webnovel

Chapter Forty Five

Anong Sabi mo?! Bumalik na si Achellion." Gulat na wika ni Jezebeth nang bumalik si Ornais sa kanilang kuta. Ito ang fallen angel nang pagpapanggap at siya ang nagpapanggap na Eugene upang makalapit sa grupo ni na Julianne.

"Hindi lang si Achellion ang problema natin. Kung walang buhay ang dalagang iyon. Hindi rin natin siya mapapakinabangan." Wika ni Leonard.

"Kapag natunugan ni Achellion na hindi ikaw ang kapatid nang dalagang iyon tiyak tatapusin niya ang buhay mo. Kaya bago mangyari iyon unahan mo si Achellion." Wika namang ni Belial.

"Bakit hindi mo sirain ang samahan nang mga mortal na iyon? Dahil sa kanilang matibay na pagkakaisa nahihirapan tayong kunin ang dalagang si Aya. Kapag wala na silang tiwala sa isa't-isa magiging madaling na lahat para sa atin." Wika ni Cain.

"Tama, ang galit nang mga mortal sa isa't-isa ang magiging dahilan upang mawala ang tiwala nila sa isa't-isa at baka maging dahilan pa upang magkawatak-watak ang grupo nila. Kapag nangyari iyon.

Hindi na nila magagawang matulungan. Madadagdagan ang kapangyarihan ni Lucifer at mapapabilis ang kanyang pagbabalik." Wika ni Jezebeth. Ngumiti naman ang iba dahil sa pagsang-ayon sa sinabi ni Jezebeth.

Ano naman tong ginagawa mo Rick! Sabi ko naman saiyo kailangan ko ang files na ito." Inis na wika ni Ben sa kaibigan at padaskol na inilapag ang document sa ibabaw nang mesa. Lahat na bigla dahil sa ginawa ni Ben. Alam naman nilang hindi madaling magalit si Ben at bago ito mag react ay nag-iisip muna kaya naman ganoon na lamang ang gulat nila dahil sag alit nitong ekspresyon.

"Ano bang sinasabi mo?" anas ni Rick at kinuha ang document sa mesa saka tiningnan maging ito ay Nakita din nang Makita ang punit-punit na mga papel saloob nang folder. Ito yung mga document na inihahanda ni Ben para sa kanyang kasong hinahawakan. Ito rin ang sinasabi niyang document na mag-aalis sa kanila sa training team at para bigyan sila nang matinong trabaho sa airforce. Palihim na nagimbestiga si Ben at tinipon ang mga document na iyon kaya maiintindihan niya kung galit man ito. Ngunit ang hindi niya maunawaan kung bakit sa kanya galit ang kaibigan.

"Wala ka nan gang naitulong sa kasong ito ikaw pa ang may ganang sumira." Asik ni Ben sa kaibigan.

"Hindi naman ako isang bata na sisira nang hindi ko gamit." Wika ni Ni Rick.

"Ang sabihin mo, naiinggit kalang dahil hindi mo kayang ipunin ang mga dokumentong ito. Baka nakakalimutan mong nakasalalay dinsa dokumentong ito ang hinaharap mo." Wika ni Ben.

"Huh, Hindi kailangan nang mga document mo. Ngayon kung uunahin mo ang init nang ulo mo at hindi ka makikinig sa paliwanag ko. Magkalimutan na tayo. Hindi ko kailangan nang kaibigang makitid ang utak." Wika ni Rick at tumayo.

"Sige! Magkalimutan na tayo." Asni Ben.

"Teka, ano bang pinag-aawayan niyong dalawa? Bakit hindi natin to pagusapan nang mahinahon." Wika ni Julianne at pumagitna sa dalawang magkaibigan.

"Tanungin mo ang isang yan. Bigla na lang susugod at magalit. Parang sira ulo." Wika ni Rick at lumabas nang bahay.

"Ben." Wika ni Julianne at tumingin sa kaibigan. Muli nitong kinuha ang document at bumalik sa sili.

"Anong nangyari sa dalawang yun?" Tanong ni Eugene kay Julianne at lumapit sa kaibigan.

"Nagkainitan lang siguro. Mamaya magkakabati na rin yun." Wika Julianne. "Tara kumain na tayo." Wika nito at tinapik ang balikat ni Eugene saka nauna sa Mesa kung saan naroon sina Arielle, Meggan, Jenny, at Butler Lee.

"Oh nasaan si Achellion?" Tanong ni Julianne.

"Baka nasa silid ni Aya at nagbabantay." Wika ni Jenny.

"Talagang hindi niya iniiwan si Aya." Wika ni Eugene at lumapit sa mga kaibigan.

"Hindi ka pa rin ba nasanay? Si Achellion ang guardian ni Aya gaya nang sabi niya." Wika ni Meggan.

"Hindi tayo dapat lubusang magtiwala sa kanya. Alam naman natin kung ano talaga siya." Wika ni Eugene.

"Iba naman si Achellion." Wika ni Jenny.

"Hindi natin masasabi yan. Baka nagpapanggap lang siya." Wika ni Eugene.

"Masyado ka yatang nagdududa kay Achellion." Wika ni Julianne.

"Ayoko lang masaktan ang kapatid ko sa huli." Wika ni Eugene at naupo.

"Rick! Ben!" wika ni Meggan na nagmamadaling lumapit sa mga kaibigang nagsusuntukan sa harden. Narinig ni Julianne at Julius ang sigaw ni Meggan kaya agad din silang sumaklolo. Kaninang umaga lang nagkainitan din ang dalawa dahil sa mga nasirang dokumento ngayon naman inabutan nila itong nagsusuntukan.

Agad na hinawakan ni Julius si Rick, Si Julianne naman ang umawat kay Ben. Kapwa sargo ang dugo sa bibig nang dalawang binata.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" asik ni MEggan. "Para kayong mga bata kung mag-away bakit hindi natin ito pag-usapan nang maayos."

"Siya ang kausapin niyo." Wika ni Rick at tinabig si Julius papalayo. "Masyadong mainit ang ulo. Wala siyang ebidensya na ako ang sumira sa dokumento pero bakit ako ang pinag-iinitan niya. Tingnan niyo ang ginawa niya sa motor bike ko." Wika ni Rick at itinuro ang motor bike niyang butas ang dalawang gulong.

"Huwag mong isisi sa akin ang nangyari sa motor mo." Wika ni Ben at lumayo kay Julianne. "Hindi ako isip bata para gumanti sa isang isip batang gaya mo." Wika ni Ben.

"Ano ba kayo!" sigaw ni Meggan. "Simpleng bagay lang pinag-aawayan niyo. Kung tayo tayo din ang magkakasira mas magiging mahina tayo." Dagdag pa nito.

"It was never my intention na makipagkaibigan sa mga mahihina. Especially those whom I can't trust." Wika ni Ben.

"Huwag kang mag-alala. The feeling is mutual." Wika ni Rick.

"Magwawatak-watak ba tayo ngayon?" tanong ni Julius.

"Matagal nang watak ang Phoenix. I don't understand kung bakit ako nananatili ditto. Panahon na para umalis ako." Wika ni Ben.

"Ben!" habol ni Meggan sa kaibigan.

"Babalik na ako sa bahay ko." Wika ni Rick at tumalikod din.

"Rick!" habol ni Julius.

"BIgyan na muna natin sila nang panahong mag-isip. Kapag hindi na mainit ang ulo nang mga iyon tiyak na mag-uusap din sila." Wika ni Julianne.

"Ngayon lang ako naniniwala na talagang magkaibigan sila. Pareho silang matigas ang ulo." Wika Julius.

"Sinabi niyo pa." wika naman ni Meggan.

Hindi na nila napigilan ang pag-alis nang dalawang binata. Kahit na anong pakiusap ni Julianne na pag-usapan nila ang kahit sama nang loob na meron sila hindi nila nagawang kumbinsihin ang dalawa.

Hanggang sa head quarters nang airforce nag-aaway pa dalawa. Ang dating mag buddy ngayon ay tila matinding magkalaban. Dahil sa naging away ni Rick at Ben. Lihim na naging masaya ang piking Eugene. Sa ngayon ang plano naman niya ay pag-awayin si Jenny at Meggan.

Ilang araw nang nakikita ni Jenny na nagiging malapit si Eugene kay Meggan. Inihahatid pa nito ang dalaga sa presinto. Hindi lang siya ang nakakahalata sa kilos ni Eugene. Maging sina Julius at Julianne nahahalata na rin ang kakaibang pakikitungo ni Eugene kay Meggan. Para bang kung tratuhin nito ang dalaga ay tila nililigawan niya.

"Bakit parang nagiging malapit kayo ni Lt. Meggan ipapaalala ko lang sa iyo na may kasintahan ni Lt. At si Dr. Ledesma iyon. Pareho natin silang kaibigan ayokong dahil ditto magka---" wika ni Julius kay Meggan.

"Ano bang sinasabi mo. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Hindi nanliligaw si Akin si Lt." mariing wika ni Meggan.

"Hindi ko naman sinasabing nililigawan ka niya. Ang akin lang mag-iingat ka. Nasa iisang bahay tayo ay nakikita ni Dr. Jenny ang kilos ni Lt. Kawawa naman siya. Ikaw nalang ang dumistansya." Wika ni Julius.

Ngunit ang kinatatakutan nila ay nangyari nga. Naabutan ni Jenny si Eugene na nagtatapat nang pag-ibig kay Meggan. Hindi naman nakapagsalita ang dalaga dahil sa labis na gulat. Hindi lang si Jenny ang nakarinig sa sinabi ni Eugene maging sina Julianne at Julius ay nandoon din.

"Eugene ano bang sinasabi mo! May kasintahan ka. Si Jenny." Wika ni Julianne at nilapian ang binata.

"Lt. Bakit naman kayo ganyan, huwag niyong saktan si Dr. Jenny." Wika ni Julius.

"Masama ba kung umibig ako sa iba. Meggan. Di ba ganoon din ang nararamdaman mo sa kin." Wika nito at bumaling sa dalaga.

"Lt. Nagpapasalamat ako sa pagtingin ninyo kaya lang. Para kapatid lang ang tingin ko sa inyo." Wika ni Meggan. Hindi niya binalak na maging isang third wheel sa relasyon nang iba. Isa pa may iba siyang nagugustuhan kaya lang may gusto ito iba.

"I will make you fall in love with me." Wika ni Eugene at akmang lalapit kay Meggan ngunit biglang humarang si Julianne sa kanya.

"Ano bang kalukuhan ang sinasabi mo Eugene. Nasa harap mo lang si Jenny pero harap-harap ka kung manloko." Wika ni Julianne.

"Hayaan mo siya." Wika ni Eugene.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Galit na wika ni Julianne at hinawakan ang kuwilyo nang damit ni Eugene.

"Kung naiinis ka dahil sa pagliligaw ko kay Meggan, bakit hindi mo nalang pakasalan ang babaeng yan. Natatakot ka bang mag-isa siya." Asik ni Eugene.

"Lieutenant!" wika ni Julius dahil sa labis na gulat. SI Jenny naman na kikinig sa mga sinasabi ni Eugene ay napapakuyom nang kamao. Hindi niya alam kung anong nangyayari kay Eugene pero hindi niya gusto ang inaasal nang kasintahan. Hindi niya alam kung may nagawa siya para tratuhin siya nang ganito.

Napansin naman ni Julianne ang pagkuyom nang kamao ni Jenny. Kahit siya ay maiinis din dahil sa inaasal ni Eugene. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaibigan pero nakakatunog siya nang hindi maganda.

"Hihintayin ko pa rin ang sagot mo Meggan, You can take as much time you need." Wika ni Eugene at bumaling kay Meggan Napakagan at labi nalang ang dalaga. Hindi niya gusto ang iniaasal nang binate gayong nasa harap sila nang kasintahan nito.

Padaskol na nang lakad si Jenny papalapit sa binatang tinyente. Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa paligid. Lahat napatingin sa dalagang si Jenny dahil iginawad nitong sampal sa kasintahan. Si Meggan na nabigla ay natuptop ang bibig dahil sa labis na pagkabigla.

"Anong ginagawa mo!" asik ni Eugene kay Jenny.

"Baka sakaling magising ka!" padaskol na wika ni Jenny sa binata.

"That's it! Maghiwalay na tayo."

"Eugene." Awat ni Julianne sa kaibigan.

"Fine." Wika ni Jenny at tumalikod. Saka nagmamadaling umalis.

"Dr. Jenny." Wika ni Meggan at sinundan ang dalaga. Naiwan naman sa harden ang tatlong binata. Alam ni Meggan na nasaktan si Jenny dahil sa mga sinabi ni Eugene at sa inasal nang kasintahan niya at ang I confort ito ang tangin niyang magagawa.

Hindi alam nang lahat na nasa balkonahe si Achellion at pinapanood sila. Alam niyang hindi naman ito ang tunay na Eugene. Alam niya kung gaano kamahal ni Eugene si Jenny at hindi nito sisirain ang tiwala nang kasintahan. Alam din ni Achellion na ang pekeng Eugene ang dahilan kung bakit nagaway sina Rick at Ben at natatakot siyang kapag wala pa siyang ginawa tiyak na magkakawatak-watak ang grupo. At iyon ang huling iniisip niya. Hindi magiging maganda kung hihina ang pwersa nila.

"Iwan mo muna ako Meggan." Narinig ni Achellion na sabi ni Jenny sa dalagang sumusunod sa kanya.

Hindi naman siya naiinis kay Meggan dahil alam naman niyang wala itong kasalanan si Eugene ang dahilan kung bakit masama ang loob niya ngayon.

"Hayaan mo naman akong magpaliwanag." Wika ni Meggan.

"Huwag kang mag-alala hindi ako galit saiyo. Hayaan mo nalang muna akong mapag-isa." Wika ni Jenny at dumiretso sa terasa. Susunod sana si Meggan ngunit pinigilan siya ni Achellion.

"Ako nang kakausap sa kanya." Wika ni Achellion. Tumango lang si Meggan. Maniniwala nalang siya kay Achellion baka sakaling magawa pa nitong mapahupa ang sama nang loob ni Jenny.

"Jenny." Wika ni Achellion at lumapit sa dalagang nasa terasa. Pasimple nitong pinunasan ang luha sa mukha.

"Iwan mo na muna ako." Wika ni Jenny.

"Naniniwala ka ba talaga na magagawa ni Eugene na ipagpalit ka sa iba?"Tanong ni Achellion. "Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Eugene, Pero gusto kung maniwala ka sa kanya. Hindi man natin alam kung anong nangyayari sa kanya. Maniwala kang si Eugene ikaw lang ang mahal noon." Wika ni Achellion. Taka namang napatingin si Jenny sa binata.

"Pinapangako kong ibabalik ko ang tunay na Eugene. Maniwala ka lang." wika pa nang binata.

"So sinasabi mong hindi si Eugene ang Eugene na kasama natin?" tanong ni Jenny.

"Hindi ko pa masasabi ngayon. Basta magtiwala ka lang. At Sa ngayon. Huwag kayong magpapadala sa kahit anong sabihin ni Eugene." Wika ni Achellion. Ito lang ang pwede niyang gawin upang matulungan ang mga kaibigan at mailigtas ang mga ito mula sa masamang balak nang grupo nina Lucifer.

Tinangka ni Eugene na pumasok sa loob nang silid ni Aya ngunit gaya nang dati hindi niya ito mabuksan tila ba may harang ang silid na siyang nagiging dahilan upang hinidi siya makapasok sa silid ni Aya. Napakuyom ang kamao si Eugene.

"Achellion." Gigil na wika ni Eugene. Alam naman niyang siya si Achellion ang dahilan kung bakit may harang sa silid ni Aya. Dahil ditto hindi niya magawang kunin ang dalaga.

"Oh, Lt. bakit narito ka sa labas?" Tanong ni Julius nang maabutan sa labas nang silid ni Aya si Eugene. SIya ang nakatukang magbantay sa dalaga ngayon. Umalis sina Achellion at Julianne. Sinamahan ni Julianne si Achellion sa lugar kung saan kumakalat ang epidemya.

"Bukas naman ang pinto nang silid ni Aya. Bakit hindi ka nalang pumasok." Wika ni Julius at binuksan ang pinto saka pumasok. Sumunod naman si Eugene sa binata. Pinukpok ni Eugene nang vase ang ulo ni Julius dahilan upang mawalan ito nang malay. Nang mawalan nang malay si Julius agad siyang lumapit sa dalaga at pinangko ito.

"Tiyak nakakahalata na si Achellion sa tunay kong katauhan. Kailangan na kitang kunin bago pa niya ako maunahan." Wika ni Eugene.

Buhat buhat niya ang walang malay na si Aya habang pababa nang hagdan doon niya nakasalubong si Butlet Lee.

"Master, saan niyo dadalhin si Aya?" Tanong ni Butler Lee.

"Huwag kang makiaalam." Wika nito at itinutok ang kamay sa lalaki. Sa isang iglap lang bigla itong tumilapon pababa nang hagdan. Ngumisi lang si Eugene nang makitang nasa baba nang hagdan si Butler Lee at nakahandusay. Pababa na sana muli nang hagdan si Eugene nang pumasok sa loob nang bahay sina Meggan, Arielle at Jenny na mula sa panggo grocery. Nakita nila si Butler Lee na tumama sa mesa at si Eugene naman at karga-karga si Aya.

"Eugene. Anong nangyari ditto?" Tanong ni Jenny at inilapag ang mga pinamili sa may pinto.

"Sino ka? Hindi ikaw si Lt." wika ni Arielle. BIglang huminto sa paglapit si Jenny at tumingin kay Arielle. Ngumisi lang ang nilalang na nagpapanggap na si Eugene. Saka biglang nagbago ang anyo.

"Ornais." Wika ni Arielle nang makilala ang fallen Angel. "Sinasabi ko na ngaba. Kayo lang ang makakagawa nang ganitong panlilinlang." Wika ni Arielle.

"Hindi ko akalaing humina ka na rin gaya nang mga mortal na ito." Wika ni Ornais.

"Ibaba mo si Aya." Wika ni Meggan at itinutok ang baril kay Ornais.

Ngumisi lang si Ornais at itinutok ang kamay kay Meggan sa isang iglap isang di makitang enerhiya ang tumama kay MEggan dahilan upang tumama ito sa pinto at bumagsak kasunod ang pagkawala nang malay. Susugurin din sana ni Jenny ang lalaki ngunit tinamaan din ito nang enerhiya tumama sa salamin na pinto nang komedor si Jenny nabasak iyon at bumaksa sa sahig ang dalaga.

"Angel Arielle. Hindi mo ako kaya." Wika nito at itinutok sa dalaga ang kamay tila may kung anong pwersa ang sumasakal sa dalaga. Nagpumiglas si Arielle. Ngunit lalo lamang lumalakas ang pagkakasakal sa kanya. INihagis nito si Arielle patungo sa kinalalagyan ni Jenny. Tumama din ang katawan nito sa salaaming pinto saka nabasag. Walang malay na bumagsak si Arielle sa sahig.

"Mahihina." Wika ni Ornais saka tuluyang lumabas nang bahay kasama ang dalagang si Aya. Ilang sandali pa dumating sina Achellion at Julianne.

"ANong nangyari ditto?" Tanong ni Julianne nang Makita ang katawan nang mga kaibigan na nagkalat sa bahay nila. Agad nilang nilapitan si Jenny at Arielle.

"Jenny?" Wika ni Julianne at ginising si Jenny. Mabuti nalang at hindi ito nasugatan nang tumama sa Salamin na pinto.

"Aw." Daing ni Arielle na nagising na rin.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Achellion kay Arielle.

"Okay lang ako. SI AYa. Nakuha nila si Aya." Wika ni Arielle at tumayo. SIna MEggan at Butler Lee naman ay Unti-unti nang nagkakamalay.

"Isang fallen angel ang nagpanggap na si Lt. At kinuha si Aya." Wika ni Meggan.

"At sa palagay ko siya rin ang dahilan kung bakit nag-away sina Rick at Ben. At sa tangga nitong sirain ang relasyon ni Jenny at Eugene." Wika ni Arielle.

"Isang fallen angel lang ang alam kung may kakayahang gayahin ang wangis nang mga tao." Wika ni Julianne.

"SI Ornais. SIya ang Nagpapanggap na Eugene." Wika ni Arielle.

"Kung isang fallen angel ang nagpapanggap na Si Lieutenant, Asaan naman ang totoong Lt. Heartfelia." Wika ni Julius na bumaba pahawak hawak sa batok niya na tinamaan nang vase na ipinampukpok ni Ornais sa ulo niya kanina. Nang magising siya wala na doon si Aya. Kaya naman naisipan niyang bumaba.

"Hahanapin namin ni Achellion si Aya at Eugene. Tawagan niyo si Rick at Ben." Wika ni Julianne.

"Bakit naman ako sasama saiyo."

"Hindi mo ba gustong mahanap si Aya. Ayaw din namna kitang makasama kaya lang sa ngayon ikaw lang ang may kakayahang makahanap kay Aya." Wika ni Julianne.

Aya." Nag-aalalang wika ni Eugene na tumayo mula sa kinauupuan nang makitang bumalik si Ornais kasama ang kanyang kapatid na walang malay. Dahil nakakulong siya hindi niya nagawang malapitan at saklolohan ang kapatid niya. Nakita niyang inilapag nang lalaki ang kanyang kapatid sa isang bato. Kasunod noon ang pagdating nang 4 pang fallen angel. Lumapit ang mga ito sa natutulog na dalaga.

"Ano na ngayon ang gagawin natin? Wala naman siyang malay." Wika ni Ornais.

"Ito ang bubuhay sa kanya. At kapag nagising na siya atin na ang kaluluwa niya. Lahat nang gusto natin gagawin niya." Wika ni Leonard na itinaas ang itim na kwentas. Isa tong kwentas na may itim na mahika at kapangyarihan ni Lucifer.

"Aya!" sigaw ni Eugene at humawak sa rehas nang kulungan niya. Napakahina niya sa kanyang palagay. Wala man lamang siyang magawa para sa kapatid niya. Hindi niya nagawang matupad ang pangako niya sa kanyang mga magulang.

"Wala namang magagawa ang pagsigaw-sigaw mo. Hindi mo maiililigtas ang kapatid mo." Wika ni Shin na nasa pinto nang kulungan. Taka namang napatingin si Eugene sa bata.

"Bata? Paano ka nakapasok ditto?" Tanong ni Eugene. At sa palagay niya pamilyar sa kanya ang batang ito at para bang Nakita na niya ito dati.

"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga tutulungan kitang lumabas. Kailangan natin silang pigilan bago nila madumihan ang kaluluwa nang kapatid mo." Wika ni Shin biglang naging kamay nang dragon ang braso nito at buong lakas na sinira ang pinto nang kulungan. Gulat na gulat naman si Eugene sa mga nasaksihan. Di yata at kakaiba ang batang ito na nasa harap niya. Hindi ordinaryong nilalang.

Dahang-dahang inilapit ni Leonard ang itim na kwentas upang isuot kay Aya. Nakangiti naman ang iba pa habang hinihintay ang tuluyang pagkasout sa kwentas sa dalaga.

"Bitiwan niyo ang kapatid ko!" sigaw ni Eugene.

Napatingin sina Jezebeth sa nagsalita ganoon na lamang ang gulat nila nang Makita ang bihag nila na nakalabas mula sa pinagkukulungan nito. At ang isa pang pinagtataka nila ay ang Makita ang batang lalaking si Shin.

"SHIN!" galit na wika ni Cain nang makilala ang batang kasama ni Eugene. "Katulad ka rin ni Achellion. Nagawa niyong kumampi sa mga mortal at ipagkalolo ang kauri ninyo." Wika pa nito.

"Hindi tayo magkauri." Nakangising wika ni Shin.

"Ano naman ang ginagawa mo ditto?" Asik na tanong ni Jezebeth kay Shin. "Huwag kang makiaalam sa amin." Dagdag pa nito.

"SIgurado si Achellion ang nagpadala sa kanya." Wika ni Belial.

"Ang galing mo namang manghula." Wika ni Achellion na dumating kasama si Julianne. Agad namang napatingin sa may bukana nang kweba. Biglang naglaho si Achellion mula sa kinatatayuan, ilang sandali pa biglang tumilapon ang mga fallen angel na naka umpok sa hinihigaan ni Aya at sa isang iglap bigla na lamang pangko-pangko na ni Achellion si Aya.

"Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na hindi niyo siya pwedeng galawin." Asik ni Achellion kasabay ang pag ihip nang malakas na hangin. Ramdam sa hangin ang galit nang binata. Ang bawat dampi sa balat nila ay tila mga kutsilyo.

"Paano mo kami na sundan sa lugar na ito?" asik ni Cain.

"Hangal Ka Achellion. Isang mortal na mahina ang pinili mong kampihan, sinasayang mo lang ang iyong lakas. Kung----"Wika ni Jezebeth na naputol.

"Hanggang kailan niyo naman balak na panindigan ang isang paniniwalang alam nating hindi naman kahit kailan magiging tama." Sagot naman ni Achellion.

"Kung hindi niyo parin ako maintindihan uulitin ko. Wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto niyong gawin kaya lang kapag ang mga taong mahalaga sa akin ang ginalaw niyo hindi ako mangingiming gamitin ang kapangyarihan ko upang tapusin kayo." Dagdag pa ni Achellion. Bigla na lamang naging mainit ang ihip nang hangin. Sa isang iglap biglang nagbago ang Anyo ni Achellion.

"Ito ba ang Kompletong anyo nang Nemesis?" Tanong ni Julianne habang nakatingin sa binata. May tatlong paris itong pakpak na nagliliyab at hindi masukat ang taglay nitong kapangyarihan.

"ACHELLION." Isang boses mula sa ilalim nang lupa ang narinig nila.

Sa isang iglap biglang uminit ang paligid. Tumigil din ang pagihip nang hangin at sa labis na init nang paligid tila pakiramdam nila sinusunog na sila. Ilang sandal pa lumabas mula sa ilalim nang lupa ang isang nilalang.

"Panginoon." Sabay-sabay na wika nina, Cain, Jezebeth, Leonard, Belial at Ornais sa bagong dating saka iniyuko ang ulo biglang tanda nang paggalang ditto.

"Nalulugod akong muli kang Makita aking kaibigan." Wika ni Lucifer. "Ipaubaya mo na sa akin ang dalagang yan. Siya nalang ang kulang bago ko matupad ang matagal ko nang minimithi." Anito at naglakad papalapit kay Achellion. Nakikita nina Eugene na apakan nang paa nito ay nagiiwan nang bakas nang apoy.

"Stay away from her." Sigaw ni Eugene at tumakbo papalapit sa kapatid.

"Mahinang mortal. Hindi mo magagawang pigilan ang tadhana niya. Tadhana niyang mapasaakin." Ngumising wika nito.

"Over my dead body." Asik ni Eugene. ISang malakas na tawa ang pinawalan ni Lucifer dahil sa narinig na sinabi ni Eugene.

"You will have to go through with us bago mo mahawakan si Aya." Wika ni Julianne at lumapit sa tatlo. Lalo namang natawa si Lucifer isang tawang alam ni Achellion na tila pangmamata sa kanila.

"Hindi niyo alam kung anong sinasabi niyo. Kilala niyo ba kung sino siya?" Wikani Shin at lumapit sa mga ito. "Hindi niyo siya kaya." Wika pa nito.

"I don't care. I am not handing my sister to him." Wika ni Eugene.

"Ewan ko saiyo. Talagang mga hangal ang mga tao." Nailing na wika ni Shin.

"Tama ka Shin. Mga hangal ang mga tao." Wika ni Lucifer. "Kahit wala silang kakayahan at mahihina talagang ipinagpipilitan nilang kaya nila. Mga kaawa-awang nilalang." Wika ni Lucifer.

"Julianne. Eugene. Ilayo Niyo si Aya sa lugar na ito. Shin samahan mo sila at siguraduhin mong makakatakas kayo." Wika ni Achellion at nilingon sila.

"Achellion! Hindi mo sila kakayanin kahit pa nakuha mo na ang tunay na lakas nang isang nemesis hindi mo pa rin kaya ang lakas ni Lucifer at nang mga alagad niya." Wika ni Shin.

"Tama si Shin. Sama-sama na tayong umalis ditto." Wika ni Julianne. Kahit naman hindi niya gusto si Achellion hindi niya maatim na isakripisyo nito ang buhay para sa kanila.

"Hindi pwede. Kailangan makatakas kayo ditto at si Aya. SI Aya ang kailangan nila. Kapag wala tayong ginawa upang umalis ditto baka Makuha nila si Aya. Kahit naman siguro papaano may magagawa ako upang pigilan sila." Wika ni Achellion. At naglakad patungo kay Aya.

BIglang lumitaw sa kamay niya ang bead na kwentas na nasa loob ang lutos niyang simbolo. Alam niyang kapag inihiwalay na naman niya ang lutos na simbolo sa kanya tiyak na mahahati ang lakas niya at hindi na siya kompleto bilang isang Nemesis. Ngunit kapag iniisip niyang walang malay si Aya at walang magawa upang iligtas ang sarili niya hindi niya maiwasang hindi mag-alala.

"Achellion. SIgurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong ni Shin at pinigilan ang kamay ni Achellion. Nasabi na niya kay Shin ang tungkol sa propesiya ang propesiyang magtatakda sa kinabukasan nang mundo.

"Kailangan niyang mabuhay." Wika ni Achellion at ngumiti.

"Hihina ang kapangyarihan mo. Ibibigay mo nalang ang kwentas na iyan kay Aya kapag nakabalik ka na. Hindi magiging masaya si Aya kapag nalaman niyang isinakripisyo mo ang buhay mo para sa kanya." Wika Julianne.

"Huwag kang mag-alala. I will make it out. No matter what." Wika ni Achellion at tumingin sa natutulog na mukha nang dalaga. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa dalaga at may ibinulong saka isinuot sa dalaga ang bead na kwentas saka itinago sa ilalim nang damit nito.

"Shin. Ikaw na ang bahala sa kanila." Wika ni Achellion at humarap sa kaibigan.

"Hindi ko maintindihan kung bakit tinutulungan kita. Siguro gaya mo hangal na rin ako." Wika ni Shin. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Achellion.

"Tama na yang drama niyo. Handa naba kayong mamatay?" Ani Lucifer at nagsimulang humakbang papalapit sa kanila. Biglang humarap si Achellion at nagpakawala nang pana sa paanan ni Lucifer biglang napahinto sa paglalakad ang una.

"Umalis na kayo!" baling ni Achellion sa mga kaibigan.

"Mag-iingat ka." Wika ni Eugene at pinangko si Aya. Nakita ni Jezebeth na tangkang lalapit sina Julianne sa bukana nang kweba kaya agad silang kumilos ni Belial ngunit bigla din silang napahinto nang mga nagaapoy na pana na bumagsak sa paanan nila.

Taka silang napatingin kay Achellion, Nakatutok sa kanila ang pana at palasong apoy ni Achellion at ano mang oras muli ito magpapakawala nang nag aapoy na pana. Sinamantala nina Eugene ang pagka gulat nang mga fallen angel agad silang tumakbo patungo sa bukana. Sumunod naman si Achellion sa kanila upang hindi makasuno ang mga fallen angel sa mga kaibigan.

"ACHELLION!" galit na wika ni Lucifer at sinugod si Achellion. Agad naman kumilos si Achellion. Nang makalabas sina Eugene. Pinana niya ang bato sa taas nang bukana na naging dahilan upang matakpan ang lagusan. Nilagyan din niya nang harang ang Kweba isang pwersa na hindi pwedeng magiba nang isang fallen angel.

"Shin!" sigaw ni Eugene nang tangkang babalik si Shin sa kweba kaya lang biglang napahinto ang batang lalaki nang maramdaman ang baluti sa palibot nang kweba.

"Baliw ka Achellion." Mahinang usal nang Batang lalaki.

"Shin tayo na." wika ni Julianne at nilapitan ang Bata. "Tiyak na makakalabas si Achellion Hindi pa siya sumisira sa kanyang pangako." Wika pa ni Achellion. Napatingin lang si Shin sa Binata, at tinatanong ang sarili kung bakit ganito na lamang ang kanilang tiwal kay Achellion. Ngayon lang siya nakakita nang mortal na Malaki ang tiwala sa isang Fallen Angel. Talaga bang binago na ni Achellion ang pagtingin nang mga mortal sa kanila?

Dahil sa ginawa ni Achellion nakulong sila sa loob nang kweba. Kinailangan niya iyong gawin upang magkaroon nang pagkakataon sina Eugene na tumakas.

Sa loob nang kweba kinalaban ni Achellion ang hukbo ni Lucifer. Bumalik sa ilalim nang lupa sina Lucifer, Belial, Cain, Jezebeth, Ornais at Leonard, INiwan nila si Achellion sa loob nang kweba habang kalaban nito ang isang pulutong nang mga diablo. Dahil sa dami nang mga ito natagalan si Achellion bago magapi ang mga ito. Nang maubos ni Achellion ang isang pulutong nang mga diablo ni Lucifer pagod na pagod siyang napaupo sa lupa.

"Achellion." Wika ni Ornais na bumalik. "Mukhang pagod na pagod ka na. isang pulutong nang mga diablo lang ba ang uubos nang lakas nang isang Nemesis?" ngumising wika nito.

"May lakas pa ako para sa iyo." Wika ni Achellion at tumayo.

"Sa palagay ko kailangan mo nang magpahinga." Wika ni Belial na nasa likod ni Achellion. Isang punyal ang itinarak nito sa binata mula sa likod.

Nakita ni Achellion ang dulo nang patalim na tumagos sa katawan niya. Sargo din ang dugo sa bibig niya. Naramdaman ni Achellion na hindi isang ordinaryong Punyal ang itinarak ni Belial sa kanya. Taglay nito ang kakaibang lason na nagpapahina sa kanya. Dahil hindi kompleto ang katauhan niya at pagod siya mula sa pakikipagdigma kaya naman napaluhod siya sa lupa.

"Hangal ka Achellion. Dahil sa isang mortal, katapusan mo ang naging kapalit." Wika ni Jezebeth nalumitaw kasama si Cain. Itinutok ni Cain ang kamay sa mga batong humaharang sa kweba sa isang iglap biglang sumabog ang mga bato dahilan upang mabuksan muli ang lagusan.

"Masyado kang magulang Achellion. Kaya lang dahil sa isang kahibangan. BUhay mo ang kapalit." Ani Cain.

"Kahit na anong gawin mo. Hindi mo mapipigilan ang naktakda. Bakit hindi ka na lang sumama sa amin." Wika ni Belial.

"Manigas ka!" hirap na wika ni Achellion.

"Hindi ka rin lang naming mapapakinabangan mas Mabuti pang tapusin na kita." Wika ni Belial at akmang sasaksakin si Achellion.

"Tumigil ka Belial." Wika ni Cain para pigilan si Belial sa balak nito.

"Bakit mo ako pinigilan." Asik ni Belial.

"Kakailanganin pa natin si Achellion. Mas gugustuhin ni Lucifer na buhay natin dadalhin si Achellion." Wika ni Cain.

"Paano na si Shin at ang mga nakatakas?" Tanong ni Leonard.

"Ako nang bahala sa kanila." Wika ni Ornais at biglang nagbago ang anyo at naging si Achellion.

"Ano naman ang gagawin mo gamit ang mukha ko?" Tanong ni Achellion.

"Huwag mon ang alamin. Wala ka na rin namang magagawa. Panoorin nalang natin kung paano mo tapusin ang mga taong pilit mong inililigtas." Wika ni Cain at hinawakan ang balikat ni Achellion. Unti-unting lumubog sa lupa ang katawan nina Achellion at Cain. Dadalhin niya si Achellion sa impyerno kung saan hinihintay siya ni lucifer. Sina Ornais, Belial, Leonard at Jezebeth naman ay naghahanda upang sa kanilang pagsugod sa grupo nina Eugene.

Julianne! Eugene!" Nasasabik na wika ni Jenny nang Makita ang dalawang binata na nasa labas nang gate nang tinutuluyan nila. Kasama din nang mga binata ang dalagang si Aya na walang malay at karga-karga ni Eugene. May kasama ding bata ang dalawa. Binuksan ni Julius ang gate upang makapasok ang mga binata.

Nang makalapit sila iniabot ni Eugene si Aya kay Julianne upang mayakap niya ang kanyang kasintahan. He hugged her so tight dahil sa pananabik. Maging ang mga kaibigan nila ay masaya ding Makita ang binata na bumalik. Alam na din ni Eugene na ginamit nang fallen angel ang wangis niya upang tangkaing saktan ang kapatid niya at mga kaibigan.

"Mabuti naman at ligtas kayo." Wika ni Jenny nang bahagyang lumayo sa kasintahan. "Si Aya? Ligtas ba siya?" Tanong ni Jenny at bahagyang tumingin sa dalagang karga-karga ni Julianne.

"Wala pa rin siyang malay pero ligtas siya." Wika ni Eugene.

"Mabuti nalang at nakabalik ka na Lt. Maraming nangyari ditto. Si Rick at Ben umalis na sila ditto dahil sa kagagawan nang pekeng ikaw." Wika ni Julius.

"Yeah I heard about it on my way here."

"Talagang gagawin nila ang lahat upang mabuwag ang ano mang matibay na samahan natin. Alam nilang magiging mahina tayo kapag wala ang tulong nang isa't-isa." Wika naman Ni Arielle.

"Then we wont give them that satisfaction." Wika nang isang boses. Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa pinanggagalingan nang boses. Nakita nila sa gate sina Ben at Rick na dumating. Napangiti sila nang Makita ang dalawang binata.

"Mabuti naman at bumalik na kayo. Okay na ba kayong dalawa?" Tanong ni Julius at sinalubong ang dalawang binata.

"Well, we figured hindi maganda kung ngayon kami mag-aaway. Isa pa masyadong mababaw ang dahilan nang pinag-awayan namin." Wika ni Rick.

"Masaya akong bati na ulit kayo." Wika ni MEggan at lumapit sa dalawang binata at niyakap ang mga ito dahil sa labis na kasiyahan.

"Kailangan nating magsama-sama kung gusto nating matalo ang mga kalaban natin. Kahit ano pa sila. They wont be able to match us." Dagdag pa ni Rick.