webnovel

Chapter Six

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naligo ako agad at nagbihis. Paglabas ko nang kwarto ay wala si Ms. Hopkins. Hindi ko rin sya napansin kagabi.

Umuwi kaya sya? Pumunta ako sa kusina at nag init ng tubig. Nagtimpla ako nang dalawang hot-chocolate para sa aming dalawa ni Ms. Hopkins.

Kumuha din ako nang tinapay at pinalamanan yun ng peanut butter. Pagkatapos non ay pumunta ako sa kwarto ni Ms. Hopkins.

Kumatok ako ng tatlong beses at tinawag sya ngunit walang sumasagot. Naka-lock din ang pinto nang kwarto nya kaya hindi ko ito mabuksan.

"Ms. Hopkins, nakahanda na ang agahan natin. Lumabas ka nalang kung gusto mo nang kumain." 

Pagkasabi ko non ay bumalik na ako sa kusina para kumain nang agahan. Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko. Iniwan ko don ang dalawang tinapatly at isang tasa nang hot-chocolate para kay Ms. Hopkins.

Pumunta ako sa kwarto ko at kiuha ang sling bag ko. Naglagay ako nang isang notebook at ballpen don.

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya binilisan ko ang pag ayos sa gamit ko at lumabas ng kwarto. Baka si DO na yun.

Nakangiti akong lumapit sa pintuan at dahan dahang binuksan yon. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Nakayuko ito at halatang pagod na pagod. Puro sugat, galos, at mga natuyong dugo ang ibang parte ng katawan nito. May hawak din itong itim na coat.

"M-Ms. Hopkins?" Nagtatakang tanong ko. Bakit ganito ang hitsura nya? Ano bang nangyari?

"E-Excuse me.." yun lang ang sabi nya saka duniretso papasok sa loob ng kwarto nya.

Naguguluhan ako. A-Ano bang nangyari?

"Good morning!" Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa harap ko.

Si DO pala! Nakangiti ito at mukhang masaya. Napilitan rin akong ngumiti ng dahil don. Hindi ko na muna inisip si Ms. Hopkins.

Sinimulan na naming mag ikot. Nagsusulat ako sa notebook na dala ko. Isinusulat ko ang mga detalye tungkol dito sa academia.

***

Layla Hopkins' POV

Nandito ako ngayon sa office ng madame. Tanong sila ng tanong sakin pero ni isang sagot wala silang nakukuha sakin.

Mahigit ilang oras na rin akong nandito at gusto ko ng matulog.

"Ms. Hopkins, huling tanong ko na ito sayo. Anong ginawa mo sa loob ng Dark Forest?" Kahit hindi ako lumingon ay alam kong galing nanaman yon sa leader ng 'exotic' ang pinaka malakas na grupo dito sa academy.

Suho.

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Si Madame Aurora, si Suho, at ang pitong miyembro ng exotic.

Sa tingin ba nila kaya nilang talunin ang mga kalaban sana nagtatago sa dark forest? Maaaring mailigtas nya ang ibang academians pero hindi lahat. Malabo. Walo lang sila at hindi sapat ang kapangyarihan nila para patumbahin ang mga kalaban.

Napangisi ako sa sariling naisip.

Bigla nalang hinampas ni Chanyeol ang mesa na umalingawngaw sa buong office room. Naka kuyom ang palad nya at lumapit sakin. Alam kong nagpipigil lang sya ng galit.

"Pipe ka ba o ano?! Hindi ka ba magsasalita?!" Sigaw nya sa mismong mukha ko.

Nakita kong nagliyab ng apoy ang mga palad nya ngunit hindi ako natinag don.

"Magsasalita ka o susunugin kita ng buhay dito?" May galit na sabi nya.

"Mr. Park, cool off." Pigil ni madame na hawak ang braso nito.

"Hindi mo ako matatakot dyan, Park." Nakangising sabi ko naman sa kanya.

Inalis naman nya ang kamay ni madame na nakahawak sa braso nya at lumabas ng office, padabog nya ding sinara ang pinto.

"We'll talk about this tommorrow. Magpahinga ka, ihanda mo ang sarili mo bukas. Kailangan na may maisagot ka or else.. alam mo na ang mangyayari." Banta sakin ni madame.

Pagkasabi nya non ay walang pasabing lumabas ako dala ang coat ko. Ang sakit ng katawan ko fuck!

Puro sugat at natuyong dugo ang katawan ko. Gusto ko nang matulog, mamaya nalang ako pupunta sa clinic.

Pagdating ko sa dorm ay kumatok ako. Pinagbuksan ako ni Torres ng pinto. Mukhang nagulat ito dahil sa itsura ko kaya yumuko ako.

"M-Ms. Hopkins?" Tanong nya sakin.

Tsk tsk. Isa pa to, manong papasukin nalang ako.

"E-Excuse me." Pagkasabi ko non ay hindi ko sya tinapunan nang tingin. Dumiretso agad ako sa loob papasok sa kwarto ko.

Sa wakas!

Ibinagsak ko ang sarili ko pahiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko.

Maghanda kayo.. Darating na sila..

***

"Kasama ka talaga don?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang mamangha.

Miyembro sya ng 'exotic'. Ang pinaka malakas na grupo sa buong academy. Nagtaka tuloy ako kung anong kapangyarihan ang meron sya.

"Anong kapangyarihan ba ang meron ka?" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Force." Maigsing sambit nya.

"Woah." Mangha kong sabi.

"Mamimiss kita" bulong nya sakin.

Napangiti lang ako. Mamimiss din kita.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"Ang last na pupuntahan natin ay ang practice rooms. Makikita mo don ang mga academians na nag eensayo. Mararanasan mo din yun."

"Makikita mo ron ang mga iba't ibang uri ng kapangyarihan nang ibang academians. Hindi mo pa pwedeng subukan sa ngayon, pero alam ko gagawin nyo din yon."

Nagpunta na kami sa practice rooms. Medyo malayo rin ang nilakad namin dahil nanggaling pa kami sa likod ng student council.

Nasa dulo ang practice rooms. Ito ang pinaka huling building sa buong academia. Sa likod non ay mapuno, madilim, at nakakatakot.

"Ano ba yung mapunong bahagi na yon?" Tanong ko kay DO.

"It's called 'Dark Forest' hindi dapat pinupuntahan nang mga academians yun. Nakakatakot. Wag kang pupunta don ah? baka kunin ka nang mga kapre at mananang--"

"NO WAY!" sigaw ko at yumakap sa braso nya.

Natatakot tuloy ako. Baka mamaya pumunta sila sa dorm. Baka kunin nila ako.

"Wag kang pupunta don, okay?" Sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.

Napa ayos naman ako nang tayo. Shit! Nakayakap pa pala ako sa kanya. Nang makarating kami sa practice rooms ay nakita ko ang iba't ibang uri ng kapangyarihan.

"Bawat practice room ay dapat na may dalawang studyante. Ang makakasama ng mga junior ay senior. Samantalang pag senior na pwedeng magturo magturo ka. Pag naman training. Senior na rin ang magiging partner mo."

Napatingin ako sa isang kwarto. Mayroong isang abbae at isang lalaki ron. Huminto muna ako para tingnan ang ginagawa nila.

Ang lalaki ay nasa loob ng isang hugis bilog na nagsisilbing proteksyon nya upang masngga ang kapangyarihan ng babae.

Unti unting nagkakaron nang crack ang pader ng bilog na proteksyon ng lalaki. Pinagpatuloy pa ng babae ang ginagawa nya hanggang sa--

"Agh!" Naramdaman kong tumilapon ako sa kung saan. Hindi ako makabangon dahil sa sakit ng katawan. Nanghihina ako at dahan dahang nawalan ng malay.

---