webnovel

Chapter 10

FRIDAY @ School

Nakasimangot na pumasok si Yasumi sa eskwelahan.

Napansin ito ni Akaza at Aikoh but since in the midst of discussion na sila nung pumasok si Yasumi, di na muna nagtanong si Akaza.

Lunch break, di sumabay si Yasumi sa kanilang dalawa ni Aikoh.

"Aikoh, pakiramdam ko may problema girlfriend mo," Nang umalis si Yasumi, nilapitan ni Akaza si Aikoh.

"I know," Simpleng sabi ni Aikoh bago tumayo at sinundan si Yasumi.

Nagpalabas ng isang sigh si Akaza. Di naman mapigilan ni Akaza sarili niyang isipin ang isang imahe ng lalake na may pagkachildish ang mukha at unique set of eyes.

Hinanap ni Aikoh si Yasumi sa buong skwelahan. Naglibot libot na siya kung saan saan pero nakita niya lang si Yasumi nang nagpunta siya sa soccer field.

Magisang nakaupo si Yasumi sa lugar kung saan sila kumain kahapon.

"Napakaiyakin mo talaga,"

Nagulat si Yasumi ng biglang may nagsalita sa kanyang likod. Dali dali niyang pinunasan luha niya to hide the fact na umiiyak siya.

"Ako na," Umupo sa tabi niya si Aikoh.

Natigilan naman sa pagpupunas ng luha si Yasumi ng hawiin ni Aikoh ang buhok na nakatabon sa mukha niya papunta sa likod ng kanyang tenga bago punasan ni Aikoh luha niya gamit ang isang panyo.

"Ano ba kasi problema mo babe?" Tanong ni Aikoh habang nakatingin kay Yasumi.

"Wala to babe," Sagot ni Yasumi.

"Finally, tinawag mo rin akong babe na tayo lang dalawa, hehe" A casual remark with a giggle at the end but this part made Yasumi's heart skip a beat.

"Tumatawa ka pala?" Tanong ni Yasumi habang nakatingin kay Aikoh na tila ba she's watching a rare phenomenon.

"I'm still a human somehow, I just don't have enough reason to laugh," Aikoh answered with a smile.

"And now?" Yasumi asked.

"Siguro enough kanang reason for me to smile," A casual remark from Aikoh that made Yasumi's heart rate rise.

MEANWHILE

"So hindi ka talaga bata?"

"Nope, It's just that I'm bored, di ko aakalain na hahanapin ka pala ng isip ko pagkatapus nang first meeting natin sa play ground,"

Sa kasalukuyan, dalawang tao ang naguusap sa isang coffee shop di kalayuan sa Windfall University. Isang babae at tila isang batang lalaki.

Sa gitna ng kanilang paguusap, nagulat ang 'batang' lalaki nang may maramdaman siya. Nang mapagtanto niya ang nangyayari, ngumiti siya.

"Malapit na," Bulong niya sa kanyang isip.

"Huy anong nginingiti ngiti mo jan ha? You haven't said your sorry yet," Biglaang pagsapaw ng babae.

"Ah? Eh~ wala to," Sabi ng 'batang' lalaki habang nagkakamot ng kanyang batok.

SOCCER FIELD

Nakasandal sa balikat ni Aikoh si Yasumi habang kinukwento niya lahat ng nangyari paguwi niya kagabi.

"Alam ko na ang gagawin," Sabi ni Aikoh habang nanunuod sa mga naglalaro ng soccer.

"Anong gagawin mo?" Tiningnan ni Yasumi si Aikoh with her confused eyes.

"Let me meet your parents," Simpleng sagot ni Aikoh na nagpataas ng heart rate ni Yasumi.

"ANO?" Gulat na tanong ni Yasumi.

She was about to protest but the next thing she knows, nakasakay na siya sa sasakyan habang katabi si Aikoh sa backseat.

After nang class nila sa hapon, tatakas sana si Yasumi pero para namang kabuti si Aikoh na sumusulpot kung saan saan.

"Anong gagawin natin sa bahay namin?" Kinakabahang tanong ni Yasumi.

"I'll talk to your parents, of course," Simpleng sagot ni Aikoh.

"A~anong sasabihin mo sa kanila?" Yasumi's heart is pounding. Di naman sa di siya papayagan magkajowa ng parents niya pero first time niya magdala ng jowa sa bahay nila. Kinakabahan siya sa magiging reaction ng parents niya.

"Relax babe, akong bahala," Aikoh spoke before ginulo buhok ni Yasumi.

A few minutes of ride, nakarating sila sa kung saan nakatira si Yasumi.

"Pasensya kana samin ha, medyo masikip. Wala kasi kaming sariling bahay," Sabi ni Yasumi kay Aikoh. Nakatayo sila ngayon sa entrance ng squatter's area.

Napakadaming tao.

May mga batang naglalaro, may mga ginang rin na nagchichismissan, meron ring gumagawa ng mga monkey bussiness at iba pa.

"It's the exact opposite sa tinitirhan ko pero I don't mind," Sabi ni Aikoh na nagpagiggle kay Yasumi. One must remember na sa cemetery district nakatira si Aikoh. A very weird place to stay.

Naglakad sila papasok ng squatter's area habang pinagtitinginan  si Aikoh ng mga tao dahil sa subrang putla nang kanyang balat. Aakalain mong bangkay na naglalakad.

After a few minutes of walking, nakarating sila sa isang bahay na gawa sa plywood at nipa.

"Andito na tayo," Huminga muna nang malalim si Yasumi bago siya nagsalita.

"So ano pa inaantay natin?" Sabi ni Aikoh habang nakangiti. Iba talaga dating ng ngiti ni Aikoh para kay Yasumi. Nagulat si Joakim ng nakita niyang nakangiti si Aikoh. Bihira lang itong mangyari, kasing rare ng mga phoenix and dragons!

"Ma~ Pa~ may gusto pong kumausap sa inyoooo~" Tawag ni Yasumi sa parents niya.

"Oh~ Sino ba anak?" Isang boses ang sumagot mula sa likod bago pumasok ang isang middle-aged woman na may bahid pa ng sabon ang mga kamay.

Kung titingnang mabuti, may pagkakahawig si Yasumi sa babaeng ito. This must be her mother.

"Ma~ asan si papa? May bisita tayo eh," Sabi ni Yasumi.

"Ah~ may ginagawa lang sa likod anak," Tiningnan muna ng mama niya si Aikoh bago siya sumagot. Di na kailangan ng introduction para malaman niya na ang malabangkay na binata at ang matandang may smiling face ang bisita nila.

"Mano po," Lumapit si Aikoh and asked for the mother's hand para mag mano.

Pinunasan muna ng mother ni Yasumi ang kanyang kamay bago niya inabot kay Aikoh.

"Bless you," Nakangiting sabi nang ina ni Aikoh.

"Ano ba pangalan mo iho?" Tanong ng ina ni Yasumi.

"Ako po pala si Aikoh Jūkichi, at ito naman po si Joakim, siya po nagiisa kung kasama at nagalaga sakin mula pagkabata," Pagpapakilala ni Aikoh.

Simula nun, di na natapus usapan ng dalawa. Nagkukwentohan na sila ng kung ano ano, kasama na dun ang buhay ni Yasumi nung bata pa siya.

Ilang minutes dumaan, biglang pumasok ang isang middle-aged man na medyo mapayat at may iilang white hair sa kanyang ulo mixed with his black hairs..

"Anak~ bat di mo naman sinabi sakin na may bisita pala tayo?" Tanong ng papa ni Yasumi nang makita niya si Aikoh at Joakim na nakikipag kwentohan sa asawa niya.

"Tinawag po kita kanina tay, di mo lang narinig," Yasumi spoke with a pout

"Hahaha~ Ganun ba?" Tanong niya. "Eh ano ba maipaglilingkod namin sa inyo iho?" Tanong nang father ni Yasumi kay Aikoh.

"Mano po," Nagmano muna si Aikoh bago nagsalita.

"Gusto ko po sanang malaman kung papayag ba kayo sa relasyon namin ng anak nyo ho," Direchong sabi ni Aikoh.

Natahimik naman ang buong bahay.

"Hahaha, direct to the point and decisive. Gusto ko yan pero bakit naman kami papayag?" Binasag ng papa ni Yasumi ang katahimikan sa bahay.

"Dahil importante po saakin ang anak niyo, at dahil dito, nakakasiguro akong maaalagaan ko po siya," Aikoh answered dierctly.