Naka-upo ngayon ang anim na magka-kaibigan sa batuhan malapit sa ilog matapos ang nangyaring sagutan nila Apollo at Astraea kanina. Nang matapos sabihin lahat ni Astraea ang hinanakit nito kay Apollo ay tuluyan na itong umalis ng walang paalam. Habang naka-upo silang anim sa batuhan at nakatingin sa tubig ng ilog kung saan nag-re-reflect ang papalubog na araw ay wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita at nagpapakiramdaman na lamang.
Si Apollo naman ay nakatingin sa hawak nitong laruang sasakyan at kulay puting rosas na nahulog ni Astraea kaninang tinulak siya ni Zeus. Napabuntong hininga na lamang siya at dahan-dahan nitong nilagay sa tubig ang mga ito para itangay ng agos. Habang nakatingin siya sa laruan at bulaklak na tinatangay ng agos ay napalingon naman siya sa mga kaibigan nito nang isa sa kanila ang nagsalita.
"Sorry," nakayukong saad nito. Ayaw niyang tignan ang kaibigan kasi nahihiya siya sa gulong ginawa nito kanina. "akala ko kasi magkaka-ayos kayo ni Astraea pag nagkita kayo dito at magka-usap pero, nagkamali pala ako. Sorry, Apollo." nang sabihin iyon ni Zeus ay inangat nito ang ulo niya para tignan sa mata ang kaibigan.
Napangiti naman si Apollo ng matipid at saka ginulo ang buhok ng kaibigan."Ano ka ba, bakit ka nag-so-sorry?" natatawang saad nito at saka niya inakbayan si Zeus. "sa totoo nga nagpapasalamat ako sa ginawa mo ngayon dahil, matagal ko na rin talagang gustong maka-usap siya." komento nito at saka tumingin sa ilog.
"Pero, hindi pa rin kayo nagka-ayos." dagdag uli ni Zeus.
Marahas na bumuntong hininga naman ito. Habang nakatingin siya sa ilog ay nakatingin lang din sa kanya ang mga kaibigan nito. Makikita mo sa mga mata nila ang halo-halong emosyon. Sa lahat ng emosyon, ang nangingibabaw ngayon ay ang lungkot at awa nila para sa kaibigan.
"Apollo," nilingon naman ni Apollo si Achilles na may malaking ngiti sa labi kahit na nasasaktan na siya sa mga oras na ito at sa nangyari kanina. "Bakit ano ba talagang nangyari sa kapatid ni Astraea? Pinatay mo ba talaga siya?" may halong takot sa boses nito nang tanungin niya ang kaibigan.
"Oo, nga Apollo!" dumako naman ang mga mata ni Apollo nang sumunod na nagsalita si Khaos. "magka-kaibigan tayo rito o! Maglilihiman pa ba tayo? What are friends for ika nga nila 'di ba?"
Napapatango naman si Hector sa sinabi ni Khaos. "Oo nga, Zapata. Ano ba talaga kasing nangyari two months ago? Ang alam lang namin pinatay mo ang kapatid ni Astraea pero, sa mga sinabi sa amin ni Triton kanina iba iyong nalalaman namin sa totoong nangyari two months ago." May inis sa boses ni Hector habang sinabi niya ang mga katagang iyon. Si Hector kasi, isa siyang uri ng tao na ayaw na ayaw niyang may naglilihim sa kanya ng sikreto at higit sa lahat nagsisinungaling.
Napatingin naman si Triton kay Apollo nang huminga ito ng malalim at saka pinakatitigan nito isa-isa ang mga kaibigan nito at siya na kanina pa nakatingin sa kanya. Ngumiti lang ng tipid si Apollo sa kanya at nagsimulang mag-kwento sa mga kaibigan nito kung ano ba talaga ang nangyari two months ago.
"Kuya, Apollo tara sa river!" masayang sambit ni Dwight kay Apollo habang magka-hawak kamay silang naglalakad pabalik sa bahay nila Astraea dahil dinala nito si Dwight kanina sa bahay nila para ibigay ng mga magulang nito ang regalo para sa bata.
Huminto naman sa paglalakad si Apollo at saka ito lumuhod sa harap ni Dwight. Hawak nito ngayon ang regalong binigay ng kanyang mga magulang na isang set ng laruang sasakyan.
"Dwight," hawak nito sa magkabilang balikat ng bata. "Hindi ba ang sabi ng ate mo kanina bumalik din tayo agad sa bahay niyo dahil magsisimula na iyong party mo?" naka-ngiting saad nito sa bata. Ngayong araw kasi ay ipagdiriwang ni Dwight ang kanyang ika-walong kaarawan kaya naman binigyan siya ng regalo ng mga magulang ni Apollo.
Nag-pout naman si Dwight sa harap ni Apollo. "Sige, na kuya Apollo, please?" ani nito at nagpa-awa effect pa sa kuya Apollo nito dahilan para um-oo siya. Hindi niya talaga matiis ang kapatid ni Astraea.
Kaya imbes na dumeretso sila sa bahay ng kasintahan ay lumiko sila para pumunta sa malapit na ilog sa kanila. Habang naglalakad silang dalawa ay pinagsasabihan naman ni Apollo si Dwight sa kung ano mang gagawin niya mamaya sa ilog.
"O, Dwight, sa may batuhan lang tayo a? Hindi ka pwedeng lumusong sa tubig dahil baka malunod ka. Pagalitan pa ako ng mama at ate mo." pangaral nito sa bata na nasa unahan nito na excited na pumunta sa ilog.
"Opo!" masayang sambit naman nito at agad na tumakbo nang makita nito ang kulay kristal na tubig ng ilog. "River! Ang ganda ng river!" nagtatakbong sigaw nito kaya sinundan siya ni Apollo.
"Mag-ingat ka, Dwight! Mamaya madapa ka!" natatawang saad nito.
Nang makalapit sila sa ilog at naka-tayo sa batuhan ay napapa-ngiti at napapa-kamot na lang sa batok niya si Apollo sa itsura ng kapatid ni Astraea. Parang ngayon lang kasi siya naka-kita ng ilog sa tanang buhay niya.
"Wow," iyon agad ang unang lumabas sa bibig ng bata habang naka-tingin ito sa mala-kristal na tubig ng ilog. "Ang ganda pala ng river kuya Apollo!" naka-ngiti at masayang saad nito at nilingon siya. "ngayon ko lang nakita ito!" Hindi makapaniwalang saad nito.
Kumunot naman ang noo ni Apollo nang marinig niya ang sinabi ni Dwight. "Seryoso? E, bakit hindi ka magpasama sa ate mo o sa mama mo na pumunta rito?" tanong nito sa batang katabi niya.
Sumimangot naman ito bago sinagot ang tanong ni Apollo. "baby boy pa raw po ako kaya, hindi pa ako pwedeng pumunta rito dahil baka malunod ako!"
Napatawa na lamang si Apollo sa sinagot ni Dwight. "Tama naman kasi sila, bata ka pa para pumunta rito at saka marunong ka bang lumangoy?" tanong nito dahilan para umiling siya. "o, kita mo? Hindi ka pala marunong lumangoy e, kaya-sino naman kaya 'to?" tanong ni Apollo nang tumunog ang cellphone nito sa bulsa.
Agad naman niyang sinagot nang makita sa screen ng telepono nito ang pangalan ng matalik niyang kaibigan na si Triton.
"Ano?" iyon agad ang lumabas sa bibig niya pagkasagot nito sa tawag ni Triton. "Anong sinasabi mo?" sigaw nito sa kausap dahil hindi nito maintindihan. "S-sandali, hahanap ako ng pwesto ko kung saan malakas ang signal. Mahina kasi dito sa kinatatayuan ko." nang sabihin iyon ni Apollo ay nilingon niya muna ang batang kasama at sinenyasan ito na maglaro na muna siya ng toys na binigay ng mga magulang nito dahil may kakausapin lang ito. "Huwag kang lulusong sa tubig." paalala pa nito bago siya tuluyang lumayo sa kinaroroonan ng bata.
Nang makahanap ng maayos na signal si Apollo ay tinanong niya muli ang kaibigan kung anong sinasabi nito kanina.
"Ang sabi ko, nasaan na kayo? Kanina pa hinihintay ni tita at Astraea ang kapatid niya at ikaw!" sigaw ng kaibigan nito kaya nailayo niya sa tenga niya ang hawak na telepono. Nilingon naman niya muna ang kapatid ni Astraea na naglalaro sa batuhan malapit sa ilog bago niya sinagot ang kaibigan.
"Hinaan mo nga iyang boses mo." masungit na saad nito sa kaibigan. "pauwi na rin kami ni Dwight, pinasyal ko lang siya." May mga ngiti sa labi ni Apollo nang sabihin niya iyon.
"Uy! Talagang pina-ngatawanan mo na iyang pagka brother-in-law mo ah?" natatawang saad ni Triton sa kabilang linya. "saan mo ba pinasyal si Dwight? At bakit hindi niyo man lang ako sinama?" may bahid ng pagtatampo sa boses nito pero alam ni Apollo na nagkukunwari lamang ang kaibigan.
"Loko! Sige, na tatawagin ko na si Dwight." paglingon ni Apollo sa direksyon kung saan niya iniwan si Dwight kanina ay halos lamunin siya ng takot nang hindi niya makita ang bata maski anino nito. Kaya agad siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan nila kanina pero, mga laruang nagkalat na lamang ang nadatnan nito.
Naririnig niya pa rin sa kabilang linya ang kaibigan pero hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito.
"Apollo?" tanong ni Triton sa kausap. "Nandiyan ka pa ba?" nagsimula nang kabahan si Triton nang makarinig siya ng ingay sa kabilang linya. Parang tumatakbo si Apollo sa isang batuhan. Lalong kumunot ang noo niya at kinabahan siya nang makarinig siya ng agos ng tubig sa kabilang linya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa pinapatay ang tawag niya sa kaibigan. "Apollo, where are you? " tanong nito sa kaibigan pero wala siyang narinig na sagot kundi isang malalim na buntong hininga.
"T-triton," Halos mautal siya nang banggitin nito ang pangalan ng kaibigan niya. Sobrang higpit ng hawak niya sa telepono nito. "I need your help." may halong takot sa boses nito nang marinig iyon ni Triton.
"Where are you? Pupuntahan kita."
Sinabi naman ni Apollo kung nasaan siya ngayon kaya agad naman na lumabas ng bahay nila Astraea si Triton para pumunta sa lugar kung nasaan ngayon ang kaibigan niya.
Nang matapos na naka-usap ni Apollo si Triton ay agad niyang ibinato sa batuhan ang telepono at agad na lumusong sa tubig para hanapin ang kapatid ni Astraea. Habang kausap kasi nito kanina ang kaibigan ay nakita nito ang isang pares ng tsinelas ni Dwight na lumulutang sa tubig kaya naisip nito na baka lumusong ang bata.
Ilang metro na ang layo ni Apollo pero wala pa ring Dwight sa tubigan maski sa paligid. Wala siyang makitang Dwight na tumatakbo sa may batuhan at nagtatampisaw sa tubig.
"Nasaan ka na ba, Dwight?" bulong nito sa sarili.
Napatingin naman si Apollo sa isang motor papalapit sa ilog. Agad siyang lumangoy pabalik sa batuhan nang mamukhaan nito kung sino ang naka-sakay dito.
"Hey, what happened?" kinakabahan na tanong sa kanya ni Triton nang umahon siya sa tubig. "Nasaan iyong kapatid ni Astraea?" lalong kinabahan si Triton nang walang Dwight sa paligid.
Hindi maka-pagsalita si Apollo dahil maski siya ay hindi alam kung nasaan ang bata. Ang alam niya lang ay iniwan niya ito kanina para sagutin ang tawag ng kaibigan at pagbalik niya, wala na ito na naglalaro sa may batuhan.
"Dwight?" parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Apollo nang banggitin ng kaibigan niya ang pangalan ng nawawalang bata.
"Nasaan siya?" tanong nito sa kaibigan niya at lumingon sa paligid. Pero, wala naman si Dwight sa tabi nito maski sa likuran niya na nakatayo. "Nasaan siya-" Hindi natapos ni Apollo ang sasabihin niya nang tinulak siya ng kaibigan niya at agad na lumusong sa tubig. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ng kaibigan kaya nilingon niya ito kung bakit ito lumusong sa tubig at laking gulat na lamang siya sa nakita.
"Hindi. Nananaginip lang ako. Hindi ito totoo." bulong nito sa sarili at nagsimula nang tumulo ang mga luha niya.
Tumutulo ang mga luha niya habang nakatingin siya sa tubig kung saan kinuha ni Triton ang katawan ni Dwight na palutang-lutang.
"Buhay pa siya 'di ba?" umiiyak na tanong niya kay Triton nang ilagay niya ang katawan ng bata sa harap nito.
"Huwag kang mag-panic Apollo! Tumawag ka na ng ambulansiya!"sigaw sa kanya ni Triton kaya naman nag madali siyang tumawag ng ambulansiya at sa bahay nila Astraea.
Nang tumawag si Apollo sa bahay nila Astraea ay hindi sila maka-paniwala sa narinig nila kaya naman agad nilang pinatay ang tawag ni Apollo at nag madaling tinungo ang ilog malapit sa kanila.
Habang hinihintay nila Apollo at Triton ang ambulansiya ay sini-pr na muna ni Apollo si Dwight para maka-hinga ito ng maayos at mawala ang tubig na nainom nito sa pagkalunod. Nang sini-pr ni Apollo si Dwight ay napalayo siya dito nang maramdaman nitong may lalabas na tubig sa bunganga ng bata
Napa-ubo naman si Dwight kaya nilapitan siya ng magkaibigan at tinulungan na bumangon.
"O-okay ka lang ba?" nag-a-alalang tanong ni Apollo sa nanghihinang si Dwight.
"Nakaka-hinga ka ba ng maayos?" nang tanungin iyon ni Triton sa bata ay agad itong nawalan ng malay na sakto namang pagdating ng ambulansiya.
Agad naman nilang nilagay sa stretcher si Dwight at ipinasok sa sasakyan para dalhin sa pinaka-malapit na Hospital. Sumunod naman sina Apollo at Triton sa ambulansya kung saan naka-sakay Si Dwight dito. Habang naka-sakay sa motor ang mga ito ay ti-next naman ni Apollo si Astraea na papunta na sila ngayon sa pinaka-malapit na Hospital para gamutin si Dwight.
Nang makarating sila sa Hospital ay agad naman nilang sinundan ang stretcher kung saan naka-higa si Dwight para dalhin sa emergency room. Nang malapit na sila sa ER ay pinigilan sila ng isang nurse. "Hanggang dito na lang po kayo, sir." saad nito at saka sinarado ang pintuan.
Napa-upo naman sila ni Triton sa upuan sa labas ng ER. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya mapapatawad kung may masamang mangyari sa kapatid ni Astraea.
Habang hinihintay nilang lumabas ang doctor ay napalingon naman sila sa dalawang babaeng tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila ni Triton.
"Astraea," tawag ni Apollo sa kasintahan at saka ito tumayo at lumapit sa kanya.
"Anong nangyari sa kapatid ko? Okay lang ba siya?" nag-a-alalang tanong ng kasintahan nito sa kanya.
Tumango lang naman ito at saka niyakap ang kasintahan. "Everything will be, okay." saad nito at hinalikan sa ulo si Astraea.
Umupo naman silang apat sa upuan sa labas ng ER at saka hinintay na lumabas ang Doctor. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas na ang pintuan ng ER kaya naman agad silang napatayo at nilapitan ang isang lalaking lumabas sa ER na may suot-suot na damit pang-operasyon.
"Kumusta po iyong anak ko, Doc?"
"Okay lang po ba iyong kapatid ko?" agad na tanong ng mag-ina nang lumabas ang Doctor.
Tumayo naman ng matuwid ang Doctor at saka nito tinanggal ang suot nitong mask at isa-isa niyang tinignan ang apat na taong nasa harap niya. "Sad to say, pero hindi namin nailigtas ang pasyente." nang marinig nila iyon ay parang nabingi sila. Halos mapa-upo sa sobrang gulat ang nanay ni Astraea perocbuti na lang at nasalo siya ng kanyang anak, samantalang si Apollo naman ay halos mangatog ang tuhod nito sa narinig kaya napa-upo ito sa upuan malapit sa kanya.
"Hindi kinaya ng baga niya ang sobrang daming tubig na naipon dito kaya naman bumigay agad ang katawan ng pasyente. Sorry." pagkasabi iyon ng Doctor ay umalis na ito sa harapan nila.
Napatingin naman si Apollo sa mag-inang magka-yakap at umiiyak ngayon.
"Dwight! Ang anak ko!" iyak ng nanay ni Astraea habang yakap niya ito.
"Ma, tahan na." awat sa kanya ng anak niya habang umiiyak ito nang tahimik.
Napatigil naman sa pag-iyak si Astraea nang lumapit sa kanila si Apollo.
"Astraea-" malutong na sampal ang ibinigay ni Astraea sa kasintahan. ". . .sorry."
"Sorry?!" Hindi maka-paniwalang sigaw ni Astraea sa kasintahan. "Ano pang magagawa ng sorry mo kung patay na iyong kapatid ko?!" galit na sigaw ni Astraea sa binata
Tumayo naman ang nanay nito at inawat siya. "Anak, kumalma ka. Walang kasalanan si Apollo." pero parang walang narinig si Astraea at pinagsusuntok nito sa dibdib si Apollo.
"Mamamatay tao ka! Pinagkatiwalaan kitang bantayan ang kapatid ko pero, ano? Pinabayaan mo siya! Pinatay mo si Dwight!" umiiyak na saad nito habang sinusuntok sa dibdib si Apollo.
"Sorry." iyon na lamang ang nasabi ni Apollo.
"I don't want to see your face anymore. You, murderer." nang sabihin sa kanya iyon ni Astraea ay isang sampal pa muli ang natanggap nito bago umalis sa harapan niya ang dalaga.
Napa-luhod na lamang siya sa sahig nang maka-alis na ang kasintahan nito. Buti na lang at meron ang kaibigan niyang si Triton na umalalay sa kanya sa pag-tayo kung hindi, baka doon na lamang siya buong magdamag.
Habang naka-sakay silang dalawa ni Apollo sa motor ni Triton ay walang tigil sa kakasalita si Apollo.
"Mamamatay tao ako, Triton." paulit-ulit na sinabi nito kaya naman sa inis ni Triton ay hininto nito ang motor at saka bumaba rito at hinarap ang kaibigan nitong parang zombie na ang itsura niya.
"Mamamatay tao ako, Triton." ulit muli nito kaya sa sobrang inis niya ay sinapak siya ni Triton.
"Damn, Apollo!" sigaw ni Triton sa kanya. "It's not your fault! Hindi mo kasalanan na namatay si Dwight!" nang-gagalaiti sa galit si Triton ngayon. Galit siya kay Astraea dahil pinagbintangan nitong mamamatay tao ang kaibigan niya at, isa pa kaya nagagalit siya ngayon ay dahil sa kaibigan nito na walang ibang ginawa kundi sisihin ang sarili niya sa pagkamatay ni Dwight.
"Ngayong alam niyo na ang totoo, anong masasabi niyo?" tanong ni Triton sa apat na sperm na sina Achilles, Khaos, Hector at Zeus. Halos pasukin na ng mga langaw ang mga bunganga nilang naka-bukas habang nakatingin at nakikinig kay Apollo.
Napailing na lamang si Achilles nang matapos na mag-kwento si Apollo."Grabe naman pala ang kwento niyo ni Astraea." Hindi maka-paniwalang saad nito.
"Ibig sabihin puro kasinungalingan lang ang pinaniwalaan namin two months ago?" Hindi maka-paniwalang tanong ni Khaos kay Apollo at Triton.
Tumango lang naman ang dalawa bilang sagot.
"Ibig sabihin, hindi pinatay ni Apollo si Dwight kundi niligtas niya ito, tama ba?" saad ni Hector at tumingin sa kanila at tumango naman sila bilang sagot.
"E, kung ganon. Bakit sinisisi ka pa rin ni Astraea kung alam naman niya ang tunay na nangyari?" naguguluhang tanong ni Zeus.
"Oo nga," dagdag ni Khaos. "Bakit galit na galit pa rin siya sa'yo?" lingon sa kanya ng kaibigan niyang si Khaos.
"Dahil siguro hindi niya pa ako kayang patawarin sa kasalanan ko at, iyon ay ang mapabayaan ang kapatid niya."