webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · 奇幻言情
分數不夠
216 Chs

This is Not Part of the Plan

>Veon's POV<

Nagulat kami nang narinig namin ang sigaw ni Shannara.

"Kreiss, kailangan nating bumalik," sabi ko sa kanya at narinig ulit namin na sumigaw siya at tumango siya sa akin.

Tumakbo kami paalis pero bigla kaming tumigil nang makita namin ang mga zombies sa harapan namin. Dahil sa zombies na nakaharang sa rota pabalik kina Shannara, hindi kami maka-proceed. Kailangan namin silang patayin ngayon.

"This is not part of the plan," sabi niya at tiningnan niya ako habang gumawa siya ng stance hawak ang katana niya. Napansin kami ng zombies at paunti-onti silang lumalapit sa amin.

"Are you ready," tanong niya at hinawakan ko yung baril ko at tinitigan ko yung zombies sa harapan ko.

"Ready," sabi ko sa kanya and we both nodded at each other. Tumakbo siya palapit sa kanila at pumatay na rin siya ng zombies.

"'Wag mo akong barilin, ha," sabi niya at hindi ko na lang siya sinagot.

Binabaril ko lang ang mga zombies habang pinapatay niya rin ang malapit sa kanya. Wala akolng balak saktan si Kreiss kaso pag nalaman ko lang na sinaktan niya pala si Sheloah habang nandito siya bago kami nakarating dito, sasaktan ko siya.

"Kreiss, dodge," sigaw ko sa kanya at ginawa niya naman. Agad kong binarily ang zombie sa harapan niya. Binigyan niya ako ng thumbs up.

Inaatake ni Kreiss ang zombies sa likod niya pero napansin ko na hindi niya napapansin ang mga zombies na papunta na sa kanya. Agad ko siyang tinulak at pinatay ko sa ulo yung zombie na nasa likuran niya.

Ngayon, mga normal zombies lang ang nandito at madalas na accurate ang aim ko kaya mas napapadali ang pagpatay ko ng zozmbies kaso nga lang kailangan kong tipirin itong mga bullets na dala ko.

Tumakbo si Kreiss papunta sa akin. Agad akong umiwas at nakita ko si Kreiss na tumaas agad ng puno. Pagkaakyat niya ng puno, agad siyang tumalon at nahiwa niya yung katawan ng zombie na nasa likuran ko. Tumalsik yung dugo niya sa amin at tumakbo na siya pabalik sa pwesto niya kanina para pumatay ulit ng mga zombies.

Sa ginawa ni Kreiss, napansin ko na hindi ko rin pala nakita ang mga nasalikuran ko. Aaminin ko…

Kung hindi niya ito ginawa, siguro zombie na ako pagkatapos ng ilang Segundo.

Tumakbo rin ako papunta sa pwesto niya para tulungan siya. Tiningnan ko si Kreiss at nagkatitigan kami.

"Salamat," sinabi ko na lang at nginitian niya ako at tinuloy namin pumatay ng zombies.

Ang paglalaban na ito halos ilang minute na. Siguro naka 15 minutes na kami at habang pinapatay namin ang zombies, pansin ko na malapit na maubos ang ammos ko. Dalawang pouch lang ang dala ko at kalahating bullets na lang ang natitira sa isa kong pouch bago ko gamitin ang pangalawa. Buti na lang onting zombies na lang ang nandito.

Tinabihan ako ni Kreiss. Nakatingin siya sa left niya at ako naman sa right. Magkadikit ang balikat namin.

"I take the three, you take the last two," sabi niya tapos tumango ako bago kami naghiwalay.

Pinatay ko yung zombies na natira sa side ko at pinatay niya rin ang tatlo na target niya. Natapos na ang dapat naming gawin.

Tiningnan namin ang isa't-isa. "Puntahan na natin sila. Sumigaw si Shannara, baka ano pa ang nangyari," sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin at agad kaming tumakbo pabalik sa lugar kung nasaan ang dalawa.

Pagkatapos ng tatlong minute, agad kaming nakarating sa lugar kung nasaan sila pero laking gulat naming dalawa ni Kreiss nang makita namin si Shannara at Sheloah na magkasama at may kinakalaban na isang zombie.

Isang zombie na malaki at mukhang ang hirap nitong patayin. Masyadong malakas. Malaki nga, mabilis pang gumalaw. Mukhang kanina pa nila ito kinakalaban.