>Veon's POV<
Tumatakbo na kami papunta sa plane. Nasa gitna namin yung pilot at kaming apat ang nakapaligid sa kanya para protektahan siya. Si Isobel nasa left, si Isobel at Shannara sa right. Ako ang nasa harap, at si Sheloah naman ang nasa likod. Binibilisan naming tumakbo para makarating agad sapintuan ng plane. Buti na lang at hindi nakabukas kundi problema namin at baka may zombie na nasa loob. May mga zombies pa naman na humahabol sa amin kaya siguro pag nakapasok sila na kasama namin, papatayin namin sila habang umaandar ang plane. Wala kaming choice.
Nakarating kami sa harap ng door ng plane pagkatapos naming akyatin nang mabilisan ang stairs. Mabilisang binubuksan ng pilot ang pintuan pero nung pagkabukas ng pinto, biglang sumigaw si Sheloah at lahat kami napalingon. Nagulat kaming lahat dahil nakagat si Sheloah sa leeg ng isang zombie. Dahil siya ang nasa likuran, siya ang unang inatake.
"Sheloah!" sigaw ni Isobel at agad niyang kinuha si Sheloah. Agad naman naming inatake ni Tyler ang zombie at tumulong din si Shannara para mas mabilis ang pag-atake. Nang makapasok na kami sa loob ng plane, hindi na namin tinuloy ang pag-aatake dahil biglang sinarado ng pilot ang pintuan at tiningnan niya kaming lahat.
"Lahat ng planes dito, may emergency kit sa dulo. Kunin ninyo ito at ako na ang bahala sa pagpunta natin papunta ng Australia." sabi na lang niya at tumakbo siya papunta sa harap ng plane at sinarado niya ang pintuan.
Binalik ko ang tingin ko kay Sheloah. Nagulat ako dahil unti-unti nagiging color blue ang skin niya. Paunti-unti na siyang nanghihina. Hindi ko alam pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag-iiyak ko.
"Sheloah." hinawakan ko ang kamay niya at lahat kami nakapaligid sa kanya.
Si Shannara, umiiyak na rin. "Ano na anag gagawin natin? Kinagat siya ng zombie. Anong cure naman ang magagawa natin from the emergency kit? Ni wala naman tayong possible way to experiment para maligtas natin si Sheloah." dagdag sabi pa niya at tumutulo na ang luha niya. " Una si Kreiss... ngayon ikaw?" tanong niya at umupo siya sa sahig, katabi ni Sheloah at hindi niya na pinigilan sarili niya sa kaiiyak.
Ngumiti lang si Sheloah. "Ang sakit." pinipilit niyang magsalita pero kaya niya pa ring ngumiti. Hinawakan niya ang kamay naming dalawa ni Shannara at nagsalita ulit siya. "Paunti-unting kumikirot ang katawan ko. Paunti-unting bumabagal ang heartbeat ko na as if, malapit na akong mamatay. Ang heavy ng beat, pero ang bagal. Ang sakit." dagdag sabi p niya at umiiyak na siya. "Please, patayin ninyo na ako." halos nagmamakaawa na siya at agad tumayo si Isobel.
"Shit. Hindi ko na ito kaya. Bakit ganito?" sabi ni Isobel at pumunta siya sa isang sulok ng plane at umiyak nang napakasobra na mag-isa. Tumayo rin si Tyler at pumunta sa isang sulok at sinuntok niya ang isang upuan ng plane. Pinipigilan niya ang iyak niya.
"Sheloah, please. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto pa kitang mabuhay." sabi ni Shannara at hinawakan niya ang kamay ni Sheloah. "Kahit hindi tayo magkasundo dati, naging kaibigan naman tayong dalawa 'di ba? Please... Sana may cure." dagdag sabi pa niya at umiyak siya mas lalo. Nginitian siya ni Sheloah at inangat niya ang kamay niya para hawakan ang pisngi ni Shannara at pinunasan niya ang mga luha niya.
"This cannot be avoided. At least, makapupunta na kayo sa Australia. There may be zombies, yes... Pero mas advanced na doon and you will have much more chances to live. To help people." sabi naman niya sa akin at biglang bumalik si Isobel sa tabi namin. Naririnig niya ang buong usapan.
"Pero gusto kasi namin na kasama ka!" sabi niya at napansin namin na naging black ang skin ni Sheloah sa mukha at sumigaw siya dahil sa sakit na nararamdaman niya.
"Sige na. Patayin niyo na ako!" sigaw niya at tumabi rin si Tyler.