A Killer's Steps
Chapter 14 : Die • 666
YERIN POV
"Yerin! " malakas na sigaw ni Yuju dahilan kaya mapatingin ang lahat sa akin at nahila ako ni Theo bago pa ako madumbo ng humaharurot na Kotse
"Hoy!" malakas na sigaw ni Theo sa kotse pero patuloy lang sa pag andar yun. Nakakapagtaka ang kotse na yun. Paano niya nagagawang bilisan ang pagpapatakbo ngayon ay halos nagkalat lahat ng tao dito dahil sa naganap na insidente?
"Yerin ayos ka lang ba?" agad na tanong ng mga kasamahan ko Nang makalapit sila sa akin. Napatango lang ako habang tinititigan yung kotseng papalayo. Kakaiba talaga ang kotseng yun
DIE•666
Yan yung nakasulat sa plate number ng kotse na nagpakilabot sa akin ng todo
***
Nasa Rooftop kami ngayon ng School habang pinakapakinggan namin ang paliwanag ni Jimboy. Si Rhey nandun siya sa ospital. Di namin namin sinisisi si Jimboy. Di niya to kasalanan. At alam namin na nakatakdang mamatay si Nisha. Pero Napakalaking unfair. Dahil masyado pa kaming bata. Bakit to nangyayari sa amin?
Lahat ng ito kasalanan ng Spirit of the glass na yan. Agad kong nilabas yung Spirit of the glass sa bag ko. Napatingin sila sa akin
"Nasayo pa pala yan?" Tanong ni EuJin. Napatango nalang ako saka ako tumayo habang bitbit yun
"Samahan niyo ako. Sunugin na natin to" sabi ko. Tumango silang lahat saka ako sinundan pababa ng rooftop at nagpunta sa likod ng school. Walang studyante dito ngayon at di namin alam kung bakit.
Kitang kita ko kung paano tinutupok ng apoy yung board. Pero imbis na gumaan ang pakiramdam ko ay bigla akong nanginig sa takot. Parang nakakarinig ako ng pagsigaw ng
'pagbabayaran mo to!'
Paulit ulit ang sakit sa tenga
"ahhhh!" malakas na tili ko saka ko tinakpan yung tenga ko. Pero paulit ulit na sinasabi yun. Malakas. Nakkakabingi! Ang sakit sa tenga. Iyak ako ng iyak habang sumisigaw ng napakalakas. Gulat na gulat silang lahat sa akin dahil bigla akong napaupo at sumigaw
"Yerin! Yerin!" malakas na sigaw ni Theo habang niyu-yug yug ako sa balikat. Humina yung Tunog. Saka lang ako nahimasmasan. Umiyak ako ng umiyak saka ako yumakap kay Theo
Natatakot ako. Di ko alam ang gagawin ko
"Hey! Hey Yerin! Listen to me ok?" napaharap ako sa kanya habang umiiyak wala ako sa sarili at takot na takot ako "Magiging ayos din ang lahat. Kaya natin to. Kaya natin to huh?" sabi niya sa akin habang tango lang ako ng tango. Lumapit lahat ng kasamahan namin saka kami niyakap. Iyak ako ng iyak pero pinapatahan ako ni Star. Na ngayon ay nakayakap na din sa akin
Maya maya pa ay nahimas masan ako. Saka naman ang biglaang pagdating ni Rheymond
Ang sama ng aura niya. Tumingin siya kay Jimboy
Nagulat nalang kami nang bigla niyang suntukin si Jimboy
"Walang hiya ka! Sinabi mo! Nangako ka na babantayan mo siya! Pero iniwan mo parin siya! Dahil sayo kaya namatay si Nisha!
Wala kang kwenta!" malakas na sabi ni Rhey habang binubugbog si Jimboy na ngayon ay naka corner kay Rhey at pinagsusuntok
Agad inawat ni EuJin at Sugar si Jimboy. Habang si Theo naman ay Pinatayo si Jimboy
Pero malakas si namjoon di siya papa awat. Parang gusto niyang patayin si Jimboy
"Jimboy Lumayo ka muna! Di na namin kayang hawakan si Rhey! Pakiusap!" malakas na sigaw ni Kuya EuJin. Nakita ko ang tulo ng luha sa mata ni Jimboy at Yuju
"Im sorry" huling sabi ni Jimboy bago siya umalis. Sabay sabay kaming napaupo nang makita naming nakalayo na siya. Si Rhey Iyak ng iyak
No wonder
Sila nga talaga ni Nisha
"Rhey ano bang nangyayari sayo?! Naintindihan ko na mahal na mahal mo ang kapatid ko pero walang patutunguan ang hinahawa mo! Sa tingin mo ba magugustuhan ng kapatid ko pag nalaman niya ang ginawa mo?!" galit na sigaw ni Kuya EuJin habang si Rhey ay naka upo parin at iyak ng iyak
"Sorry. Im sorry" tanging sabi niya. Napabuntong hininga lang kami
"Hanapin natin si Jimboy. Siguradong di pa siya nakakalayo. Saka ka magsorry sa kanya" sabi ni Sugar na nakahawak ngayon sa balikat ni Rhey. Ngumiti si Sugar na parang sinasabing Ok lang.
Palabas na sama kami ng gate nang biglang Nag vibrate ang cellphone ko kasabay ang pagbilis ng tibok mg puso ko
"G-guys" sabay sabay silang napatingin sa akin
"Ang Mensahe" Agad na someryoso ang mukha nila kasabay ang paglabas ko ng cellphone
'Saying Sorry Matters
But when he's gone, it doesn't matter'
Yan.....ganyan kasimple yung mensahe.
Nanigas kami sa kinatatayuan namin
"Si Jimboy" sabay sabay at mahina naming sambit saka kami agad na tumakbo
Naguunahan ang kaba sa dibdib ko habang nag dadasal ako
Maya maya pa ay halos malibot na namin ang buong school pero wala si jimboy
"wala rin kwenta pag ganito!" Hiyaw ni Umji kaya nagsitanguan kaming lahat
"Maghiwa-hiwalay tayo para mahanap natin si Jimboy" naiiyak na sabi Ni Yuju kaya sabay sabay kami napatango. At agad na tumakbo silang lahat. Tatakbo na sana ako nang hawakan ako ni Theo sa pulsuhan ko.
"Sasama ako sayo" sabi niya kaya napatango ako sa kanya at sabay kaming tumakbo
AUTHOR'S POV
Agad na sinipa ni Jimboy ang maliit na batong nakaharang sa dadaanan niya. Napakapa aiya sa mga pasa niya at napadaing naman siya sa sakit
Paulit ulit niyang pinalo palo ang ulo niya
Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari
Tumulo ang luha niya ng di ina asahan. Nasa Tabi siya ng kalsada ngayon at naglalakad lakad. Umupo siya sa malapit na bench
"Jimboy" napalingon siya nang makarinig siya ng tumatawag sa kanya
Nang wala siyang makitang tao ay bumalik siya sa tinititigan niya
Isang malaking bahay.
"Jimboy" muli siyang napalingon ngunit wala nanaman siyang nakitang kahit ano. Biglang bumuhos ang malakas na ulan na di niya inaasahan
"Jimboy" Nanigas siya sa kina uupuan niya nang maramdaman niya ang malamig na hininga sa tenga niya. Agad siyang tumayo at lumingon. Nagulat siya nang makita niya ang isang babaeng duguan at halos di nakilalang mukha. Napa atras siya ng kaunti.
Peep peep!
Di niya namalayan na may Kotse na palang paparating
Hanggang sa
Mahagip siya nun...
YERIN POV
"Hala grabe naman!"
"Oo nga e tsk"
Agad kaming sumiksik ni Theo sa mga taong nagkukumpulan.
Tumulo ang luha ko nang makita ko si Jimboy na isinasakay sa ambulansya habang duguan. Tama ang hinala ko
Napatingin ako sa kotse na yupi yupi. Babae ang nag da drive at nandun pa siya na duguan at nakasubsob sa manibela
Wala sa sariling lumapit ako doon. Agad kong inangat ang ulo ng babae
"ahh!" malakas na tili ko nang makita ko ang mukha ni
Rica?
Napapikit ako. Pero maya maya ay napamulat ulet ako. Pero nagulat ako nang wala na akong nakitang tao
"Oo mare! Nakita ko! Walang driver ang sasakyan na yan kanina? Nakapagtataka!" dinig king bulong ng isang babae
"Maam! Di po kayo pwede dito!" sigaw nung Police saka ako inilayo sa kotse
Pero paanong?
Paanong nangyari yun? Wala na si Rica
Matagal na!
alam kong nasa sasakyan siya kanina
Paano siya napunta doon?!
At walang driver ang sasakyan?
Siya ba?!
Siya ba ang dahilan kaya kami namamatay isa isa?!
Bakit?!
Agad aking hinila paalis ni Theo at nagpahila nalang ako. Bago kami nakalayo ay sumilip muna ako sa kotse
Nagulat ako nag makita ko ang kakaibang bagay. Ang plate number
DIE • 666
__________
Ud ulet