webnovel

Addicted (BoyxBoy)

DISCLAIMER: MATURE CONTENT R-18 This story may contain content of an adult nature. Reader discretion is advised. - Meet Ace Ezekiel Montemayor, a man with a painful past. And this is his story.

heyitskristoff · LGBT+
分數不夠
31 Chs

Act 6

DAMIEN

Nakaramdam na ba kayo ng matinding kalungkutan at pag-iisa pagkatapos ng isang matinding bakbakan sa kama? Iyong tipo na gusto mong umiyak at sumabog. Iyong tipo na mapapatanong ka sa sarili mo 'Bakit ko ba ginagawa ito?'

'Bakit kung kani-kanino ka nakikipagkantutan?'

'Bakit kung sinu-sino ang pinapasukan mo ng burat mo?'

Hinithit ko ang hawak kong paubos na sigarilyo at marahas na ibinuga ang usok niyon habang pinapanood ang lalaking nagbibihis sa harapan ko. Samantalang ako ay nanatiling hubad.

"Alis na ako, pare. Salamat," sabi niya matapos magbihis.

Tumango lang ako. Pinanood ko siyang lumabas at isarado ang pinto ng maliit kong apartment.

Mag-isa na naman ako. Maliit lamang ang apartment ko pero parang kay laki-laki nito.

Tinapos ko ang paninigarilyo at humiga. Amoy na amoy ko pa ang pinaghalong pawis at tamod sa higaan ko. Nagkalat pa ang ginamit naming condom at lubricant. Tumingin ako sa kisame at napabuntong-hininga.

-

"First time ko, Damien."

Tandang-tanda ko pa ang pag-aalinlangan at kaba sa kanyang mukha. Dinama ko ang mainit na hubad niyang katawan. Nakapatong ako sa kanya. Hinalikan ko ang tenga niya pababa sa leeg. Napaungol siya.

"I'll be gentle. I promise," sabi ko.

"Ok," tipid na sagot niya.

Mabilis kong kinuha ang lubricant sa side table at nilagyan ang daliri ko at ang butas ng puwet niya. Napaliyad siya sa lamig na dulot niyon. Ipinasok ko ang isang darili ko. Isang pigil na ungol ang pinakawalan niya. Alam kong nasasaktan siya pero hindi na siya nagreklamo.

Ipinasok ko pa ang isang daliri ko at nilaro ang butas niya. Naglabas-masok ang daliri ko sa masikip na butas ng kanyang puwitan. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kama habang mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang kamay sa kobre-kama.

Ilang minutong paglalaro pa na sinabayan ko ng pagsasalsal sa sarili kong burat, kinuha ko ang condom sa side table at nilagyan ng kapote ang galit kong burat. Pinahiran ko ng lubricant ang burat ko at ang butas niya.

"Ipasok ko na," mahinang sabi ko. Hindi siya sumagot. Idinikit ko ang katawan ko sa kanya at inlalayan ang burat ko sa butas niya. Hinalikan ko ang batok pababa sa likod niya. Napapaliyad dulot ng pagkakiliti sa bagong tubong balbas ko.

Ahh. Tangina! Hindi na niya napigilan ang mapaungol nang ipasok ko na ang burat ko sa butas niya.

Tiningnan ko siya. Namumuo ang luha sa kanyang mata. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha.

"Sshh," pag-aalo ko at hinalikan ko ang labi niya. "I love you, Ivan." Tumindi ang halikan naming dalawa at nagsimula akong gumalaw. Marahan sa simula hanggang sa bilisan ko na. Napapalakas na ang ungol ni Ivan. Para bang nawala na sa isipan niya na baka marinig kami ng mga magulang at kapatid niya sa labas.

"I-I love you," bulong ko habang binibigyan si Ivan ng malalakas at madidiing ulos. Baon kung baon.

"I love you, too."

-

Naibato ko ang ash tray sa tabi ko. Sumabog ang upos ng sigarilyo. Napaubo ako. Napatingin ako sa pinto kung saan nakarating ang ash tray. Para bang nakita ko ang paglabas ng mga lalaki roon. Mga lalaking matapos kong kantutin at tamuran, aalis lang din agad.

Pare-pareho lang sila. Titi lang ang gusto! Mga pakantot! Aalis pagkatapos makuha ang gusto.

I can't really blame them though. Sa Grindr ko lang naman nakilala ang mga iyon. Natural na maging sex lang ang habol nila. They're just temporary people. Pamilya mo nga, nagawa kang iwan, eh. Sila pa kaya? (Grindr - sex/dating app for gays/bisexuals/straight trippers)

Nag-ring ang cellphone ko. Dinampot ko iyon at naupo sa kama.

"Oh, Jack?" bungad ko. Alam ko naman na kung bakit tumawag ang lalaking ito. Yayayain na naman akong makipagkantutan.

Nakilala ko si Jack sa Grindr. Siya lang ang taong tumagal sa buhay ko. Siya lang ang maituturing kong kaibigan ko. Ang kaso nga lang ay pagdating sa kantutan. Kaso ay pareho kaming top kaya kapag may kilala kaming game sa threesome o group fun, niyayaya namin ang isa't isa.

"Punta ka sa bahay maya," sagot niya. "May mga na-invite ako. Orgy, pare!"

"Sige, punta ako." Ibinaba ko na ang tawag.

Hindi ko na iisipin ang pag-ibig. Wala talagang ganoon sa Grindr. Ikakantot ko na lang ito. Mag-eenjoy pa ako.

===

Mayaman si Jack. Malaki ang bahay nila na nasa isang exclusive village. Ang apartment ko ay mas maliit pa sa comfort room sa kwarto niya.

"Hintayin lang natin sila," sabi sa akin ni Jack. Naupo ako sa sofa kasama ang tatlong lalaki. Tahimik lang kami at pinagmamasdan ang isa't isa. Naghahanap ng matitipuhan para sa kantutan mamaya.

Ang kaso, wala akong matipuhan. Tumayo ako at hinanap si Jack. Nakita ko siya sa kusina na hinahanda ang iinumin naming alak.

"Buti umalis sila mama. Business trip. Tatlong araw silang wala," sabi niya na parang alam kung ano ang itatanong ko.

"Anong oras sila dadating?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga makakasama namin mamaya.

"Maya-maya siguro nandito na ang mga iyon. Alas-diyes kasi ang usapan. May thirty minutes pa. Kung gusto mo, doon ka muna sa kwarto."

Ilang beses na rin akong nakapunta rito. Kabisado ko na ang pasikot-sikot ng bahay niya. Nakilala na nga rin ako ng mga magulang niya. Solong anak din siya kaya medyo spoiled. Naibibigay lahat ng gusto.

Hindi tulad ko. Sa ngayon.

"Hindi na. Labas na lang muna ako," pagtanggi ko. Medyo hindi pa rin kasi ako komportable kapag nandito ako. Naalala ko ang dati kong buhay. Noong kasama ko pa ang pamilya ko. Ang dati kong pamilya.

Naglakad ako palabas ng bahay. Pansin ko pa ang pahabol na tingin ng isa sa tatlong lalaking nasa sala. Mukhang natipuhan ako nito.

Sino bang hindi? Nakasando lang kasi ako at maikling shorts na medyo hapit. Maipagmamalaki ko ang katawan kong batak sa iba't ibang trabaho. Katawang pang-romansa, ika nga. Iyong tipo na aalipinin ka sa kama.

Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad hanggang sa makarating ako sa park. Madilim na at halos wala ng tao bukod sa nag-iisang lalaking nakaupo sa duyan. Nakatakip sa ulo niya ang hood ng suot niyang jacket.

Sa hindi mawaring dahilan, kusang naglakad ang mga paa ko palapit sa kanya at umupo sa katabing duyan. Marahan kong pinagalaw ang duyan. Lumangitngit ito kaya naman napalingon siya sa akin pero ibinalik niya rin ang kanyang tanaw sa malayo. Palihim kong pinagmasdan kung paano siya maya't maya tumitingin sa cellphone niya at maya't maya mapapailing.

Napangiti ako. Ang cute niyang tingnan. May hinihintay kaya siya? Ka-meet up? Ka-date?

Tsk. Parang bigla naman akong nasaktan doon. Pero tangina, Damien. Baka nalilibugan ka lang sa kanya. Baka gusto mo lang ikama ang lalaking ito at ibaon ang titi mo sa bibig at puwet niya.

Hindi ito attraction. At lalong hindi love. Dahil putangina, hindi totoo ang love.

Natigilan ako nang humarap siya sa akin at seryoso akong tiningnan. "Ikaw ba si Jack?"

Jack? Si Jack na kakilala ko ba ang tinutukoy niya? Pupunta rin kaya siya sa orgy?

"Sorry, hindi na ako tutuloy," tumayo siya at mabilis na naglakad palayo.

Mabilis akong tumayo at hinabol siya. Hinawakan ko ang braso niya. Napatigil siya sa paglalakad at naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan.

"H-Huwag," narinig kong sabi niya. Basag ang boses. Teka, iiyak ba siya?

"Hey, may problema ba?" tanong ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinihit siya paharap sa akin. Mabilis na kumilos ang mga braso niya at itinakip sa katawan niya.

"H-Huwag po..."

Tuluyan na siyang napahagulgol. Takot na takot siya. Pero hindi ko alam kung bakit. May nagawa ba akong mali?

Tangina. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Pilit kong inalala kung may nagawa ba akong mali sa kanya pero sigurado ako na wala naman. Pero anong gagawin ko? Paano kung may makarinig at makakita sa amin? Paano kung kakilala niya pa o kaya iyong mga guards? Baka isipin nila may ginagawa akong hindi maganda sa kanya.

Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin, sinarado ko ang natitirang distanya sa aming dalawa at walang alinlangang niyakap siya at kinulong sa mga bisig ko. Hinimas-himas ko ang likuran niya. Naramdaman ko naman na kumakalma siya hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak.

Nang sa tingin ko ay okay na siya, pinakawalan ko na siya. Tiningnan ko ang mukha niya. Ang cute niya pa ring tingnan kahit bakas pa rin ang luha sa kanyang pisngi. Kitang-kita ko pa rin ang alinlangan at takot sa mukha niya. Pero kanino? Sa akin? Mukha ba akong nakakatakot? Sa gwapo kong ito?

Oo, malaki ang katawan ko na para bang kaya kang ibalibag kahit anong oras pero sa kama lang ako nangbabalibag. Pang-romansa ko lang ang katawang ito.

Bahala na.

"I'm sorry kung may nagawa ako," sabi ko na lang. "At hindi Jack ang pangalan ko. Damien. Ako si Damien." Ngumiti ako at inilahad ang kanang kamay ko. Tiningnan niya lamang ito at maya'maya rin ay inabot at nakipagkamay sa akin.

Pero sa halip na sabihin ang pangalan niya, hinila niya ang braso ko. Sa pagkabigla ko, nagtagumpay siya kahit na mas maliit siya sa akin. Binigyan niya ako ng isang halik sa labi at mabilis na lumakad palayo.