webnovel

A Love Like Hell (Completed)

(A Filipino Novel) As best friends, both thought they know each other well- the one longing for romance and the other trying to prove himself. But what if both find something deeper from one another that can possibly change what they have right now?

Cami_Ada · 现实
分數不夠
20 Chs

Chapter 6

Jade's Point of View

"...i'm gonna head to the theatre club now." Paalam ni Ruben.

"O-Oh. Sure, bye." Yun lang nasabi ko at umalis na siya. Napatingin lang ako sa kanya habang papalabas na sya ng pinto ng classroom.

It's been like this for weeks now. Sumali sya sa theatre club without telling!!-- well, not like he needs to pero i'm his best friend right? Pakiramdam ko parang malayo na talaga si Ruben sa akin.

"Woah, you guys are acting like those couples that's about to break up." Biglang salita ni Bella sa'kin.

"What!? Sinabi ko na sayo dati na hindi nga kami magjowa ni Ruben." Sabi ko sa kaniya.

Napangiti lang si Bella at isinuot na ang bag nya. "I know, sinasabi ko lang. See ya tomorrow!" Then umalis na rin sya sa classroom.

Napabuntong hininga na lang ako at umalis na din sa classroom. As i got to my locker, napangiti ako dahil pagkabukas ko may panibagong supresa nanaman si August para sa akin. He gave me a small box of heart shaped chocolates. Meron ding sticky note na nakadikit dito. He said that 'You should smile more often.'

Kumuha ako ng isang piraso at kinain ito. It's so sweet! Then it had this strawberry filling na mas lalong nagpasarap sa tsokolate nito.

"Thanks August, you're the best!" I whispered while munching on another chocolate.

Sana naman magpakita na sa'kin 'tong si August para majowa ko na sya-- char! Hahahaha! Pero seriously, i wish i can see him already and thank him for all the gifts he gives me this past weeks.

Habang naglalakad, napatingin ako sa pinakadulong pintuan sa hallway. Alam ko doon ang theatre club eh. Gusto ko sanang silipin si Ruben sa ginagawa nya at para mabigyan ko din sya ng chocolate na 'to, kaso nagdadalawang isip ako. Mamaya ayaw nya pala ako makita.

I continued to walk away. But as i realized that i kinda miss hanging out with him, i suddenly turned around and went straight to that club. At nang nasa harapan ko na ang pintuan ng theatre club, medyo nagdadalawang isip pa ako kumatok.

The hell with this, ba't kinakabahan na 'ko dahil kay Ruben? Si Ruben lang naman yan! Nang dadapo na ang kamay ko sa pintuan para kumatok, napahinto ako dahil biglang nagflash sa isip ko na ang mukha ni Ruben na naiirita.

Magagalit kaya sya kasi nandito ako?

Binaba ko ang kamay ko at aalis na lang sana ulit nang biglang bumukas ang pinto ng club. Nagkatinginan kami nung lalaki na lalabas pa lang sa club na 'to. "Uhm, hi? Do you need something?" Tanong nya.

"U-Uhh, ano... uhh..." putek! Aalis na sana ako eh!

"Hm?" Shet, ang awkward naman kung sasabihin ko na aalis na lang ako. Pero... tanungin ko na kaya sya tungkol kay Ruben? Tanungin ko lang sana kung busy si Ruben.

"I-I uhh... um... is Ruben-- " then i was cut off when someone suddenly showed up looking for this guy i'm talking to.

"Neil, sabi ni pres pahiram daw ng microphone." And it was actually Ruben.

"Mamaya na pre, may kausap ako dito." Sagot ng lalaki na 'to. And as both of their eyes landed on me parang gusto ko na maglaho.

Nagkatinginan kami ni Ruben, nagtaka ang hitsura nya ng makita ako. "Jade? Ba't ka nandito?" Di ako nakasagot kagad dahil umepal naman 'tong Neil na 'to.

"Woah, is this your girlfriend Ruben? Ikaw ah~ di ka man lang nagsasabi na may cute girlfriend ka." Namula ako sa nasabi ng lalaki na 'to. Cute? Ako!?

But Ruben began to deny it. "No she's not, she's my friend." I automatically pouted when i heard him say that i'm just his friend. Gusto ko sabihin sa kanya na "i'm your best friend! You forgot to add the word 'best'! It's best friend, not friend!!!"

Lumaki ngiti nung Neil at naglahad ng kamay nya. "Dapat kanina mo pa sinabi! Hi ulit, ako nga pala si Neil Sanchez! Kasama ako ni Ruben sa club na 'to, can i know your name?" Napakindat pa sya sa akin.

"Uhh, the name's Jade Garcia-- kakamayan ko sana si Neil ng kunin ni Ruben ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"Umalis ka na nga Neil, kunin mo na yung mga props na pinapakuha ni pres." Bigla naman nagsungit si Ruben kay Neil.

Napanguso lang si Neil. "Tch, ang kj naman nito. I was just trying to get to know her better..." nang mapatingin sa akin si Neil ay ngumiti nanaman sya at kumindat sa akin. "...anyways, see you later Jade!" At umalis na din sya sa wakas.

Nang kami na lang ni Ruben ang naiwan, tinanong nya ako as expected. "So what are you doing here Jade?"

"Tsk, ito oh." Tas nilahad ko sa kanya 'yung box ng chocolates na binigay sa akin ni August. Napataas ang kilay nya dito.

"Saan mo naman nakuha yan?"

"Binili ko, kumuha ka na." I offered. Tas kumuha naman sya ng marami at kinain ito. "Ito lang ba pinunta mo dito?" Damn that cold attitude of yours. Inirapan ko sya at inilayo na yung box dahil malapit na nyang makalahati yung laman.

"Yayayain sana kita magmeryenda sa mall, kaso wag na lang pala." Then i heard him chuckle.

"Miss mo na 'ko noh?" Sa nasabi nyang 'yan, my eyes kind of teared up. Napayakap na lang ako sa kanya bigla.

"Bwisit ka talaga!! Malapit na talaga kita masapak kasi di mo na ko pinapansin!! Lagi ka na lang kasi nag-aaral or busy sa club na 'to!!" Pasimple kong pinunas yung luha at sipon ko sa uniform nya bilang ganti sa di nya pagpansin sa'kin hehe.

Then he suddenly sighed and messed my hair up. "Akala ko din ayaw mo na sa'kin, lagi mo na lang ako sinusungitan eh. Kaya i decided to give you some space."

Ahh... akala ko din ayaw nya na sa'kin dahil iniiwasan nya ko. Sinuntok ko sya ng mahina sa sikmura. "Tss, panget mo kasi!" Biro ko.

Ayaw ko din kasi sabihin sa kanya kung bakit ako nagalit sa kanya. I really hate the fact that he was keeping secrets from, tas bigla na lang din sya sumali sa club na 'to kaya di na kami masyadong magkasama. Mas lalo akong nagalit dahil parang pinapabayaan nya na ang pagkaibigan namin.

But i'm so stupid to assume things like that. Even though it felt like we were drifting apart, he still cares about me as his best friend. So i guess i'm letting this slide since meron din akong sikreto.

"What the!? Jade!!! You covered my uniform with your snot!!" Reklamo ng nakita nya uniform nya.

Napangisi ako at binelatan sya. "Pinaiyak mo ko kaya ginawa kitang panyo! Be grateful na lang dahil pinatawad na kita." Sagot ko.

He gave me an annoyed look pero napangiti na lang din sya sa akin. "Fine... so, wanna hang out this saturday?"

Lumaki ngiti ko. "Hell yeah! Libre mo ah!"

"Lul, dala ka ng pera mo!" Damn, i miss this.

"Eeeeh, Ruben naman!"

"Libre ko na sana kaso pinunas mo pa sa'kin sipon mo!"

"EH!? Sorry na! Libre mo na kasi-- then our moment was interrupted by someone.

Ruben's Point of View

   

Magsasalita pa sana si Jade ng biglang may umepal. And guess who the hell it is!

  

"Tsk, Ruben! Hinahanap ka na ng lahat tas nandito ka lang pala!" Si miss clean freak, a.k.a. Eliza Rodriguez. Everyone in the club is nice and friendly, all except her. And just like Jade ewan ko kung ano ginawa ko sa babae na 'to at inis na inis sya sa'kin.

  

"Can't you see i'm in the middle of a conversation here?" Tas nang mapatingin sya kay Jade, nagbago ang masungit nyang mukha at naging mabait. "Are you a friend of Ruben?"

Wew, bipolar ata ang babae na 'to.

 

"Uhh yeah." Sagot ni Jade. It seems that she's quite surprised to meet miss clean freak here.

  

"Can you just visit him some other time? Kailangan pa po namin magpractice para script reading. You see, may deadline kami kaya kailangan na ni Ruben bumalik sa loob."

 

"Ah, it's okay! See you later na lang!" Paalam ni Jade with a huge smile on her face. Pagkaalis nya ay napasimangot lang ako dahil ang epal talaga itong si miss clean freak.

  

"You could've just waited a few more minutes, kinakausap ko pa kaya sya." Sabi ko sa kanya.

 

Ngumisi si clean freak, and i swear, kung hindi lang sya babae nasapak ko na sya dahil nakakairita sya tignan. "Bakit? Girlfriend mo ba 'yon? Did i ruined your sweet time with her?"

 

I've been getting these kind of assumptions lately. Karamihan ina-assume nila na girlfriend ko si Jade. Well we're practically engaged by our parents so calling Jade my girlfriend isn't any different-- but then again, di nya alam 'yon.

Shrugging the random thought, sinagot ko si clean freak. "It was just a normal conversation okay? Ngayon ko lang din sya naka-usap dahil medyo busy ako.

 

"Pfft. Sa ibang oras mo na lang landiin girlfriend mo! Dahil pag oras ng theatre club dapat ituon mo ang oras mo sa pag practice kung ayaw mong bumagsak ka sa art subject mo." Bitter lang? Napa-iling na lang ako sa babae na 'to.

  

Habang nagpapractice, naisip ko na lang si Jade. Maybe ililibre ko na nga lang sya pagdating ng Sabado para makabawi ako.

  

Jade's Point of View

   

Naalala ko kahapon nung na-meet ko ang secret girlfriend ni Ruben. At first, akala ko masungit sya pero when she talked to me mukhang mabait naman sya. She's also kind of pretty at bagay naman silang tignan ni Ruben.

 

Nangiti lang ako dahil gusto ko talagang asarin si Ruben sa girlfriend nya, kaso di nya alam na alam ko ang sikreto nya hahaha!

  

Nang maayos ko na ang sarili ko, bumaba na ko sa salas at naghintay na lang sa busina ng school bus ko. But unfortunately, dad was also there having his coffee. Usually maaga syang umaalis ng bahay dahil marami syang inaasikaso sa trabaho nya, pero mukhang di sya busy ngayon.

   

When he saw me wala man lang akong narinig na goodmorning, nagpatuloy lang sya sa paghigop ng kanyang kape at sa pagbasa ng mga emails sa phone nya.

  

As i sat down with him, kinuha ko na lang ang phone ko at nagcheck ng newsfeed ko. Then unexpectedly, he talked to me! "So how's school lately?"

 

"A-Ah, okay naman po." Sagot ko.

  

"Good to hear." Then that was it. The end of our conversation. But this is how we really are.

  

We may be related, but we're both strangers to each other. Thank God when i finally heard the bus from outside. Nagpaalam ako kay dad at lumabas na ng bahay.

And like my usual days, school is boring. Then medyo busy si Ruben sa pag-aaral, and especially sa theatre club. Pero makakasama ko naman sya nitong Sabado.

"I'm gonna head to my club now, bye." Paalam ni Ruben. When he left, i kinda felt sad again.

I can't help but feel lonely when he's not around.

  

"So nagkaayos na kayo ni Ruben?" Biglang tanong ni Bella.

  

Napatingin ako sa kanya. "Uh yeah, bakit?"

  

Ngumiti lang sya. "Wala lang. Byeee!" Tas umalis na rin sya. Bella is such a weird girl. Not that i'm assuming stuff about her, pero parang nakasubaybay sya palagi sa sitwasyon namin ni Ruben.

   

After that, dumiretcho na ko sa locker ko. Parang napawi ang lungkot ko dahil alam kong may supresa nanamang inihanda si August para sa akin. And when i opened my locker, merong letter na kulay blue at isang candy rose na kulay pink.

Tinignan ko yung candy at may note na nakapalawit rito, it says   I hope you had a nice day  -- August   with a smiley face on it. Tinignan ko naman yung letter nya at nanlaki mata ko sa nabasa, it's just that i couldn't believe it.

He literally just said:

  

Meet me on the rooftop.

 

Nagmadali akong pumunta sa rooftop kung saan makikita ko na si August. And as i got there, my heart began to pound as fast as the wind. Nakita ko syang nakatalikod sa akin at nakatingin lang sa mga ulap sa langit.

  

Oh my gosh, pakiramdam ko parang nasa anime lang ako sa ganitong set up. Unti-unti akong lumapit sa kanya habang pinagmamasdan ang likod nya. I faked a cough and he suddenly turned around to look at me.

  

And i couldn't believe it. This guy... oh my gosh!

He smiled and gave me a pink rose. "I was worried that you won't show up."

 

So he's August?

  

"W-Why did you want to meet me here?" Tanong ko.

  

He chuckled and took my right hand. "Isn't it obvious?" Tas bigla nyang hinalikan kamay ko!!

 

"Wha-- !" Binawi ko ang kamay ko at napalakas ang tawa nya. "Did i scare you? I'm sorry. I just thought you would be okay with it." Napakamot pa sya sa kanyang ulo.

  

I felt quite uneasy, i never expected August to be like this. I thought August would be a gentleman or the calm and reserved type. At mas lalong di ko ineexpect that August would turn out to be--

"Let's get straight to the point, why did you call me here Leroi?" I asked him.

  

From a face that you can't take seriously to a serious one, he confessed with all sincerity. "Jade Garcia, i called you here because i want to tell you this... I like you."

  

to be continued