webnovel

AL: Kabanata 2

#SAKIT

Lumipas ang dalawang linggo at nanatili ng walang paramdam ang dalagang si Charmee. Ni Hindi na rin ito pumapasok kung kaya't lubos ng nag-aalala si Art, kinakain na din siya ng mga halo-halong emosyong nakapaloob sa kaniya. Tuloy Hindi siya makatulog tuwing gabi, Walang ganang kumain at laging wala sa sarili.

Bagama't ganoon ang kinahinatnan ng labis-labis niyang pag-aalala ay Hindi siya tumigil sa paghahanap sa dalaga. Nagpabalik-balik siya sa mga lugar na kung saan madalas nilang puntahan, nagtanong tanong din siya sa mga matatalik at malalapit na mga kaibigan ng dalaga, nagbabakasakaling mayroon silang alam.

Pero tanging ang mga bigo nilang reaksyon at iisang kataga ang paulit-ulit niyang natatanggap. Katagang.....

"Pasesnsya na Art, Hindi talaga namin alam kung nasaan si Charmee."

Hindi na alam ni Art kung ano ang gagawin, Hindi na din niya malaman kung ano ang iisipin. Tuloy ay Hindi niya mapigilang sisihin ang kanyang sarili.

Bagsak ang mga balikat na naupo siya sa gilid ng kalsada, halata ang pagod at panghihina. Habol ang hiningang napatingala siya sa kalangitan at doon niya lamang napagtantong, "Gabi na pala." Sambit niya sa sarili. Tatayo na sana siya upang makauwi na ng biglang nandilim ang paningin niya at bumagsak sa lupa.

Nagising na lamang si Art sa Ospital, masakit ang katawan at ramdam ang kapaguran. Noo'y biglang lumapit ang nag-aalalang ina. Sinuri siya nito at tinanong kung meron bang masakit sa kaniya pero tanging pag-iling lamang ang isinagot niya taliwas sa tunay niyang dinarama.

"Anak ano bang nangyayari sa'yo at nagkakaganyan ka?" Tanong ng nag-aalalang ina. Ngunit nanatili lamang siyang walang imik.

"Si Charmee ba 'nak." Paghula ng ina. Hindi inasahan ni Art ang kakaibang sakit na lumukob sa kaniya at ang pagbuhos ng kaniyang mga luha ng Sandaling marinig ang pangalan ng kasintahan. Subalit ang mas nakakagimbal at mas Hindi niya inasahan ay ang Sunod nitong sinabi.

"Art, alam kong mahirap tanggapin.....na patay na siya pero Anak hindi magugustuhan ni Charmee na nagkakaganyan ka kung sakaling nandirito pa siya." May simpatyang dugtong ng ina na siyang labis niyang ikinatulala.

********

--Itutuloy

********

Hola Readers, Don't forget to hit that heart button below and feel free to comment down what you think and feel💞 💐