-iisa!
Napatawa ako dahil sa aking naiisip. Hindi lang basta tawa kun' 'di isang malakas at malademonyong halakhak.
Naglakad na ako papasok ng gubat at panay ang lingon sa akin ni Sarah habang tumatakbo. Pagkatapos ko syang patayin ay saka ko isusunod yung iba. Pagkatapos ko syang patayin ay ako na ang wawakas ng krimeng kanyang sinimulan.
Dahil sa kanyang paglingon ay naging dahilan iyon para sya ay matalisod at matumba. Isang ngiti naman ang aking ipinakita nang makita ang pawisan at takot na takot nyang muka.
"P-please... Please 'wag... B-ba-babayaran k-kita! M-magkano ba ang gusto mo? P-pwede kitang b-bigyan ng milyon... P-please..."masaya akong nakikita ang takot nyang muka. Para syang isang baboy na kakatayin na. Nauutal pa nga sya eh kaya unti-unting lumakas ang halakhak ko.
"HAHAHAHAHA. Pera?"'di ko makapaniwalang tanong. Ang sikat at magaling na mamamatay-tao ay inaalok ako ng pera para sa kanyang buhay? Nagpapatawa sya 'di ba?
"O-oo! Kaya kitang bayaran. Babayaran ka ni Daddy! Bibigyan kita kahit buwan-buwan basta 'wag mo lang akong papatayin!"pagmamakaawa nya. Napaikot ang mata ko dahil sa mga sinabi nya.
"Tsk. Para lang sa iyong kaalaman Sarah o mas magandang tawaging Hades, hindi ko kailangan ng milyon kada buwan. Baka nakakalimutan mong kumikita tayo sa pagpatay?"tanong ko pero bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Mukang nagtataka sya pero isinawalang bahala ko ang kanyang pagtataka.
"P-pero... W-wala akong alam sa mga sinasabi mo Selene,"tsk. Walang alam-walang alam. Ako ba pinaglololoko nya?
"Itigil mo na nga ang pagmamaang-maangan Hades. Nakakaasar ka ng kausap ha!"dahan-dahan akong lumapit sa kanya at lumuhod habang kaharap ang takot nyang muka." Hindi na ako natutuwang kausap k—"
Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay isang malakas na pagtama ng kanyang tuhod ang tumama sa aking muka.
Napaatras ako dahil biglang nagdugo ang ilong ko. Didilat sana ako para saksakin sya kaya lang binatuhan nya ng lupa at buhangin ang aking muka.
"Walang hiya ka!"malakas kong sigaw at sinubukan saksakin ang aking harapan dahil maaaring nasa harapan pa rin sya at 'di nga ako nagkamali ngunit isang malakas na sipa pa ang natanggap ko.
Napaatras ako at nang maayos na akong nakakakita ay saka uli ako tumayo. Sa may pangpang ay nakita ko kung gaano sya katanga. Nagsimula na syang lumangoy ngunit hindi man lang sya naalis sa kanyang pwesto. Nakakaawa.
"Pagbabayaran mo 'to,"saad ko sabay punas sa dugo sa bibig ko. Napakawalang hiya nya para atakihin ako at sipain. Magbabayad sya.
Yumuko ako para kunin ang nahulog kong kutsilyo at pagkakuha ko ay naglakad na ako papunta sa kanya. Magbabayad ka na Sarah.
"Sarah my friend!"nakangiti kong sigaw at nakita ko kung paano sya lumangoy ng mabilis ngunit hindi nya magawa.
Damang-dama ko ang lamig ng tubig. Unti-unti akong lumapit hanggang sa umabot sa dibdib ko ang tubig.
"Langoy Sarah! Langoy!"sigaw ko muli at nang makalapit ako sa kanya ay agad ko syang sinabunutan sa buhok.
Sa may dalampasigan ko sya papatayin dahil maaaring madehado pa ako. Baka ilunod nya pa ako pero wala namang kaso sa akin dahil mas malakas ako sa kanya.
"B-t-wan mo 'k-"ni isang maayos na pangungusap ay 'di nya matapos dahil sa pagtutulak ko sa kanya sa ilalim ng tubig sa oras na pipigilan nya ako.
Nang makaahon kami ay pinipilit nya pa rin na makawala sa pagkakasabunot ko kaya sa t'wing tatangkain nyang hawakan ang kamay ko ay nilalapit ko ang kutsilyo at iyon ang nahahawakan kaya nga nagsusugat na ang kamay nya eh.
"Bitiwan mo ako! Please!"namamaos na ang kanyang boses at natutuwa talaga ako sa nakikita ko.
Gamit ang buong lakas ko ay binuhat ko ang katawan nya. 'di naman masama kung magkaroon muna kami ng wrestling battle 'di ba?
Pagkabuhat ko ay malakas kong ibinalibag ang kanyang katawan.
"Argh!"natatawa man ako sa sitwasyon namin ay 'di ko mapigilang mainis dahil sa pag-iinarte nya. For Pete's sake! Sa buhanginan ko sya binalibag hindi sa semento!
Hinablot ko ang dumudugo nitong kaliwang kamay at inilagay sa kanyang likot pinilipit. Isang malakas na sigaw at pagtunog ng nabaling buto ang narinig namin kaya napangiti ako.
"Masahe lang 'to Sarah. 'wag kang umiyak!"natatawa kong saad matapos makita ang mg luhang tumutulo sa mata nya kasabay ng kanyang mga sigaw. Mas nadagdagan pa ang galak nang makitang 'di na nya maikilos ang kanyang kaliwang braso na binali ko. Nakakaawang Hades.
Napatingin ako sa kanang binti nya. Mukang 'yon ang nasaksak ko kanina. Hayst! Papantayin ko 'yan mamaya, braso muna.
Lumapit ako sa kanya at tulad sa kaliwa nyang braso ay inilagay ko sa likod ni Sarah o Hades ang kanyang kanang braso sa ito pinilipit.
"Ahhhhh!"mas malakas na iyon sa una pero 'di maikakailang namamaos na sya kakasigaw. Hayst! Ang ganda sa paningin.
Idinapa ko sya at saka ko inilabas ang kutsilyo sa aking likod. Humarap ako sa dagat at tinalikuran ang gubat. Ako ay prenteng umupo sa buhanginan habang ang umiiyak na si Sarah o si Hades ay nakahiga sa buhanginan na wala ng maigalaw matapos balian ang mga braso.
"Oh! Papantayin ko pa pala 'to!"saad ko nang makitang 'di ko pa pala nasasaksak ang kaliwang binti nya.
Dahan-dahan kong idinampi ang malamig na talim ng kutsilyo sa kamyang binti. Unti-unti kong idiniin ang talim na parang humahati ng cake. Ang sarap sa pakiramdam.
Nang lumalim na ang talim at nang hindi ko na ito mabaon ay inulit ko at sinukat ko pa talaga ang pagitan. Gano'n ang ginawa ko hanggang sa magsawa ako.
Nang magsawa na ako ay ang tyan nya ang pinuntirya ko. Inundayan ko muna ng saksak ang kanyang dibdib bago hiniwa ang tyan at binuksan ito.
Para akong doktor habang ang kalaban ko ang aking pasyente. Pero mas magandang pakinggan na para akong mangangatay habang sya ang kinakatay.
Binuklat ko ang tyan nito at sa 'di malamang dahilan ay wala akong pandidiri na naramdaman. Sa totoo lang ay mas natutuwa pa akong makakita na gano'n pala ang itsura ng mga organs sa katawan.
"Hade... Hades... Hades! HAHAHAHAHA"napahalakhak ako ng malakas habang sinasaksak ang bangkay ni Sarah. Wala na si Sarah pero 'di ito tinatantanan.
Pati ulo nito ay sinaksak ko. Ibinaon ko ang kutsilyo sa bibig at dalawang mata ni Sarah. Masaya? Masaya! Ito ang pinakamasayang araw sa akin.
Pinakamasaya dahil napatay ko na ang nag-iisang Hades! Ako na ang mangunguna sa pagpatay at 'di na ako magiging pangalawa pa! Ako na ang magiging Reyna ng mga Professional Killer! Ako na!
Nagsasaya ako nang may naramdaman ako sa likod ko. Pagtalikod ko ay isang itak ang muntik ng tumama sa likod ko. Mabilis akong tumakbo at nakita kung sinong walang hiya ang nagbalak na itakin ako.
"Ba't mo ako tinatawag Luna?"nakangisi nitong tanong dahilan para manlaki ang mata ko. Nagsalit-salit ang tingin ko kay Sarah na inaakala kong si Hades at sa taong may hawak na itak.
"H-hindi... I-ikaw si Hades?"sa simpleng tanong ko ay simpleng tango ang kanyang isinagot.
Pakiramdam ko ay para na akong binawian ng buhay. Hindi si Sarah si Hades at hindi ko inaakala na nagkamali ako. Akala ko ay si Sarah na ngunit mali ako ng akala.
Argh! Lumandas ang luha ko sa aking mata. Isang kahihiyan ang pagkakaroon ng maling akala.
"Luna... Luna!"sigaw nya dahilan para mapaatras ako. Kung sya si Hades ay mukang walang paraan para matalo ko sya.
Bigla akong napahinto sa pag-atras nang may sumagi sa isip ko. Apat sila na iniwan ko sa attic at lahat sila ay nakatanggap ng saksak sa likod.
Isang tawa ang kumawala sa bibig ko dahilan para ngumisi sya.
"'yan ang tunay na Luna. Hindi natatakot si Luna,"hindi ko alam kung isang papuri ba iyon pero alam kong papatayin nya din ako at 'di ko hahayaan 'yon.
Ibang-iba na ang boses nya. Hindi iyon ang boses na ginamit nya nung mga nakaraan. Ang boses nya ngayon ang patunay na sya, ang nag-iisa at tinitingalang killer, na si Hades.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya ng walang takot. Ako, si Luna, ang magiging Reyna ng mga Professional Killer ay 'di natatakot sa kanya.
Bilang tradisyunal na combat training ng mga professional killer ay nagpalitan kami ng kutsilyo at sinugatan ang kanang bahagi ng aming mga pisngi.
Muli naming ibinalik sa isa't-isa ang aming mga kutsilyo.
"1... 2... 3... 4... 5..."kasabay ng pagbilang namin ay ang naging hakbang namin paatras. Nang tama na ang aming distansya ay saka kami nagsukatan ng tingin.
Nabigla ako ng sumigaw sya dahil akala ko ay aatakihin na nya ako ngunit pinunit nya ang kanyang suot at pinakita ang kanyang malaking katawan.
Hindi maikakaila na sa laki ng katawan nya ay malakas din sya. May magandang hubog ng katawan at may mga muscles ang braso. Isang katangian ng lalaking killer na lahat kami ay nabulag.
Humanda na sya at gano'n din ako. Mabilis syang tumakbo sa aking pwesto at bawat pagwasiwas ng kanyang kutsilyo ay aking iniwasan. May lamang ako? Meron. Malalim ang pagkakasaksak ko sa kanyang likod at nasa kanan na parte pa iyon kaya hindi dominant hand ang gamit ni Hades sa pag-atake kun' 'di ang kanyang kaliwang kamay.
Sinipa ko ang kanyang tuhod. Napatumba sya at saka ko inapakan ang kamay nya na may hawak na kutsilyo. Sasaksakin mo na sana sya sa dibdib nang isang malakas na sipa ang tumama sa likod ko dahilan para mabaligtad ang pangyayari. Tumayo sya at dinaganan ako. Sa bigat nya ay parang 'di ako makahinga lalo na at sa tyan ko pa sya nakaupo. Nakahawak ako sa kanyang kamay na may kutsilyo at gano'n din sya sa kamay ko na may kutsilyo.
Sa oras na sinusubukan nyang ilapit sa akin ang kanyang kutsilyo ay inilalayo ko iyon. Malakas sya at 'di na sya mapipigilan.
Mukang kahit na nakalaban ko na sya ay wala pa rin akong laban. Isa pa, nagpakatanga ako kaya gan'to ang sinapit ko. Nagpakatanga ako na akala ko si Sarah si Hades.
"Goodbye Luna... Selene,"pagkasabi nya no'n ay inundayan nya ang dibdib ko ng saksak. Nang bumaon ito ay parang 'di ko lang narandaman pero sobrang dugo ang aking sinuka dahil.
Sumusuka na ako ng dugo pero nagawa kong undayan sya ng saksak sa tagiliran. Kahit papaano ay gusto kong gumanti.
Napadaing sya sa sakit dahilan para hugutin nya ang kutsilyo at dagdagan ang mga saksak ko hanggang sa maramdaman kong babawian na ako.
Nalulunod na ako sa aking sariling dugo. Nanghihina na ako at nilalamig. Mukang sa impyerno na lang kami magkikita. Unti-unti ng pumipikit ang aking mata pero 'di ko nakalimutang banggitin ang pangalan na ginamit nya.
Ang pangalan ng taong 'di ko inaakalang kalaban ko. Ang pangalan ng taong nasa tabi ko na ay 'di ko pa pinatay.
"P-paulo..."
[CHAPTER NINETEEN]