Chapter Eleven
LOST IN THE RAIN
[WIN]
MATAPOS ANG shoot kagabi ay nagpahinga na kami. Nang mga alas-dyes ay dinalaw ko si Paulo ngunit wala sya sa kanyang kwarto.
Ang hapunan namin? Gulay ang hapunan ang naging ulam namin. Sinabi namin kay Anica na baka kaya kami nagkasakit ay dahil sa mga pagkaing walang sustansya na kinakain namin kaya pinagbawalan kami muna ni Katherin sa lahat.
Walang chips. Walang chocolates. Walang junk foods. No beers. No softdrinks. No juices.
Maraming bawal pero pumayag din kami lalo na't tatlo na kaming nilagnat. We still have a week and a day at kaninang umaga ay nakalahati na namin ang pelikula.
Hapon ngayon at napagpasyahan naming 'wag munang magshoot dahil sa nag-aambang ulan. Makulimlim ang lang pero kumukulog na.
Sa oras na umulan ay kailangan daw naming manatili sa loob ng mansyon dahil 'di maganda kung pupunta kami sa pangpang. Ano ang dahilan? High tide. Lumalampas ang taas ng tubig sa taas ng tao 'pag pumunta kami sa pangpang ng may bagyo at high tide kaya binilinan nya kaming manatili lang kung uulan.
"Win!"napatingin ako sa tumawag sa akin. It's the most quiet person in the squad, Gino. Lumapit ito ng may ngiti sa akin at inabutan ako ng mangkok ng veggie salad. Anica made a salad out of vegetables na naimbak namin.
Umupo si Gino sa tabi ko at masaya ako na itinigil muna nya ang pagsisigarilyo dahil isa sya sa pinagsabihan ni Katherin dahil sa pagkahayok nya sa sigarilyo.
"Anong atin?"tanong nito dahilan para mapakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nya?
"Gumawa na ba ng kilos si Archi?"napataas naman ang kilay ko nang banggitin nya ang pangalan ni Archi.
"At bakit nasama si Archi sa usapan?"I was still annoyed because of Archi.
Alam nyo bang bigla syang lumapit sa akin mula sa likod ko at bumulong na may tagos daw ako. So bigla akong naghisterical dahil nakakahiyang matagusan at meron talaga ako ngayon. Nagmadali ako magpahatid sa kwarto at nang icheck ko ang sarili ko sa cr ay wala naman. Know the kasabihan na "magbiro ka na sa lasing 'wag lang sa bagong gising"? I think I have to change it. Magbiro ka na sa lasing 'wag lang sa babaeng may period at maiinisin.
Alam nyo bang naisip ko syang suntukin kasi halos maiyak na ako na akala ko ay natagusan ako tapos wala pala. Bwiset sya!
"'di pa ka ba nililigawan ni Archi?"kasabay ng pagtatanong ni Gino ay ang pagkulog. See? Pati ang langit ay galit kay Archi!
"Nililigawan? Baliw ka ba Gino? Are you smoking weeds at high ka para maisip 'yan?"napatawa bigla si Gino. Me being courted by Archi is purely impossible. Eh baka ako pa pumatay do'n eh!
"Hahaha. Pero seriously hindi sya nanliligaw?"he asked again made me frown. Ano bang gusto nyang sabihin ko? Na nanliligaw sa akin si Archi? No!
Imbes na umiling bilang sagot ay tinapunan ko sya ng irap. What he said made me pissed too. Ano 'to? Archi disciple sya? Na mang-aasar din sa akin?
"Okay. Okay. Hindi na,"saad nya at napatawa. Nang patuloy kami sa pagkain ng salad habang nanonood sa telebisyon.
Habang nanonood kami ay saka na nga bumuhos ang malakas na ulan. Humangin din ng malakas dahilan para isarado namin ang bawat bintana ng mansyon at ang pinto.
Palakas ng palakas ang ulan at wala na akong makita sa labas. Tanging naririnig ko lang ay ang ingay namin, ang balita sa tv, ang ulan, at ang pagkulog.
May unwanted guess pala ang Pilipinas. Isang bagyo ang namuo at malapit pa talaga sa amin kaya 'di maikakailang malakas talaga ang hagupit no'n sa amin. Bwiset naman oh! May ilang araw na lang kami tapos bumagyo pa.
Buti na lang at may good news. Dahil sa west nagsimula ang bagyo at pataas ito ay sinasabing Luzon ang tatamaan nito pero dahil papunta West ang hangin ay tatangayin papuntang China ang bagyo. Inaasahan pa lang iyon pero sana totoo dahil kailangan na naming matapos ang pelikula.
Taimtim akong nanonood ng balita tungkol sa bagyo at hinihiling na umalis na ito nang biglang kumulog ng malakas at kasabay no'n ang pagkidlat dahilan para mamatay ang ilaw at mga appliances. Nagkaroon ng brownout?
"Shit!"I heard Luis cursed.
"'pag minamapas ka nga naman oh,"Rudolf said while eating his salad.
Namatay ang ilaw at nagsunod-sunod ang pagkulog at pagkidlat. Dahil namatay ang ilaw ay kinailangan namin na maghanap ng pampalit dito kaya naghanap agad kami.
Buti na lang at may tatlong lamps kaming nakita at mga kandila kaya sinindihan namin ang mga ito at nilagay sa bawat sulok ng mansyon na walang ilaw.
"Ano ba 'yan! Nawalan pa ng kuryente!"reklamo ni Venice. She was doing her makeup when the electricity run out kaya 'di nya naayos ang muka nya.
Mabuti na lang at 'di nakakapasok ang malakas na hangin sa loob ng mansyon pero ramdam ko pa rin ang lamig sa loob ng mansyon.
"Ahhhhh!"sunod-sunod kaming napalingon sa taas. Nanggaling ang tili mula sa second floor. Naalerto kami at padabog na binuksan ni Agnes ang pinto.
Bumaba sya at pawisan ito. Takot na takot ang muka nito at nanginginig sa takot. Nilapitan namin sya at hinagod ang likod nya. She was crying hard at talagang nanginginig sya sa takot.
"Agnes,"nilapitan ko sya. Inabutan na sya ni Anica ng tubig at bakas ang pag-aalala sa aming mg muka dahil sa kanya. Anong nangyari kay Agnes?
"A-anong nangyari?"Helen asked Agnes. Pinapaypayan na rin namin sya para kumalma at pinaupo sa sofa.
"M-may nakita ako..."Agnes started. She was still crying at napatingin ako sa kanyang kamay. Nakahawak ito sa kanyang dibdib kanina kaya 'di ko napansin.
"F-first aid!"napasigaw agad ako. Nakita nila ang sugat sa pulsuhan ni Agnes. Hindi naman sya siguro naglaslas 'no?
Agad na napatakbo ang mga lalaki at nagmadali kaming linisin ang sugat at lagyan ng benda ang sugat nya. Hindi iyon malalim pero halatang masakit dahil sa dami ng hiwa ngunit hindi malalim pero nagdudugo ng sobra.
"Ano ba yung nakita mo?"maarteng tanong ni Sarah. Napairap din ito sa hangin.
"G-ghostface..."sa isang salitang sinabi ni Agnes ay nakuha namin ang kanyang gustong sabihin.
"Ghostface? Alam kong mahilig mangprank si Katherin pero 'di ko alam na pati ikaw din,"natatawang saad ni Tristan. Nangpaprank? Mukang totoong takot si Agnes tsaka ba't sya nagkakasugat?
"Tapos anong nangyari?"Helen asked her. Hinahagod pa rin namin ang kanyang likod.
Dahan-dahan syang napatingin sa sugat nya sa pulsuhan." I-i though that-that it was just a p-prank but no, the man behind ghostface temted to s-stab me pero nakatakbo agad ako pero nasugatan nya ang kamay k-ko kaya gan'yan."
Nagsimulang bumaba ang mga lalaki sa basement para tignan ang costume. Iniiwan kasi namin sa basement ang costume kaya tumakbo sila para masigurong nando'n pa iyon.
Maya-maya ay nakarinig kami ng mga yabag na papaakyat mula sa basement. Naunang lumabas si Archi at sumunod si Akashi na bitbit ang costume at maskara.
"'andito ang costume Agnes,"mahinahong saad ni Akashi pero parang 'di sya nakikinig kay Akashi. Agnes stopped for a while at nakatitig sya sa likod ko kaya naikot ako.
Bago pa man ako makasigaw ay bigla ng sumigaw sila Grace at Venice." Ahhhh!"
Totoong may ghostface. He was standing outside the window. Basang-basa ito ng ulan pero may hawak itong kutsilyo na may dugo.
'di pa rin ako makapaniwala. What Agnes had said was true! Nagulat kami nang tumayo si Agnes at tumakbo sa pinto. Binuksan nya ito at lumabas sya. Bumalik ang tingin ko sa bintana kung saan ko namataan ang ghostface pero wala na ito.
"Agnes!"sigaw ni Katherin habang nakatayo sa pinto. Agad din ako tumakbo palabas at 'di pinansin ang pagtawag sa akin ng mga kasamahan ko.
Agnes is in danger. Kung totoong papatayin sya ng ghostface ay maaari nga syang mamatay.
Tumakbo ako kahit malakas ang ulan at hangin. Wala akong masyadong makita pero naaaninagan ko pa rin ang katawan ni Agnes na papatakbo paikot at papunta sa likod ng mansyon.
Maya-maya ay bigla syang pumasok sa gubat. Ang gubat na patungo sa cemetery. Sinundan ko sya kahit na ang hangin at ulan ay sinasalubong ako. May kung anong parang nagtutulak sa akin para mapalayo kay Agnes pero kinailangan ko syang sundan.
Tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi inaalis ang tingin ko kay Agnes. Nang makarating kami sa cemetery ay may humigit sa kanya. Kahit na malakas ang ingay ng hangin, ulan, at kulog ay narinig ko ang paghingi nya ng tulong pero 'di ko na sya makita pa.
"Agnes!"buong lakas kong sigaw pero parang bulang nawala si Agnes. Nawala sya nang nay humigit sa kanya pero sigurado akong yung ghostface iyon.
Bago pa man ako muling humakbang ay may naramdaman akong paghampas sa batok ko. Sa lakas nito ay napatumba ako at dahan-dahang sumara ang talukap ng mata ko.
I started to be unconcious but I was still worried about Agnes. She was in danger! The ghostface caught her!
Napadilat ako at inilibot ang mata ko. Nasa kwarto ko na ako? Napatingin ako sa may bintana at tahimik at maaraw na ang labas.
Masakit ang katawan ko lalo na ang ulo ko. Ano bang nangyari sa akin? Inalala ko ang lahat hanggang sa bigla uli akong mabahala.
Si Agnes?!
Mabilis akong lumabas ng kwarto at may ilaw na. Nadatnan ko sa baba ang mga babae. Lahat sila ay concerned din at paikot-ikot naman sila Katherin at Venice.
"Win!"nag-aalalang tawag sa akin ni Katherin nang makita nya ako. Bumaba ako ng hagdan at sinalubong nila ako.
"Dapat nagpahinga ka mun—,"bago pa matapos ni Rina ang kanyang sasabihin ay nagtanong agad ako.
"S-si Agnes?"sa pagtanong ko ay biglang bumalik ang pag-aalala sa kanilang muka. Anica handed me a glass of water at ininom ito.
"Agnes was nowhere to found. Pero hinahanap sya ng mga boys. Natagpuan ka rin ni Paulo sa may cemetery na walang malay. Ano bang ginagawa mo do'n?"tanong ni Helen. Bakas din sa muka nya ang pag-aalala tulad ng iba.
"S-si Agnes. K-kinuha nung ghostface!"saad ko dahilan para lalo silang mag-alala.
Pinagpahinga muna nila ako habang hinihintay namin ang mga lalaki na hanapin si Agnes.
Sa ngayon, isa lang ang alam ko. Agnes was lost and nowhere to be found. She was lost... In the rain and caught by the ghostface.
[CHAPTER ELEVEN]