webnovel

Anxious Heart

Agatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't anim na taon ang agwat ng edad ng kanyang mama sa kanyang daddy ay hindi iyon hadlang para hindi sila magkaroon ng masayang buhay. Alam ni Ali na pamilyado at kilala ang Daddy niya sa kanilang lugar, paano na kung dumating ang araw na kinakatakot nilang mag-ina? Saan sila kukuha ng tapang para bumangon at ipagpatuloy ang buhay? Paano kung may panibagong gulo ang dumagdag? Kakayanin niya pa kaya? Paano na ang pangarap niyang masaya at tahimik na pamilya? Alonzo Series #1 : Agatha Liondra - Anxious Heart -UNEDITED VERSION-

ArbsByTheOcean · 现实
分數不夠
29 Chs

Kabanata 12

Lumipas ang isang semester at wala akong ibang inatupag kundi pag-aaral. Kapag walang pasok at nakikipag video chat lang ako kay Aryesa at Greg, minsan magkasundo na sila, minsan parang aso at pusa.

Nakakatuwa lang na yung dating nambubully sa akin ay ngayon matalik ko ng kaibigan. Lagi niya akong tinutulungang iwasan ang mga Alonzo. Nakakainis na din kasi, ang kukulit nila! Lalo na si Kiesha at Xavier kaya ang ginawa ko lang sa buong semester ay pagtaguan sila. Tagumpay naman ang plano ko dahil nahalata nila ang pag-iwas ko at kung minsan at sila na mismo ang dumidistansya.

"Hoy! Si Ali ang kapartner ko sa thesis Josiah ha! Maldita kang bakla ka, kakaratehin ka ng best friend nito pag inagaw mo ko!" sabay haklit ng braso ko at inipit doon ang mga malalaking braso nito. Parang bata Greg! Tsk.

"Oo na fafa Greg! Kay fafa Julius na lang ako!" malanding untag nito, ang tinutukoy nito ay ang isa pa naming kaibigan na kasing tikas ni Greg.

"Basta ba ikaw na ang bahala sa thesis natin eh? G ako!" sambit ni Julius pero halata naman sa boses nito ang pagbibiro dahil ang pagkakaibigan nila dito ay tulungan at hindi gamitan.

"Eh pano iyan fafa Greg, edi ba credited na ang isang major subject ni mamsh Ali. Edi wala ka partner doon?" oo nga pala! Nakuha ko na ang isang major sa tagaytay na ngayon pa lang nila kukunin!

"Okay lang, basta Ali..ilalakad mo ko kay Aryesa!" at nagtawanan sila sa sinabi ni Greg! Maging ako ay napatawa na din!

"Greggy boy, kelan ka pa nawalan ng paa at kay mamsh Ali ka pa nagpapatulong manligaw?!" pang-aasar ni Josiah kay Greg. Napakamot na lang ito ng ulo.

Mabuti na lamang at puro last class ang subject na credit ko na kung kaya't maaga ng dalawang oras ang uwian ko kung ikukumpara sa kanila.

"Oh sige na, uuwi nako ha. Goodluck guys! Mahirap pa naman ang subject na yan. Galingan niyo para lahat tayo fourth year na next sem!" medyo kinabahan sila sa pagkakasabi kong mahirap iyon.

"Ali, hatid na kita? Baka abangan ka ng mga Alonzo dyan?" alok ni Greg.

"Hindi na, napaka-OA mo talaga kahit kailan! Walking distance lang naman yung condominium unit namin dito no! Ikaw lang lagi nag iinsist na magkotse pa, Arte! Sige na, bye!!" at umalis na nga ako. Medyo maaga pa naman kaya imposibleng may mga Alonzo na nagkalat sa school.

At tama nga ako! Nakalabas ako ng Westridge na walang Alonzo akong nakita. Naglakad na ako papuntang condominium. Nang makarating ako doon ay bumili muna ako ng meryenda namin ni mama sa convenience store sa baba bago umakyat.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay dumiretso na ako sa kaliwang bahagi ng hallway kung saan papunta sa unit namin, ngunit bago pa ako makadiretso sa tapat ng aming unit ay napabalik ako sa pinang galingan ko.

May kausap si Mama. Hindi, may kasigawan si Mama! Isang lalaking may katangkaran siguro ay nasa 5'11 or 6' ang tangkad. Nakathree-piece suit at siguro ay matanda ng dalawa o tatlong taon kay Mama.

Sumilip ako sa pader na pinagtataguan ko at nakinig sa pinaguusapan nila.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa, makakaalis kana." mariing sambit ni Mama

"Gusto ko siyang makita, Alicia. Gusto kong makasigurado na totoo ang sinasabi ng mga pamangkin at anak ko. Alicia g--" bago pa madagdagan ang sasabihin ng lalaki ay nagsalita na muli si Mama.

"Makakaalis kana." sino kaya ang lalaking ito? Kapatid kaya siya ni Mama? Kamag-anak? "Charlisle, umalis kana!" sa pagsambit ni Mama ng pangalan nito ay nakaramdam na ako ng galit! Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at dumiretso na sa hallway papunta sa pinto ng unit namin kung saan nakatayo si Mama.

"Mawalang galang na po, pero pinapaalis na po kayo ng Mama ko." malamig na sambit ko dito. Nagulat si Mama sa presensya ko. Maging ang lalaki sa aming harapan ay napaawang ang labi ng makita ako.

Napatingin ako sa mukha ng medyo may kaidarang lalaki sa harapan ko. Ang kanyang itim na itim na mata na kagaya sa akin, ang hugis ng mukha pati ng labi, ang kulay ng balat.

"Mama, Tara na po sa loob?" nauna na akong pumasok sa loob ng aming unit para ayusin ang meryendang binili ko. Ilang saglit pa ay nandito na din sa kusina si mama para pagsaluhan namin ang binili ko.

Walang sinoman ang nagsasalita sa amin ni mama. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa makatapos na.

"Iwanan mo na lang yan dyan anak, ako na ang bahalang magligpit." hindi na ako tumutol dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako para sa araw na ito.

"Anak." tawag sa akin ni Mama ng tumayo ako para pumunta na ng kwarto. Lumingon naman ako kay mama. "Bakit ka nga pala maagang umuwi?" tanong nito.

"Wala pong klase eh." ayaw ko mang magsinungaling kay mama, pero nawalan ako ng gana makipag-usap eh.

"Ah ganun ba..." tumango lang ako bilang tugon. Akmang maglalakad na muli ako papasok ng kwarto ko ay tinawag na muli ako ni Mama.

"Anak.." tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi na ako lumingon pa dito. "Tungkol doon sa lalaki kanina sa labas..." may pag-aalinlangan pa sa boses ni Mama, wari'y nagdadalawang isip pa kung sasabihin ba sa akin o hindi.

"Mama, pagod po ako eh. Papahinga na po ako sa loob." sagot ko na lang dito saka pumasok na ng tuluyan sa aking kwarto at nilock ko ang sedura ng pinto.

Hindi pa man ako nakakalayo sa pintuan ay napasalampak na ako ng upo at napasandal sa likod ng pinto. Wala na akong pakialam sa gamit kong nasa gilid ko. Wala akong pakialam sa kanya! Hindi ko siya kailangan. Hindi namin siya kailangan.

Si Daddy Philip lang. Si Daddy Philip ang nandyan nung kailangan ni mama ng sandigan, si Daddy Philip ang nandyan para gabayan at mahalin ako, kami ni Mama. Kahit wala na ang Daddy, siya lang.

Inabot ko ang picture frame na nakalagay sa ibabaw ng cabinet na nasa gilid ko kung nasan nakalagay ang litrato namin ni Daddy nung huling birthday niya. Niyakap ko iyon ng mahigpit, at di alintana ang mga luha na lumalabas sa mga mata ko.

"Ikaw lang ang Daddy ko, Dad. Ikaw lang..."