Malakas ang iyak ng bata habang ang kanyang ina ay nakatitig lang sa kawalan, tumakbo na si Riza dahil sa narinig niyang pag iyak ng bata, galing siya sa palengke namili siya ng mga supply nila sa bahay pati na rin gatas at diaper ng bata.
"Stella anuba umiiyak na ang anak mo o,"
Kinarga na niya ang bata , kaya tumahan na din ito.
"Stella gawan mo naman ng dede ang anak mo,"
Hindi lang ito kumibo, kaya siya na lang ang gumawa ng gatas nito hangang sa maka tulog na ang bata, nahihiwagaan siya sa ginagawi ni Stella lagi itong tulala mabuti na lang at nailibing na si Major Reyes dahil dito sa bahay ay hindi na siya mag kanda ugaga sa mga trabahong kailangang gawin , paka pananghalian ay naisipan niyang matulog dahil lagi siyang puyat sa pagbantay ng bata hindi na kasi maaasahan ang nanay nito, pinaliliguan na nga lang niya ito at sinusubuan para lang makakain , lagi kasi itong naka tingin lang sa kawalan, natutulog na siya katabi niya ang bata ng may gumising sa kanya,
"Aling Riza gumising po kayo si Aling Stella po nandun sa may tulay aakyat po yata sa tulay, dalian po ninyo ."
Pagkarinig niya sa sinabi ng bata ay agad siyang tumakbo para saklolohan ito, tinulungan naman siya ng mga kapit bahay nila para maiuwi na si Stella , dahil sa nangyaring iyon ay humingi na siya ng tulong sa senador,
"Senator tulungan po ninyo ako para pong nagka deperensiya sa isip ang asawa ni Major Reyes hindi ko po makakayang bantayan ang mag,- ina lalo pa at mahirap ng pakibagayan si Stella ,tulad noong isang araw muntik na siyang tumalon sa tulay at nung nakaraan po ay binato ng unan ang bata dahil maingay daw delekado po ang lagay ng bata kung kasama namin siya sa bahay , ano po ang mabuti naming gawin?,"
Hayaan mo Major gagawan ko po ng paraan ang problema ninyo,
Kinuha ng ambulansiya si Stella at dinala ito sa hospital, ang finding ng doctor ay "Post Partum Depression,"
"This occurs in women soon after giving birth, symptoms include sadness and hopelessness, " "counceling and anti depressants are the treatment options." But it should'nt be ignored, Like any other illness, there's help out there to ease the symptoms," paliwanag ng doctor sa kanila.
"Ano po ang maaari naming gawin sa sitwasyon niya ngayon?"
Tanong ni Senator Agustin sa doctor ,
"My only advice is mabantayan siya 24 hours hindi siya dapat malingatan at kung maari sa pag papainom ng gamot ay siguraduhin lamang na mainom talaga niya ang gamot, ang iba kasi na may ganyang kaso ay hindi nila ini inom ang kanilang mga gamot." kung maiinom niya sa tamang oras ang kanyang gamot mga 3 months to 6 months ay puwedeng ma cure na siya pero depende pa rin iyan sa response ng pasyente and to the willingness niyang ma cure, sometimes many of them are non recovering na , because they did not had a hope para patuloy na mabuhay, we will just wish to God for her early recovery,
"Pero kung gusto ninyo maaari ninyo siyang i confine sa Mental Institution, hindi siya isasabay sa mga may malala ng karamdaman mag isa lang siya sa kuwarto pero magastos."
"Sa gastos po wala po tayong problema,"
"Okey then , bibigyan ko po kayo ng recommendation para sa pag confine ninyo sa kanya ,"
Nasa jeep na siya pauwi habang bumalik sa isip niya ang mga nangyari noon,
"Rey dalian mo na kung sasama ka pag hatid sa akin sa airport ready na kami dito ng nanay Lagring mo,"
"Opo nay, sandali lang ,"
Nasa airport na sila ng mapansin ng kanyang ina na hindi na nakapag suklay ang anak .
"Anak ano ka ba naman ni manuklay ay hindi mo pa magawa dalaga ka na anak anu ka ba?"
"Hayaan mo na lang yan nay , kahit naman hindi ako mag suklay maganda pa rin naman ako di ba?,"
" Hus, kayabang nitong anak ko ah," ginulo pa nito uli ang buhok ng anak, iyon ang gesture niya sa kanyang anak kapag nangungulit ito,
Sinulay suklay na lang niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok na unat na unat at may habang hangang beywang,
Pauwi na sila ng kanyang nanay Lagring nagpa bumaba siya sa Mall,
"Mauna ka na po nay may bibilhin lang ako ,sandali lang po ako,"
"O, sige basta dalian mo lang baka gabihin ka na niyan,"
"Okey po nay,"
Papunta na siya sa grocery section, ng may madaanan siyang maraming tao, kaya na stack siya sa isang tabi, hindi maka galaw ang mga tao, kaya lumayo siya ng bahagya sa karamihan napunta siya sa mens section, pero wala naman siyang bibilhin doon kaya nakatayo lang siya sa isang tabi doon , hihintayin na lang niyang humupa na ang tao kung hindi naman ay uuwi na lang siya, Nang may lumapit sa kanya sinusundan ito ng camera, isang guwapo din na bata pang lalaki binigyan siya ng isang makapal na magazine na ito mismo ang cover at isang 3R na picture nito at may pirma nito for Autograph,
" Magandang binibini para sayo sabay bigay sa kanya ng hawak na magazine at picture," may i know your name please," sabay lahad ng kamay nito para makipagkamay sa kanya , pero hindi pa umaabot ang kamay niya sa kamay nito ay biglang nahawakan ni Eli ang kamay niya, at nginitian siya na parang nakaka loko, bigla niyang hinablot ang kanyang kamay at aalis na sana siya pero nahawakan siya nito sa braso,
"Teka lang Rey," sabihin mo sa kanila na girlfriend kita , para maintindihan nila kung bakit nagawa ko yon,"
Nanggigil na si Rey kaya para matapos na ang lahat ay nagpaliwanag na siya sa harap ng kamera,
"Sorry , hinihintay ko lang itong boyfriend kaya nakatayo ako dito, anyway salamat dito sa magazine and dito sa picture iwinagayway pa niya ang picture nito sa kanyang kamay, sorry talaga,"
"Apology accepted boss namin ang boyfriend mo so how can i not forgive you young lady?,"
Palabas na sila ng mall kaya sinininghalan na niya ito,
" Bakit ba sumusulpot ka na lang lagi sa kung saan saan ini stalk mo ba ako?,"
"Hindi, bakit naman kita susundan may trabaho ako dito nasa computer room ako para bantayan yung artistang lumapit sayo kanina , ng makita kung tumigil siya at tumayo ay naisipan kong ikaw nga ang pupuntahan ni Calvin kaya yun bumaba ako agad at bingo ikaw nga ang nilapitan niya, alam ko naman kasi ang mga celebrities na yan pag nakita ka ay talagang hindi yan makatiis na hindi ka lapitan,"
"Ikaw Eli ha anong akala mo sa akin?, hay ewan ko sayo, maka uwi na nga"
"Ano ang ginagawa mo sa mall?, bakit mag isa ka lang?,"
"Wala kang pakialam wala na kaming grocery, mag go grocery sana ako kaso hindi ako maka daan marami kasi ang tao sa dadaanan ko, umuwi ka na Rey, ihahatid na kita ,''
"Hindi mo ako ihahatid di ba sabi mo may trabaho ka? , kaya bumalik ka na sa trabaho mo, ako ng bahala sa sarili ko ,"
"Rey huwag matigas ang ulo halika na iuuwi na kita ,"
"Sino ka ba? at ano ka ba sa buhay ko?"
"Hindi mo ako ka ano ano, kaya wala kang karapatan na diktahan ako sa mga nais kong gawin, pabayaan mo nga ako dahil kaya ko ang ang sarili ko,"
Hindi ito nakinig sa kanya dali dali na siya nitong hinila papunta sa kotse nito at pagka sakay ay agad na pina arangkada na nito ang sasakyan,
"Elija wala na kaming grocery sa bahay paano kaming kakain niyan, magugutom si nanay Lagring maliligo ako bukas wala na kaming sabon wala na rin akong shampoo iinom ako ng kape sa umaga wala na kaming kape, ano ba Elija nakikinig ka ba?, stop the car ! Elija ihinto mo sabi ang sasakyan bababa ako , Elija sigaw dito ni Rey ,"
"Biglang nag preno ng sasakyan si Eli,
Puwede ba Rey tumahimik ka na madidisgrasya tayo, sa ingay mo.
"Ibaba mo na kasi ako, mag go grocery nga ako,"
"Puwede ba Rey tumahimik ka muna nagmamadali ako babalik pa ako sa mall may trabaho akong naiwan doon, ang grocery ninyo ako ng bahala doon,"
"Wala ka ngang pakialam sa akin bumalik na lang tayo para makapag grocery na ako at ikaw bumalik ka na din sa trabaho mo."
"Aubrey Crisologo puwede ba huwag matigas ang ulo mo , malapit na tayo sa bahay ninyo kaya tumahimik ka na puwede?"
"Elijah Ponce alam mo mapapatay kita sa ginagawa mo sa akin ,"
" Okey lang Rey as long as iyon ang maka pag papasaya sayo, pasok ka na huwag ka ng lalabas gabi na ,"
Kina umagahan ay pumunta si Rey ng school para mag practice, bakasyon na kaya konti na lang ang tao sa school , yung iba kukuha ng transfer yung iba naman nag aasikaso ng pagpasok may mga kasama pang mga magulang dahil baguhan kaya tinutulungan ng mga magulang para mag enroll, tuloy tuloy lang siya sa pag practice , ng biglang may tumabi sa kanya si Eli .
"Pumunta ako sa bahay ninyo,dinala ko na rin ang grocery ninyo , nalaman kong narito ka kaya pinuntahan kita dito,
"Anong kailanagan mo Eli? "
"Wala lang ,"
"Wala ka bang trabaho ngayon?"
"Wala , nandun si daddy, pumapasok lang ako pag wala si daddy kung nandiyan na siya hindi na ako pumapasok kaya na niya iyon , tapos ka na ba? Halika kumain muna tayo nagugutom na kasi ako,
"Sige pauwi na rin lang ako ,"
"Rey alam mo ma mi miss kita,"
"Bakit ?"
"Aalis na kasi kami bukas, ayaw mo ba talagang sumama?,"
"Hindi nga puwede Eli sayang din kasi yung pagkakataon na makasali sa Olympics,"
"O, di sige basta huwag ka masyadong magpapagabi kung may practice ka tawagan mo ako kung nakarating na kayo sa pagdarausan ng Olympics baka malapit lang puwede kitang puntahan doon, huwag ka munang manood ng kung anumang show mahirap na baka kung anupang mangyari,"
Araw ng pag alis in Eli sinundo siya nito sa bahay at ipinahatid na lang siya nito sa driver, ng papasok na ito sa boarding ay niyakap siya nito ng mahigpit at lumuluha itong pumasok na sa loob.
Nang maihatid na siya ng driver sa bahay at may ibinigay sa kanya ang driver isang wallet may laman na $1,000 dollars.
"Pocket money mo daw yan sa pagpunta mo sa Olympics , Rey kung hindi mo daw tanggapin ay itapon mo na lang daw, at pagagalitan niya ako at aalisin daw niya ako sa trabaho kung tatanggapin ko yan pag binalik mo,"
"Hayaan nyo po ako na lang po ang babalik nito sa kanya pag uwi niya ,"
"Sige na Rey pumasok ka na, bilin niya kasi huwag daw akong aalis hangat hindi ka pa nakakapasok,"
"Okey po papasok na po ako salamat po sa paghatid,"
Pagpasok niya sa bahay ay inabutan niya sa sala si Mrs. Estella De Lara .
"Magandang hapon po," bati niya dito ,
" Mabuti't narito ka na Rey ikaw talaga ang sadya ko , heto may dala ako sayong mga damit dumaan kasi ako ng mall kanina kaya naisipan kong ibili kita nito ,"
"Salamat na lang po mam, hindi ko po yan matatangap at saka meron pa naman po akong isinusuot , hindi naman po ako maselan sa damit sanay po ako sa paulit ulit na pagsuot ng damit okey na po sa akin yon basta lang malinis ay ayos na yon ,"
" Konting bagay lang naman iyan kaya tangapin mo na iha,"
"Sorry po talaga, ano nga po pala ang says bingo,"
'Wala naman akong sadya gusto ko lang dalhin ang mga ito sayo ,"
"Naka pag tataka naman po kung bakit kayo naparito, tungkol po ba ito kay Eli? sorry po pakisabi na lang kay Andrea na hindi ko siya igi give up, mahal na mahal ko po si Eli,"
" Naiintindihan kita Rey kaya huwag kang mag alala hindi ka na gagambalain ni Andrea ,"
"Salamat na lang po kung ganun, kasi hindi namin hahayaang masira ang relasyon namin ni Eli, hidi po kami bibitiw sa isa' t- isa, anuman po ang mangyari, makaka alis na po kayo dahil pagod po ako gusto ko na pong magpahinga. Pakidala po ulit ng mga bitbit ninyo hindi ko po kailangan ang mga yan "
Umalis na malungkot ang ginang.
Nasa school si Rey at nagpa practice ng Lawn tennis sinundo siya ng apat na kaibigan .
Rey na miss ka namin halika sumama ka sa namin manood tayo ng sine.