webnovel

Chapter Nineteen

             Tatlong oras na simula ng magpaalam si Tyler na may gagawin. Hindi ko alam kung ano. Klaro naman niyang sinabi na wala silang gig ngayon. Ano naman kaya ang gagawin niyang napaka-importante na uunahin niya pa kesa sa akin. Tss.

             Wala na ako sa mood habang nag-aaral. Nakatingin nga ako sa libro, di naman ako nagbabasa. Nawala ako sa mood dahil sa Tyler na yun. Papanuorin niya raw ako buong gabi. Ha! What a lie!

             I heard a knock on the door. Noong una ay akala ko nagi-imagine lang ako o sa kabilang kwarto lang iyun. It's already ten in the evening!! Sino naman ang kakatok ng ganito?

             Bumalik ang pagkatok. Nainis na akonkaya tumayo ako at binuksan iyun. Sisigawan ko na sana ang kumakatok ng makita ko si Tyler na nakangiting nakatayo sa harap ko. Kinusot ko ang mga mata ko dahil baka nagi-imagine lang ako pero nasa harap ko talaga siya ngayon.

             "Hindi mo ba ako papapasukin? Baka may makakita sa akin. I just sneak in."

             I looked around. Nang masiguradong walang tao ay agad kong pinapasok si Tyler at sinara ang pinto.

             "H-how did you get in??" taka kong tanong.

             Humiga siya sa kama ko. Hindi man lang hinubad ang sapatos niya. Tsk. Hirap pa namang maglinis.

             "I used to study here. I know this place more than you."

             Lumapit ako sa kanya. Pinagmasdan niya ang buong kwarto ko. Hindi ako makapaniwala. He's here. Kaya ba siya nagpaalam kanina para lang pumunta rito??

             "It's late. Bakit ka pa nagpunta? Delikado sa daan. Paano kung may nangyari sayo?"

             Hinila niya ako paupo saka niyakap ako. "I miss you. Nayakap na rin kita."

             Hinawakan ko ang mukha niya. "You look tired. Pinapagod mo ata sarili mo eh... Baka naman pagod ka kakapam-babae?"

             He kissed me on the lips. "Napagod ako kakaisip sayo."

             Inayos ko ang posisyon ko. Umupo ako sa kandungan niya. Damn it. I miss him so much. Nang huhubarin ko na sana ang tshirt niya ay pinigilan niya ang kamay ko. Napakunot noo ako.

             "Come on, baby. I miss you."

             "No. Mag-aaral ka pa diba? Dapat magpahinga ka na. Andito lang ako para makita ka."

             Ngumuso ako. "Madali lang, Tyler. Sige na. Kanina pa ako nagpapantasyang hinahawakan mo. Please?"

             "Rest. If we do it now, hindi kita papatulugin."

             "Then don't!"

             "You're still aggressive. We can do it next day. I will stay here for three days. Wala namang kaso sayong itago ako rito sa kwarto mo?"

             "You're crazy. Hindi mo kakayaning manatili dito ng tatlong araw."

             "I can, Ken. Keep me here with you."

             "Bahala ka." sagot ko naman. Alam ko namang nagbibiro lang siya. "I love you, Tyler. I miss you." wika ko sabay yakap sa kanya.

             "Oh my baby..." aniya habang hinahaplos haplos ang buhok ko. "You're still beautiful kahit magulo ang buhok mo at tshirt lang ang suot mo... Why are you only wearing that anyway? Paano kung hindi pala ako ang kumakatok kanina?"

             Biglang nagbago ang mood nito. Napanguso ako. Komportable kasi ako na ganito lang ang suot pag andito. Lalo na kung nag-aaral ako. Gustong gusto ko yung lamig ng aircon na sumusuot sa kalamnan ko. Komportable ako kapag malamig.

             Tinaas niya ang suot kong tshirt. Tiningnan niya kung anong suot ko roon. "You're not wearing a bra. And what is this? A t-back? You're killing me, Woman! Gusto mo bang makapatay ako ng tao pag may gumalaw sayo??"

             "I was just... I thought kaibigan ko lang yung kumakatok. Sorry. Pasensya na. Hindi na po mauulit."

             "Dapat lang! Hindi mo alam ang galaw ng utak ng mga lalaki. Oras na makita ka nilang ganyan lang... Ugh, I don't even want to think about it. Ayaw kong may ibang nakakakita ng katawan mo maliban sa akin. Akin na akin lang ang mga toh, Ken. Keep that in mind."

             "I know that, Tyler. Wala rin naman akong balak na ibalandra ang katawan ko sa iba."

             "Mabuti yung nagkakaintindihan tayo. Don't ever think about other guys either. Akin lang ang lahat sayo, Ken. Akin ka lang."

             "Sayong sayo lang, Tyler."

             "Hmmm... Stop."

             Ngumisi ako. Mas lalo ko pang giniling ang sarili sa kanya. Oh god, this feels so good. Hindi ko maintindihan kung bakit pinipigil niya ako gayung dati naman, kahit wala akong ginagawa, siya na mismo ang nagsisimula. Ngayong gustong gusto ko, saka niya ayaw?

             "Ken." may pagbabanta ang boses nito. "Stop sweetheart. I can't right now."

             Binaba ko ang kamay ko sa short niya. I was trying to unbuckle his belt when he stopped me again.

             Napaigting ang panga ko. Inis akong umalis sa pagkakakandong sa kanya at padabog na umupo sa harap ng study table ko.

             "Ken." malambing nitong tawag sa akin. "Hindi ka ba matutulog? Late na."

             Hindi ko siya pinansin. Bwesit siya. Bahala siya sa buhay niya. Itago na lang niya yang bwesit niyang bayag. Tingin niya naman talagang atat akong mahawakan siya? Bahala siya.

             "Babe... I'm just tired. I told you, I came here to see you. You're my fiance now. I can't just fuck you whenever I want. Please, understand."

             I laughed sarcastically. "I don't fucking care. Matutulog ako mamaya pag alis mo."

             "Casandra."

             Pinanliitan ko siya ng mata. "Get out, Tyler. I don't want to see your face."

             "I don't want to."

             "I hate you."

             "I don't want us to fight. Come on, Ken."

             Hindi ako nagsalita. Hindi na rin naman siya nagsalita. Siguro ay ayaw talaga niyang makipag-away sa akin. Tumayo ako't paaalisin na sana siya pero pagharap ko pa lang ay mahimbing na itong natutulog. Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang gwapo nitong mukha. He looks soooo tired. Siguro nga ay masyado siyang exhausted sa problema niya sa La Paraiso.

             Napapikit ako. Nakaramdam ako ng awa rito. He loves his band so much. Nagkakaroon sila ng problema pero heto ako't dumadagdag lang sa problema niya.

             Lumapit ako sa kanya. Inayos ko ang pagkakahiga niya saka kinumutan siya. I lay down beside him. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya habang nilalaro ang buhok nito. He looks so perfect. Ang gwapo kahit natutulog. Ngayon ko lang napansin, ang kapal at ang tataas ng pilik mata niya. Bakit ganun? Bakit mas magaganda ang pilik mata at kilay ng mga lalaki when they don't even need it.

             Bigla kong naisip... Paano kung may anak na kaming dalawa. Kamukha niya kaya? Ang cute siguro ng baby. Sana ay makuha ng baby ang kilay at pilik mata niya. Napangiti ako sa isiping iyun pero agad ko rin naman iyung inalis sa isip ko. You're crazy for thinking that will happen, Ken.

             Binaba ko ang mga kamay ko sa dibdib ni Tyler. Umurong ako palapit sa kanya saka hinalikan siya sa pisngi. Please forgive me kung ano man ang magawa ko sayo. I just don't want my parents to know about me. I am really sorry.

             "Thanks for everything Tyler. Ikaw lang yung nagpasaya at nagpatibok ng puso ko ng ganito... But we should end it here. I don't want to fall for you... But you need to fall for me. You're a good guy, Tyler... I hope you will forgive me someday."

             Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko saka nagpunta sa study table ko. I'm tired. I need to sleep.