webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · 奇幻言情
分數不夠
216 Chs

I Hope We Find Her Soon

>Veon's POV<

Natawag ko na yung kidnapper na 'yon kung sino man siya. Nandito ako ngayon sa living room kasama si Shannara, Isobel at Tyler. Pati rin si Dannie. Sinabi rin namin na 'wag sasama ang kanyang dad at nag oo naman yung dad niya pero lahat kami nagtataka kung bakit ayaw siyang ipasama. Alam pa nila kung saan yung apartment since 'yon daw yung apartment palabas ng Tarlac at ito raw yung bahay nina Dannie noon bago sila lumipat.

Kagabi sana pupunta ako pero pinigilan ako ng tatay ni Dannie. Sinabi sa akin na masyadong mapanganib dahil gabi at mas maraming zombies ang lumalabas ng gano'ng oras pero sa totoo lang, hindi ako makapag hintay.

Gusto ko kaagad na makuha si Sheloah pero hindi ko naman kaagad natupad iyon. Hindi ako makatulog ng mahimbing kagabi. At kung tatakas naman sana ako sa bahay kagabi, naka gwardya naman si Dannie tapos sa baba, nakabantay ang tatay niya. Nakakainis talaga! Hanggang ngayon na kahit inaantok ako, hindi ako makatulog dahil sa pag aalala ko kay Sheloah.

Sana ligtas siya.

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ni Shannara ang likod ko. "Veon, alam kong hindi ka okay pero malapit naman na natin siyang puntahan, eh. Kaya kalma ka lang." sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Agad nagpakita sa harapan namin yung tatay ni Dannie at lahat kami namatayo. Inutusan niya kaming umupo kaya umupo kami ulit at tinabihan niya si Dannie sa kabilang couch. Binigyan niiya ako ng picture ng itsura ng apartment na iyon at sinabi niya sa amin ang kanyang plano.

"Since kayo lang ni Isobel, Tyler, Shannara at Dannie ang pupunta roon, I-base niyo ang itsura ng apartment sa picture na 'yan." Sabi niya at sumandal siya sa back rest ng couch. "Alam ni Dannie ang route papunta sa apartment kaya protektahan niyo ang anak ko. Hindi lang dah sa alam niya ang route, kundi dahil siya lang ang tanging anak ko." Dagdag sabi niya at tumango na lang kaming lahat.

"Salamat po sa picture." Sabi ni Shannara sa kanya at tiningnan namin ito ulit.

"Nga pala… lahat dapat kayo may dalang baril at ibibigay ko ang First-Aid Kit kay Isobel para kung sakali may mangyari, handa kayo. Dala rin kayo ng mga extra niyong bullets." Sabi pa ng tatay ni Dannie sa amin at binigyan niya kami ng tig iisang baril at binigay niya kay Isobel ang First-Aid Kit.

"Umm… sir." Tinawag ni Tyler ang kanyang attention at lahat kami napatingin sa kanya. "Matagal po ba ang time papunta sa lugar na iyon?" tanong niya at binalik namin ang attention sa tatay ni Dannie.

"Sabihin niyo na lang na it will take all of you 1 hour each to reach that place. At isa pang oras dahil mas marami ang zombies papunta roon." Sagot niya sa tanong ni Tyler at lahat kami medyo nagulat sa sinabi niya.

"Edi… kailangan namin mag ingat dahil dalawa ang bibigyan naming attention. Si Isobel at si Dannie." Sabi ko at agad nag react si Dannie.

"Hindi niyo kailangan na bigyan niyo ako ng pansin." Sabi niya at lahat kami napatingin sa kanya. "Hindi halata pero tinuruan ako ni dad ng simpleng self-defense. Tinuruan niya ako kung paano gumamit ng baril." Dagdag sabi pa niya at tinaasan siya ni Isobel ng kilay. "It's a secret, though." She said finally and she winked at us.

"Marunonng ka pala, eh. Bakit hindi ka tumutulong sa amin sa pagpapatay ng mga zombies noon?" tanong ni Isobel at agad kong binunggo ang kanyang balikat.

"'Wag kang ganyan! Nandito ang tatay niya." Bulong ko sa kanya pero inirapan niya lang ako. Iniisip niya siguro yung death ni Josh dahil sa kanya. 'Yon pala, marunong makipaglaban si Dannie.

"Hindi ako nakikipagalaban dahil may trauma ako sa baril noon. 13 ako noon at nabaril ko ang kanang kamay ni papa noong tinuturuan niya ako." Explain niya at lahat kami medyo nagulat at hindi kami nakasagot. Hindi namin alam na 'yon pala ang rason kung bakit. Takot siya na makakasakit pa siya ng ibang tao.

"''Wag na kayong mag alala." Sabi ng tatay niya at tiningnan namin siya. "Kagabi nag usap kaming dalawa tungkol sa pangyayaring 'yon. It was all in the past. At may tiwala ako kay Dannie na nalagpasan niya na ang takot niiya." Dagdag sabi pa ng tatay niya at nginitian kami ni Dannie ng konti.

"Kaya sorry kung hindi ako makatulong dati. Ngayon, babawi ako." Sabi pa ni Dannie sa amin at tumango kami. Siguro, pwede na namin siyang pagkatiwalaan. Alam naman niya na ang importance ni Josh at yung sakripisyo niya para sa kanya.

"Pupunta kami doon at pagkalipas siguro ng dalawang oras, nandoon na kami sa apartment kung saan si Sheloah. Tama ba?" summarize at tanong ni Shannara at tumango sa kanya ang tatay ni Dannie.

"Mga gabi siguro kayo makakabalik dito. For now, maghanda muna kayo. Then you will train. After niyong kumain ng lunch, aalis na kayo para kunin si Sheloah. Kuha niyo?" explain at tanong niya sa amin at tumango kaming lahat. Nag paalam si Dannie at ang kanyang tatay sa aming lahat at sabay kaming napabuntong-hininga nung sumandal kami sa rest ng couch.

"Argh! Gusto ko nang umalis!" reklamo ko at tiningnan nila ako.

"Maghintay ka. Sabi sa atin na pagkatapos ng tanghali, pupunta tayo. Training muna." Sabi ni Isobel sa akin at napabuntong-hininga nanaman ako.

"Nakakainis. Nag aalala ako para kay Sheloah!" sabi ko at binato ni Isobel sa akin ang throw pillow ng couch.

"Hindi lang ikaw ang nag aalala para sa kanya, no! Pati rin kami, gago!" sabat ni Isobel sa akin at binato ko rin sa kanya ang unan at agad niya itong hinigaan. Ang harsh mag salita ng babae na ito minsan.

Tumayo si Tyler at napatingin kaming lahat sa kanya. "I'm gonna go outside and train. Wanna come, Shannara?" tanong ni Tyler sa kanya at tumango si Shannara tsaka siya tumayo.

"See you, Veon." Sabi niya at tumango na lang ako. Napatigil si Shannara sa kanyang paglalakad at nilingon niya ako. "I hope we find her soon so that you're happy." Dagdag sabi pa niya at umalis na siya kasama si Tyler para mag training.