>Veon's POV<
Tiningnan ako ni Isobel. "Alam mob a na iyak ng iyak si Shannara kagabi?" tanong niya sa akin at agad ko rin siyang tiningnan.
"Umiiyak siya?" tanong ko at tumango si Isobel sa akin.
Alam ko ang rason kung bakit umiiyak si Shannara. Alam ko na nga ang rason, pero tinatanong ko parin. Hindi ko naman sinasadya na saktan ko siya kagabi. Totoo naman kasi na naiinis ako sa kanya dahil nawawala si Sheloah tapos pinipilit niyang tanungin kung mahal ko ng aba siya.
Teka… bakit ko ng aba hindi masagot ang tanong niya? Kung mahal ko ng aba si Sheloah o hindi? Simpleng tanong pero bakit hindi ko masagot?
"Mahal mo ba si Sheloah?" tanong ni Isobel at nawala ako sap ag iisip ko at nairita nanaman ako sa tanong niya dahil pareho sila ni Shannara na tinatanong ito sa akin.
"Bakit niyo ba kasi tinatanong kung mahal ko si Sheloah? Nakakairita na kaya." Sagot at tanong ko sa kanya at napabuntong-hininga siya.
"Tanga." Deretsyohang sabi niya sa akin at inirapan niya ako. Grabe. Ang tulis talaga ng dila nitong babaeng ito.
"Kung magsalita ka naman akala mo kung sino." Sabat ko sa kanya at lumaki ang dalawang mata niya.
"Ikaw naman kasi! In denial ka pa!" sigaw niya at binato niya nanaman sa akin yung unan. Sa mukha ko pa. Binato ko ulit ito sa kanya at niyakap niya ito ng napakahigpit.
"Ano'ng in denial? Hindi ko alam kung ano'ng pinag sasasabi mo." Tanong at sabi ko sa kanya at yung sigh niya parang iritado na iritado na siya sa akin at inirapan niya nanaman ako.
"Mahal mo si Sheloah, tanga!" sigaw niya sa akin at napikon ako maslalo sa kanya.
"Tumigil ka nga! Wala kang proof na gusto ko siya kaya manahimik ka na lang, pwede? Ako pa mismo nagsasabi." Request ko sa kanya at sumandal siya sa rest ng couch.
"Walang proof... tanga. Bulag ka talaga, eh no?" tanong niya sa akin at hindi ko na lang siya sinagot pero nagsalita ulit siya. "Maraming proof na ang pinapakita mo, Veon. Maraming proof." Sabi niya sa akin at tiningnan ko siya.
"At ano namang proof ang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya at tiningnan niya ako ng seryoso.
"Simula noong 1st year, classmate na kita. Ngayon na 4th year tayo, kilalang-kilala na kita, Veon." Sabi niya at pinapakinggan ko pa siya. "Ngayon lang kita nakita na ganito. Since nakilala mo pa si Sheloah. Akalain mo ikaw… camera shy dati, nakikipag picture na dahil sa kanya? At kayo lang dalawa ang magkasama! During lesson pa!" dagdag sabi pa ni Isobel at nakuha niya yung attention ko.
Totoo. Camera shy ako. Pero ngayon ko lang na-realie na dahil kay Sheloah, nakikipag picture na ako sa iba. Ang una kong selfie, sa iPod niya. Tapos ang una kong picture na kasama ang isang girl na kami lang dalawa ay noong kasama ko siya. During lesson pa. Math subject. Tapos minsan, gagawa pa kami ng wacky. Hindi ko akalain na makikipag wacky ako in public kasama si Sheloah. Totoo nga si Isobel. Hindi ako ganito dati.
"Tapos hindi ka nag papahiram ng jacket mo sa mga girls. Pero noong nakita mo na giniginaw si Sheloah, agad mo naman pinahiram sa kanya. Pinauwi mo pa! Oh, ano? May isasabat ka pa ba? Ako nga na humihiram sa'yo dati, hindi mo pinapahiram. Eh, siya hihiramin niya o hindi, ipapahiram moa gad." Sabi pa ni Isobel at nakuha niya nanaman ang attention ko at napaisip ako.
Ang reason ko lang naman kung bakit hindi ako nag papahiram ng jacket kasi papagalitan ako ng parents ko pag hindi ko ito mauuwi sa bahay. Tapos ayaw ko na marumihan ito. Pero noong hiniram ni Sheloah for the first time dahil talagang giniginaw siya, sa totoo lang, nagustuhan ko ipahiram sa kanya.
"At ikaw…" nagsimula nanaman si Isobel at pinakinggan ko siya. "Palagi kang umuuwi mag isa pero noong naging close kayo ni Sheloah, palagi na kayong sabay. Nagtatawanan pa kayo. Ikaw na parang cheetah kung maglakad, parang pagong na kasi nag e-enjoy ka na sa kasama mo siya." Dagdag sabi pa niya at medyo natawa ako.
Totoo ang sinabi ni Isobel. Basta pag kasama ko si Sheloah, hindi ko mapigilan sarili ko sa kakatawa. Ang sakit ng tiyan ko dahil sa kakatawa dahil sa kanya. Maya-maya kasi madadapa si Sheloah, mabubunggo sa poste, mapapatid, madudulas at kung ano pa. Clumsy kasi siya at ewan ko ba. Since nakikita kong gano'n si Sheloah, parang gusto ko siyang samahan para sigurado akong ligtas siya.
May kwinento kasi siya sa akin noon na muntikan na siyang masagasaan at iba pa. Noong 5 day siya, nasipa siya ng kabayo sa mukha niya. Sa totoo lang natawa ako dahil nasipa siya ng kabayo sa mukha. Sabi ni Sheloah sa akin amazed daw siya kasi first time siyang makakita ng buntot ng kabayo nan aka braids. Hinawakan ng isang bata ang buntot ng kabayo at imbis na siya yung sinipa, si Sheloah ang sinipa.