webnovel

A Night with Stranger(Tagalog)

作者: addie_almeda
奇幻言情
已完結 · 80.6K 流覽
  • 13 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

May isang babaeng nagngangalang Cristana ang nabuntis nang hindi man lang nalalaman kung sino ang ama ng pinagbubuntis niyang bata. Noong una’y ayaw niya nang ipagtanong pa kung sino ang lalaki ngunit pinilit siya ng kaniyang mga magulang. Wala naman siyang nakalap na impormasyon tungkol sa ama ng bata kaya napagdesisyunan niyang umalis ng bansa. Tumira sila ng kaniyang anak sa America at pagkaraan ng anim na taon ay napagdesisyunan niyang umuwi ng Pinas. Hindi niya lubos akalain na sa pag-uwi niya’y makikita’t makakausap niya ang ama ng bata. “ Gusto ko lang malaman kung buhay pa ba ang anak ko,” turan ng lalaki na nasa harap niya. Iginiit niyang buhay pa ang bata upang hindi na mapalapit ang loob ng anak niya sa ama nito. Nangangamba rin siya na baka mawalan na sa kaniya ng oras ang anak niya. Sa pagpupumilit niyang makalayo sa lalaki ay ang siya namang pangungulit nito sa kaniya.

標籤
2 標籤
Chapter 1A Night with Stranger— Part 1

Part 1

Ngayon ang unang beses na pinayagan akong pumunta ng bar. Sa buong buhay ko ay never ko pang na-experience na uminom at makihalubilo sa tao sa lugar na 'yon. I'm already 26 years old at nagtatrabaho sa isang sikat na kompanyang malapit sa amin. Aaminin ko na hindi ako yung tipong mahilig gumala. Siguro'y bunga na rin iyon ng pagiging mahiyain ko't pagkakaroon ng strict na parent. May mga kaibigan din naman ako at madalas na tungkol sa mga experience nila sa bar ang pinag-uusapan nila. Mababait naman sila't never naging bad influence kaya naman nagpapasalamat pa rin ako.

" Ma, aalis na po ako," pagpapaalam ko.

Tinanguan naman ako ni Mama sa pag-aakalang papasok na ako sa trabaho.

Lumabas na ako ng bahay saka naman pumara ng tricycle.

" Manong, Exera Bar po," saad ko. Tinignan naman ako ni Manong bago siya nagmaneho.

" Unang beses mo ata pumunta don, ah " sambit nito.

" Ah, opo" sagot ko naman. Hindi naman na siya masyadong nag-usisa. Alas singko nong umalis ako at 5:29 naman nong dumating.

Binayaran ko naman kaagad ang sinakyan ko at saka dumiretso sa loob. Pumunta ako sa unahan at nag order ng inumin.

" Ms. ano gusto mo?" tanong ng bartender.

" Hindi ko alam, e" sagot ko kaya naman bigla itong napatitig sa akin.

" Ano? Hindi mo po alam mga inumin dito?" muli nitong tanong.

I just nodded at him. Oo, halata na 'di talaga ako umiinom.

" Sige, bibigyan nalang po kita ng kahit ano pero hindi nakakamatay, HAHA" sagot nito saka pasimpleng tumawa.

Bata pa siya at sa tantya ko ay mga bente-uno anyos.

Binigyan ako nito ng inumin na masasabi ko na masarap.

" Doon muna ako ah," sambit ko.

" Saan?" tanong nito.

" Doon, oh" saad ko sabay turo.

" Nako! pwede bang 'wag ka na doon, Ma'am" sambit nito.

" Bakit naman?" tanong ko.

" Delekado baka kung sino-sino pa diyan makahalubilo mo kapag nalasing ka. Mag-isa ka pa naman. Dito ka nalang at babantayan kita.Don't worry, hindi ako masamang tao," turan nito.

Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa mabuting ipinakita nito.Sinunod ko naman ang sinabi nito dahil sa tingin ko ay mas safe nga ako kung doon lang ako.

Ilang oras pa akong tumagal doon ay medyo nahihilo na ako.

" Arghhh! n-nasusuk-ka a-kk-o " saad ko.

Busy ang bartender kaya naman hindi niya ako napansin. Hindi na rin maayos ang paglalakad ko at sa nakikita ko ay tila bako-bako na.

" Ms, asan 'yong cr?" tanong ko sa isang babae na parang bayaran dahil sa suot.

" Doon sa pangatlong pinto," sambit nito kaya sinunod ko naman.

" Sige, salamat" saad ko at nakita ko pa siyang ngumiti.

Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang isabg lalaki.

" Wahhhh—" Hindi ko na napigilan at nasuka na ako sa lapag.

" Sorr—"

Hinawakan niya ako sa bewang kaya naman hindi ko na natuloy ang aking sasabihin. Nahilo na ako at tuluyang nakatulog.

Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari.

_____________

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Nasa kwarto pa rin pala ako ngunit ang kaibahan ay nasa kama na.

Inilibot ko pa ang aking mga mata at agad na napabangon dahil sa aking nakita.

" M- mama! " sigaw ko.

Nagising naman ang lalaki sa tabi ko. Napagtanto ko na kanina pa itong nakaakap sa akin.

" B-bakit? Wala naman sa ating nangyari 'di ba?" tanong ko.

Ngumiti naman ito saka umupo. Nakita ko ang katawan nito.

Ang laki ng katawan nito at kitang-kita ng mga mata ko ang 6 pack abs nito.

" Hmm."

Bigla akong nabalik sa realidad.

" Wala naman nangyari sa atin diba?" muli kong tanong.

Muli lang ako nitong nginitian.

Nilapitan ko siya't hinawakan sa balikat.

" 'Di ba walang nangyari?" pag-uulit ko.

Hindi siya sumagot kaya naman naisip ko na umalis nalang.

" Asan yung bag ko?" sa isip-isip ko.

Nakita ko na nasa lamesa lang pala ito. Agad kong tinignan ang laman nito at hinanap kung naroroon pa ang pera at cellphone ko.

" Don't worry, wala akong interes sa kayaman n mayroon ka sa bag mo," saad nito at ngumiti n naman.

Tila ba nakakaloko ang mga ngiti nito. Mapapaisip ka na lang talaga kung ano nangyari habang tulog ako.

" Hindi niya naman yata ako ni-rape, 'di ba? " sa isip-isip ko.

" Sabagay, mararamdaman ko naman 'yon kung may nangyari."

" Eh, paano kung meron nga? tapos hindi ko pa ngayon ramdam? paano kung mabuntis ako? Nako! Jusko po."

Muli ko siyang tinitigan.

Hindi naman ito gumalaw sa kinalalagyan niya.

Pinihit ko ang pinto atsaka naman ako nagulat ng makita ko ang babaeng nakita ko kanina at isa pa na tila Manager nila.

" Sir, sorry sa paghihintay. Ito na pala yung order mo," saad nito.

Nagtaka naman ako sa tinutukoy nitong order ng lalaki. Wala naman itong dala-dalang box or bag. Ang nakikita ko lang ngayon ay isang babae na sobrang sexy.

" Ha? Akala ko ba siya na yung order ko," sambit nito at tinuro ako.

" Whuuut? " sa loob-loob ko.

" What do you mean na ako?" gulat kong tanong sa kanila.

" Sir, siya po ang order mo hindi siya. Hindi ko nga 'yan kilala," sambit ng manager.

Muli ko namang tinignan ang babaeng nakausap ko kanina.

" Pangatlong room?" sambit ko.

[;/pak! ] sinapak ko siya dahil sa ginawa niya.

" Sinungaling !" bulyaw ko bago umalis sa kanila.

Hindi pa naman ako nakakalayo nang marinig ko ang lalaki na muling nagsalita.

" Tss! ito ba sinabi mong order ko? No, thanks. Mas okay yung kanina. I want her! " saad nito.

Hindi na ako pumasok pa para sabihin na hindi ko siya gusto kaso baka sampalin ako pabalik ng babae.

Pagkalabas ko ay inayos ko ang sarili ko.

" Kainis! grrrr! "

" Paano kung may nangyari sa amin nung lalaki na 'yon?"

" Tss! malilintikan ako nito," sambit ko bago pumara ng tricy.

Nakauwi naman na ako ng ligtas. Hindi naman ako napagalitan ni Mama dahil nasa tamang edad naman na ako. Sa katunayan ay pinag-aasawa na ako nila kaso wala pa akong napupusuan. Ayoko naman na magmadali dahil gusto ko pang i-enjoy ang buhay ko.

Natulog ulit ako at hindi na muna inisip ang mga nangyari.

To be continued.

你也許也喜歡

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · 奇幻言情
分數不夠
28 Chs

評分

  • 全部評分
  • 寫作品質
  • 更新穩定度
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景
評論
點贊
最新

鼎力相助