ACE
"Sure ka bang okay ka lang? Pwede namang hindi na tayo tumuloy," tanong ni Ben. Nandito na kami sa sala at halos palabas na rin ng bahay. Pasado alas-singko na nga. Late na kami.
Nakadantay pa rin ang palad ni Clark sa likod ko.
"Okay lang ako," sagot ko. Hindi naman pwedeng dahil sa akin, hindi ka makapag-enjoy. Wala kasi si tita Wendy kaya kung hindi ako sasama, hindi makakasama si Ben. "Dala ko naman ang gamot ko." Tinapik ko ang maliit na bag na dala ko. Tumunog pa ang gamot ko sa pagkakaalog nito.
"Sige. Basta kapag gusto mo na umuwi, magsabi ka lang."
Tumango ako. Nagpunta na kami sa bahay ni Alex sa bandang dulo ng village. Hindi naman kalakihan ang village namin kaya kayang-kaya lakarin kapag may pupuntahan ka. Dahil exclusive nga, masarap maglakad-lakad, mag-jogging at magbisikleta na karaniwang exercise ng mga tagarito.
Malaki ang bahay ni Alex. Halatang mayaman ito. Nang makarating kami, marami ng tao. Nagkakasiyahan na sila. Nagkakainan at nagkuwentuhan sa malawak na garden kung saan gaganapin ang kasiyahan.
Pumuwesto kami sa lamesa na ipina-reserve ni Ben kay Alex. Sa bandang gilid iyon para hindi laging dadaanan ng tao. Alam din kasi ni Alex ang 'problema' ko.
"Ako na muna ang mauuna. Ikukuha ko na rin ng pagkain itong si Ace," sabi ni Ben na hindi pa nakakaupo. "Ikaw na bahala, Clark."
"Oo naman, tol," sabi ni Clark. Tahimik kaming naghintay kay Ben habang siya ay nasa buffet table at ikinukuha kami ng pagkain.
"Hey! Pare!" malakas na sabi ng isang lalaki na kinawayan pa si Clark. Tiningnan ko siya. Ang pamilyar na wavy na buhok. Ang mestisong balat.
"Jack!" ganti ni Clark. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pekeng ngiti niya.
Tumingin sa akin si Jack. "Pare, Jack nga pala." Inilahad nito ang isang kamay. Tiningnan ko lang ito. Sanay ito. Magaling magpanggap na hindi kami magkakilala.
Mabilis na inabot iyon ni Clark at nakipagkamay. Halata namang nabigla si Jack. "Pinsan ni Ben. Si Ace."
"Nice meeting you, Ace. Sige, mauna na ako," paalam nito at tinapunan pa ako ng ngiti bago tuluyang umalis.
"Huwag kang magdididikit doon. Kung sinu-sinong lalaki ang inuuwi noon," bulong ni Clark na nakatanaw kay Jack. "Akin ka lang." Mahina lamang ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko iyon.
Napatitig tuloy ako sa kanya pero parang wala siyang sinabi.
"Ikaw na, Clark," sabi ni Ben nang makabalik at inilapag ang dalawang pinggan ng pagkain sa lamesa. Inilapag niya ang isa sa harapan ko. "Kain na, Ace."
===
"Ayan! Mas pogi ka na ngayon!" parang proud na proud na sabi ni Will habang inaayos ang kuwelyo ng suot kong polo. Ngiting-ngiti pa siya habang ginagawa iyon. "Kapag ikaw, nilayasan pa niya, naku, hindi niya alam ang pinakawalan niya."
"Sira ka," natatawang sabi ko. Nandito ako sa kwarto niya. Pinahiram niya ako ng damit at inayusan dahil may date ako mamaya.
"Kapag binastos ka ng lalaking iyon, sabihin mo agad sa akin. Matitikman niya ang kamao ko," matapang na sabi ni Ace at hinipan ang nakakuyom na kamao.
"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako papayag na bastusin ng ibang tao," sabi ko. Maliban sa aking sariling ama.
"Basta tol, kahit anong mangyari, nandito lang ako."
Nginitian ko siya. Napakaswerte ko talaga sa taong ito.
Umalis na nga kami. Sinamahan niya pa ako sa meeting place ng kakatagpuin ko. Pumuwesto siya sa di kalayuan pero tanaw na tanaw ko siya. Sumenyas pa siya ng 'Goodluck'.
Maya-maya ay dumating na rin ang katagpo ko. Isang lalaki na ilang araw ko na ring kausap sa Tinder. Maayos ang naging usapan naming dalawa. Magaan ang loob ko sa kanya. Parang hindi ito ang unang beses na nagkita at nagkausap kami ng personal.
"Tara na?" maya-maya ay tanong niya. Nagtaka naman ako. Wala naman kaming ibang usapan.
"Saan tayo pupunta?" balik-tanong ko.
"Motel. Simulan na natin para hindi tayo gabihin."
Motel? So magse-sex kami?
"I thought this was just supposed to be a date. A getting-to-know-each-other-better meet up kind of date," sabi ko.
Nagbago ang expression ng mukha niya. Naging dismayado. "Magpapakipot ka pa? Doon din naman ang punta natin? Mabuti na iyong maaga. Para malaman natin kung compatible tayo sa kama."
Kahit ako ay nakaramdam ng pagkadismaya. Tangina. Sex lang ata ang habol nitong lalaking ito. What a jerk.
"Sasama ka ba o hindi? Kasi kung ayaw mo, maghahanap ako ng iba. Maraming willing magpakantot diyan."
Ah... Namanhid ang pakiramdam ko.
"Ganoon naman pala, eh," seryosong sabi ko. "Marami naman palang willing magpakantot sayo. You don't need me. Bye, asshole." Tumayo ako at lumabas ng restaurant. Sumunod naman si Will sa akin.
Nang mahabol niya ako, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Naluluhang napatingin ako sa kanya.
"It's okay. I'm here," sabi niya at niyakap ako.
==
Naramdaman ko ang pagpisil sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko. Pinipisil na si Clark ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Nakatanaw lamang siya sa malayo at pinapanood ang nagkakasiyahang mga bisita.
Kakaunti na lamang ang nandoon dahil gabi na. Halos mga grupo ng manginginom na lamang ang nandoon. Kasama ko ulit ang mga kaibigan ni Ben.
"Tangina, mga pare. Nakita ko isang beses si Jack. Nagjajakol diyan sa garden nila," sabi ni Alex. Halata ang pagkalasing niya. Kapitbahay niya lang kasi si Jack. Halos magkasinglaki ang bahay nila.
"Oh? Anong ginawa mo?" tanong ni Ben na may pang-aasar.
"Tangina, Ben! Anong gagawin ko? Hindi ako bakla, pare. Kung si Ric ang nakakita doon, baka tsinupa niya na yang si Jack," sabi ni Alex at nagtawanan ang lahat.
"Huwag mo nga ipasa sa akin ang mga gawain mo, Alex," depensa ni Ric. Lihim na natawa si Clark. Hindi siguro alam ng mga kaibigan nila na tsupaero at pakantot itong si Ric.
Naisubo na nga kaya ni Ric si Jack? Tanginang usapan naman kasi ito. Nakakalibog.
"Bakit kasi wala ka pang girlfriend, Ric? Bakla ka ba?" tanong ni Alex.
Napalingon ito sa gawi namin ni Clark pero mabilis ding iniwas ang tingin. "Porke walang girlfriend, bakla na agad? Marami nga diyan, may girlfriend at asawa na, pero nakikipag-sex sa lalaki."
Tinapik-tapik ni Ben ang likod ni Ric. "Tama na nga iyan. Baka umiyak pa itong muse natin."
"Gago!" mabilis na pag-react ni Ric at nagtawanan ulit ang lahat.
Nagpatuloy sila sa inuman at masayang kwentuhan at biruan. Maghahatinggabi na ng magyaya si Ben pauwi. Nawala na rin sa isip ko ang imbitasyon ni Jack. Siguro naman ay hindi na rin niya iisipin iyon dahil alam niyang nandito ako sa party.
Nagpaalam na kami sa mga kasama namin. Sumama na rin sa amin si Clark pauwi. Nasa unahan namin si Ben. Kasabayan ko sa paglalakad si Clark.
This is nice. Masarap din pala ang nasa labas. Nayakap ko ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Magpa-Pasko na nga pala. May mga ilan-ilan na ring bahay ang nakapag-decorate. Iba talaga Pilipinas. Unang araw pa lang ng September, nagde-decorate na para sa Pasko.
Patuloy kaming naglakad hanggang sa mapadaan kami sa park at makasalubong namin ang pamilyar na lalaki.
"H-hey," nahihiya nitong sabi. Tumigil kami sa paglalakad. Tumingin naman sa amin si Ben at Clark na halata ang pagtataka.
Siya ang lalaki na nakita ko noon. Ang lalaking napagkamalan kong si Jack noong hindi ko pa alam na ang naka-trip ko noon sa clubhouse at si Jack ay iisa.
"Kilala mo siya, Ace?" tanong ni Ben. Mukhang bahagyang nawala ang kalasingan nito sa paglalakad namin.
Actually, hindi. At hindi ko inaasahang makikita ko siya ulit. Lalo pa ngayon na kasama ko ang pinsan ko at si Clark. Ano ang isasagot ko? Kilala ko siya kasi hinalikan ko siya noon?
"Kuya ako ng kaklase niya noon," sagot ng lalaki. Halata naman kasi na mas matanda siya sa amin. "Damien nga pala." Inilahad nito ang palad nito.
Tinanggap iyon ni Ben. "Ben, pinsan niya."
"Clark, pare."