>Tyler's POV<
We still couldn't see what the thing is behind the bush. Nag pa-panic kaming tatlo at nakatutok pari ang baril namin ni Dannie sa bush. Si Isobel nasa likuran at gitna namin since wala siyang weapon at kami lang ni Dannie ang marunong makipaglaban.
"Whoever or whatever is out there, will you please come out." Bulong ko at gumalaw nanaman ang nasa bush. Nagulat kami nang biglang may tumalon at tinutok ko yung baril but to my surprise…
It was Geof.
"Don't shoot, don't shoot!" sabi niya sa amin at binaba namin agad ni Daanie ang baril namin. Pareho kaming tatlo ang nagulat dahil nasa Pangasinan si Geof pero ngayon, nandito na? May destination din ba silang pupuntahan?
"Bakit ka nandito?" tanong ko and he was trying to catch his breath dahil sa sobrang pagod niya.
"Pinatay na ang grupo ko kaya napadpad ako rito kasama ang ibang classmates ko. Kalahati na lang kami." Sagot niya sa tanong ko at nag alala kami tapos medyo nagulat dahil nawalan sila ng kasama.
"And where are your members? Nasaan ang ibang Weapons of Massive Destruction?" I Isobel asked and Geof just shook his head.
"Nag stop over kami sa harapan ng malaking bahay. Kung saan kayo pero agad akong tumakbo rito dahil nung kakarating namin, dumami yung zombies at ngayon inaatake ang gate ng bahay niyo." Sagot ni Geot at medyo lumaki ang mga mata naming tatlo ni Dannie at Isobel.
"Ano'ng nangyayari? Ano'ng ginagawa ni dad?" tanong naman ni Dannie sa kanya at tiningnan siya ni Geof.
"Gumawa siya ng plano. Yung mga ibang classmates niyo na marunong makipaglaban nakikipag atake. Nasa may balcony tapos nagbabaril ng zombies. Ganun din ang ginagawa ng mga members ko. Pero kailangan namin kayo. Napapagod yung iba tapos walang healer. May tatlong nasugatan." Sagot at explain niya at nag panic kami. May nasaktan na pala! I was not expecting this!
"Wala sina Shannara, Sheloah at Veon. Naiwan sila pero we will do what we can." Sabi ko at tumango si Isobel.
"Bilisan na natin. Tatlo ang nasugatan. Siguro hindi pa alam ng iba kung ano ang gagawin." Dagdag sabi pa ni Isobel at tumakbo kaming apat pabalik ng bahay.
Tumakbo kami kung saan pinark ni Geof ang kotse. May dalang kotse si Geof Pic-up care ng tatay ni Dannie at sa likuran nito, motorcycle. Pumasok si Geof at ako ang nasa passenger's seat. Si Dannie at Isobel naman nasa likuran namin. Umandar na ang kotse at napakapit kami dahil sa sobrang bilis ng pag mamaneho ni Geof.
Ramdam ko ang pag aalala ni Dannie. Si Isobel halatang kinakabahan din dahil sa expression ng mukha niya. Nag aalala sa mga classmates at comrades namin na nasaktan dahil sa ginawa ng zombie. Sana wala naman mawala sa amin. We already lost a lot of lives. Lives of our classmates, lives of our friends, lives of our families.
Napatingin ako kay Dannie na nakatingin sa labas ng bintana. Dahil sa pagmamahal ni Josh, buhay siya ngayon at kasama namin. Pinili niyang makipaglaban so that she would avenge the death of Josh. But why are people like this? Kung kailan wala na ang tao, tsaka lang napapansin ang kahalagahan nila. Nakakainis. Nawalan pa ako ng kaibigan.
But I cannot blame Josh. Siguro kung ako siya tapos nakita kong malapit nang mamatay ang minamahal kong si Alice, I would do the same and would sacrifice my life for her.
Once we get there, I promise and swear to protect everyone.