January 13, 2017
(Silver Steele)
Nagising ako na may nakatakip sa aking mga mata at nakatali ang mga kamay sa likod. Wala akong ibang makita kung hindi dilim. Sinubukan kong kumawala sa pagkakatali pero mayroon akong narinig na isang pamilyar na boses.
"Sino ba kayo!?" Sigaw ni Cobalt.
Imposibleng magkamali ako sa boses niya. Tinawag ko ang pangalan ni kuya para makasigurdo ako na siya nga ang naririnig ko. Tinawag niya rin ang pangalan ko sa tonong patanong. Siguro may pagdududa pa siya kung ako nga si Silver.
Sinipa ako ng kidnaper at tumama ang mukha ko sa bintana ng sasakyan. Pwersahan niyang ipinasok si Cobalt sa loob ng sasakyan.
Ramdam ko na isa lang ang kidnaper at siya ang nagmamaneho. Sa gitna ng byahe nagtanong na si Cobalt.
"Anong balak nyo sa amin? Saan nyo kami dadalhin? Anong kailangan nyo?" Sunod-sunod na tanong ni Cobalt sa driver ng sasakyan.
"'Kidnap for ransom' ba ito?" Sinundan ko ng tanong ang mga tanong ni Cobalt.
"Magkano ba ang kailangan nyo?" Huling tanong ni Cobalt sa driver.
Umasa ako na sasagot siya kahit isang 'oo'. Walang kahit anong binitawan na salita ang driver. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho na para lang kaming nakipag-usap sa hangin.
Makalipas ang mahigit isang oras na byahe tumigil ang sinasakyan namin. Bumaba ang driver at naramdaman kong bumukas ang pinto ng sasakyan. Unang hinila palabas si Cobalt pero sinubukan ko pa pigilan ang paghila kay Cobalt kaso masyadong malakas ang kidnaper. Inilabas niya ako ng sasakyan at inutusan niya ako maglakad kasama si Cobalt.
Habang naglalakad kami ni Cobalt napansin kong umaalingasaw ang amoy ng kalawang. Sobrang sakit sa ilong ng amoy, mukhang matagal na itong tambakan ng bakal.
Inilipat niya ang tali ng mga kamay ko bago tinanggal ang panyo na nakatakip sa mga mata ko. Ipinagtabi kami ni Cobalt. Nakita ko sila Nickel at Copper. Walang malay si Copper at may pasa sa mukha.
May tatlong armadong lalaki ang nakabantay sa amin.
"'Kidnap for ransom' ito." Sabi ni Nickel sa amin ni Cobalt.
Nakwento ni Nickel na ipinaka-usap sa kaniya si dad para humingi ng ransom. Tatlong million bawat isang anak. Inutusan daw siya na tubusin ang dalawang anak lang. Kaya pala hindi kami binibigyan ng presyo ng driver kanina. Dahil dalawang anak lang ang ipapatubos nila.
Makalipas ang ilang Segundo ipinasok na nila si Iron na nagpupumiglas pa. Pero nang makita niya kaming apat na nakatali natulala na lang siya at binitbit siya ng kidnaper na parang hangin. Isinama siya sa tali naman. Inilagay siya sa pagitan namin ni Cobalt.
"Hindi ko kayo papabayaan." Pangako ni Cobalt.
"Paano kung dalawa lang ang tutubusin?" Tanong ni Nickel.
"Anong dalawa lang ang tutubisin? Hindi hahayaan ni dad 'yon. Kukunin niya tayong lahat." Sabi ni Iron.
"Late ka na nga tsismosa ka pa!" Sita ni Nickel kay Iron.
"Kung kailangan mamili ng dalawa, si Iron at Nickel ang ipapatubos natin." sagot ni Cobalt.
Kung sila lang ang tutubusin. Ano mangyayari sa aming tatlo?
"Maawa ka! Wag mo sasaktan mga anak ko." pagmamakaawa ni mommy habang kinakaladkad siya ng isang lalaki.
Sumenyas ang lalaki sa mga armadong lalaki na nagbabantay sa amin. Agad naman umalis ang mga ito. Siya siguro ang tumatayong pinuno nila.
"Tignan mo sila!!" Sabi ng lalaki habang hinihila si Mom.
"Tignan mo mga anak mo!!!" Inulit ng lalaki at kumuha ng shotgun.
Sa sobrang ingay ng lalaki nagising na si Copper. Si Iron hinihinggal na dahil sa asthma niya.
"Hinga... hinga..." paulit-ulit na binubulong ni Nickel sa likod ni Iron.
"Mom!" sigaw ni Copper ng magkaroon ng malay.
"Kapag ako naka-alis sa tali na ito pagsisisihan mo talaga na tinali mo kami rito!!" banta ko sa gunman.
Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy siya sa pagkaladkad kay Mom hanggang sa marating nila ang pwesto na gusto niya.
"Sino sa mga anak mo ang gusto mong mabuhay?" Tanong ng gunman.
"Maawa ka sa kanila, wala silang kasalanan." Paki-usap ni mom sa gunman.
"Kasalanan? Sila ang sumira sa pangarap nating dalawa!" Sabi ng gunman kay mom.
"Sila ang bumuo sa pagkatao ko. Pinaramdam nila sa akin na mas masayang wala ka sa buhay ko." sagot ni mom.
"Ibahin natin ang tanong..." Pakunswelo ng gunman kay mom.
"Sino sa kanila ang anak ko?" Tanong ng gunman na kinagulat namin.
"Nakunan ako bago ko pinakasalan si Christopher. Kaya lahat sila anak ni Christopher Steele." Sagot ni mom sa gunman.
"Ano ba pinakain sa iyo ng baklang 'yon!? Nasilaw ka ba sa pera niya!?" Tanong ng gunman kay mom sa tonong pasigaw.
"Ako lang naman kailangan mo hindi ba!!! Pakawalan mo mga anak namin!!! Ako na lang kunin mo!!! Wag mo idamay ang mga bata, wala silang kasalanan!!!" Sigaw ni mom at pinipilit makawala sa kamay ng gunman.
"Gusto kong makita ito ng mga anak mo kung gaano kita kamahal." Sabi ng gunman. "Para malaman nila na isa silang malaking pagkakamali!"
"Hey!" Sigaw ni Nickel.
Naagaw niya ang atensyon ng gunman at lumuwag ang pagkakahawak niya kay mom.
"We really really know naman, isa kaming mistake sa earth." Sabi ni Nickel. "Really, but hmm I don't know how to put this on words but we are all mistakes."
"Oo, kayong lima ay mga pagkakamali!!" Sagot ng gunman.
"We are all mistakes. In order to unmistake the mistake..." Sabi ni Nickel.
"There's no such thing as 'unmistake'." Singit ni Copper
"My point is, it's better to spread love than hate, better be loved than be hated." Sabi ni Nickel
"Anong grade mo sa English?" Tanong ni Copper.
"Let's not talk about grades here! I am talking about love!" Depensa ni Nickel
Nagsimula nang magtalo si Copper at Nickel tungkol sa grade nila sa English hanggang sa mapasok na ang grade nila sa ibang subject. Nakita ng gunman na natawa si mom kay Nickel at Copper.
"Enough!!!" Sigaw ng gunman.
Hinila ng gunman ang buhok ni Mom at hinubaran. Nagsimula ng umiyak si Nickel. Hindi ko alam kung dahil sa nangyayari o dahil wala ng malay si Iron. Pinipilit namin ni Cobalt maka-alis sa tali. Sa bawat pagpupumiglas namin lalong sumisikip ang tali.
Nirape ng gunman si Mom sa harap namin. Nagsimulang magdilim ang paningin ko at pinilit sirain ng tali.
"Silver! si Iron!!" sigaw ni Cobalt sa akin.
Nakita kong namumutla si Iron. Kapag pipilitin kong luwagan ang tali ko ay sisikip naman ang tali ng iba.
Nang matapos ang gunman sa kalaswaan niya. Tinutukan niya ng shotgun si Iron.
"Uunahin natin sa bunso." Sabi ng Gunman.
"Tapos bu-buo tayo ng bago at mas masayang pamilya para sa ating dalawa." Pangako ng Gunman kay mom.
Umiling si Mom at kahit nanghihina nakipag-agawan siya ng baril sa gunman. Sinubukan naming gumawa ng paraan para makaalis sa tali nang hindi nasaasktan si Iron.
Hanggang sa umalingawngaw na lang ang putok ng baril. Bumagsak si Mom na may dugo sa katawan.
Tinutok ng gunman ang baril kay Iron at pinakawalan niya ang bala.
"COBALT!" sigaw ni Copper.
Nag-panic si Copper dahil sa tama ng bala sa katawan ni Cobalt. Hindi rin tumitigil ang paglabas ng dugo ni Cobalt. Si Cobalt ang may tama ng bala dahil prinotektahan niya si Iron. May dalawang magkasunod na putok ng baril ang narinig ko. Hindi ko alam kung saan galing pero mabilis na bumagsak ang gunman na may tama ng bala sa dibdib at mukha.
Nagulat ako nang makita si dad papunta sa amin. Una niyang inasikaso si mom nang makitang duguan at walang damit sa sahig. Tinaggal niya ang damit niya para isuot kay mom.
"Ang mga bata." Sabi ni dad at tumakbo siya sa amin.
Nagmamadali siyang tanggalin ang pagkakatali ng mga kamay namin. Kinarga ni dad si Cobalt at sumenyas sa amin na sumunod sa kaniya.
"Hang in there, son." Sabi ni dad at tumunggo si Cobalt bilang pagsang-ayon.
Ibinalot ko kay mom ang damit na suot niya kanina para matakpan ang ibang bahagi ng katawan niya. Pinasan ko si mom at sumunod kay dad. Kinarga naman ni Copper si Iron na walang malay.
"I got 95 in statistics, and your probability of winning is 0.00001%. Cause bad guys never win." Sabay sipa ni Nickel sa bangkay ng gunman.
"Nickel!!!" Sita ni Copper kay Nickel.
Nang marating namin ang ospital. Idineklara ng doctor na death on arrival si mom. Napaluhod na lang si dad ng marinig ito sa doctor. Inasikaso nila agad sila Iron at Cobalt sabay idineklarang critical. Ipinasok si Iron sa ICU kasama ang ilang mga nurse. Si Cobalt naman ay madaling ipinasok sa operating room.
"Kayo? Okay lang ba kayo? May masakit ba sa inyo?" Nagpa-panic si dad.
"Okay lang kami." Sinabi ni Nickel para mapakalma si dad.
"Kasalanan ko 'to." paulit-ulit na bulong ni dad. "Kung hindi ako nagpabaya."
Niyakap namin si Dad at paulit-ulit din naming sinasabi sa kaniya na nangyari na at wala na kaming magagawa.
May police na lumapit sa amin at humihingi ng mga detalye tungkol sa mga nangyari. Tumanggi si dad na magbigay ng detalye sa mga police.
Makalipas ang ilang minuto nagsidatingan na ang mga kawani ng social media. Nakita kong pagod na si dad kaya ako na ang humarap sa mga ito. Tulad ng pagtanggi ni dad sa mga police. Agad akong tumanggi na magbigay ng detalye pero hindi sila natingil sa pangungulit.
Lumabas ang doctor na galing sa operating room at ipinaalam sa amin na hindi naka-survive ang pasyente sa operation at ang kaniyang time of death ay 11:11 ng gabi.