"Bakit Astraea? Nagkabalikan na ba kayo? Dahil ba naaalala na niya lahat? Kayo na ulit? Kaya ba hindi mo na ako binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa'yo sa nangyari sa kapatid mo kasi, kayo na ulit? Wala na ba akong papel diyan sa buhay mo? Sa puso mo?"
Napatigil si Astraea sa kanyang paglalakad dahil sa mga sinabi ni Apollo. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito sa kanya.
"A-Apollo. . ." nauutal na wika niya sa binata.
"Sige na, umuwi ka na. Alam kong may bisita ka pa." pagkasabi iyon ni Apollo ay tumalikod na ito sa kanya at nagsimula nang maglakad palayo.
Napayuko na lamang siya nang makita niyang papalayo na ang binata. Ilang segundo rin siya sa lagay na iyon nang makakita siya ng liwanag sa hindi kalayuan at palapit ito nang palapit sa kanya.
Hindi kalaunan ay napagtanto niya kung saan galing ang liwanag na iyon. Isang mabilis na sasakyan pala ang may ari ng liwag na iyon at papunta ito sa kanyang direksyon.
Hindi niya alam ang kanyang gagawin kaya naman napasigaw na lamang siya ng malakas. Ilang metro na lang ang layo ng sasakyan sa kanya nang marinig niyang may sumigaw sa pangalan niya kaya napalingon siya sa lalaking tumatakbo papunta sa direksiyon niya.
"Astraea!" buong lakas na sigaw ni Apollo sa pangalan niya at mabilis siya nitong tinulak papunta sa kabilang lane ng kalsada.
Kasabay nang pagtulak sa kanya ni Apollo ay siya rin namang pagkabangga nito.
"Apollo!" sigaw niya at napatakip na lamang siya sa kanyang bibig nang makita niyang naliligo na ito sa sarili nitong dugo.
Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan kasabay ng kanyang pag-iyak.
Dahan-dahan naman siyang tumayo at nilapitan ang binata.
"Apollo, wake up!" Umiiyak ito habang hawak niya ang mukha ng binata na nababalutan ng maraming dugo.
"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya sa gitna ng ulan.
Ang kaninang sasakyan na nakabangga sa binata ay agad na umalis kaya't silang dalawa lamang tao ngayon sa kalsada.
"Apollo!" yugyog niya sa balikat ng binata.
"Tulong! Tulungan niyo kami." ang kaninang malakas na sigaw niya ay paunti-unting humina dahil sa kanyang pag-iyak.
Nasa gano'ng posisyon si Astraea nang may isang sasakyan ang tumigil sa tapat nila.
"Anong nangyari sa kanya?!" gulat na tanong ni Hades sa dalaga kaya napatingin siya rito.
"Hades, d-dalhin natin sa hospital s-si Apollo." nanginginig ang boses niya nang sagutin niya si Hades.
Hindi na alam ni Astraea kung paano sila nakarating sa hospital. Ang alam lang niya ay tinulungan siya ni Hades na dalhin sa hospital ang walang malay na si Apollo.
Nasa labas sila ng emergency room na dalawa nang nagsidatingan naman ang mga kaibigan ni Apollo.
"Astraea!" tawag sa kanya ni Triton nang makita siya nito.
"Where's Zapata?" agad na tanong naman sa kanya ni Zeus.
"Nasa loob ng ER. Mag-iisang oras na rin nang pinasok siya roon." pinipigilan niya na huwag umiyak pero taksil ang mga luha niya.
"Ano ba kasing nangyari? Paanong nabangga siya?" mahinahong tanong ni Khaos sa kanya.
Sasagutin na sana niya ito nang bumukas ang pintuan ng emergency room kaya napatingin sila lahat dito.
"Nasaan iyong parent o guardian ng pasyente?" tanong ng babaeng kalalabas lang dito.
Magsasalita na sana siya nang unahan siya ni Hades na nakatayo malapit sa pinto ng emergency room.
"I'm his cousin." pagkasabi nito ay naglakad siya palapit sa babaeng naka-uniporme ng pang-Doctor.
Narinig naman niyang napasinghap ang limang magkakaibigan na nasa likod niya.
Alam niyang nagulat ang mga ito na makita si Hades sa lugar na iyon.
"Mister, kritikal ang lagay ng pasyente. Maraming dugo ang nawala sa kanya at ilang buto niya rin ang nabali mula sa pagkakabangga niya. For now, sa ICU na muna siya para mabantayan siya ng mabuti. Don't worry, ligtas na siya." paliwanag ng Doctor sa kanila.
"Salamat po, Doc!" abot tenga na ang mga ngiti ng magkakaibigan.
Tumango lang naman ang Doctor sa kanila, "Please, excuse me."
Matapos ilipat si Apollo sa ICU ay umuwi na rin ang mga kaibigan nito kaya silang dalawa na lang ni Hades ang naiwan sa hospital.
Habang naka-upo silang dalawa sa bench sa labas ng ICU ay tinanong siya ni Hades kaya napatingin siya rito.
"Okay ka lang ba, Astraea? Wala bang masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong nito.
Umiling lamang ang dalaga sa kanya at saka niya inihilig ang ulo niya sa balikat ng binata.
"Pakiramdam ko bumalik muli ako sa araw kung kailan nadisgrasiya tayo. Iyong araw na muntikan ka ng mawala sa akin." mahinang bulong niya sa binata.
Narinig naman niyang bumuntong hininga ang binata.
"Hindi nga ako nawala pero ikaw ang nawala sa akin. Nawala lang iyong memorya ko, nawala ka na rin." ramdam ni Astraea ang sakit sa boses ni Hades kaya naman iniangat niya ang ulo niya at saka siya lumayo sa binata.
"Sorry, Hades. "
"I still love you, Astraea."
Dahan-dahan namang humarap si Astraea sa kanya.
"You heard it right. Mahal pa rin kita hanggang ngayon Astraea."
"Tell me Astraea, you still love me too, right?" tanong sa kanya ni Hades at saka hinawakan siya nito sa kanyang dalawang kamay.
Nakatingin sa mga mata niya si Hades habang naghihintay ito ng sagot. Nakikita ni Astraea sa mga mata ng binata ang takot sa anumang isasagot niya.
Huminga na muna ng malalim si Astraea at saka niya nginitian ang binata.
"Sorry. . ." dahan-dahan na tinanggal ni Astraea ang kamay nito na nakahawak sa kanya. "but our feelings are no longer mutual as before, Hades."
Napayuko naman ang binata nang marinig niya ang sagot ni Astraea.
"Kung hindi ba nangyari iyong aksidenteng iyon last year, tayo pa rin kaya? Ikaw at ako pa rin kaya hanggang sa huli?"
Napayuko si Astraea sa tanong sa kanya ng binata. Hindi niya alam kung anong isasagot niya rito.
Sila pa rin kaya ni Hades hanggang ngayon kung hindi nangyari iyong aksidenteng iyon sa kanila two years ago?
"Ginawa ko naman lahat noong mga panahon na iyon para maalala mo ako. Para ipaalala sa'yo kung sino ako sa buhay mo pero kahit anong pilit kong ipaalala sa'yo na ako iyong taong mahal mo, laging laman pa rin ng puso't isip mo ay ang babaeng matagal nang wala." sagot niya sa binata.
"Kung talagang pinaalala mo lahat sa akin, bakit iniwan mo ako? Bakit hindi mo hinintay na maalala kita? Bakit mas pinili mo pa rin iyong pinsan ko?" sumbat sa kanya ng binata.
"Hades, hindi mo alam kung anong pakiramdam nang naghihintay. Ilang buwan rin kitang hinintay na maalala mo ako pero, wala. Kahit anong pilit ko na ipaalala sa'yo na ako iyong girlfriend mo, hindi mo ako maalala kasi iyong Leila na iyon ang laging laman ng puso't isip mo. Tapos nagulat na lang ako nang malaman kong nasa Canada ka na at doon ka ipagagamot ng mga magulang mo. Ni isang salita na aalis ka mula sa'yo o sa mga magulang mo wala akong natanggap. Kaya huwag mong sasabihin sa akin ngayon na iniwan kita Hades at kinalimutan dahil una pa lang ikaw itong makalimot sa akin at iniwan ako. Sa tingin mo ba talaga kinalimutan kita, Hades? Hindi. Ikaw mismo ang nakalimot sa akin. Kaya huwag mong isumbat ngayon sa akin na kinalimutan at iniwan kita. Dahil una pa lang, ikaw 'tong nagbigay ng rason sa akin kung bakit iniwan kita at mas pinili ko ang pinsan mo kaysa sa'yo."
Pakiramdam ni Astraea ay may mga malalaking bato sa kanyang dibdib kung saan mabigat ang kanyang pakiramdam habang kausap niya si Hades.
Hindi naman siya nakarinig ng sagot mula sa binata kaya napatingin siya sa gawi nito. Nakita niyang nakayuko lang ito at hindi umiimik.
Hindi na hinintay pa ni Astraea ang sagot ni Hades kaya tumayo na siya sa kanyang upuan at naglakad papunta sa kwarto ni Apollo nang hawakan ni Hades ang kamay niya dahilan para mapatigil siya sa kanyang paglalakad.
"Hades, ano ba! Bitawan mo ako—"
Namilog ang mga mata ni Astraea sa sunod na ginawa sa kanya ng binata.
Niyakap siya ni Hades.
"H-Hades. . ."
"I miss you so bad, babe."
Parang may kumurot sa puso ni Astraea nang marinig niya ang sinabi ni Hades. Babe. Iyon ang tawagan nila sa isa't isa noong sila pa.
"Hades, mali 'tong ginagawa mo. May boyfriend na ako." saad ni Astraea at saka pilit na tinutulak palayo si Hades.
"Boyfriend mo pa rin naman ako 'di ba? Nakalimutan lang kita noon pero tandang-tanda ko pa rin na hindi ako nakipaghiwalay sa'yo kahit hindi kita maalala." humigpit ang yakap nito sa kanya.
Buong lakas naman na tinulak ni Astraea si Hades dahilan para lumayo siya sa kanya.
"Umuwi ka na, Hades." iyon lamang ang tanging nasabi ni Astraea bago niya tinalikuran ang binata.
Habang naglalakad siya papalayo rito ay narinig niyang nagsalita muli si Hades.
"Paano kung mangyari rin kay Apollo ang nangyari sa akin two years ako? Iyong hindi ka rin niya maalala gaya sa akin noon?"
Sa sinabing iyon ni Hades ay napatigil siya sa kanyang paglalakad.
"What will you do Astraea if he can't remember anything, even you? Will you come back to me?