Sofia's POV
Nakatulalang napatitig si Sofia sa papalayong bulto ng kaibigan niyang si Yanna.
Bago ito umalis ay tumingin muna ito sa kanya at ngumisi.
Lahat ng alaala ng nakaraan. Ang alaalang masasakit ay bumabalik kay Sofia.
Siguradong hindi pa rin siya nito napapatawad.
Matagal na sinisi ni Sofia ang sarili dahil sa pagkamatay ni Yanna. Halos lagi siyang umiiyak kapag naaalala ang pagkamatay nito. Mahal na mahal niya si Yanna.
Bestfriend niya si Yanna since grade school. Grade 3 sila nagkakilala. Nakita siya ni Yanna na binubully at pinagtanggol siya nito. Sisiga siga kasi si Yanna kaya kayang kaya nito ang mga kaklasi nilang nambubully sa kanya.
Simula non lagi na siyang kasama ni Yanna. Naging mag bestfriend sila.
Tinuruan siya ni Yanna na maging matapang. Wag palaging umiiyak at matutong lumaban.
Malaki ang pasasalamat niya dito.
Dahil tinuruan siya nitong maging matibay.
Kaya sobra niyang sinisi ang sarili sa pagkamatay nito at sobra niyang dinamdam ang pagkakasabi ni Yanna na hindi siya nito mapapatawad.
Bumalik si Sofia sa realidad ng mayroong tumabi sa kanya.
Nakaupo kasi siya ngayon sa waiting bench sa tapat ng kwarto niya.
Napatitig siya sa tumabi sa kanya. At yuon ay si Yanna.
" You know what? I'm so fu*king happy na nangyari sayo to. Kasi feeling ko nabawasan yung galit ko sayo. Alam mo nung nakita kitang duguan sa loob ng kotse nyo at walang malay. Hindi ko alam pero sobrang saya ko "sarcastic niyang sabi at nakatingin kung saan.
" Yanna.... I'm sorry " sabi ko ng nakatingin sa kanya.
"Sorry? Fuck that sorry! Mababalik ba niyan yung buhay ko ?! Siguro kung hindi moko iniwan. Naligtas moko at hindi ako namatay ! Kasi sabi ko kailangan kita diba ! Pero iniwan mo pa din ako ! " galit na galit niyang sabi at hinawakan yung braso ko at pinang gigilan iyon.
" Yanna... Kailan ako ni Mommy non. Inatake si Papa sana naman maintindihan mo yon at sana mapatawad---"
"Hinding hindi kita mapapatawad. Hinding hindi ! " galit niyang sabi sa akin.
" alam mo Sofia. Simula nung makilala ka nila Mama. Nasayo na yung atensyon nila. Ikaw na yung magaling para sa kanila. Kasi ako?!. Tingin nila sa akin failure !hindi iniisip yung kinabukasan. Hindi iniisip kung mabuti ba o masama yung disisyon. Hindi ginagamit yung utak. Walang alam. Walang modo. E ikaw ?! Perfect ! Sobrang daling ipagmalaki sobrang mabait at sobrang galing sa lahat ng bagay! At nakalimutan na nilang ako yung anak nila at hindi ikaw! Inagaw mo sa akin lahat Sofia. Buti nga hindi mo inagaw si Christopher sakin noon e ! Pero sobrang nagalit ulit ako sayo dahil buti kapa nakikita niya e ako hindi! Ano yun Sofia? Aagawin mo din ba siya??!" galit na galit at naiiyak niyang sinabi sa akin.
" Alam mo Yanna na hindi totoo yan. Wala akong inagaw sayo. Kahit kailan wala akong inagaw sayo. At si Christopher ? Hindi ko rin alam kung bakit niya ako nakikita. Pero kailangan ko siya ngayon " mababang boses na sabi ko.
" Hindi ako makakapayag na maagaw mo sya sakin Sofia. Mawawala muna ako dito bago mo magawa yun. Pero wala akong balak at hindi din ako makakapayag na mangyari yun" sabi niya at umalis na.
Napayuko nalang ako at napahagulgol.
'Hindi ko pwedeng isipin si Yanna ngayon. Kailangan kong makahanap ng paraan para makabalik sa katawan ko. Kailangan ko si Christopher. Matagal ko ng pinagsisihan ang pagkamatay niya. Matagal kong sinisi ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman talaga kasalanan . Kaya Yanna I'm sorry pero kailangan ko si Christopher ngayon'
Sinabi ko sa aking isispan at pinunasan ang akin luha na hinanap si Christopher sa ospital.
Naglakad lakad ako at ginawa ko muli ang pagsuyod sa ospital.
At laking pasasalamat ko nanv makita ko si Cristhopher sa children's park ng ospital .
Pero bago ko siya lapitan ay tumingin muna ako sa paligid upang malaman kung nasa malapit lang si Yanna. Pero wala siya kaya lumapit na ako.
Dahan dahan akong lumapit at tumikhim nang makita kong nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone.
" hmmm. Ahhhm excuse me? Ikaw si Cristhopher diba?" sabi ko at napa angat siya ng tingin.
Totoo nga nakikita niya talaga ako.
" Yes? At ikaw yung ikaw yung umiiyak dito na pinagbawalan kong mag ingay hindi ba?" tanong niya at napatango nalang ako.
" ahhhm yes ako nga yon. Ahhm I'm Sofia Valera." sabi ko at naglahad ng kamay sa kanya.
" Cristhopher Palma." sabi niya din at nakipag kamay sa akin.
" Ikaw yung boyfriend ni Yanna hindi ba ? Yanna Asunsion?" sabi ko ng diretso dahil kailangan ko ng magmadali dahil baka kung ano nang mangyari kung hindi kopa binilisan.
" ahmm yes. Pano mo nalaman yun?" sagot niya ng may lungkot sa kanyang mukha.
" I'm her bestfriend . The one who's loudly crying nung burol niya." sabi ko naman ng may pag aalangan.
" ohh. I remember. Ahmm nice to meet you again. Nagkakilala na tayo noon pero hindi ko matandaan dahil you look horrible that time kaya hindi kita matandaan sa muka. No offense." sabi niya at may ngiti na sa labi.
" nah it's ok. Ahhmm i know ngayon mo palang ako nakilala pero can i ask you a...favor ?" please please sana pumayag to.
" ahmmm haha favor? Ahmm what kind of favor? Kaya ko ba yan? " sabi niya ng nagtataka.
" Can you help me on my problem ?please can you?" sabi ko at umaasang sumige siya.
" Ahmmm sure . What is it ?" tanong niya.
" Can you come with me first. May kailanga ka munang makita bago mo ako tulungan " sabi ko sa kanya.
" ahmm ok... Saan ba?" tanong niya.
" ahmmm second floor. Room 106" sabi ko sa kanya .
Pagakatapos kong sabihin iyon ay sumama na siya sa akin.
…
Christopher 's POV
Naka upo ako sa swing sa children's park dito sa ospital at abala ako sa cellphone ng mayroong babaing lumapit sa akin.
" hmmm. Ahhhm excuse me? Ikaw si Cristhopher diba?" pag kakasabi niya at napaangat agad ako ng tingin.
Paano niya ako nakilala. Yun ang babaing nakita niyang malakas na umiiyak dito din mismo sa ospital nuong nakaraang linggo.
Kinausap siya nung babae at nagpakilala ito.
Nalaman din niyang kaibigan ito ng Girlfriend niyang si Yanna.
Well ex girlfriend niya na ito. Bago ito mamatay ay nakipag hiwalay na ito sa kanya. Hindi na daw ito masaya dahil sobrang boring niya daw kasama.
Nasaktan siya doon pero tinanggap nalamang niya. At nung nalaman niyang namatay na ito ay pinunrahan niya pa din dahil hindi naman niya inaasahan iyon.
Matagal na sila ni Yanna noon pero kahit minsan ay hindi siya nito pinakilala sa mga magulang nito. At sa mga kaibigan nito. Nalaman niya lamang na namatay ito dahil ang alam ng lahat ay magkaibigan lamang sila dahil sa lagi silang magkasama.
" Paano mo nalaman ng boyfriend ako ni Yanna?" tanong ko kay Sofia na kaibigan ni Yanna. Ngayon ay papaakyat kami sa hagdan sa second floor para makita kung ano man ang gusto niya munanang ipakita dahil humingi ito ng favor sa kanya.
" Naikwento ka lang sakin minsan ni Yanna. Pero hindi tayo nagkakilala dahil hindi ko din alam kung bakit " sinabi niya ng nag aalangan pa.
Napa tango tango na lamang ako.
Dumating kami sa sinabi niyang kuwarto. Ano naman kaya ang gagawin namin dito.
Pinagmasda ko siya kung ano man yung gagawin niya dahil wala ako ideya sa kung anomang pabor ang gusto niyang gawin ko.
Pumunta siya sa tapat ng glass na bintana sa room 106.
Tumingin siya don at binalingan ako ng tingin.
" Naaksidente kami ng ate ko nung dapat ay kukunin lang namin ang gown ko sa cebu.Mag be birthday na kasi ako sa isang araw. Debut kona sana. Pero dahil naaksidente nga ako. Hindi na iyon matutuloy. Nabunggo ng truck yung kotse namin at bumaligtad iyon ako yung pinaka napuruhan don. Bumangga kung saan yung ulo ko tapos natuhog ako sa tiyan ko. Nung nakaraang raang buwan pa iyon. But still..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya at tumingin sa akin at pinalapit ako don.
Lumapit ako at tumingin kung saan man naka tingin si Sofia.
Naguguluhan ako tumingin sa kanya matapos kong makita na kamukha niya ang nasa loob ng kwartong iyon.
" Kakambal mo? Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa kanya.
" ako yan " pagkakasabi niya ng nakatingin pa rin sa pasyente sa loob.
" huh? Anong sabi mo?" tanong ko ng naguguluhan.
Dahil panong siya ang nasa loob kung kausap ko siya ngayon.
" ako ang babaing iyan. Pagkatapos ng aksidente ay...nahiwalay ako sa mismo kong katawan. Hindi ko alam kung paanong nangyari at wala din ako ideya kung bakit mo ako...nakikita " sabi niya.
" What do you mean??" kunot noo kong tanong.
" Kaluluwa na lang ako. Kaluluwang nanggaling sa katawang hindi pa patay. Hindi ko alam kung paano iyong nangyari at mawawalan na sana ako ng pag asa pero nung nakita mo ako umaasa akong maaari mo akong tulungan" sabi niya.
" panong nangyari na nakikita kita?" tanong ko pero hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari.
" Hindi ko rin alam. Wala din akong ideya.." sabi niya.
" Sasabihin ko na ang totoo. Hindi ....ako naniniwala. Baka pinag titripan mo lang ako ahh."
" No. No..kaya kong patunayan " sabi niya.
Lumayo siya sa akin at...tumagos sa harang na pader sa kanyang kwarto.
Napaatras ako sa nakita ko. So totoo ngang kaluluwa nalang siya.
" ammmm pano naman kita matutulungan?" sabi ko nang nag aalangan pa.
" Hindi ko din alam pero ikaw lang kasi ang nakakakita sa akin. "
To be continue....
Chapter 9 is done !!
Thanks to all who read my story loveyou all ❤