webnovel

Addicted (BoyxBoy)

DISCLAIMER: MATURE CONTENT R-18 This story may contain content of an adult nature. Reader discretion is advised. - Meet Ace Ezekiel Montemayor, a man with a painful past. And this is his story.

heyitskristoff · LGBT+
分數不夠
31 Chs

Act 14

ACE

"Ano iyon?"

Kinakabahan ako sa pagkaseryoso ng mga mukha ni Ben at ni Clark. Parang anumang oras ay susugurin nila ang isa't isa at susuntukin sa mukha.

Hindi ko ito gusto? Bakit ba ako nandito? Bakit kailangang panoorin ko silang magtalo?

"Gusto ko ang pinsan mo, Ben," seryosong sagot ni Clark. His voice is full of conviction and sincerity. "Gusto ko si Ace."

Hindi pa rin mapigilan ni Ben ang hindi magulat kahit ito na ang pangalawang beses na narinig niya ito mula sa kaibigan.

Kaya kasi sila nasa ganitong sitwasyon ay sa biglaang confession ni Clark. Kanina lamang ay masaya kaming kumakain ng tanghalian dito sa hapagkainan namin pero ngayon, punong-puno ng tensyon ang buong paligid.

"Seryoso ako, Ben," dagdag ni Clark. Tiningnan niya ako. Mata sa mata.

"Umalis ka na," tiim-bagang sabi ni Ben. Halatang pinipigilan niya ang matinding emosyong nararamdaman.

"But it's not for you to decide. Hindi mo man lang ba aalamin kung ano ang gusto ni Ace?"

"No need," mariing sagot ni Ben. "Bahay ko pa rin ito kaya may karapatan akong paalisin ka."

Dahang-dahang tumayo si Clark. Nakalaylay ang mga balikat niya. I feel sorry for him. Pero ano bang dapat kong gawin? Anong dapat kong sabihin?

Tiningnan niya ako. Nagmamakaawa. Parang gusto niyang ipagtanggol ko siya. Pero naninigas ako sa kinauupuan ko. Parang umurong ang dila ko at hindi na ako makapagsalita.

And then he looked defeated. Walang imik na lumabas siya ng bahay.

Malakas na bumuntong-hininga si Ben. "I'll be in my room." Tumayo siya at umalis. Naiwan akong mag-isa.

I mean, I get it. Protective sa akin si Ben. Pero dapat bang umabot sila ni Clark sa ganoon? Matagal na silang magkaibigan. Mag-best friends pa nga sila. Masisira lang sila nang dahil sa akin? Ayaw ko ng ganoon.

Tumayo ako para akyatin si Ben sa kwarto niya. Marahan akong kumatok sa pintuan pero hindi siya sumagot. Pinihit ko ang doorknob at nalaman kong hindi iyon naka-lock iyon kaya naman binuksan ko na at walang pag-aalinlangang pumasok. Nakita ko si Ben na nakahiga at nakaharap sa pader.

Umupo ako sa gilid ng kama niya. Hindi siya umimik. Alam kong gising siya dahil nakadilat siya.

"Anong problema, Ben?"

"Gusto mo ba siya?" tanong niya na hindi pa rin gumagalaw. Natigilan ako sa tanong niya.

Gusto ko nga ba si Clark? Sigurado ako noong umpisa na attracted ako sa kanya. Sino bang hindi? Napaka-gwapo. Cheerful. Malapit sa tao. Palangiti. Lahat magkakagusto sa kanya. Lalaki. Babae. Bakla.

Oo, pinagnasaan ko rin siya. Ilang beses akong nag-imagine na nagse-sex kami ni Clark. Na ang palabirong lalaking iyon kapag nasa public ay halos mabaliw kung umungol sa kama.

Pero nag-iba ang lahat nang may mangyari sa aming dalawa. Mas naging malapit kami ni Clark. Pakiramdam ko mas nag-effort siya na kilalanin ako at mas mapalapit sa akin. Hindi tulad noon na nagkukumustahan lang kami kapag nabisita siya rito.

Mas naramdaman ko ang pag-aalaga niya. Ang pagiging concern niya. Minsan nga ay hindi na siya nahihiya kay Ben na ipakita iyon. May isang beses nga na niyaya niya kami ni Ben sa isang seafood restaurant. Pinaghimay niya pa ako ng alimango at hipon.

Pinaramdam niya sa akin ang mga bagay na hinahangad ko noon.

"Gusto mo ba siya, Ace?" tanong ulit ni Ben. Ngayon ay pumihit na siya paharap sa akin. Titig na titig siya sa akin. Tinapik niya ang tabi niya. Agad kong nakuha ang gusto niyang sabihin. Humiga ako sa tabi niya. Magkatapat ang aming mga mukha. Bahagya kong nararamdaman ang marahan niyang paghinga.

Ipinatong ni Ben ang isang braso sa katawan ko.

"Bawal ba, Ben?" tanong ko.

Nag-pout siya. "Hindi naman. Pero kasi..." Nagtitigan kami. Nabasa ko ang pag-aalinlangan at lungkot sa mga mata niya. "Pero kasi, gusto ko ako lang ang mag-aalaga sayo. Gusto ko ako lang ang magpo-protekta sayo."

Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. Nagdikit ang dibdib naming dalawa. Iniangat niya ang mukha niya. Ramdam ko ang paglapat ng mga labi niya sa noo ko.

"Pwede mo pa naman gawin iyon, ah?" tanong ko.

"Alam ko," sagot niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Alam ko pero gusto kong ipagdamot ka. Alam ko magpinsan tayo pero gusto kong maging selfish. Sorry, Ace."

===

"Okay ka lang ba, Will?" tanong ko. Kanina pa kasi siya tahimik. Nag-aalala ako tuloy.

"Oo. Okay lang ako. Kumain na lang tayo. Malapit na matapos ang lunch time," tanging sagot niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Gusto ko pa sanang magtanong pero mas pinili ko na lang ang manahimik. Siguro ay may pinagdadaanan lang si Will. Siguro ay hindi pa siya handang sabihin sa akin ang bagay na iyon.

Nagpatuloy ng normal ang araw hanggang sa matapos ang klase. Agad akong nagpunta sa hintayan namin ni Will pero lumipas ang ilang minuto, hindi siya dumating. Natanaw ko ang isang kaklase niya kaya agad ko itong nilapitan.

"Si Will?"

"Kanina pa nakauwi. Hindi nga pumasok sa last subject. Masama raw ang pakiramdam," sagot nito.

"Ganoon ba?" nalungkot kong saad. "Salamat, pare."

Tumango ito at umalis na rin.

Nag-aalala na ako. Baka matindi ang problema ngayon ni Will. At alam kong kailangan niya ako ngayon. Kaya naman nagpasya akong puntahan siya sa bahay nila ngayon.

"Manang, si Will po?" tanong ko sa matandang kasambahay nila na sumalubong sa akin sa gate.

"Hindi mo ba kasama? Hindi pa nakakauwi si Will," sagot niya.

"Ganoon po ba?" nanghina kong sagot. Sinubukan ko ulit tawagan si Will pero hindi pa rin niya sinasagot ang cellphone niya. Nasaan ka na ba? Bakit parang pakiramdam ko iniiwasan mo ako? Bakit pakiramdam ko ayaw mo na akong kausapin?

Akmang ida-dial ko ulit ang numero ni Will nang maka-receive ako ng isang tawag. Agad ko itong sinagot.

"Hello, cutie," bungad nito sa pamilyar na malambing na tinig.

"Chris," tanging sagot ko.

"May problema ba?"

"O-Oo, eh. Si Will kasi, hindi ko makita. Kailangan niya ako. Alam kong kailangan niya ako ngayon."

"May idea ka ba kung saan siya pwedeng magpunta? Gusto mo samahan kita?"

"Hindi ako sigurado."

"Nasaan ka ba? Puntahan kita," sabi niya. Nang sabihin ko kung nasaan ako, ibinaba na niya ang call. Tulirong naghintay naman ako sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay dumating siya kaagad.

Itinigil niya ang itim niyang kotse sa tapat ko. Ibinaba ang bintana.

"Tara na," sabi niya. Mabilis akong sumakay sa kotse. "So, saan tayo pupunta?"

Napatigil ako para mag-isip. Saan ba pwedeng magpunta si Will? "Sa mall. Sa arcade."

Hindi nga ako nagkamali. Nandoon si Will. Mag-isang naglalaro ng basketball. Nilapitan namin siya ni Chris.

"Will..." mahinang pagtawag ko.

Tumingin siya sa amin. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung galit o lungkot ang nasa mga mata niya ngayon.

"Anong ginagawa mo... niyo rito?" seryosong tanong ni Will.

"Alam kong kailangan mo ako ngayon," sabi ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang-bras pago pero marahan niyang binawi iyon. Nadurog ang puso ko sa ginawa niya. May nagawa ba ako? Maayos naman kami.

Umiling siya. "Hindi. Hindi kita kailangan, Ace. Gusto ko mapag-isa."

Naglakad palayo si Will. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya. Niyakap ako ni Chris.

"Alam kong kailangan niya ako. Kailangan ko siyang sundan," sabi ko at tiningnan si Chris. "Dapat ko siyang sundan."

Marahang tumango si Chris. Hinalikan ako sa noo. "I'll wait for you."

I mouthed 'Thank you' at mabilis na hinabol si Will.

"Will!" pagtawag ko pero hindi niya ako pinansin. Hindi siya tumigil sa paglalakad. Mas binilisan pa nga niya.

Sinundan ko siya hanggang sa paradahan ng mga motorsiklo. At doon ko siya naabutan. Isusuot pa lamang niya ang helmet pero mabilis kong inagaw ito mula sa kanya.

"Ano bang problema, Will? K-Kausapin mo naman a-ako, oh." I felt my voice cracked. Hindi ko kaya ang ginagawang pag-iwas ni Will. Siya lang ang kaibigan ko. Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin. Hindi ko kayang mawala siya.

Nalukot ang mukha niya. Halatang pinipigilan ang pag-iyak, ang pagbuhos ng matinding emosyon. "Hindi ko na kaya, Ace. Hindi ko na kayang magpanggap na masaya ako para sayo. Hindi ko na kayang maging kaibigan mo."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Ayaw na niya? Ayaw na niya akong maging kaibigan? Iiwan na rin niya ako?

"Hindi ko na kayang magpanggap na hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo," dagdag niya. "Mahal kita, Ace. Mahal na mahal kita. Nang makita pa lang kita noon sa arcade, na-attract na ako sayo. Hanggang sa tuluyan kitang makilala. Hanggang sa umabot tayo sa puntong sobrang nagkakaintindihan tayo. Sobrang na-realize ko na mahal kita. Habang tumatagal, it grows bigger." Inilapat niya ang kanang kamay sa kaliwang dibdib.

"Gusto kong maging selfish pero wala akong magawa. Kaibigan lang ang turing mo sa akin," dagdag ni Will. Tuluyan nang tumulo ang luha niya. "Ang sakit, Ace. Ang sakit kapag nakikita kitang sobrang excited kapag makikipagkita ka sa ibang lalaki. Ang sakit kapag nakikita kitang nasasaktan kasi nabibigo ka. At ang sakit kasi masaya ka na ngayon. Masaya ka na kay Chris."

Kinuha niya ang helmet mula sa mga kamay ko. "I wish you all the best, Ace. I sincerely hope for your happiness. I love you. Good bye."

Isinuot niya ang helmet at nag-drive palayo.

Nanatili akong nakatayo. Tulala sa lahat ng mga narinig ko. Gulat. Pagkabigo. Matinding pagdadalumhati.

Nabalik lamang ako sa realidad nang marinig ko ang malalakas na busina ng sasakyan. Ang sigawan ng mga nagtatakbuhang tao.