Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!
••••••
Chapter 35
"S-sinong kalaban? Ang ama ko ba?" tanong ko kay Sion. Hinabol ko siya kanina at naabutan ko siya sa labas ng bahay na kinakausap na ang mga bodyguards ni Saber.
Nilingon niya ako. Madilim ang kanyang titig sa akin at gumalaw ang kanyang panga.
"Your father? No. Wala na sila dito sa Pilipinas. Umalis na sila. At hindi ko alam kung ano ang pinaplano nila. They chase my father, the day Sylvester caught you. And after that I just heard that they went back to Greece." nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang kanyang sinabi.
Umuwi sila nang hindi ako kasama. Umuwi sila at hindi man lang ako hinanap. I know my father, he can find me kahit saan mang kasulok-sulokan. Nang sinabi sa akin ni Saber na walang makakahanap sa amin ay hindi ako naniniwala dahil kung totoo man ay wala sana si Sion ngayon dito sa harapan ko.
Umatras ako. "Hindi. Hindi ako sasama. Hihintayin ko si Saber dito. I won't fucking trust you!"
Nakapamulsa niya akong hinarap. Pinaalis niya ang mga bodyguards ni Saber bago muling nagsalita.
"I didn't say that 'you should trust me', Alice. Ang sinabi ko lang ay sumama ka sa akin kung gusto mo pang makita ang kapatid ko at kung gusto mo pang mabuhay at ang anak mo." seryosong sabi niya.
I creased my forehead. I didn't get what he was saying.
"What do you mean? I am safe here! Saber told me to stay here! He told mr to wait here!"
Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad. I can see how irritated he was and trying to calm himself.
"Listen, I'm trying to save your fucking ass here, Alice! Ano ba ang nangyayari sayo?! Nabuntis ka lang naging tanga ka na at hindi marunong makiramdam na may kalaban ka na palang kasama!" may bigla siyang binunot sa kanyang likod.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang baril na hawak niya. Oh fuck!
"Oo at ikaw 'yon! Ikaw ang kalaban!" matapang ko sabi kahit ang totoo ay kinakabahan ako sa kung ano man ang gagawin niya. Natatakot ako, hindi para sa sarili kung hindi para sa tatlong anghel na nasa sinapupunan ko.
"Hindi ako, Alice." his cold deep voice invade my ears that sent shiver to my system.
Biglang siyang ngumisi sa akin na parang demonyo. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa ngisi niyang iyon. Inangat niya ang baril at itinutok sa akin.
"Please, Sion. Don't. Maawa ka sa mga anak ko. Maawa ka sa mga pamangkin mo. Gusto ko pa silang masilayan. Gusto ko pang mailabas sila at makita ang mundo. Gusto ko pa silang makasama." puno ng pagmamakaawang sabi ko at mariin pumikit habang nagsilandasan ang aking mga luha.
Narinig ko ang pagkasa niya sa baril. Nanginginig na ang buong sistema ko sa takot. Napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng suot kong maternity dress.
"I told you, Alice. I'm not the enemy here. I may not a saint but I have a heart for my little nieces, Alice."
Napaigtad ako ng marinig ang pagpaputok niya sa baril. Nanghina ako habang unti-unting iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko pa ang pagdaan ng bala sa gilid ng aking tenga. Ang nakakabinging putok ng baril.
Kung hindi lang agad ako nahawakan ni Sion baka natumba na ako.
Nilingon ko ang likod ko. I gasped when I saw the nurse lying near the entrance of the mansion with her own blood.
"Oh my gosh....A-anong ginawa mo?" mahina kong sabi.
Nalipat ang tingin ko kay Sion nang magsalita siya.
"I told you kasama mo lang ang kalaban, Alice. She's part of Godrey Mafia. At nasa kanila si Saber. And we have to move now, hindi natin alam kung may inilagay ba silang bomba dito."
I nodded silently. Hindi parin mag-sink in sa utak ko ang nangyari. The nurse. Hindi ko akalaing kalaban pala siya. Niwala akong makitang masamang motibo sa mga kilos niya.
Namalayan ko nalang na nasa yate na ako. Tinatanaw ang isla na unti-unting lumiliit sa aking paningin. Mahigpit akong nakahawak sa barandilya at tumulala sa kawalan nang hindi ko na tanaw ang isla. Hinayaan kong liparin ang aking buhok sa hangin.
Si Saber. Si Saber lang ang laman ng isip ko ngayon. Kung maayos lang ba siya. Oh hindi kaya'y....buhay pa ba siya. Mariin akong napalunok sa huling naisip.
Naramdaman kong may tumabi sa akin.
"What happpend to you, Alice?"
Nilingon ko siya. "Huh?" nasa malawak na karagatan ang kanyang atensyon.
"You've changed. I can't believe that you're so weak and fragile right now. I used to admire you for being so strong, fierce and scary." nag-iwas ako ng tingin ng bumaling ang kanyang atensyon sa akin.
"People change, Sion—"
"No. You mean love will change a person, Alice." puno ng pait niyang sabi.
It hit me and unable to speak again. That's why he continue.
"Saber and you. Look how he changed because of you. And look how he changed you. Dahil sa pagmamahal ay naging tanga't mahina kayo. At nagkakasakitan. I still can't believe that you two are still.....together despite of everyting." ramdam ko ang pait at sakit sa kanyang huling sinabi.
"We're not weak nor dumb, Sion. Our love made us stronger. Dahil kung hindi, hindi kami aabot sa sitwasyon na'to kung saan pareho kaming lumalaban at pinoprotektahan ang isa't isa. Madami man ang pinagdaan at pagdadaanan namin, alam kong kakayanin namin iyon ng magkasama. At isa pa oo, nagkakasakitan kami. Hindi naman iyon maiiwasan. Dahil hindi pagmamahal ang tawag nito kung hindi tayo nasasaktan. Kasama na ang sakit pagnagmahal ka. Kaya hindi nakakatanga o nakakahina ang pagmamahal, Sion. Nakakapagpatibay ito sa dalawang tao. Love is powerful yet painfully evil. Love won't allow you to be happy without experiencing the pain."
Mapakla siyang natawa.
"Kaya pala."
Kumunot ang noo ko. "Kaya pala ano?"
"Kaya pala sobrang nasaktan ako nang minahal kita." he stared at me. His emotion were now visible in his eyes. He let me see it. At nangingibabaw ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya.
"Sion..." nag-iwas siya ng tingin.
"I want to tell you what I was feeling for you, Alice. Gusto kong malaman mo ito nang sa ganon ay gumaan na ang pakiramdam ko. At isa pa, gusto kong makita ang pamangkin ko na walang nakaplaster na inggit sa aking mga mata." mahina niyang sa sabi na halos bulong nalang sa hangin. "Minahal kita, Alice. Sobra pa sa pagmamahal sa sarili ko. Kaya sa tuwing tinatawag mo ako sa ibang pangalan parang hiniwalay ang puso ko sa katawan ko." puno ng hinanakit niyang dagdag.
Humigpit ang paghawak ko sa barandilya. I want to say sorry. Pero alam kong hindi sapat iyon. I remained silent and let him speak again.
"Saber. Saber. Saber. Nakakarindi na. Ilang beses kong sinubukang ipakita ang sarili ko sayo, Alice. Ako na si Sion at hindi ang kapatid kong si Saber. Pero kalaunan ay bigo ako dahil sa tuwing ginagawa iyon ay puno ng pagtataka ang iyong mga mata. Natakot ako kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko sa dilim. Everytime you said 'I love you' it hurt me badly because I know it's not really meant for me, Alice. Pero mahal kita eh kaya iniisip ko nalang para sa akin 'yon. Para kay Sion 'yon. Para kay Sion na nagpakatanga. How ironic right? Kakasabi ko lang na naging tanga kayo dahil sa pagmamahal pero ganon din pala ako.
"Tatlong beses lang yata tayo nagkatabi sa pagtulog. Don't worry, we just slept. I respect you as a woman. Three times. Pero hindi na naulit dahil hindi kaya ng sistema ko na kahit sa iyong pagtulog ay si Saber parin ang sinasambit mo. Kaya sobra ang pagsisisi ko sa plano naming iyon dahil nagpakilala ako bilang ibang tao at hindi ako. Nagsisisi ako kung bakit naging triplets pa kami. Kung bakit magkamukha pa kami. Dahil kahit saang anggulong tingnan si Saber parin ang nakikita mo. Si Saber na mahal mo. Si Saber at wala ng iba.
"I envy Saber. Sobrang inggit ako sa kapatid ko, Alice. Ilang beses na kaming nag-away dahil sayo. I always told him to distance himself from you kahit imposible. Selfish na kung selfish pero gusto kong ako lang ang palagi mong makakasama. Tinawag nila ako ni Sylvester na hangal. Pero benalewala ko iyon. Benalewala ko ang suntok nila. Dahil alam kong ganun din ang iniisip nila. Na makasama ka lagi. I didn't gave up, Alice kahit alam kong wala akong mapapala sa huli. Na masasaktan lang ako. But then my senses woke me up when Saber announce that you're official. Reality slapped me hard. Na kahit anong gawin ko hindi ako ang pipiliin mo. It's always Saber. It's always my brother. It's always him.
"Ang sakit sa totoo lang. And I know Sylvester was hurting too. He loves you, Alice. Kung nakita mo lang ang kanyang galit na mga mata na may halong sakit nung nalaman niya iyon. We walked out. Kung nakita mo lang kung gaano siya kamiserable. At ako kung nakita mo lang. Dahil sa isang babae nasaktan kami. Nagkakasakitan kami. Isa lang naman dapat ang rules namin eh: We won't fall for you no matter what happened. Pero hindi namin napigilan, nahulog kami sa sarili naminv kagagawan. And lastly, here you are already pregnant to Saber's baby. I should be happy right now but I can't. Maybe someday if my heart already fully heal. I'm sorry for everything. Sa ginawa ng ama ako at ginawa namin sayo. Lalo na sa pamilya mo." nilingon niya ako at binigyan ng tipid na ngiti.
Hindi ko namalayang humagulgol na pala ako. Hearing his confession made me mad at myself. Hindi ko alam na may sobra palang nasasaktan nang dahil sa akin.
Mabilis niya akong niyakap.
"I'm sorry, Sion. I'm so sorry. I didn't know. I'm sorry, Sion...." paulit-ulit kong sambit habang nasa kanyang mainit na bisig.
Hinaplos niya ng marahan ang aking likod.
"Shh. Tahan na baka mapatay ako ni Saber pagnalaman niyang pinaiyak kita." he joked.
Umiling ako. "I'm really sorry. I know my sorry is not enough. But still I'm really sorry. And I want to apologize to Sylvester too."
"It's okay. Stop crying baka makasama yan sa mga baby."
Tumango ako at lumayo sa kanya. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang palad at tiningnan siya.
He smile. A genuine one.
"I feel light right now. Sa wakas nasabi ko na din sayo." sabi niya at itinukod ang kamay sa barandilya.
"Thank you for telling me, Sion. Kung alam ko lang nung una—"
"Nah huwag mo ng isipin iyon. Ang mahalaga ay nasabi ko na sayo ang nararamdaman ko. But don't worry, I'm on process on moving on. Ayokong magmahal ulit ng hindi pa nakakamove on parang nanggamit na rin ako ng tao. At ayaw kong makasakit. I want to let go of my feelings for you first." makabuluhan niya akong nginitian. Isang pamilyar na emosyon ang dumaan sa mga mata niya.
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Who is she? I want to meet her." I giggle.
He raised one of his eyebrows. "What do you mean?" maang niyang sabi.
"Come on, Sion. I can see in your eyes. You're lying when you told me that you're in process of moving on! You're inlove with someone! Kaya sinabi mo lahat ang nararamdaman mo sa akin noon dahil ayaw mong pagdudahan niya ang pagmamahal mo sa kanya!" punto ko.
He looked away. I even saw how his face turned red!
"Tsk. Huwag mo ng alamin." masungit niyang saad.
"Come one. Kahit pangalan lang." pangungulit ko.
Nilingon niya ako at ngumuso na parang bata.
"Her name is Lucky and always clumsy." nahihiyang sagot niya.
Napatakip ako ng bibig. "Oh my gosh! She's lucky to have you! I'm happy for you, Sion. I hope I meet her soon." i said with excitement and sincerity.
Napangiwi siya.
"Yeah." biglang nag-ring ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Agad niya itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. Sumilip din ako. "Speaking of the witch." sabi niya.
My Clumsy Witch. Yan ang nakalagay na pangalan sa tumatawag sa kanya.
Sinagot niya ang tawag. Sumulyap siya sa akin.
"He—" agad niyang nailayo ang kanyang cellphone sa kanyang tenga. "What the fuck? Ano na naman ang ikinainit ng ulo nito?" salubong ang kanyang kilay na sabi.
"Putanginang demonyo ka! Sabi mo papalitan mo yung grocery ko na inubos mo?! Asan na?! Wala na akong makain dito! Bwesit ka! Hayop ka talaga! Nasaan ka ngayon?! napangiwi ako ng marinig ang galit na boses sa kabilang linya.
Tumikhim si Sion at unti-unting nilapit ulit ang cellphone sa tenga niya. "Baby—" malambing na sambit ni Sion pero agad ding naputol.
"Huwag mo akong tawaging baby! Leche ka!" galit na galit. Gustong manakit.
Napakamot siya sa ulo. Nahihiya niya akong tinalikuran. "Baby, calm down. Okay. Don't worry maggo-grocery ako kahit bilhin ko pa ang buong grocery store kung gusto mo. Pupunta ako diyan mamaya. I have some important things to do first."
"Mukha mo first! Bilisan mo, Sir! Nagugutom na ako! Baka nakalimutan mo kung ano ang ginawa mo sa akin kung bakit hindi ako makatayo at makalakad!" what the hell? Hindi makatayo? Hindi makalakad? Is that mean...oh my gosh!
"Damn it. Yes, I know. I'll be there later. Bye. I miss you!"
"Heh! Imong mama!"
"Wait for— oh fuck! That clumsy witch!" mura ni Sion bago muling binulsa ang kanyang cellphone. Mukhang binabaan siya ng tawag.
Humarap siya sa akin at ngumiti ng pilit. "Siya iyon." sabi niya na ikinatawa ko.
I shrugged. "Mukhang may katapat ka na ha." natatawa kong sabi. "Tinamaan ka talaga."
He tsked and smiled. "She's funny. I like her. She's true to herself."
Tumango ako. "Keep her, Sion. I like her for you."
"I know." sang-ayon niya na may bahid na ngiti.
Sion excused himself. Mukhang tatawagan niya ulit si Lucky. Sana maging masaya na siya. And also to Sylvester, I hope he'll find the right one for him. I'll be the happiest.
I sigh. And then my thoughts drifted to Saber again. I wonder what is he doing right now. Sinasaktan ba siya? I hope he's fine. Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdam ang mahinang pagpatid ng triplets.
"I know you're worried to Daddy too, my little ones. Don't worry. Daddy is strong and brave. We'll take him back para makasama na natin siya." saad ko. I smiled when they kicked again. Mukhang sang-ayon sila sa sinabi ko.
Hindi nagtagal ay huminto ang yati sa isang resort. Inalalayan ako ni Sion pababa. The salt water envelope the half of my legs. The hem of my dress got soak from the water.
"I'm sorry. Nabasa ka tuloy."
Nginitian ko siya. "It's okay."
Inalalayan niya akong maglakad hanggang makaapak kami sa pinong buhangin. May sumalubong sa aming tatlong naggwagwapuhang lalaki.
"Whoa, dude. Hindi ko alam na nakabuntis ka pala! Paano na si Lucky?" nagtatakang sabi ng isa na naka-black cargo shorts at may maitim na hikaw sa kaliwang tenga. Pero alam kong nagbibiro lang ito.
Sinamaan siya niya ng tingin ang nagsalita na ikinatawa ng dalawang kasama nito. "Shut the fuck up, Jed!"
Inakbayan ng isa ang nagngangalang Jed at nakangising nakatingin kay Sion na halata ang pagkairita sa presenya ng tatlo.
"Baka nalimutan mo, Jed. Si Lucky lang ang bubuntisin ni Sion!" malakas itong tumawa. Nakitawa ang dalawa. Nahinto lang sila ng marinig ang kasa ng baril. Baril ni Sion.
Umayos ng tayo ang tatlo at tumikhim.
"Hi!" bati nung isa sa akin na naka maong pants pero topless. Well, topless silang tatlo. "I'm Teo." pakilala niya.
"I'm Vain." ang lalaking umakbay kay Jed.
"And I'm Jed." ang lalaking may itim na hikaw sa kaliwang tenga.
"I'm Alice." at isa-isang tinanggap ang kanilang nakalahad na kamay.
Sabay napa-'O' ang bibig ng tatlo at napatingin kay Sion.
Mukhang may alam ang tatlo tungkol sa akin. Umirap si Sion sa tatlo ngayo'y may nang-aasar na mga ngisi sa labi.
"We need to go now. May gagawin pa ako." seryosong sabi ni Sion sa tatlo.
Sabay itong tumango. Sumunod kami sa tatlo na pumasok sa hotel. Walang masyadong guest pero ang iba ay napapalingon sa amin o sa apat na lalaking kasama ko.
"Who own this?" tanong kay Sion.
Ninguso niya ang tatlo na ngayo'y kausap ang isang lalaki. Hula ko ay isa itong driver. Nasa harap na kami ng hotel na may nakaparadang gray na van.
"They're cousins." sabi niya sa akin.
Humarap ang tatlo sa amin matapos kausapin ang lalaki. "The car is ready." anunsyo ni Vain sa amin.
Pinagbuksan ako ni Jed ng pintuan sa backseat Inalalayan niya pa akong makapasok hanggang sa makaupo ako.
"Thank you." I said. He just smiled and winked at me before facing Sion.
"So what now, bro?" si Teo.
"Ihahatid ko lang siya. I'll be back maybe tonight or tomorrow." saad ni Sion.
Kumunot ang noo ng tatlo. "Maybe? Hindi ka sigurado kung makakabalik ka pa dito? Bro, may party ngayon dito sa resort mamayang gabi. Don't miss it!"
"I have to go and buy some groceries for Lucky first! That clumsy witch! Nasa kanya ang lahat ng susi ko kaya nga nanghiram ako sa inyo diba?" napamasahe siya sa kanyang sentido.
Humagalpak ng tawa ang tatlo. They seemed close.
"Okay. Okay. Ako nalang ang magsasabi kay Lucky. Pwede ding isama mo nalang siya mamayang gabi dito." suggest ni Jed.
Sinamaan niya ng tingin ito. "Tss bahala kayo. Kilala niyo naman iyon. Bubugahan lang kayo no'n." iling na tugon ni Sion. "We have to go. Thanks for your help. See you." paalam ni Sion at pumasok na sa sasakyan at tumabi sa akin.
"No problem! Have a safe ahm drive?" Teo laughed before shutting the door.
Umandar na ang van. Nilingon ko ang tatlong lalaking kumakaway sa sasakyan.
"I'm happy that you have a friends. You seems so close." nakangiti kong sabi kay Sion.
Bumaling siya sa akin at tipid na ngumiti. "Yeah. They all fond to her. They like teasing her. Kaya sa tuwing nakikita sila nito ay umiinit kaagad ang ulo niya." his talking about Lucky.
"That's good then. How about you and her?"
Ngumuso siya. "Ang sadista niya. Lagi niya akong inaaway at pinagtitripan. Tapos kung ano naman ang mag-gaganon sa kanya, magagalit siya kaya sa huli sinusuyo ko nalang. Ako nga hindi nagagalit kasi alam ko hindi nita ako susuyuin! Ang sama niya, Alice! Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko siya!" para siyang batang nagsumbong sa kanyang ina dahil inaaway siya. Busangot ang kanyang mukha.
While me? My jaw literally drop! Hindi ko akalaing may ganito side si Sion na sobrang childish! Pareho lang sila ni Saber! My gosh! Magkapatid talaga sila.
"Ahm lambingin mo nalang siya lagi?" hindj sigurado kong sabi. Ganyan din kasi si Saber lagi akong nilalambing.
"Lambing? Yung babaeng 'yon? Madadala kaya sa lambig?! Eh nagpapalambing lang iyon pag may lagnat! Kaya lagi kong hinihiling na sana lalagnatin nalang siya araw-araw!" sobrang laki ata ng problema niya kay Lucky.
Napatingin ako sa driver na panay ang tingin kay Sion. Napangiwi ako at kalaunan at natawa nalang din.
"By the way, saan mo ako ihahatid?" tanong ko.
"Sa condo mo noon. Nandoon ang tatlo mong pinsan naghihintay sayo." sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"I thought they already in Greece?" nagtataka kong sabi sa kanya.
Huminga siya ng malalim. "I called them yesterday na kukunin kita sa isla. Alam din nila ang nangyari kay Saber kaya nag-aalala sila sayo baka mapano ka."
"Hindi ba sila nagalit nang tinawagan mo sila?"
"At first nagalit. Akala nila na ako si Sylvester."
"Oh." napalabi ako.
Tumingin ako sa labas. Pamilyar na sa akin ang dinaanan namin. Bigla akong nalungkot nang maalala ang kapatid ko. Ilang buwan na ang lumipas nang mangyari ang pagsabok sa classroom nila. Sariwa parin sa akin ang nangyari. Nabibingi parin ako sa malakas na pagsabok at sigawan ng mga studyante sa tuwing inaalala ko iyon.
"A-alam mo ba kung nasaan ang kapatid ko? I know that she's still alive." mahina kong tanong. Nasa labas parin ang atensyon ko.
"I don't know. You can aske one of you cousins." napatuwid ako ng upo sabay tingin sa kanya.
"What do you mean? Isa sa kanila ang may alam kung saan ang kapatid ko?" naguguluhan kong sabi.
Kibit-balikat lang ang tanging isinagot niya. "We're here."
Tahimik akong bumaba sa van. Iniisip ko parin ang tungkol kay Yanna. Imposibleng alam ng mga pinsan ko kung nasaan ang kapatid ko. At kung alam man nila dapat una palang ay ipinaalam na nila sa akin.
Hanggang makasakay kami sa elevator at marating ang unit ko ay tahimik pa rin ako. Nagsalita si Sion.
"Alice, I'm sorry about what happened in the island. I didn't mean to scare you. I was just being cool, y'know like a badass." nahihiyang paumanhin niya.
Mahina ako natawa at tumango.
"It's okay. Thank you, Sion." sabi ko sa kanga.
"Yeah, yeah. Now go." pinindot niya ang doorbell at agad namang bumukas ang pintuan. Mukhang nag-aabang talaga sila sa amin.
Bumungad sa amin ang tatlo kong mga pinsan at si.....Yanna.