webnovel

BAD BOY

***

BAD BOY

[WIN]

WINNONA. WINNONA Sandoval ang pangalan ko, Win for short. Isang baguhang estudyante sa Crest University.

Medyo nakakahiya nga ang timing ng paglipat ko eh dahil dalawang buwan na lang ay patapos na ang school year.

May dahilan kung bakit ako lumipat dito sa Crest University. Unang-una, dito nagtatrabaho si Mama. Para 'di kami laging magkalayo ay inilipat nya ako dito. Pangalawa, may failed subject ako na kailangang ipasa at naisip ni Mama na magagabayan nya ako ng maayos kung malapit sya sa akin kaya ipinasok nya ako sa Crest University para ipasa ang subject na iyon.

May dahilan din kung bakit natanggap ako kahit patapos na ang school year. Karamihan ng guro o propesor sa Crest University ay kamag-anak ko. Sandovals are a family of teachers at ang Crest University ang pangarap nilang unibersidad na magturo kaya dito sila nagtuturo. Sandoval teachers had a good reputation here kaya mabilis lang ang naging proseso ng aking pagpasok. Maaaring kontrolado na nga nila ang buong school eh.

Pero, kahit na patapos na ang pasukan dito ay kailangan ko pa ring makibagay sa mga tao lalo na at galing akong probinsya. Wala namang mali sa pagbigkas ko ng Tagalog kahit na galing ako sa probinsya. Wala rin akong damit na pang manang at updated ako sa mga bagay. Muka ngang hindi ako galing probinsya kaya lang bago lang ang muka ko sa Crest University kaya maaaring baka maging tampulan ako ng diskriminasyon kahit papaano.

Crest University was the famous university of all times dahil karamihan ng nakapagtapos dito ay artista, modelo, politiko, at kung ano-ano pa.

Naglalakad na ako sa hall ng Clubs Building kung saan kailangan kong sumali sa isang club. I thought of joining academically-related clubs pero 'di nila ako tinanggap dahil nga sa nag-iisang subject na nabagsak ko and I won't tell you what it is. Dahil sa wala na akong mapasukan ay Theater and Drama Club na lang ang aking sasalihan.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakatayo na ako sa harap ng itim na pinto.

Theater and Drama Club

Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay ang ilang minuto bago ito bumukas. Isang nakasalaming babae ang iniluwa ng pinto. I become hesitant to apply myself since her face was emotionless. By the mean of emotionless, she's neither smiling nor frowning at me.

"How may I help you Miss?"she asked. Inayos nya ang pagkakasuot ng salamin nya at nakita ko ang repleksyon ng ilaw doon.

Huminga muna ako ng malalim. Nakakahiya naman kasing mag-apply sa mga clubs gayong patapos na ang mga araw ng pasukan. There are only two months for Pete's sake!

"I-I'm here to apply here at your d-drama club... Win Sandoval,"saad ko. Phew! I said it already! Napatingin ako sa kanya. She was looking at me intently.

"Are you someone related to Mrs. Winnie Sandoval?"

No doubt na kilala nya ang nanay ko. As I said, Sandoval teachers had a good reputation here at Crest University. Kulang na nga lang ay sila na ang mamahala nito.

"She's my mom,"sagot ko at ang walang emosyong muka nya ay nagbago. Ngumiti sya at saka ako kinamayan.

"Passed. I am one of her students before at mataas ang grades ko sa kanya kaya 'di ako mag-aalangang isama ka sa club,"nakangiti nyang saad habang hawak-hawak ang aking kamay. She said na sa biyernes ang meeting namin lagi at para na rin sa huling proyekto ng club para sa school year na ito.

Masaya na nakasali ako sa drama club nila pero mas sasaya siguro kung simula pa lang ay kasali na ako. Pagkasabi nya pa lang kasi na "huling" proyekto ng drama club iyon para sa school year ngayon ay napasimangot ako.

Umalis na ako at nagtungo sa faculty room kung nasaan si Mama o Mrs. Winnie pala. Pagkadating ko do'n ay binati ko ang mga gurong nasa faculty room. Mom's desk was at the back so I had to passed some teachers for me to get near at her.

"How was your morning class? Nakasali ka na ba sa club? It was a tradition of Crest University to join clubs,"panimula nya habang nag-aayos sa harap ng salamin ng nakangiti. I sat on the chair and face front to her.

"Classes were boring. Kung kasundo ko lang kasi talaga yung terror teacher na 'yob e' 'di sana wala akong bagsak! E' 'di sana 'di ako uulit! Tsk."

She stopped from putting her powder. Her smile changed and become serious.

"Anak, never be a letch in a class,"seryoso nyang saad. Napangisi ako sa sinabi nya.

"I never be a letch Mom, I regret that I never been. Kaya nga bumagsak ako eh,"nakangisi ko pa ding saad. It's actually a lie. I never want to be a so called "sipsip" in class. I never want to be one.

She sighed. Nagpatuloy na sya sa pag-aayos bago nagsalita. I also stood up. I think we need to end our conversation for now.

"Kompleto na ba ang libro mo?"tanong nya habang naglalagay ng lipstick sa labi. Her favorite red glittering lipstick. Tsk. Geez!

Umiling ako. How come I could complete my textbooks when I just came here today?

"Then get your books at the library na. Just say your name and section and also mention my name para umamo yung librarian dahil istrikto 'yon."

Umalis na ako matapos marinig ang sinabi nya. Tsk. Want me to mention her name to tame the strict librarian? No wonder kaya mas ginusto nila dito sa Crest University dahil nagagamit nila ang pangalan nila, ang apelyido namin to be exact.

The library is at the next building so I had to come downstairs and went to the next building and get inside the library at the third floor. Ang nakakaasar sa Crest University, sa sobrang yaman ng paaralan ay dinamihan din nila ang mga imprastraktura. There are dozen of buildings here with different purposes. May mga kung ano-anong anek-anek din ang university tulad ng mga court na ginagamit sa iba't-ibang sports, may fountain, may university park, at may university mall.

Sounds cool? No. Kahit kailan hindi nakakatuwa ang gan'tong paaralan lalo na't kailangan mong kabisaduhin ang lahat at ang history neto. Sa dami nga ng nag-aaral dito ay nakakahilo na ang pagpunta dito at doon.

I went to library to get my textbooks. Pagpasok ko doon ay sinabi ko ang aking pakay at ayon kay Mom, I need to mention her kaya nga ang mukang nanlalapa ng librarian ay naging mabait at ibinigay ang mga kailangan ko.

Nakakaasar nga na dapat nanghingi na din ako ng tulong eh. Bakit? Ang bibigat ng libro! It was 6 hardbound textbooks at ang lalaki at ang kakapal nito. Isa pa nga lang ay mabigat na at ang hirap buhatin ng anim!

Mahirap man ay kinaya ko na lang. Wala naman masyadong laman ang bag ko kaya nilagay ko yung isa. Isa, yes, isa lang ang nilagay ko sa bag dahil baka bumigay ito kung dalawa ang ilalagay ko. Still mabigat pa din ang lima. Argh!

Naglalakad na ako sa hagdan at dahan-dahan ang aking bawat naging hakbang. Ang nakakasar pa ay ang dami-daming dumadaan at ang haba ng hagdan.

Maya-maya ay may naramdaman akong kalabit kaya naasar ako. Kita ng nagbubuhat ako ng limang walang kwentang libro tapos kakalibitin ako?! Mga walang hiya nga naman oh.

"Ano ba?! Kung wala kang itutulong sa akin. Please, stop bothering me,"matiim kong sagot. Nakakapagod naman kasing bumaba ng hagdan ng may bitbit na nga libro at 'di ito basta-basta libro dahil sandamukal ang bigat nito.

"Sorry to disturb you but I lend a hand. A pretty lady shouldn't be carrying these nonsense and useless textbooks,"saad nito at mabilis na pumunta sa harapan ko at kinuha ang limang libro. 'di ko nakita ang muka nito kaya 'di ko alam.

Nang makuha nya ang libro ay mabilis syang bumaba ng hagdan kaya sumunod ako. Natatakpan ng libro ang muka nya at nasa gilid ang tingin nya kaya 'di ko makita ang kanyang itsura.

Mabilis din akong bumaba hanggang sa marating namin ang locker room. He put down my books at doon ko nakita ang kanyang muka.

He was wearing jersey shirt and basketball shorts. 'Crest Shooters' ang nakasulat sa harap habang nakita ko kanina na Deltran ang nasa likod no'n habang may 23 na numero.

Lumapit ako sa kanya at ngumiti ito sa akin. Nakakahiya dahil tagiktik ang pawis nya na maaaring dahil sa basketball, init ng panahon, o baka sa pinabuhat kong mga libro.

Lumapit ako at iniabot ang 'di ko pa nagagamit na panyo. Nakakahiya sa kanyang binuhat nya pa ang mga libro ko.

"No. 'wag na. Pagpapawisan din naman ako sa practice game mamaya. By the way, Archieval Deltran,CU's MVP in basketball. Archi ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. It's nice meeting you pretty young lady,"saad nya at inialay ang kanyang kamay. May maganda itong ngiti at maayos na gupit. He was so tall at hanggang dibdib lang ako siguro. Mabulaklak din ang kanyang sinabi kaya 'di ko napigilang ngumiti.

Inabot ko ang kanyang kamay at nakipag-shake hands. Magaspang din ang kanyang kamay na maaaring dala ng pagbabasketball pero 'di naman gano'n kagaspang.

"Win Sandoval at isa akong transfer student,"saad ko habang nakangiting nakikipagkamayan sa kanya.

"Transferee? Sa gan'tong patapos na ang school year?"tanong nito. Kahit sino naman ay magtataka kung bakit pa ako lumipat gayong patapos na ang araw ng pag-ieskwela.

"May nabagsak ako eh. Sabi ni Mom, kung dito daw ako mag-aaral, magagabayan nya ako,"sagot ko. Mom lang ang sinabi ko at ayaw kong banggitin ang koneksyon ko sa kanya. Isa pa, 'di naman nya basta-bastang iisipin na kamag-anak ako ng mga gurong Sandoval dahil 'di lang naman sila ang may gano'ng apelyido.

Magsasalita pa sana sya kaya lang may lalaki ng tumawag sa kanya. Tulad ni Archi ay nakajersey shirt din ito at basketball shorts habang hawak-hawak ang isang bola.

"Archi! Chics na naman ang inaatupag mo ha! Tawag na tayo ni Coach!"sigaw nito dahilan para matawa si Archi.

Humarap sa akin si Archi at kinalas namin ang kamayan. Napahawak sya sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti.

"Sorry kung 'di na kita matutulungan ha. Masaya akong nakilala ka Win,"pagkasabi nya no'n ay lumabas na sya habang kumakaway sa akin. Kinawayan ko din sya hanggang sa mawala na sya sa aking paningin.

He looked nice. Gentleman pa. Archi was also good looking. Masaya akong nakilala sya.

[BAD BOY]