webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · 奇幻言情
分數不夠
46 Chs

Ang Laro

Nabaon ang pamilya mo sa utang!

Sayang ang pera pagiibibigay lang saiyo!

Namatay ang ang mama mo dahil sayo!

Yung mama mo pokpok!

Mamatay ka na sana!

Paulit-ulit na bumabalik ang mga salita sa aking isipan. Gusto ko ng mamatay, wala namang saysay na mabuhay ako muli. Nakatingin ako sa ibaba, handang-handa na ako tumalon sa tulay.

Sana sa susunod kung buhay ay hindi mapait ang aking sasapitin.

Tatalon na sana ako ng biglang may humawak sa aking likod dahilan upang mapaatras ako at lumayo sa binabalak ko.

"Ano ba?"Naiiritang tanong ko."Ba't mo baako pinigilan?Ikaw ba humahawak sa buhay ko?" Nagwala ako sa harapan niya.

Isang matangkad na lalake, nakasuot siya ng pangamerikana, nakasalamin at nakasumbrero. Moreno siya, matangos ang kanyang ilong, mapungay ang kanyang mga mata at ang kanyang labi ay sing pula ng kamatis.

"Alam mo, gwapo ka. Para kang Grim Reaper, pero diba kung isa kang grim reaper dapat hinayaan mo akong mamatay para wala ka nang proproblemahin."Saad ko sa kanya dahilan upang mapatawa siya.

"Anong tinatawa mo diyan. You're wasting my time magpapakamatay na talaga ako." Inis na sabi ko, napansin ko na di na gumagalaw ang aking katawan.

"Laro tayo." Saad niya dahilan na nakaramdam ako ng hilo.

Ibinuklat ko ang aking mga mata, nakita kong marami ang higaan at malaluma ang istilo ng paligid. Marami ring babae naguusap, ang iba naman ay nakatungaga, ang iba'y umiiyak, at ang iba'y nagbabasa ng libro. Ako'y bumangon sa aking higaan. May babaeng papunta sa aking lugar.

"Kamusta ka?" Tanong ng babae. "Mabuti na ba ang kalagayan mo?" Tanong niya ulit. Ako'y nagtataka sa kanyang mga tanong.

"Huh?Anong nangyari?At nasaan ako?Anong lugar to?" Tanong ko sa kanya.

"Alam kong marami kang tanong."Saad niya. "Ako nga pala si Yurika."Inilahad niya ang kanyang mga kamay sa akin at nakipagkamayan.

"Nasa Impyerno ka."Saad niya dahilan upang natawa ako.

"Malamang nasa Impyerno ako dahil nagpakamatay ako." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ka nagpakamatay, kinuha ka dahil isa ka sa kandidato sa laro ng mga demonyo." Sabi niya.

Ako'y nanginginig. Naalala ko ang nangyari.

"Laro tayo." Saad ng lalakeng naka amerikana.

"Shit."Napamura ako.

"Ang laro na ito ay humahawak sa iyong kaluluwa. Dapat iligtas mo ang iyong sarili." Sabi ni Yurika.

"So...ang laro na ito is like a survival game?"Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sabi niya at tumayo. "Halika na, ihahatid pa tayo sa ating sariling kwarto."

Ako'y tumayoat sumabay sa kanya.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"Tanong niya.

"Heleana."Sabi ko.

"Ang ganda ng pangalan mo kagaya sayo."Sabi niya dahilan na ngumiti ako.

"Salamat...pero sa totoo lang, ikaw pa lang ang unang tao na nagsabi sa akin niyan."Saad ko na tila bang humahalo ang emosyon sa pagiging masayahin at pagkalungkot.

"Alin doon?" Tanong niya.

"Na maganda ako."Sabi ko at ngumiti.

"Maganda naman talaga lahat ng nilikha ng Diyos."Sabi niya dahilan na tinakip niya ang kanyang bibig,umubo siya ng dugo.

"Yurika!"Sigaw ko at lumapit sa kanya.

Narinig ko ang mga bulong sa aming paligid.

Mamamatay na tayo

Sinabi niya ang Diyos

Pinarusahan siya ni Hudas

Anong gagawin natin?

May lumapit sa amin na matandang babae, kinuha ng kanyang mga alagad na babaesi Yurika.

"Magiging mabuti po ba ang kalagayan ni Yurika?" Tanong ko.

"Kung hihingi siya ng patawad."Saad ng babae.

"Kanino ho?"Nagtatakang tanong ko.

"Sino pa ba sa palagay mo."Pagtataray ng matandang babae, wala akong imik. Malamang si Hudas ang kanyang tinutukoy.

Kami ay inihatid sa aming sari-sariling kwarto.

6

Masama ang aking kutob. Tumingin ako sa kasunod na numero.

8

Bakit wala ang numero ng pito? Bakit dumiretso agad sa walo?

May nakita akong katulong.

"Ah, excuse me po."Sabi ko at tumingin ang babae sa akin. Ganito ba talaga katalim ang kanilang tingin.

"Anong maitutulong ko?"Agad niyang tanong.

"Bakit ho wala yung numero ng pito?"Tanong ko dahilan ng pagkagulatna reaksiyon ng babae at umalis kaagad sa aking harapan.

Bakit ba kakaiba ang mga tao na nagsisilbihan dito. Tinignan ko ang aking susi. May numerong anim na nakasulat dito. Ako'y pumasok sa kwarto. Madilim ito at walang kabuhay-buhay.

Ako'y humiga sa aking kama at tumingin sa kisame. May larawang guhit doon. May kumatok sa aking pinto. Di ko alam kung bubuksan ko ba o hindi. Kumatok ito muli pero ika tatlo, pagkatapos naging apat, pagkatapos naging lima, pagkatapos naging anim.

Ako'y tumayo at pumunta sa harapan ng aking pinto. Ako'y nakaramdam ng takot.

"Manang?ikaw ho ba iyan?" Tanong ko. Wala akong naririnig kundi ang aking sarili lamang. "Yurika?"

Kumatok ito ng malakas na di ko mabilang kung ilan dahilan na nagtago ako sa ilalim ng kama at pumikit sa takot na aking nadarama.

Nakaramdam ako na may humila sa akin. Ako'y napasigaw sa takot.

"Okay ka lang?"Tanong ng kasambahay."Kanina ka pa tinatawag sa kwarto mo."

Iminulat ko na ang aking mga mata. "Ma..May kumatok sa pinto ko, may kumatok sa pinto ko." Nauutal kong sabi.

"Ako ho iyon. Hali na ho at sumabay sa akin. Maghahapunan na po kayo. Alas sais na ho ng gabi." Saad niya.

Ako'y tumayo at inayos ang aking sarili. Paalis na sana ang kasambahay na babae pero hinawakan ko kaagad ang kamay niya.

"Sandali."Saad ko."Ika-ilan ka kumatok sa kwarto ko?"Nagtatakang tanong ko.

"Ika tatlo ho."Sagot niya dahilan na gumugulo na ang aking isipan.

"Pwede niyo ho ba ipakita kung paano kayo kumatok?"Tanong ko sa kanya na biglang kinagulat niya. Sinunod niya naman ang utos ko.

Toktoktok

"Ganyan ho ako kumakatok."Sabi niya.

"Ah,salamat." Yun lang ang nasabi ko sa kanya, kahit papano alam kung may mali na talaga na nangyayari sa paligid ko.

"Hali na ho at kumain na tayo sa hapagkainan." Paalala ng kasambahay at ako'y sumunod sa kanya.