webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · 奇幻言情
分數不夠
216 Chs

Bakit ang Sweet Mo?

>Sheloah's POV<

Nag good night uli ako kay Shannara at nag good night din siya sa akin. Papunta na siya sa kwarto nil ani Isobel at papunta na rin ako sa kwarto namin. Akala ko matutulog na sina Isobel at Shannara pero pumunta naman siya rito para raw kausapin ako nung nalaman niya na katabi ko si Veon. Tinanong niya rin kung bakit hindi ko sinabi. Bigla kasi siya kinuha ni Iobel, eh. Pero kung hindi kukunin ni Isobel si Shannara, sasabihin ko parin bas a kanya?

Pumasok ako sa elevator at pinindot ko yung 11th floor. Nandoon kasi yung room namin ni Veon. The elevator room door opened again nung napunta sa 6th floor at pumasok si Josh. Nginitian ko siya at nakita niyang nakapindot na ang 11th floor kaya hindi niya uli ito pinindot. Nginitian niya rin ako.

"Oh, Josh. Akala ko matutulog ka na." sabi ko sa kanya at sumandal siya sa wall habang tumataas ang elevator papunta sa 11th floor.

"Hindi muna. Titingnan ko kasi si Dannie kung okay lang siya." Sabi niya at ngumiti ako.

Si Dannie kasi crush ni Josh since 1st year high school. 4th year na kami ngayon at siya parin ang gusto niya. Pero siguro kung walang zombie apocalypse, graduate na kami. Pag tapos na kaya ang lahat, ano ang mangyayari?

"So, ano naman ang pinag usapan niyo?" tanong ko and we got out of the elevator dahil nakarating na kami sa 11th floor. Umupo kami sa bench malapit sa may plant para mag usap.

"Wala naman masyado. Kinamusta ko lang kasi nag aalala ako para sa kanya." Sagot niya lang sa tanong ko pero parang may lungkot sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang balikat niya. "Joshy… okay ka lang ba?" tanong ko naman sa kanya but he shrugged his shoulder.

"Ewan ko, Sheloah." Napabuntong-hininga siya. "Kahit alam kong wala akong pag asa sa kanya, bakit ko parin siya kinakausap? Bakit parin ako nag e-effort?" tanong niya at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya so I just patted his back.

"Baka kasi mahal na mahal mo siya kaya ganun ang nararamdaman at ginagawa mo." Sabi ko na lang sa kanya at sumandal siya sa rest ng bench.

"Nakakainis nga, eh. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nasasaktan ko ang sarili ko." Sabi niya at nag sigh nanaman siya. "Ang hopeless ko, no" he added tapos pinalo ko siya sa likod.

"'Wag ka ngang ganyan! Ang Josh na kilala ko hindi emo!" I tried to cheer him up at nginitian niya ako.

"Salamat, Sheloah. Kung may kailangan ako or pag gusto kitang kausapin, pwede kita makausap any time, 'di ba?" tanong niya at tumango agada ko.

"Oo naman! Bakit naman hindi, eh mag kaibigan naman tayo? I will always be your sister" sagot at pagsisigurado ko sa kanya at nginitian niya ako. Tumayo kaming dalawa.

"Salamat talaga, Sheloah." Pasasalaman niya at niyakap namin ang isa't-isa. I really love this brother of mine. Talagang nag aalala ako sa kanya pag wala siya sa normal self niya. Ayaw ko siyang makita na malungkot.

We parted ways tapos pumasok na ako sa hotel room namin ni Veon. Nung pag pasok ko, nakita ko siya na nakahiga sa kama at may binabasang libro. Agad niya itong binaba nung nakita niya ako at tumayo siya at nilapitan niya ako. Nagulat ako kasi biglaan nanaman yung actions niya at nakakapanibago.

"Saan ka galing, Sheloah?" tanong niya at nabigla ako kasi hindi siya ganito.

"Doon sa water fountain. Nakausap ko lang si Shannara saglit tapos nag usap kami ni Josh on the way back." Sagot ko and I tilted my head to the right. "Bakit?" dagdag tanong ko pa tapos napabuntong-hininga siya.

"Wala." Sabi niya tapos humiga ulit siya sa kama tapos tinabihan ko siya pero naka upo ako. "Alam kong okay ka pero sa ginagawa mong biglaan na mga actions tulad ng pag aalis mon a lang na walang paalam, siyempre mag aalala ako." Sabi naman niya at nag pout ako.

"Sorry na… alam ko mali ang ginawa ko." Sabi ko na lang sa kanya but I know he's not buying what I said.

"At alam mo bang muntikan ka nang mawala ng dalawang beses? Paano kung natalo ako, edi wala ka na. Paano kung hindi ka namin napuntahan kanina, edi wala ka na." dagdag sabi pa niya at nginitian ko siya.

"Bakit ang sweet mo?" tanong ko at hindi niya ako sinagot. Natawa ako kasi hindi na siya makasalita dahil sa sinabi ko.

"Sweet? Ano'ng sweet?" halata sa mukha niya na nabigla siya sa sinabi ko kaya natawa nanaman ako maslalo. "Nag aalala lang ako para sa kaibigan ko." He said finally at tumigil ako sa kakatawa, pero nakangiti parin ako.

"I can't guarantee you na hindi ako magiging stubborn, pero I will try my best not to make you worry." I said and I raised my right hand, showing that I promised pero tumawa lang siya as he shook his head.

"Talaga lang, ah…" sabi niya at inirapan ko siya. Hindi talaga siya naniniwala but I know deep down, he's hoping for me to do what I said. May tiwala naman siya sa akin kahit paano.

Sorry sa late update, but thanks for reading! Vote my chapters, add to your library, send power stones, leave comments or reviews. ^^ Salamat!

MysticAmycreators' thoughts