ACE
"Kumusta laro ko, Ace?" nakangiting tanong ni Clark at umupo sa tabi ko sa bleachers. Pawisan pa siya dahil katatapos lang ng laro nila. Iniabot ko sa kanya ang towel niya at pinunasan niya ang sarili.
Pansin ko lang na pagkatapos ng nangyari sa amin noong isang linggo, mas kinakausap na ako ni Clark. Medyo naaasiwa man ako, hindi ko na rin pinapahalata. Alam ko namang hindi masamang tao si Clark. At hindi niya ako sasaktan. Kung may isang tao sa mga kaibigan ni Ben na mapagkakatiwalaan ko, si Clark iyon.
Sunud-sunod na dumating si Ben, Avi at Ric. Hindi tulad ni Clark, balik kami sa dati ni Ric. Civil talks lang. Parang walang nangyari. Si Avi naman ay hindi ako masyadong kinakausap. Para bang nahihiya siya sa akin.
"Bakit nagpapasikat ka sa pinsan ko, ha?" nanunuksong tanong ni Ben sa kaibigan.
"Eh kanino naman ako magpapasikat? Wala naman tayong kasamang babae rito," depensa ni Clark.
Nagtawanan kami na natigil din nang lumapit sa amin si Alex. "May gagawin ba kayo mamaya?"
"Wala naman. Bakit, pre?" tanong ni Ric.
"Punta tayo sa bahay. Birthday ng kapatid ko. May kaunting salo-salo."
"Pass ako, pare," sabi ni Avi. Napatingin kami sa kanya. Tumingin siya sa akin at nang makitang nakatingin ako sa kanya, mabilis din niyang iniwas ang tingin sa akin. "May kailangan lang ayusin sa bahay. Pakisabi kay Anne, happy birthday na lang."
Bago pa man kami makapagsalita, umalis na siya. Parang nakaramdam ako ng pagka-guilty. Parang kasalanan ko kung bakit hindi siya masyadong sumasama sa mga kaibigan niya.
Inakbayan ako ni Clark. "Huwag mo na pansinin iyon," pag-aalo nito na parang alam ang sinasabi ko. Tumingin ako sa kanya and he gave me a reassuring smile.
"Oo nga. Ganoon lang talaga si Avi," segunda ni Ben. "Siya rin ang kakausap sayo kapag natanggal ang hiya niya sa katawan."
Naghiwa-hiwalay na kami para makapag-ayos sila para sa kainan mamaya. Dumiretso ako sa kwarto ko habang si Ben ay sa kwarto niya para makaligo na at makapagpalit ng damit.
Dinampot ko ang cellphone ko sa side table at nakitang may chat si Jack. "Free ka tonight? Kita tayo sa clubhouse mamaya. Tsupain mo ulit ako. Miss ko na bibig mo."
"Tingnan ko kung makakatakas ako mamaya," ang sagot ko. Hindi ko na hinintay na mag-reply siya. Nag-open ako ng fanfiction website para magbasa-basa.
Isang oras din ang lumipas nang may kumatok.
"Pasok ka."
"Hi," sabi ni Clark. Bumungad ang malapad niyang ngiti. Sobrang aliwalas ng mukha niya. Halatang bagong ligo siya. Nakasuot pa siya ng polo na bukas ang dalawang butones sa itaas. Lumantad ang maputi at makinis niyang dibdib.
"Clark. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Susunduin kayo," sabi niya at tuloy-tuloy na pumasok. Umupo siya sa tabi ko sa kama. "Tulog daw si Ben sabi ni Tita Wendy."
Nilingon ko ang cellphone ko. Alas tres pa lang ng hapon. Alas-singko pa naman ang usapan nilang magkakaibigan kaya siguro natulog muna si Ben. Pero bakit ang aga nitong si Clark?
Nahiga si Clark na ginamit pa ang dalawang braso bilang unan. Nag-flex tuloy ang muscles niya sa braso. Napalunok ako. Lumipat ang tingin ko sa nakalantad niyang dibdib. Tangina. Parang ang sarap hawakan.
Bumaba ang tingin ko sa suot niyang salawal. Bakat na bakat ang tarugo nito. Clark, inaakit mo ba ako?
Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Patulog muna."
Hindi na ako nagsalita. Pero nang akala kong matutulog nga siya, pumihit siya paharap sa akin at iniyakap ang isang braso sa akin. Hindi ako makagalaw. Nalilibugan ako sa taong nasa kama ko ngayon. Tiningnan ko siya at nakita kong nakapikit siya. Napaka-payapa ng paghinga niya. Ang sarap tingnan ng mukha niya.
Napatol kaya siya sa kapwa lalaki? Hindi ung pure sex lang. As in, nakikipagrelasyon din kaya siya?
Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama ko at ipinikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako sa marahang pagtapik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang napaka-gwapong anghel.
Lord. Nasa langit na ba ako?
Ngumiti siya. "Wake up, sleepyhead. Aalis na tayo." Napakalambing ng boses ni Clark. Tumatagos sa buong pagkatao ko.
Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Napapikit ako ulit. Hay, ang sarap sa pakiramdam.
--
"Kuya Will! Tingnan mo, oh! Ang taas ng lipad!"
Nakatanaw ako sa anim na taong kapatid ko na lalaki habang masayang nagpapalipad ng saranggola kasama si Will.
"Ang galing-galing naman, bunso!" sabi ni Will sa kanyang masayahing boses. Solong anak lang si Will kaya naman nakakamangha na mabilis na napalapit ang loob niya sa dalawang kapatid ko.
"Ayaw mo ba sumama kina Spade maglaro, Heart?" tanong ko sa kapatid kong babae na nakaupo sa tabi ko. Nakasandal kaming dalawa sa malaking puno ng acacia na nagbibigay lilim sa aming dalawa. Nakasuot pa kami ng school uniform.
Nalaman kong ka-eskwela ko pala si Will. At third-year din siya tulad ko. Hindi kasi ako mahilig makipagsosyalan kaya wala akong kakilala sa ibang section. Siya lang namumukod-tangi. Madalas na kaming mag-bonding nang magkasama at ngayon, dumiretso kami rito sa may palayan matapos namin sunduin ang kambal kong kapatid sa school.
Umiling siya. "Mas gusto ko sa tabi mo kuya."
Napangiti ako. "Halika nga," sabi ko at tinapik ang hita ko. Nakuha naman niya ang nais kong ipahiwatid. Humiga siya at umunan sa hita ko. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya. Mahaba na ito para sa anim na taong gulang. Ayaw niya kasi ipagupit dahil gusto niya na inaayusan siya ni mama ng buhok.
Pumikit si Heart. Tiningnan ko ang maamo niyang mukha. Kung may maipagpapasalamat man ako sa buhay ay sila ang naging mga kapatid ko. At saka hindi nila dinaranas ang galit ni daddy. Okay nang ako na lang. Huwag na sila.
"Heart..."
Dumilat siya. "Bakit kuya?"
"Anong gusto mong maging paglaki mo?"
"Gusto kong maging asawa mo, kuya."
Natatawang marahang pinitik ko ang noo niya. "Sira ka talaga. Hindi pwede iyon. Magkapatid tayo. At saka lalaki ang gusto ni kuya, hindi ba?"
"Ang daya naman. Ikaw ang gusto ko, eh," nakasimangot na sabi niya. "Pero bakit hindi na lang maging kayo ni Kuya Will? Ang bait-bait ni kuya, oh. Pogi pa."
"Ikaw na bata ka, ang dami-dami mong nalalaman," sabi ko. "Sagutin mo nga ang tanong ko. Hindi iyong puro kalokohan ang pinagsasasabi mo."
"Hindi naman kalokohan ang sinasabi ko, ah? Bagay naman kayo ni Kuya Will," nag-pout pa siya na parang nag-iisip. "Pero... hmm.. gusto kong maging nurse. O kaya doctor. Para kapag sinasaktan kayo ni daddy, gagamutin ko kayo."
Parang nadurog ang puso ko sa isinagot niya. Sa murang edad ay mulat na ang isip niya sa karahasan. Hindi niya dapat dinaranas iyon. Hindi nila deserve iyon.
Nagpakawala ako ng pilit na ngiti at bumalik sa pagsuklay ng buhok niya. "Galingan mo, ah. Aasahan namin ni mommy iyan."
"Oo naman, kuya!" Punung-puno ng ningning ang pag-asa ang mga mata niya.
Pero hindi na rin pala siya tatanda. Hindi na rin niya matutupad ang mga pangarap niya.
"Heart! Spade!" malakas kong sigaw habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Ang kaninang magandang bukirin ay napalitan ng madilim na silid.
Yakap-yakap ko ang duguang bangkay ng dalawa kong kapatid. Wala nang buhay ang mga kapatid ko. Wala na ang ningning at pag-asa sa mga mata ng kapatid ko.
Lumagabog ang pinto tanda na pwersahang binubuksan iyon ng tao sa labas. Nanginig ako sa takot pero hindi ako makagalaw.
"Ace! Buksan mo ang pinto! Ace! Anak!" narinig kong sigaw ni daddy sa labas. Wala na siya sa katinuan.
===
"Ace! Ace!"
Napadilat ako sa malakas na pagsigaw ni Clark. Malabo ang paningin ko. Napahawak ako sa mukha ko at naramdamang basa iyon. Umiyak ba ako?
Mabibilis na yabag ng paa ang narinig namin at mabilis na pumasok si Ben sa kwarto ko. "Anong nangyari?"
"S-Si Heart.. Si S-Spade," mahinang sagot ko. Naramdaman kong naiiyak na naman ako. "Wala na ang mga kapatid ko."
Pinaupo ako ni Clark at mabilis na niyakap. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa likod ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Lalaking-lalaki. "Shh... Nandito ako. Nandito kami."