CLARK
Nandito na naman si Ace sa bahay ko, sa kwarto ko, specifically. Sa totoo lang, gusto kong nandito siya. He is within my reach. Kaya kong titigan anytime.
Napakagwapo pa naman niyang tingnan ngayon. Nakasuot ng puting long-sleeves at itim na pantalon. Akala mo mag-oopisina pero abala naman sa pag-aayos ng mga susuotin kong damit.
Ang sarap siguro asawahin nito? Pakasalan ko na kaya?
"HOY!"
Parang nabingi ako sa malakas na pagsigaw niya. "Anong problema mo?"
"Hoy, mister! Male-late na tayo! Maligo ka na!" pagalit niyang sagot. "Tulala ka pa dyan."
"Kasalanan mo naman."
Nagpamaywang siya. "At bakit kasalanan ko?"
"You're too easy in the eyes," sagot ko sa malambing na tono.
Natigilan siya. He looked flustered. Halata ang pamumula ng kanyang magkabilang-pisngi. Hay, napaka-cute. Sobrang swerte ko sa kanya.
Nang tila nakalma ang sarili, sumimangot itong muli. "Tigilan mo nga ako sa panghaharot mo. Male-late na tayo!" asik niya.
"Kiss muna," pang-aasar ko.
"CLARK JOHNSON SMITH!" sigaw niya.
Patay. Buong-buo na ang pagtawag niya. Galit na siya.
"Oo, kikilos na," mabilis akong tumakbo sa CR at naligo na.
"Bakit ang tagal ninyo?" tanong ni mama. Bihis na bihis na rin ito. Nakasuot ito ng simpleng purple dress na tinernuhan niya lamang ng pearl necklace. Simple pero elegante.
"Itong anak ninyo kasi," sagot ni Ace. "Ang kupad."
"Bakit ako?" depensa ko pero tiningnan ako ng masama ni mama. Lumapit ito kay Ace at inayos ang necktie nito. Ang unfair, puta. Mas mahal pa nila si Ace kaysa sa sarili nilang anak.
Which is a good thing, though. Tanggap nila kami. Tanggap nila si Ace.
"Halika na," pagtawag ni daddy na napaka-gwapo sa suot na tuxedo.
Hay, hindi ako makapaniwalang ga-graduate na ako. Parang kailan lang nagpapasaway pa ako sa school. Parang kailan lang sinisigawan at pinapaglitan ako ni Ace dahil tinatamad akong mag-aral.
Lumabas na nga kami. Nandoon na si tita Wendy at si Ben.
===
"I'm so proud of you, anak," nakangiting sabi ni mama. Tapos na ang graduation ceremony. Hawak ko na ang malaking graduation picture ko na may emblem pa ng school.
Kanya-kanyang pictorial ang mga tao sa paligid.
"Thanks, ma," sabi ko.
Nilingon ko si Ace pero nakita ko ang mapait niyang pagngiti kasabay ang nagbabadya niyang luha.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.
"Ace?" tanong ni Ben.
"Okay lang," sagot ni Ace. "Naalala ko lang noong high school, sobrang saya rin ni mama para sa akin. Sobrang saya ng mga kapatid ko. Proud na proud pa ako sa natanggap kong medalya noon."
"Hey, hey," niyakap ko siya. "It's okay. I'm here."
Tumango si Ace at ngumiti. "Thanks, baby."
Nagpakuha na nga kami ng litrato. Merong solo-solo. Merong kaming tatlo - ako, si Ace at si Ben. Meron namang kaming dalawa lang ng baby ko. Pagkatapos ay nagpaalam na si mama, papa at si tita Wendy na mauuna na sa sasakyan. Alam kasi nila na magkukumustahan at paalaman pa kami ng mga kaibigan namin.
Sasama nga sana si Ace pero hindi ako pumayag. Gusto ko dito siya sa tabi ko.
May lumapit na dalawang babae sa amin. Halatang nahihiya ang isa at nag-uudyo ang babae sa likuran niya. Aminado akong maganda sila sa kanilang make-up ngayon pero sa isang tao lang talaga attracted.
"P-Pwede magpa-picture?" nahihiyang tanong ng babae.
Tiningnan ko si Ace. Hindi naman siya nagsalita. Hindi ko mabasa ang gusto niyang sabihin.
Hinawakan ko ang kamay niya. Halata ang pagkagulat sa mukha niya kahit ng dalawang babae.
"Sorry. Baka kasi magalit ang baby ko," proud na sabi ko.
Parang nawala ang hiya sa mga mukha nila. Napalitan iyon ng excitement at kilig. Teka, kilig?
"Ahh..." kinikilig na sabi nila.
"Ang cute niyo," sabi ng isa. Kanina lang ay nahihiya pa itong kausapin ako para magpa-picture tapos ngayon, kinikilig at masaya na ito para sa amin? Tsk, girls. Magulo ang isip.
Nginitian ko si Ace. Parang nahihiya siya pero bakas ang mukha niya ang saya.
"Tangina, ang baduy mo talaga, pare," natatawang sabi ni Ben nang makaalis ang dalawang babae.
"Nagmamahal lang," sabi ko.
Sino ba naman ang hindi magiging proud na maging boyfriend itong jowa ko? Gwapo. Maalaga. Mabait. Oo, masungit at mabunganga at times pero mabait ito.
At masarap sa kama. Tangina, kailangan talaga may graduation sex mamaya.
==
"Baka kasi magalit ang baby ko," panggagaya at panggagaya ni Ben sa ginawa ko kanina na itinaas pa ang magkahawak nilang kamay ni Alex.
Nagtawanan ang lahat.
"Tangina. Iba talaga kapag nagmamahal," sabi ni Avi. Hindi katulad ng dati, nawala na ang pagkamahiyain nito. Nagsasalita na ito.
Pero hindi naging madali. Inamin niya sa amin na nagkagusto rin siya kay Ace. Muntik na nga kaming magkasapakan pero sinabi naman niya na wala siyang intensyong agawin sa akin ang baby ko. Gusto lang daw niyang ilabas ang bigat sa dibdib niya.
At imbes na magkasapakan, nauwi sa inuman ang pagtatapat ni Avi. Parang walang nangyari. Naging normal ang lahat. Masayang-masaya kami. At simula noon, mas nagsasalita na si Avi. Hindi na siya nahihiyang makisabay sa biruan namin.
"Palibhasa kasi kayo, mga single for life," pang-aasar ko at tinungga ang lamang alak ng hawak kong baso.
"Tangina mo," asik ni Greg.
"Jowain mo na kasi si Ric," pang-aasar ni Alex kay Greg.
"Tangina! Ako na naman?" talima ni Ric.
"Subukan mo ngang ikama iyang si Ric, pare. Baka mamaya, magkatuluyan talaga kayo," pang-aasar ni Ben.
Napangiwi si Greg at umarteng nandidiri. "Tangina, pare. Hindi ako bakla. Okay na sa akin ang matandang matrona kaysa kay Ric."
"Tangina, kadiri ka pare," sabi ni Alex at nagtawanan ulit.
Tiningnan ko si Ace sa tabi ko. Hindi siya nagsasalita pero nakikisabay sa tawanan namin. "Okay ka lang? Gusto mong maglakad-lakad sa labas?"
"Sige," sagot niya.
Tumayo kami at nagpaalam sa mga kasama namin. Lumabas kami ng bahay at naglakad-lakad. Hindi pa rin kami nakakapagpalit. Naka-long sleeves pa rin kami. Mabuti na lamang ay gabi na at medyo mahangin dito sa lugar namin.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Baka may makakita sa atin," alangang sabi niya.
"As if I care," sabi ko. "Wala akong pakialam sa kanila, baby. You are all that matters."
Nginitian niya ako. Mas lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Ang sarap sa pakiramdam ng pagdidikit ng mga balat namin. Ang sarap sa pakiramdam ng init na dulot niyon sa akin.
"I love you, Ace," bulong ko.
"I know. I love you, too."
Hindi na ako nakapagpigil. Siniil ko na siya ng halik. Noong una ay hindi siya lumalaban. Halatang nag-aalangan baka may makikita sa amin - dalawang lalaking naghahalikan sa gitna ng kalsada. Pero maya-maya ay lumaban na rin siya.
Tangina. Gusto ko na siyang angkinin.
"WOOOOOOHHH!"
Napakalas kami ni Ace dahil sa malakas na kantiyawan ng mga kaibigan ko. Kumpleto sila. Si Alex, Ben, Ric, Avi at Greg. Nagsunuran ang mga gago.
"Bakit kayo nandito?" asik ko.
"Baka kasi gahasain mo ang pinsan ko," sagot ni Ben.
"Tama. Poprotektahan namin si bunso," segunda ni Alex.
"Umalis na nga kayo! Panira kayo ng moment, mga gago!" anas ko. Badtrip naman. Tinitigasan na ako, eh.
Narinig ko ang pagtawa ni Ace. Napatingin ako sa kanya. Ang cute niyang tingnan kapag tumatawa. Parang matutunaw ako. Ang sarap sa pakiramdam na makita siyang masaya.
Hindi nakinig ang mga kaibigan ko. Nagpatuloy ang asaran at kulitan namin hanggang sa nauwi kami sa paglalaro ng basketball. Mga parang tanga. Naka-formal attire pa kami ni Ben tapos nagyaya maglaro itong mga kaibigan ko.
Pero masayang-masaya ako. Wala na akong mahihiling pa.