webnovel

Alchemic Chaos: Fate

ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. *** Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? " -

LaSolaPythia_ · 奇幻言情
分數不夠
34 Chs

Kabanata Tres: Ang panganib ng damdamin

HINDI nakatulog si Kira sapagkat iniisip-isip niya pa rin ang kanilang ginawa. Alas sais na ng umaga at siya'y nakahiga pa rin sa kama kasama ang sanggol na ngayo'y himbing na himbing sa pagtulog.

"Tama ba ang ginawa ko?" mahinang usal niya habang pinagmamasdan ang sanggol sa kaniyang tabi. Napag-isipan niyang bigyan ng pangalan ang sanggol dahil siya naman din ang tatayong tagapag-alaga nito.

Violet Amanda Biscuit.

Iyon ang naisip niyang pangalan at ginamit niya ang apelyido ng kaniyang ina sa bata. Namangha siya sa kagandahan ng sanggol. Rosas na buhok at luntiang mga mata,  namumula-mula rin ang kutis nito.

Marahil ay hindi ito anak ng hari, kung hindi ay sa heneral. Hindi naman sa pangit ang hari kung 'di mas guwapo at mas kaaya-aya ang itsura ng heneral.

Suwerte ang bata dahil ito ang kaniyang naging ama, sapagkat ay mabait ito, 'di tulad ng hari. "Pangako, aalagaan kita," bulong niya pa sa sanggol at hinalikan ang noo nito.

Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng koneksyon sa bata at hindi niya hahayaang masaktan ito. Natigil ang pagtitig niya sa sanggol nang makarinig ng malalakas na katok mula sa pintuan. Agad naman siyang nataranta at muling ibinalik ang sanggol sa loob ng libro, at dali-daling pumunta sa pinto.

Tatlong kawal ang bumungad sa kanya nang buksan niya ito. "Ano'ng ginagawa niyo dito?" wika niya at sinigurado niyang hindi halata sa boses niya ang kaalaman ukol sa nangyari kahapon. "Pinapatawag po kayo ni Prinsipe Ringo at nais niya po kayong sabihan na namatay na ang hari," magalang na sabi ng isa sa mga kawal na ikinatango ni Kira.

Sumama siya sa mga kawal kahit nakasuot lamang siya ng mahabang bestida, agad niyang tinali ang malagong puting buhok gamit ang lasong kaniyang kinuha bago umalis.

Sila ay nagtungo sa palasyo kung saan niya nakitang nakaupo ang prinsipe sa trono nito na mukhang pinagsukluban ng langit at lupa. Agad namang nakaramdam ng pagsisisi si Kira kahit hindi naman siya ang pumatay sa hari kung hindi si Tsukino.

Nakita rin niya si Tsukino na nasa tabi ng prinsipe habang hinihimas-himas ang balikat nito. "Pinapatawag niyo raw ako, mahal na prinsipe?" Magalang na wika ni Kira at napayuko pa.

Tumayo ang prinsipe na ngayo'y may blankong tingin at nilapitan si Kira. "Maari ka nang tumayo," walang ka-emoemosyong sabi nito.

"Maraming sa—" Bago pa matuloy ni Kira ang sasabihin ay malakas na siyang sinampal ng prinsipe na ikinatumba niya.

Nakarinig siya ng mga malulutong na tawa mula sa mga heneral at ang pagkalabog ng mga hawak nitong mga sandata sa sahig dahil sa saya.

Ramdam na ramdam niya ang hapdi sa kaniyang pisngi at ang pagkasugat ng tuhod niya dahil sa pagkatumba. "Ano ba ang iyong dinadamdam, mahal na prinsipe?! Wala akong ginawang mali!" asik niya at masamang tiningnan ang prinsipe.

Malamig naman siyang tiningnan nito pabalik. "Wala ba, Kira? 'Di ba ikaw ang pumatay sa ama ko at may balak ka pang patayin ako?!" galit na galit na sabi nito at muling sinampal si Kira.

Tumigas ang panga ni Kira at biglang nanlamig, tiningnan niya si Tsukino na ngayon ay nginingisian siya. "Sino'ng may sabi?" malamig at may diin niyang sabi.

"Si Tsukino. Akala mo ba pagtatakpan ka niya?" sa sinabi ng prinsipe ay tuluyang sumabog ang kanyang galit at nandilim ang kaniyang paningin.

Sinugod niya si Tsukino at malakas na sinuntok sa mukha, pagkaraa'y sinakal. "Hayop ka! Traydor ka! Ikaw ang pumatay sa hari, huwag mo akong baligtarin!" puno ng poot niyang sabi. Ramdam niya ang kakaibang sensasyon na nais kumawala sa kaniyang kamay. Nataranta ang lahat ng nasa silid at sinubukang pigilan ang ginagawa ni Kira ngunit wala silang nagawa dahil sa taglay na lakas nito.

"Papatayin kita! Tinulungan kita tapos ito ang gagawin mo sa akin?" naramdaman ni Kira ang mga luha na pumapatak sa kaniyang mata hanggang sa marinig niya ang sigaw ng prinsipe at makita niya ang kadiliman.

Nagising si Kira at natagpuan niya ang sarili niyang nakakadena sa kulungan ng palasyo. Napakasakit ng ulo niya at ramdam niya ang pagtulo ng dugo mula rito. Iginala niya ang kaniyang tingin. Luma ang kulungan sa palasyo, amoy na amoy ang baho at halatang hindi ito nalilinisan, tanging ang sulo lamang sa magkabilang dulo ang ilaw sa paligid. Tiningnan niya ang kaniyang tabi at napasigaw sa takot nang makita ang isang naagnas na bangkay na pinagpipiyestahan ng mga uod.

Naalala ni Kira ang lahat ng pangyayari at napakagat-labi siya sa galit. Sumigaw siya nang sumigaw at pinilit na kumawala sa mga kadena. Sa bawat pagtatangka niya ay yumayanig ang selda na kaniyang pinagkukulungan.

"Pakawalan niyo ako rito! Wala akong kasalanan! Pakawalan niyo ako rito!" Paulit-ulit niyang sigaw. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at lumuwa si Tsukino na pumapalakpak.

Pakendeng-kendeng pa itong naglalakad suot-suot ang pula nitong kasuotan. Puno ng poot at galit ang puso ni Kira habang nakikita niya ang dating kaibigan.

"Paano mo nagawa sa akin ito? Tinulungan kita, Tsukino kahit ayaw ko dahil pinilit mo ako at kaibigan kita! Tapos ano? Hindi mo lang ako nilaglag, sinabi mo pang gusto kong patayin ang prinsipe kahit alam mong hinding-hindi ko iyon magagawa! Hayop ka, Tsukino!" sigaw ni Kira at sa bawat salitang binitiwan ay may diin at hinanakit.

Ngunit hindi man lang natinag si Tsukino at nagawa pang tumawa. Lumapit ito kay Kira at hinawakan ang baba nito. Masama ang tingin ni Kira sa dating kaibigan at sinubukan niyang kagatin ang kamay nito, ngunit nakatanggap lang siya nang malakas na sampal mula rito. Hindi pa ito tumigil at inulit pa ang pagsampal ng tatlong beses hanggang sa dumugo ang mukha ni Kira.

Tumawa ito na para bang nahihibang na. "Alam mo kung bakit? Gusto ko ang buhay mo! Gusto ko si Prinsipe Ringo pero ikaw ang pinili ng ama niya para sa kaniya! Alam mong gusto ko siya pero ano'ng ginawa mo?!" patawa-tawang sinabi ni Tsukino at sinipa ang tiyan ni Kira. Bumulwak ang dugo sa bibig ni Kira pero nagawa pa niyang mapangisi.

"Hindi napipilit ang pagmamahal, Tsukino! Kahit na gumawa ka pa ng masama," ani ni Kira at nakatanggap na naman siya ng malakas na sampal mula kay Tsukino.

Tumama ang katawan ni Kira sa naagnas na bangkay sa kaniyang tabi at nagkalat ang laman nito sa katawan niya. Malakas na sumigaw si Kira sa takot samantalang humalakhak si Tsukino. "Tingnan natin! Alam mo, Kira? Bukas ikakasal na kami dahil iyon ang kabayaran ko sa ginawa kong pagsuplong sa iyo. Bukas na bukas din ay itatapon ka sa gubat ng paghihirap, sa bundok kamatayan kung saan itinatapon ang mga taong binibigyan ng pagkakataong mabuhay sa lugar kung saan maraming panganib. At doon na ang iyong kamatayan, Kira," masayang sabi ni Tsukino at nagawa pang tumalon-talon sa saya.

"Alam mong tinuring kitang kaibigan at tinuring mo akong kapatid, nagpapasalamat ako doon pero... lahat na lang na dapat para sa akin ay kinukuha mo! Wala ka nang itinitira! Lahat! Ang titulo sa palasyo, ang mga taga-hanga at pati na rin ang lalaking mahal ko! Inagaw mo siya at inahas! Tapos malalaman ko na lang na mahal mo na pala siya at wala kang pakialam sa nararamdaman ko!" Pagpapatuloy pa ni Tsukino.

"Hindi ko kinuha sa iyo lahat, Tsukino! Pinagsikapan kong makuha ang lahat ng meron ako!—" "Pati ba ang panlalandi sa prinsipe ay pinagsikapan mo? Ang galing mo naman doon, Kira! Pero mas magaling ako doon. Sa oras na mamatay ka na sa destino mo ay magagamit ko na ang gayuma na nagawa ko at makakasiping ko ang prinsipe!"

Masama siyang tiningnan ni Kira at buong pandidiring dumura sa paanan niya. "Nahihibang ka na, Tsukino. Kakarmahin ka rin, tandaan mo iyan!" sigaw ni Kira. Kinuha ni Tsukino ang latigo na nakasabit sa dingding at malakas na pinaglalatigo si Kira. Rinig na rinig sa buong selda ang sigaw ni Kira at kitang-kita ang pagtalsik ng dugo ng dalaga sa pader. "Lapastangan ka! Respetuhin mo ang iyong reyna, hangal!" sabi ni Tsukino at patuloy na pinaglalatigo si Kira.

"Ako ang reyna! Ako! Isa ka lang hamak na kawal na kriminal pala!"

Bumibigat na ang mga mata ni Kira at hinang-hina na siya. Magkahalong galit at awa sa sarili ang kaniyang nararamdaman ngayon. Umasa siyang mabait si Tsukino, umasa siyang hindi siya isusuplong ng kaibigan niya sa kasalanang hindi naman niya ginawa, at umaasa siya na sana ay inisip ni Tsukino ang lahat ng kabutihang ginawa niya para rito. Ngunit nasaktan siya.

Masakit umasa at nakakabasag ng pagkatao.

Sigaw na lang ang tanging nagagawa ni Kira habang hindi pa tumitigil si Tsukino sa panlalatigo sa kaniya. 'Di pa ito nakuntento at kumuha ng kandila at itinulo ito sa mukha ni Kira. Makailang ulit din niyang pinukpok ng bato ang mukha at ulo nito hanggang sa tuluyang naging purong pula ang bato dahil sa dugo ni Kira.

"Dahil sa mukha mong iyan, naakit ang prinsipe! Dahil sa kalandian ng mukha mo at ng labi mo ay nahalikan mo siya. Kaya dapat lang na bigyan kita ng parusa! Paalam, Kira dahil mamatay ka na bukas," mala-demonyong sambit ni Tsukino at tumawa, samantalang nawalan ng malay si Kira dahil sa paghihirap na nadama.