webnovel

Chapter 17 : Room Of Dolls

A Killer's Steps

Chapter 17 : Room Of Dolls

AUTHOR 'S POV

Samantala....

Kanina pa nababahala si Umji sa kaligtasan niya. Alam niyang di siya ligtas mag isa, pero kailangan niyang manatiling buhay para sa pagbabalik ng mga kasama

"Summer....." nanginig na siya ng tuluyan nang marinig niya ang nakaka-kilabot na boses ng isang babae. Agad siyang lumingon sa likod at nanginginig na inilawan ng flashlight pero tanging yung piano lang ang nakita niya

"S-sino k-ka?!" nauutal pero pasigaw at buong loob na isinigaw ni Umji pero walang sumagot sa kanya

Nagulat siya nang marinig niyang magisang tumutunog ng piano ng tugtog na di niya maintindihan  kung ano ang tunog pero napakaganda at nakakarelax na tunog

Kinakabahan at naginginig niyang nilapitan yung piano

Dahan-dahan niyang nilapit ang kamay niya sa isa sa mga tiles ng piano at dahan dahan nang nakapikit niyang pinindot yun.

Pagkapindot niya ay kasabay ang pagtigil sa pagtugtog sa piano

Napahinga siya ng maluwag nang magtigil ang piano marahan siyang napahawak sa dibdib niya at naghabol ng hininga

"Ahhh~!" Malakas na sigaw niya nang isang malakas, nakakarindi at mabilis na balibag ang ipinarinig sa kanya na nanggaling sa piano

Halos maiyak niya siya habang paatras pero agad niyang pinunasan yun. Kailangan niyang maging matatag, kailangan niyang manatiling buhay

Pero di niya alam kung magagawa ba niya

Nanigas siya nang makarinig muli siya

Pero hindi na piano ngayon, isang music box

Nakakatakot na tunog ang lumalabas sa music box na yun. Nanginginig niyang nilingon yung music box na may sumasayaw na mangkukulam

Ang creepy pero tama. Isang Itim na mangkukulam. Yung may hawak na stick na halatang makapang-yarihan at para siyang ballerina

Wala sa sariling Dahan dahan nilapitan ang music box. Sinasabi ng isip at puso niya na wag lumapit pero yun ang sinasabi ng katawan niya

paulit ulit siyang umiling kasabay ang pagtulo ng luha niya pero di siya sinusunod ng katawan niya. Tila ba ay may sariling isip ito na patuloy na lumalapit sa music box na yun

Hanggang sa tumigil ang music box kasabay ang paghinto mg katawan niya. Napahinga siya ng maluwag nang tumigil nga.

Tumalikod siya pero nagulat siya sa nakita niya. isang babaeng nakaitim

"Ahhh~" tili niya kasabay ang pag atras niya. Kasabay ang pagdampi ng paa niya sa isang sinulid.

Di niya alam na ang dulo ng sinulid na yun at isang mahabang kutsilyo sa ulohan niya. Kaya sa pagdamping yun ay ang kasabay ng paglaglag ng kutsilyo sa ulo niya

YERIN POV

*Bzzt Bzzt

Bigla akong nanlamig ng walang dahilan. Heto na ba? Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko sa naiisip ko. Sigurado ako, base na sa kabang nararamdaman ko ngayon

"Yerin? Ok ka lang?" Nilingon ko si Ate Wish at ang buong barkadang nakatingin sa akin. Agad kong pinunasan yung luha ko saka ako ngumiti sa kanila ng mapait. Nilapitan naman ako ni Star

"Ate Ayos ka lang? Umiyak ka?" Umiling ako sa tanong ni Star saka ako humarap kay Sugar

" pwede bang ilabas mo ang cellphone mo?" tanong ko kay Sugar bahagya siyang tumayo saka niya inilabas yung cellphone niya at ibinigay sa akin

Tuluyan akong napaiyak sa nakita ko

"lil sis! Ok ka lang?" nag aalalang tanong ni Big bro pero umiling ako

"Walang signal" umiiyak na sabi ko kasabay ang pagkunot ng noo nilang lahat

"E ano naman ngayon kung walang signal? Bat mo iniiyakan yun?" nagtatakang tanong ni Rhey pero umiling ako

"Nagtext na?" sabay sabay silang napatingin kay Theo na tinatanong ako. Bahagya ang tumango kasabay ang pagyuko ni Theo at buntong hininga

"Sino? Sinong magtetext? E wala ngang signal?" tanong ni Eujin Pero umiling lang ako

"H-hinde. N-nagtext na yung palatandaan para malaman natin kung sinong mamamatay" sabi ko kita ko naman ang takot sa mga mata niya pati ang panginginig ni Sugar. Tingin ko alam na niya

"Si Umji...." mahina at naluluhang sabi ni Yuju kaya napatango ako habang umiiyak. Wala nang dahilan para tignan ko pa ang cellphone ko. Alam ko na kung sino ang namatay, yung taong wala at di namin kasama ngayon

Si Summer Jiyah Reyes. Our Baby Umji

"Aughh~!" malakas na hiyaw ni Sugar kasabay ang malakas na suntok niya sa isa sa mga kabaong na nadirito sa Lugar namin ngayon

"Putang*na Mo! Sino kaba ha?! Sino ka?! Bat mo kami inuubos isa isa?! Gago ka! MAGPAKITA KA SA AKIN! DI AKO NATATAKOT SAYO! PITANG INA MO! SH*T! MAGPAKITA KA! AKO ANG HARAPIN MO!" Malakas na sigaw ni Sugar. Patuloy siyang pinapakalma at pinapatigil ng ibang lalaking kasama namin habang wala kaming nagawa bilang babae kundi ang umiyak para kay Umji

Wala na siya. Wala na ang bunso namin

Wala na ang makulet pero tahimik naming bunso

Wala na ang sweet at lagi kong hinahalikan noon

Wala na....

"Pwede ba?! Wala tayong mapapala kung puro kayo drama! Kailangan nating hanapin ang daan para maka alis dito! Baka lalo tayong maubos isa isa pag nagtagal tayo dito!" sigaw ni Theo kaya marahan akong tumango at tumayo

"Tama si Theo. Kailangan na nating umalis" malakas ang loob na sabi ko. Sabay sabay silang napatingin sa amin saka sila yumuko at tumayo. Napangiti naman ako kung paano sila tumayo saka ngumiti

Kaya namin to!

***

Paglabas namun sa room ng mga kabong kung saan namin nakita si AtE Wish ay naglakad kami sa pasilyo. Masyadong madilim kaya flashlight ang ginagamit namin

"Shit were doomed! Wala nang daan!" Inis na dabi ni Big bro kaya agad kong inilawan kung nasaan kami

"Hinde pa. May Apat na Pinto" sabi ni Rhey kaya sabay sabay naming inilawan kung nasaan siya naroon. Tama siya, May apat na pinto pa na nakatambad sa amin

"Ang kailangan lang nating gawin ay hanapin kung saan dyan ang tamang pinto" sabi ni Kuya EuJin kaya sabay sabay kaming napatango. Lumapit si Sugar sa isang pinto. Nagsitanguan kami kasabay ang pagbukas ni sugar sa pintong yun

Pagbukas ni Sugar ay pitch black ang sumalubong sa amin

Binuksan namin isa isa ang mga flashlight namin, pero nagulat kami nang biglang nagbukas yung ilaw

Napahinga kami ng maluwag nang makita naming si Wish pala ng nakangiti sa amin sa gilid kung saan niya nakita yung switch ng ilaw

Ngumiti kaming lahat sa kanya kasabay ang pagpatay namin ng mga flashlights namin.

Humarap kami. At nagulat kami sa nakita namin

Puno ng Manika

Sa gilid ay punong puno ng shelves ng manika. Kung bibilangin ay parang nasa 1000+ ang mga manikang nandito.

Pero ang creepy

Kasi nakatalikod lahat ng manika

"Bat nakatalikod?" tanong ni Star kaya nagkibit balikat kami habang umiikot yung halos buong ulo namin dahil sa dami ng mga manika

Wala sa sariling lumapit ako sa isa sa malapit sa akin na manika

"Yerin anong ginagawa mo?" sabi ni Yuju pero di ko siya pinansin at kinuha yung isang manika at iniharap sa akin

Marahan akong napangiti

Ang ganda ng manikang to

Napakainosente ng mukha at napakaganda ng pagkahulma. Itim ang damit niya or gown to be exact at itim ang iris niya. Maganda ang pagka-kurba ng labi niya at wavy ang buhok niyang brown at may sombrerong itim din

Kakaiba pero napakagandang manika

Lumapit naman ang barkada sa akin

"Wow ang gandang manika" sabi ni EuJin kaya medyo natawa ako

"Kaso di pink ang damit" pagtutuloy niya. Hay as always pink nanaman

as always to our eldest. he loves pink kahit lalaki siya. but we found in manly

Patuloy lang kami sa paglalakad nang biglang natumba si Star

"Ok ka lang?" tanong ko at tumango siya. Napatid lang pala siya sa isang.... Ugat?

Pilit kong binunot yung ugat pero ayaw. Napakunot naman ang noo ko at di nalang pinansin yun

Naglakas lakad pa kami medyo malayo pala ah. Oo ang layoooo

Maya maya pa ay nakarinig kami ng tunog. Pumasok pa kami sa loob. Kasi di pa gaanong loob tong napasukan namin. I mean parang pasilyo palang to

Nanigas kami sa kinatatayuan namin nang makita namin ang isang gumagalaw na rocking chair

"B-bakit G-gumagalaw yan?" mahina pero nanginginig na tanong ni Star habang tahimik lang yung iba

Lalong nanlaki ang mga mata namin nang biglang umikot yung upuan at pumaharap sa amin

"Anong nangyayari... " di patanong na sabi ni Rhey pero wala kaming imik

Napatakip ako ng bibig nang biglang lumutang yung upuan at unti unting umikot hanggang pabilis ng pabilis

Bigla kaming inilikod ni Theo

Kasabay ang malakas na paghagis sa amin nung upuan

Napapikit ako ng mata at hinihintay ang pagtama sa amin nung upuan

Pero ilang segundo na ang lumipas pero wala pang dumadampi sa amin. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nagulat ko sa nakita ko

Kitang kita ko kung paano tumigil sa harapan ni Theo habang lumulutang yung upuan. 1 inch nalang yung distansya at matatamaan na siya. Tinititigan niya yung upuan at pawis na pawis ang buong katawan niya. Habang lahat kami ay halos mapanganga na sa ginagawa niya. Hawak ko parin yung manika at halos mayakap ko na

Maya maya pa ay biglang bumagsak yung upuan kasabay ang pag upo ni Theo habang naghahabol ng hininga

"Theo!" sabay sabay naming sigaw saka namin nilapitan si Theo

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Kuya Eujin at tumango naman si Theo

Maya maya pa ay bigla kaming nakarinig ng footsteps

Mabibigat pero maliliit na footstep

At papalapit sa amin

"Ano nanaman yun?" nangingiyak na sabi ni Star

"Kailangan nating maging alerto" sabi ni sugar kaya napatango kami

Maya maya pa ay tumambad sa amin ang isang bata

Or...

Manika?

Maputi at halos kasing tangkad ng 10 years old na bata. Maputi at nangingintab ang porcelanang balat niya. Ang mata'y di kumukurap pero napaka amo ng mukha niya

Nakatitig ito sa amin ng masama

Kasabay ang pag ngisi nito sa amin

Hinawakan ko ang manggas ni Theo na tinanguhan lang ako na parang sinasabing 'Magiging ok din ang lahat'

Napatingin ako sa bata-manikang nakangiti na samin kasabay ang malakas at nakakarinding pag halakhak niya. Na biglang lumakas nang sabayan to ng iba pang halakhak. Parang di lang siya ang humahalakhak

"Ano ang mga yun?!" pasigaw na tanong ni big bro pero tanging tingin lang ang ibinigay namin sa kanya

Bigla naman akong nakaramdam ng pamamasa sa kamay ko kung saan hawak ko yung manika

"N-namamasa A-ang K-kamay k-ko. May tubig ata" nanginginig na sabi ko kasabay ang pagtinginan ng barkada sa kamay ko kung nasaan yung manika

"Yerin D-di lang basta tubig yan. Kundi dugo" sabi ni Yuju kaya nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa manikang hawak ko na nakatalikod sa akin

Bigla yung humarap na ngayon ay di na kaaya aya ang mukha

Dahil punong puno na ng dugo yung mukha niya

"Ahhh~!" malakas na tili ko saka ko tinapon kung saan yung manika

"HAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAH~!" malakas at nakakabinging halakahak ng mga manika. Kasabay ang sabay sabay na pagharap ng mga manika sa amin kasabay ang pagkamatay-sindi nung ilaw

"Umalis na tayo dito!" sigaw ni Theo kaya sabay sabay kaming tumakbo

Malapit na sana kami sa pintuan nang biglang natumba si Star

Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong nauna na yung iba na halos di ko makita dahil nga nagpapatay sindi ilaw. Nakangising lumalapit sa amin ng paunti unti yung nga manika

Natataranta kong nilapitan si Star

"Star! Star! Tumayo kana!" sigaw ko pero sunod sunod siyang umiling

"Di pwede Yerin" umiiyak na sigaw niya. Napatingin ako sa paligid ko at paunti unti nang lumalapit yung mga manika

Tinignan ko kung anong meron sa paa niya at nagulat ako nang makita kong naging malaking kamay yung ugat na nakita namin kanina. Kung saan napatid si Star

Lalapitan ko na sana yung paa niya nang bigla niya akong hinawakan

"Wag Ate! Umalis kana!" sigaw niya pero umiling ako

"Hindi pwede! Di kita iiwan!" sigaw ko pero umiling ulet siya

"malapit na ang manika. Di ka pwedeng mamatay unnie! Ikaw ang inaasahan nila! Nasayo yung mga mensahe"

*bzzt bzzt*

Nagulat ako nang biglang tumunog yung cellphone ko kasabay ang pangiti ni Star ng mapait

"I Think para sa akin ang message na yan. Iwan mo na ako Ate nagmamakaawa ako sayo!!" sigaw niya habang umiiyak pero umiyak lang din ako saka ako umiling

"Hindi pwede! Ililigtas kita! Di ka pwedeng mamatay!" sigaw ko pero tinulak niya ako dahilan para mapalayo ako sa kanya

"Ate! Alis na! Andyan na sila!" sigaw niya dahilan kaya mapatayo ako at humarap sa kanya

"Please Ate! Nagmamakaawa ako sayo" umiiyak na sabi niya. Malapit na ang mga manika.

Kaya umiiyak akong tumakbo papunta sa pintuan

Nang makarating ako nakita ko ang buong barkada. Agad kong sinarado yung pinto, kinuha kay SSugr yung kandado at kinandado yun habang umiiyak

"S-si Star?" nanginginig na tanong ni Rhey pero umiling lang ako sabay iyak

"Wala na siya....."

__________________

Hi guys! Sinipag nanaman ako hahha

My gosh addick na ako sa Fever

Napanood niyo na?

Mhayghad kung dipa panoorin niyo na!