webnovel

Chapter 2

Third year high school.

Ann pede ba manligaw sayo? ang tanong ni Jeff na kanyang kaklase.

Ano???? Hindi pede bawal pa sakin magpaligaw. Gusto mo habulin ka ng taga ng tatay ko, ang sabi ni Ann.

Bakit nman? ang tanong ni Jeff.

Basta hindi pede, ang sabi ni Ann.

Araw araw nangungulit si jeff sa panliligaw ke Ann hanggang sa nagustuhan na rin niya si jeff.

Pede bang itago muna natin relasyon natin kasi malalagot ako sa nanay at tatay ko pagnalaman, ang sabi ni Ann ke Jeff.

Cge, pero hanggang kelan? ang tanong ni Jeff na kumakamot sa ulo.

Kahit itinago nina Jeff at Ann ang kanilng relasyon nalaman pa rin ng nanay ni Ann dahil sa tito ni Ann na kaedaran nya. Nakita kasi silang magkasama at magkausap pagkalabas ng simbahan. Sinabi ng tito ni Ann sa nanay niya na ng uusap sa diliman. Kaya galit na galit naman ang nanay ni Ann.

Iwasan mo ang jeff na iyon kala mo hindi ko alam na boyfriend mo na yon. ang sabi ng nanay ni Ann. Pagnalaman kong boyfriend mo pa yun lagot ka sakin huhubaran kita sa gitna ng kalsada.

Hindi ko naman po yon boyfriend sino naman nagkwento sa inyo. ang sabi ni Ann.

Hindi mo na kelangan pa malaman. ang sabi ng kanyang nanay.

Kinabukasan sa paaralan, Jeff ....may sasabihin ako sayo, ang sabi ni Ann.

Ako din may sasabhin sayo Ann. ang sabi ni jeff. Break muna tayo.

Nagulat si Ann kasi inunahan siya ni Jeff na makipagbreak. Nalaman kasi ni Jeff sa barkada niya na pinagsabihan ni Ann na makikipagbreak sa kanya. Ayaw kasi ni Jeff na matapakan ang ego niya kaya siya ang umuna makipagbreak ke Ann.

Yan din sana sasabihin ko sayo Jeff kasi nalaman na ng nanay ko kaya galit na galit sakin. ang wika ni Ann kahit masakit kelangan tanggapin.

Lahat ng utos ng magulang ni Ann ay sinunod na lng ni Ann para wala ng gulo. Na kahit sa piknikan ng magkaklase hindi nakakasama dahil hindi siya pinapayagan. Na kahit sa mga sayawan sa mayohan hindi sya pinapayagan. Na kahit sa magkakapatid na awayan siya lagi ang pinapagalitan na kahit wala siya alam. Na kahit konti pagkakamali handa lagi pamalo. Gaano kasakit sa isang anak na ikaw lagi ang pinag iinitan. Matatanong mo minsan.... anak ka ba nila? Bakit lagi na lng ikaw? Minsan gusto mo na tapusin ang buhay mo ng dahil dito.

Gusto ko na mamatay, bulong ni Ann sa sarili. Kinuha nya ang isang banig na pills ng kanyang ina at ininom lahat .

Bakit hindi pa ako namamatay? ang tanong ni Ann sa kanyang sarili. Ang sabi nila na kapag uminom ng maraming gamot mamatay, bakit nahihilo lang ako?

Minsan isang araw tinanong ng ina ni Ann kung nakita ang kanyang pills na iniinom.

Ann...nakita mo ba ung aking iniinom na gamot. ang tanong ng nanay ni Ann. Nakalagay lang yon dito sa platera bakit nawala dito.

Nay, hindi ko po nakikita. pero nasa isip

ni Ann nainom ko na.

Hindi na malaman ni Ann kung paano siya makakawala sa kanilang tahanan kaya naisip niya na kumuha ng 3 libong piso sa pinagtataguan ng kanyang ina. Tutal alam naman niya ang pinagtataguan ng kanyang ina.

Kukuha ako pera at lalayas na ako sa bahay na ito. Ang sabi ni Ann sa kanyang sarili. Pero saan ako pupunta kasya kaya ang 3 libo sa pag-alis ko? ang tanong ni Ann sa kaniyang sarili.

At naiwan ni Ann ang sulat na kanyang ginawa sa pinaglalagyan ng pera ng kanyang ina. Nag isip muna si Ann ng mabuti kung saan siya pupunta. Hanggang sa hindi pa rin siya nakakakuha ng pera at naiwan pa nya ang sulat na kanya ginawa.

Ano lalayas ka at kukuha ka pa 3 libong piso sa tinatago ko, kala mo ba sasapat ang 3 libo pag umalis ka? ang sabi ng nanay ni Ann.

Ano po? ang tanong ni Ann. Naalala niya ang sulat na naiwan nga pala niya. Napakamot na lang siya sa ulo na ngingisi ngisi.