webnovel

CHAPTER 10

Chapter Ten

THE KILLING PART

[WIN]

IT'S OUR fifth day here. 'di natuloy ang killing scenes na dapat kahapon ishoshoot. Rina and Paulo thought na masyado pang maaga para may mamatay sa pelikula so they think of other way. May alternative plan naman sila kaya nakapagshoot pa rin kami kaharapon.

Nandito ako sa kwarto ko nang may kumatok at nagbukas ng pinto. Rina came inside and smiled at me. Kakagaling ko lang sa lagnat nung isang araw at may sinat din ako kanina pero pinagpatuloy namin ang film.

Kahit naman na mayabang at panget ang ugali ng squad ay ayaw nilang nagtatrabaho ng may isang miyembro na 'di maganda ang pakiramdam pero nagpumilit ako dahil ayokong maging sagabal sa aming huling proyekto.

"Win, halika na. Kakain na tayo,"I stood up after I heard what Rina said. Tanghali na at nasa kwarto lang ako t'wing matatapos ang shoot. 'di ko pa nakakausap masyado ang iba dahil okupado pa rin ako sa mga nangyari. About what Katherin's question and about me being sick pero 'di ko alam.

Baka masyado lang akong nagpapadala sa tanong ni Katherin kaya 'di ko nararamdaman na may sakit ako. Pero bago pa man kami magpunta ng cemetery ay sigurado na kami na may sakit ako 'yun nga lang, tulad ng sinabi ko, hindi ko naramdaman. It may sound weird but it is the truth. Isa pa, kahit may sakit ako ay ayokong matigil ang shoot.

Bumaba kami ni Rina at nakaupo na ang lahat sa kani-kanilang upuan. I sat beside Helen and Archi. May laman ng kanin ang plato ko kaya ulam na lang ang aking kinuha.

"Okay ka ba Win?"napatingin ako nang magtanong si Sarah. She's a brat but sometimes, her good sides made me like her. Kahit pa may pagkamaldita sya minsan ay magugustuhan mo pa rin sya dahil marunong syang rumespeto 'pag sumobra na sya.

Napatingin din ang lahat sa akin. All of them were concerned about me dahil ng sa pagkakasakit ko but I assure them that I'm okay.

Ngumiti ako at tumango. They all smiled too kaya masayang kaming kumain ng tanghalian.

Matapos ang tanghalian ay nagpahinga muna kami bago magshoot uli. The next scene was the the start or the rising action na ng storya.

May isang mensahe ang ipapadala sa isang bida, hindi ko muna sasabihin kung sino ang killer sa aming palabas pero ayo'n na nga. Our movie, "The Murder Entries", is a story full of murders, obviously.

Pero ang pinagkaiba nito sa ibang palabas ay ang killer ay isinusulat lahat sa kanyang diary ang kanyang pagpatay at pinapatakan ng dugo ng kanyang pinatay ang huling pahina ng bawat entry.

Nabasa ko ang unang tatlong entry pero itinigil ko. Base sa pagkakasulat at detalyadong pagkukwento ay kahit binabasa mo pa lang ay masusuka ka na.

'di ko alam kung paano naatim ni Rina na masulat ang gano'ng istorya pero ang talagang nag-ayos at nagdagdag at mas lalong nagpaganda sa istorya ay si Paulo. He made it really a good diary pero magkaiba pa rin ito. What he right was a book at script ang kailangan namin. Pero okay naman, wala akong reklamo.

"Scene 19, action!"sigaw ni Paulo dahilan para maalerto kami. Ang unang mamamatay sa kwento ay ang karakter ni James. Paalala ko lang, lahat kaming nandito ay may karakter sa pelikula kaya lahat kami ay magkakaroon ng death parts dito at mauuna na nga si James.

Nasaan kami ngayon? We are at the mansion's basement. Paano ko ng ba idedescribe ang mansyon? The mansion was really big. May staircase sa gitna at katapat ng hagdanan ang kwarto ko. 23 rooms are at the second floor and 2 from those rooms are comfort room that was both at the end of the second floor hall kaya yung isa ay nasa left wing at isa ay nasa right wing ng second floor.

Ang baba ng mansyon ang pinakamaluwag. Malaki ang kusina na kadugtong ng salas. May tatlong pinto din na magkakatabi sa may ilalim ng hagdanan. Ang nasa gitna ay kwarto pa. Ang nasa kaliwa ay ang daan papuntang basement habang cr naman ang pinto sa kanan.

Ang basement? It's is the also a large place with smallest space. Puro nakatambak ang nandito at pinagbawalan kami ni Katherin na gumala sa buong basement dahil kahit sya ay pinagbabawalan kaya sinunod namin sya. Nasa part lang kami ng basement na may ilaw. Iisa lang kasi ang ilaw dito at iyon lang ang ilaw na magagamit para sa buong basement kaya 'di rin talaga kami pwedeng lumayo kahit na malaki ang basement ng mansyon.

Nandito kaming lahat sa basement habang si James ay naghahanda na sa kaniyang scene na mapapatay sya. Si Luis ang nagvolunteer na maging killer at hinayaan lang namin sya.

Nagsimula na kami sa pagshoot. Ang mangyayari ay may kung anong maririnig na kaluskos si James kaya sya bumaba sa basement not knowing na 'di na pala sya makakabalik pa sa taas.

"M-may tao ba dyan?"James' voice really sounded like he was really afraid. Pinatay namin ang ilaw pero malinaw naming nakukuhanan si James. James walked slowly 'til he reached for the light and pull it's switch.

Sa pagbukas ng ilaw ay doon na lumabas si Luis na nakasuot ng damit na dinesenyo nila Sarah at Grace at pati ang maskarang pininturahan ni Venice.

Umarteng nagulat si James at biglang tumakbo pero nahigit agad sya ng mamamatay-tao at nang iniharap si James sa kanya. Luis also acted well. Halatang may lakas ang paghatak nya kay James.

James acted that he tried to pull his arm but the killer, who was Luis in behind, stab James' arm using the toy knife.

Umaktong nalukot ang muka ni James sa sakit at nagpumiglas at nagawa nya. He held his bleeded arm na ngayon ay may basang pulang creep paper na nakatago sa bulsa nya kanina.

Tumakbo si James sa hagdang paakyat sa taas pero isang malakas na hampas ng bato ang kunwaring inihampas ni Luis.

"Cut! Good take!"narinig naming sigaw ni Paulo dahilan para mapangiti kami. Ang susunod na scene kasi ang ang pagsaksak kay James habang nakapatong ang killer sa kanya eh.

Napapalakpak kami at tumayo na si James. Napangiti ako nang pinanood ang nakuhanan ni Gino. From walking in the dark basement. From switching the lights on. From Luis surprising James and stabbing his arm. Lahat ay naging maganda. Lahat ay nakuhanan ng maayos at malinis.

Pati nga yung pagtakbo ni James na may dumudugong braso ay naging maganda. Low budget kaya kami kaya pulang creep paper ang ginamit namin at binasa pero kahit na gano'n ay maganda—no, sobrang ganda nung scene.

Ngayon pa lang ay natutuwa na ako sa aming proyekto. Sana pati ang mga taong manonood nito sa oras na mapasa namin ito ay magustuhan din nila.

Huminto muna kami saglit at saka na pinagpatuloy na uli. Nagsimula na kami kuhanan ang scene ni James habang sinasaksak sya habang nakahiga pero lahat ng saya ko ay naglaho.

Paulo started to shout the director's annoying word," Cut!"

Napahinto kami sa pagkuha. Maganda naman ang kuha. Maayos ang lightning pero pinahinto nya kami. Nagulat kami nang magsuka si Paulo. Sumakit naman bigla ang tyan ni Luis kaya ihininto namin.

Ihinatid namin si Paulo sa cr at pagkatapos ay naramdamang mainit sya. Nakahawa ba ako?

Dahil sa 'di maganda ang kalagayan nya ay dinala namin sya sa kanyang kwarto. Luis also came to the confort room to poop. Kami naman ay napaisip ng paraan at dahil kay Paulo at sa killer lang naman ang scene ay napagpasyahan naming kami na ang gagawa.

Akashi volunteered to be the killer at kasalukuyan ko syang kausap. Nandito kami sa kusina para ituro ko sa kanya ang napansin ko nang si Luis ang umaarte.

"Dapat may pwersa ang gagawin mo at may gigil. You should stop for a moment once then saka ka umarte ng pagsaksak ng sunod-sunod. Alam kong magaling ka ring aktor kaya magagawa mo 'yan,"I said to him. Akashi smiled at me at iniwan ko na sya para makapagbihis sya sa kanyang kwarto.

Bumaba ako sa basement at nakitang inaayusan na ni Venice si James. Rina was the only director kaya lang bigla akong tinawag ni Helen. Ipinasa ko muna kay Archi ang pagiging tagahawak ng mikropono at lumabas kami ng mansyon ni Helen.

Pagkalabas namin ay 'di rin kami lumayo at nagsimulang mag-usap. She was hesitant first pero nasabi nya ang kanyang sasabihin.

"'di ka ba nagtataka kay Luis?"napataas ang isa kong kilay. Kay Luis? Magtataka ako?

"Tungkol saan naman?"I asked her. She become worried kaya naalerto ako sa kanyang sasabihin.

"Hindi sya totally kumain kaninang lunch. Pinaglaruan nya lang ang kanyang pagkain tapos biglang sasakit ang tyan nya? Like Paulo, nagsuka din sya kanina. Alam mo na, baka may sakit din sya?"Helen asked made me worried. Nakakapagtaka pero ba't nagkasakit kaming tatlo? If ever na may sakit talaga si Luis, saan namin nakuha ang sakit?

Wala na akong sakit pero nakakapagtaka pa rin kasi na nilalagnat ako ng mataas pero wala akong naramdaman kahit hilo o sakit ng katawan.

"Siguro dapat 'wag muna tayong kumain ng junk foods at iba pa. Mamaya, magpaluto tayo kay Anica ng masustansya. Baka nagkakasakit tayo dahil sa 'di magandang kinakain natin,"saad ko dahilan para mapatango si Helen. Natahimik kaming bigla at nakarinig na lang ng palakpakan sa may loob ng mansyon kaya napabalik kami agad.

Lahat sila ay nakalabas na kaya napakunot ang noo namin. I approached Rina at tinanong sya.

"Anong nangyari sa scene ngayon?"tanong ko. Rina flashed a smile. Ngiting sa tingin ko ay maganda ang resulta ng nakuhanan nila.

"James and Akashi did a great job today! Ang ganda nung nakuhanan namin. Dali, tignan nyo!"nakangiti la ring saad ni Rina kaya nalapit kami kay Gino na nasa isang sofa habang pinapanood ang nakuhanan. In just 25 seconds maganda ang nagawa nila.

James vomitted blood na nakapagdagdag sa effects ng scene. Yung pagsaksak din ay may pagsirit pa ng dugo dahilan para mapangiti ako pero nakaramdam din ako ng takot. Grabe naman pala 'tong palabas namin, makatotohanan!

"Nasaan sila? Dapat natin silang icongrats!"masayang saad ni Helen.

"Naiwan sila sa basement dahil aayusin daw nila yung mga gamit. Mamaya nyo na sila guluhin dahil maglilinis pa ng katawan si James,"napasimangot naman si Helen nang marinig ang sinabi ni James.

Ako? I was silent. Kakaiba yung scene. Oo, alam kong magaling umarte si James pero parang kakaiba talaga. I felt nervous nang mapanood 'yon. It feels...

Realistic. The killing part felt realistic.

[CHAPTER 10]