Parang sasabog ang dibdib ni Charisse sa kaba. Kanina pa siya kinakabahan at ngayon alam na niya kung bakit. Hindi niya inaasahan na makita ang anak ng boss ng kuya niya. At balita niya, kabaliktaran ang ugali nito sa kanang ama. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa bag na dala at gusto na niyang tumakbo palabas. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nandun.
"Wala ka bang sasabihin?" Untag sa kanya ni BJ. Ngunit hindi niya ito pinansin, bagkus ay hinarap si Ruby.
"Anong ibig sabihin nito? Bakit dito?" Halos pabulong niyang sumbat dito..."akala ko ba..."
"Sandali lang magpapaliwanag ako ok? Relax lang ano ka ba?" Pigil sa kanya ni Ruby.
"Pasensiya na po sir ha? Excuse me, ay excuse us pala." Binalingan nya si Charisse. "Cha halika dito."
Hilahila niya si Charisse papuntang kusina. Sumunod naman si Charisse bagamat nagtataka. Bago makarating ng kusina ay may kwarto sa gawing kanan nito. Pumasok sila.
"Sorry talaga Charisse."
"Sabihin mo na kasi sa akin ng diretso para matapos na tayo."
"Sorry talaga di namin sinabi sayo na mag-a-achay ka."
"Ano!?" Parang sumabog ang utak niya sa narinig. "Pakiulit nga?"
"Cha mag-aachay ka at si sir BJ ang boss mo."
"Hala! Joke ba 'to? At boss ko talaga. Hindi boss natin." Paglilinaw niya sa sinabi ni Ruby. Tumango lang ito.
"Hindi. Ayoko." Pagmamatigas niya. Hindi niya ma-imagine ang sarili na makakasama sa isang bahay si BJ at boss niya ito. Binibiro ba siya ng tadhana?
"Cha, andito ka na eh. Kaya tanggapin mo na." Pamimilit ni Ruby.
"Hindi nga, ayoko. Uuwi ako." Halos mangiyak-ngiyak siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Ruby sa balikat niya.
"Uuwi ka? Bakit may pamasahe ka ba?"
"Bakit naman kasi saktong pamasahe lang ang binigay sa akin." Pagmamaktol niya.
"Isa lang ibig sabihin nyan, ayaw ka nilang umuwi. Di ba nga kailangan mo ng trabaho. At saka isipin mo kung bakit ka inirekomenda ng kuya mo."
Napabuntong-hininga siya. Kaya ba siya ang ipinadala? Pero bakit hindi sinabi ng kuya niya ang totoo?
"Cha ano?" Pukaw ni Ruby. "Dito ka na ha? Magaan lang naman ang trabaho dito. Tsaka libre ka na lahat. At isa pa, hindi naman alagain yang si sir." Pagpupumilit ni Ruby nang makitang hindi pa rin siya convinced.
"Bakit dito pa? Siya lang ba mag-isa?" Umiiyak na talaga siya.
"Oo, ano natatakot ka? Naku day, kung meron mang lalaking manhid siya na yun. Di nga natin alam na baka bakla yan kaya ganyan."
"Ruby naman...paano kung lalaki nga yan?" Nag-aalala pa rin niyang tanong.
"Sus, di papatol sa'yo yan!."
"Grabe ka naman. Sakit mong magsalita ha." Umupo siya sa tabi ng kama. Parang napagod nga siya sa biyahe at sa pag-alala. "Paano kung, kung....ako ang mainlove sa kanya?" Bigla niyang naisip.
Humagalpak ng tawa si Ruby. Nagulat naman siya sa reaksiyon nito.
"Grabe ka girl! Naku, kung ako sa'yo di ako maiinlove dyan." Kibit balikat na sabi nito sabay irap.
"Bakit naman? Totoo bang masama ugali nyan?" Usisa niya.
"Secret."
"Sabihin mo na."
"Ayoko nga, magbaback-out ka pa!"
"Bakit? Tinanggap ko na ba?"
"Ay hindi ba? Di ba nga ang sabi mo, what if ikaw ang ma inlove sa kanya?" Ginaya pa nito si Charisse sa pagkakasabi niya kanina.
"Bakit kasi hindi na lang ikaw ang dumito at uuwi na lang ako. Bigyan mo akong pamasahe."
"Aba hindi pwede yun. Magagalit ang kuya mo, alam mo na. Ayaw nun na malayo ako sa paningin niya." Kinikilig namang sabi nito. Halos dalawang taon na ring magboyfriend ang mga ito at balak na rin yatang magpakasal.
"O sige na di ako pwedeng magtagal dito." May kinuha ito sa bag at ibinigay sa kanya.
"ATM ko yan."
"O tapos? Bakit binigay mo sa akin?"
"Kuya mo ang maghuhulog na pera dyan. Yung sweldo mo at yung budget nyo. O siya at nang makaalis na ako. At ito pa pala." May kinuha ito sa bag niya. Isang sulat.
"Galing kay sir at ma'am yan. Mag-iingat kayo dito. Huwag mong hayaang basta basta lumalabas ng bahay yan si sir.
"Ha!?" Mas lalo siyang naguluhan. "Puro kayo suspense ano bang nangyayari?" Ang dating pag-alala ay napalitan ng curiosity. "Ano ba talagang meron?"
"Basahin mo na lang yung sulat." Kinuha nito ang wig at isinuot. Mas lalong naguluhan si Charisse.
"Ano na namang trip mo?"
"Ay wala 'to. Bagong uso ganun. Alam mo na...blonde." Nakangiti ng sagot nito. Kunot naman ang noo niyang pinagmasdan ito. Yumakap si Ruby sa kanya bago umalis. "Good luck ha." Sabi nito nang bumitaw. Tuluyan na nga itong umalis. Nakatitig lamang siya sa pinto habang hawak hawak ang sulat at ATM na iniwan nito. Hindi niya mawari at naguguluhan siya sa mga nangyari. At mas lalong hindi siya makapaniwala sa sinapit niya sa araw na ito. Ang excitement na naramdaman nya nung umalis siya sa kanila ay napalitan ng kung anu-anong emosyon.