webnovel

Desliz del Tiempo (Filipino) COMPLETED

作者: AuraRued
奇幻言情
連載 · 77.3K 流覽
  • 21 章
    內容
  • 評分
  • NO.200+
    鼎力相助
摘要

After a long arduous day, Alexa found herself in an old 'greasy-spoon'. Habang tahimik siyang kumakain ay bigla na lang lumindol nang malakas at gumuho ang buong gusali, lahat ng taong nandoon ay natabunan pati na siya. Nagising si Alexa sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi pa niya napuntahan. Pati ang mga taong nakapaligid ay hindi niya kilala, katawa-tawa din magsalita at manamit ang mga ito dahil animo'y nasa isang dula. Naisip niya na lahat ng iyon ay isa lamang kakatwang panaginip. Sa panaginip niyang iyon ay nakilala niya si Juan Diego Velez, the oldest son of familia Velez , ang mortal na kaaway ng Monserrat, ang kanyang pamilya. Despite the rumors and undeniable family feud, she could not bring herself to fear him, let alone fall inlove at ganoon din ito sa kanya. Ngunit dahil sa komplikadong relasyon, they were forcefully separated by her family. Nasaksihan niya kung paano nagwakas ang buhay nito. That was when she suddenly woke up from a deep slumber ngunit bakit ang lahat ng emosyon lalo na ang sakit na kanyang nadama ay tila totoo? Lalo lamang siyang naguluhan nang makilala ang presidente ng bago niyang pinagtatrabahuhan. The man possessed the very face of Diego.

標籤
4 標籤
Chapter 1Prologue

"THANK you for coming, Miss Monserrat, we'll give you a call for the result," saad ng sekretarya kay Alexa. Ganoon na ganoon ang linya ng mga transaksiyong malabo ang nagiging resulta or worst, negative.

"Sige po, ma'am. Salamat din po." Laglag ang balikat niya na lumabas ng gusali. Mukhang bigo na naman ang araw niya. Mababawasan na naman ang listahan niya ng job hirings nang walang napala.

Limang buwan na siyang naghahanap ng malilipatang trabaho at sa limang buwan na iyon ay puro paasang linya lang ang kanyang natatanggap. Halos dumugo na ang tainga niya sa paulit-ulit na dialogue ng mga ito. Hindi ba naiisip ng mga taong iyon na masyado nang gasgas ang salitang iyon? Hindi man lang sila nag-isip ng ibang masasabi.

Naisipan niyang mag-iba ng career dahil nagsawa na siya sa kakakayod sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Five years, pero isang beses lang nadagdagan ang kakarampot niyang sahod.

"Boarding house, load, pangkain. . . padala kay nanay. Kulang pa, wala na ngang pang-savings." Napabuntong-hininga siyang tiningala ang forty storeys building. "Impossible ba talaga sa akin ang makapasok sa ganitong kompanya?"

Noong natapos niya ang una niyang kontrata, dapat ay nakatanggap na siya ng annual increase pero sa halip puro lamang pangako ang narinig niya samantalang ang workload niya ay lalong nadadagdagan sa paglipas ng panahon. Tumaas na lahat ng bilihin sa bansa, ganoon din ang singil sa kuryente at tubig, pati nga sibuyas nag-shoot-up na ang presyo pero ang sahod niya, kinalawang na at hindi nakausad.

Kumalam ang sikmura ni Alexa. Alas tres na pala at tanging isang mamon lang ang kinain niya para sa tanghali. Kaya pala nakaramdam siya ng bahagyang pagkirot ng ulo kanina sa interview. Nagpunta siya sa isang kainang nangangamoy mantika, nasa ground floor iyon ng isang lumang building na gawa sa kahoy, dalawang palapag na hula niya ay ginawang tirahan ng may-ari ng karenderya ang itaas, nakikita kasi niya ang nakatayong double deck bed mula sa nakabukas na bintana. Dinampot niya ang tong na nakalatag sa itaas ng plato at namili ng malaki-laking hiwa ng fried chicken.

"Manang, ba't ang liliit?" nakangiwi niyang tanong.

"Mahal na'ng kilo ng manok ngayon, Neng, wampipti na," walang kalatuy-latoy na sagot ng matabang tindera. Hindi man lang siya sinulyapan, patuloy lang sa pagsandok ng kanin. Napaismid siya, hindi tuloy niya mapigilan ang sariling suriin ang hitsura ng babae. Nagmamakaawa ang puti nitong t-shirt sa higpit, nabibilang na niya kung ilan ang layers ng bilbil nito sa kataawan, pati na iyong sa ilalim ng dibdib. Ang buhok nitong kulot ay basta nalang tinalian ng green na lastiko na feeling niya ay galing pa sa biniling bugkot ng gulay. Ang ilang hiblang nakatakas ay dumikit pa sa noo nitong nangingintab sa pawis.

"Ang pangit nga ng pagka-chop, o," she murmured na narinig ng tindera.

"Kung ayaw mong bumili, Miss, marami pa sa unahan," sabi nito na parang nainis na.

Napaismid siya, kinuha ang breast part at nilagay sa plato. "Ito na po sa akin, Manang. Pakilagyan po ng dalawang kanin." Abot niya sa platong pinaglagyan ng manok, tumalima naman ang tindera.

Pinili ni Alexa ang maliit na lamesang kulay pula sa sulok, malapit sa backdoor. Kahit maalinsangan dahil hindi natatamaan ng electric fan ang gawi na iyon, nagkasya na lang siya kaysa makipag-share ng mesa sa ibang customer, medyo napuno kasi ang karenderya. Pumikit siya. "Thank you for the food," at sinimulang tikman ang pagkain.

'Buti nalang breast ang pinili ko, at least makapal-kapal ang laman.' Tinanggal ni Alexa ang nakausling buto saka nginatngat ang manok. 'Ang laki naman ng butong 'to...hmmn?' Tinitigan niya nang mabuti ang butong hugis letrang Y at inikut-ikot sa daliri. 'Wish bone? Ganito ba ang wish bone?' Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. 'Wish! Let's see. . .mmm, wish bone, una sa lahat sana makahanap na ako ng trabaho. Sana at least man lang guminhawa ang buhay ko at ng pamilya ko.' Ibababa na sana niya ang buto pero may gusto pang humirit sa utak kaya, 'At sana. . .magka-boyfriend na ako!' Lihim siyang napatawa at napailing. 'Mukhang matindi ang gutom mo, Alexa, ikain mo nalang iyan.'

Nahinto ang pagnguya niya nang makita ang puting paruparo na dumapo sa handle ng kanyang bag na nakapatong sa lamesa, may dalawa din na naghahabulan palapit sa kanya. Sinundan niya ng tanaw  ang mga iyon hanggang sa umabot ang tingin niya sa kisame ng kainan. Namangha siya dahil lampas bente ang nakikita niyang lumilipad na paruparo. Napapalibutan nito ang buong sulok ng kisame at lahat ay maliksing kinakampay ang mga pakpak.

'Paanong nagkaroon ng ganito karaming paruparo sa loob?' Tiningnan niya ang mga tao sa paligid ngunit base sa kilos at kawalan ng reaksiyon ng mga ito ay mukhang hindi napapansin ng mga ito ang nakikita niya.

Nawiwirdohan man, pinili na lang niyang balewalain ang nasaksihan at muling hinarap ang plato ngunit napakapit siya sa mesa nang biglang yumanig nang malakas ang buong paligid. Dahil doon ay nagkagulo ang mga tao, pati ang mga sasakyang dumadaan sa labas ng karenderya ay naghintuan din.

"Lindol! Lindol! Humawak kayo!" Sigaw ng lalaking customer. Ang konkretong poste na nasa harap lang ng karenderia ay natumba. Sa lakas niyon ay hindi na nila nagawang tumakbo pa palabas ng gusali dahil kahit isang hakbang ay hindi nila magawa kaya nagkasya na lang sila sa paghawak sa anumang matitigas na bagay para hindi mabuwal. Ang tindera ay pinipigilang bumagsak ang estante nitong pinaglagyan ng plato at baso.

Napatingala si Alexa nang lumangitngit ang kisame, pagkagimbal ang sunod na bumalot sa kanyang mukha. By instinct, agad siyang yumuko at itinabon ang mga braso sa ulo. Dahil tuluy-tuloy ang pagguho niyon, wala nang nagawa ang lahat nang tuluyan na silang matabunan ng parte ng gusali.

你也許也喜歡

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · 奇幻言情
分數不夠
33 Chs

The Destined Heiress Of Rabana

Mula sa pagkakaaksidente sa motor kasama ang nobyo ay nagising si Shine sa katauhan ng isang Liwayway na nagpanggap na lalaki sa makalumang mundo, malayo sa mundong kanyang nakagisnan, ang panahon kung saan wala pang mga gadgets, ang kapuluan sa karagatang Pasipiko, ang kapuluang tinatawag na Rabana. Sa katauhan ng isang prinsesang napilitang itago ang tunay na katauhan para lang matakasan ang mortal na kalaban na siyang nagnakaw sa kaharian ng kanyang mga magulang, napilitan si Shine na panindigan ang pagiging si Liwayway sa payo ng kanyang bodyguard na si Agila at hinanap sa mundong iyon ang kanyang nobyong si Miko subalit wala sa kanyang hinagap na magiging kanang kamay ito ni Prinsipe Adonis, ang antipatikong anak ng kanyang mortal na kalaban. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahuhulog ang kanyang loob sa prinsipe subalit paano kung malaman ng binatang ang hinanap ng ama nitong tagapagmana sa kaharian ng Rabana ay walang iba kung hindi siya sa katauhan ni Liwayway? Ano ang gagawin niya upang bumalik ang alaala ng kanyang nobyong si Miko at tulungan siyang makagawa ng paraan para makabalik sila sa kasalukuyang panahon? Makakaya ba niyang bumalik kung ang lalaking kanyang minamahal ay naroon sa panahong iyon? Handa ba siyang ipagtanggol ni Prinsipe Adonis mula sa ama nito o tuluyan siyang tatalikuran ng binata kapag nalamang mortal silang magkaaway? Subaybayan ang pakikipagsapalaran ni Shine bilang si Liwayway sa makalumang mundo.

Dearly_Beloved_9088 · 奇幻言情
分數不夠
34 Chs

THE REJECTED WIFE

Mira Hatake, a member of the Hong Clan, was forced to marry Zeid Chen, the grandson of the second-famous clan's leader. Because of her kind heart, she wasn't able to say no to the offer. She thought that it was her responsibility to serve her clan, even if it meant throwing her happiness away. But seeing Zeid for the first time and knowing his character, she immediately knew that everything would not work out so easily between them. Despite this, she tried to talk to him, trying to smoothen their relationship. Zeid, however, hates how she just accepted their situation. He gave her a hard time. Ignoring her or, at times, hurling insults at her. He's forward about his feelings towards her, even though he knows that he will hurt her feelings. Their relationship gets even worse when bad events keep coming into their lives. Will they realize something important about their relationship? Or will they just accept their fate?  ~~~ Follow Zeid and Mira's chaotic life. Betrayal, uncertainty, love, and other emotions in one novel that takes place in a historical place where monsters, powers, and arrangements of marriages to prevent wars and feuds are all normal! By YANGANDFREE [still in progress |editing&proofreading|] A/N: The editing is a little bit troublesome for me but I will try to translate the book as much as I can (I'm not good at English so bear with me). And also, I will continue the story and re-read the story to remember the plot and characters. I seriously have bad memory. Thank you for everyone's consideration~ Happy new year everyone ~ This book is not progressing at all so I decided to finish it once and for all after a few chapter. Happy reading!

Yangandfree · 奇幻言情
分數不夠
41 Chs

評分

  • 全部評分
  • 寫作品質
  • 更新穩定度
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景
評論
哇! 如果您現在填寫評論,您將會是第一個評論的人!

鼎力相助